Télécharger l’application
64.51% The Dieties Heiress / Chapter 20: Chapter 20: Birthday

Chapitre 20: Chapter 20: Birthday

Kevin's POV

Ilang araw ko naring hindi nakakasama si Sam at dahil iyon sa Maverick na iyon.

Nagpakilala sakanya si Maverick at napag alaman nitong sa tabi lang ng bahay niya ito nakatira kaya pala parang familiar ito saakin, kasakasama nga pala ito ng isa sa mga sinampal ni mabait na Sam.

Sinipa ko ang maliit na bato na nakita ko saaking harapan habang naglalakad.

"Tst! Parang di niya ako kaibigan." bulong ko sa hangin saka ko muling sinipa ang isa pang batong nakita ko sa daanan ko.

Palabas na ako ng gate ng Academy ng bigla akong akbayan ng isang babae. Zoren ata yaong pangalan nun. Siya yung babae na kasa kasama pa ng isang babae sa library noong isang araw.

"Kamusta? Bakit hindi mo na nakakasama si Sam?"tanong nito saakin. Lumingon naman ako dito saka ko tinignan ito ng masama. Inalis ko ang kamay nito mula sa pagkakaakbay saakin.

"Masyado lang siyang busy." sabi ko dito saka ako naglakad. Naiwan siya sa kinatatayuan niya kanina. Akala ko naman ay susunod ito saakin.

Ganito ba talaga ako kawalang kwentang tao na? Ni hindi man lang ako habulin? Ang isang cassanova na kagaya ko ginaganito ganito lang? Puta talaga! Sam, anong ginawa mo saakin.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Talaga ba? Ngayon mo ako naalala, Sam. Sinagot ko naman ang tawag nito.

"What?" pambungad ko sakanya.

"Suplado itong ugok na to. Hinayupak ka! Hindi ka ba pupunta sa bahay?" tanong nito saakin. Ah, oo nga pala. Birthday niya nga pala ngayon. Eh, bakit ako pupunta?

"Bakit?"malamig na tono kong tanong sakanya. Pakiramdam ko ang sama kong kaibigan. Well, masama naman talaga kami sa isa't isa eh.

"Punyeta kang gago ka, hindi mo man lang naalala na birthday ko ngayon, shit ka!" sigaw nito saakin. Oh, diba? Sabi ko na nga eh. Masama talaga kami sa isa't isa. Paano ba kasi naging ganito ako sakanya?

"Busy ako. Bye."malamig na pagpapaalam ko sakanya. Aba, matapos akong hindi pansinin ng ilang araw dahil sa Maverick na yun, ngayon naalala pa ako.

Naglakad ako patungo sa pinakamalapit na bar sa Academy. Partida, nakauniform pa ako. Eh, ano naman? Hindi uso saakin magpalit bago pumunta sa lugar na ganito nuh.

Naupo ako sa pinakamalapit na sofa saakin. Agad namang may lumapit na babae saakin at nag umpisang sumayaw sa harap ko.

Nakauniform din ito. Sensai Academy ang nakalagay na tatak ng uniform nito sa pang itaas. Maganda at mahaba ang buhok nito. Makinis at maputi ito.

Habang nagsasayaw ito sa harap ko ay agad ko namang ininom ang isang bote ng alak na kanina ay nakalapag lamang sa lamesa.

Tumabi ito saakin at niyakap ako. Akmang tatanggalin ng babae ang butones ng aking polo ng bigla akong sapakin ng isang matangkad na lalaki.

"What the-" napatigil ako nang bigla kong maaninag kung sino yaon.

"Clyde." banggit ko sa pangalan nito. Agad ako nitong kwenelyuhan dahilan upang mapatayo ako sa kinauupuan ko.

" Anong ginagawa mo sa girlfriend ko?" mariin nitong sabi. Kitang kita ko sa mga mata nito ang galit. Hindi naman ako yaong nauna o yang nainitiate pero bakit ganun? Kaya minsan kahit mismong kapwa ko lalaki naiirita ako eh.

"Wala akong ginagawang masama, yang girlfriend mo ang nag initiate." pagpapaliwanag ko dito ngunit hindi nito pinakinggan ang aking sinabi bagkus ay inumpisahan na ako nitong pagsasapakin kaya naman nagsitakbuhan ang lahat ng nasa loob ng bar.

Patuloy na umaawat saamin ang girlfriend niya ngunit wala rin itong nagawa. Maya maya pa ay nagulat na lamang ako sa pagtilapon nito dahilan upang tumalsik ito sa pader.

"Don't you dare to do it again to my friend." nakakatakot na boses ang nadinig ko mula sa dilim. Maya maya pa ay nagpakita na ito saakin. Nakakuyom ang mga kamay nito at nakatitig saakin ng masama. Ano ito? Matapos akong bugbugin ng isang iyon, panibago nanaman?

Lumapit ito saakin at saka ako nito tinulungang tumayo.

"Tang ina mo. Birthday na birthday ko dito ka talaga pupunta, pwede namang sa bahay tayo mag inom." sabi niya saakin saka ako nito binatukan.

"Ang sweet niyo namang magkaibigan."biglang singit ni Clyde saamin. Tinitigan ito ni Sam ng masama dahil dito.

"Ano bang problema mo?" tanong ni Sam sakanya.

"Hindi mo ba alam yang kaibigan mo nanunulot ng girlfriend ng may girlfriend." galit nitong sagot kay Sam. Aba, hindi ko naman sinulot jowa nito ha. Napakitid ng pag iisip nakakaloka.

"Hindi ko nga sinusulot yang girlfriend mo, siya yang nag initiate." pag singit ko sakanila dahilan upang sugurin uli ako nito. Hindi naman hinayaan ni Sam na makalapit saakin ito dahil bago pa ito makalapit saakin ay sinipa niya ito dahilan upang tumalsik ito muli.

"Alam mo, hawakan mo muna si Mel." wika nito saakin. Tang ina, bakit kasama nito si Mel? Talaga ba, Sam? Naku ha.

Kinuha nito sa bulsa nito si Mel atsaka inilagay sa balikat ko.

"Tang ina, Sam!" sigaw ko sakanya. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko at baka mamaya ay bigla akong kagatin o tuklawin ng ahas na ito.

Samantala, linapitan ni Sam si Clyde na ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Inapakan niya ito sa dibdib nito dahilan upang  mapamulat si Clyde at makita ang mukha ni Sam.

"Know your place or I'll be the one to put you into it. Kapag sinabi ng kaibigan ko na hindi siya ang nag initiate. Makinig ka! Huwag inutil!" mariing sabi nito kay Clyde bago ito tuluyang mawalan ng malay.

Lumingon ito sa kabilang direksiyon kong saan naroroon ang girlfriend nito at saka ito naglakad papunta sa kinaroroonan nito.

Kwenelyuhan niya ito dahilan upang makaramdam ng takot iyong babae.

"Next time, kung lalandi ka, siguraduhin mong wala kang boyfriend. Nakakahiya ka! Kating kati ba? Gusto mo ako na magkamot o gusto mo yung ahas ko na ang pumasok sayo?" sarkastiko nitong sabi dito bago niya ito bitawan.

Agad rin namang binitawan ang babae dahilan upang mapanatag ang loob nito.

Lumapit saakin si Sam matapos niyang gawin iyon at saka nito agad na kinuha si Mel.

"Sam." sabi ko dito. Alam ko namang magtatampo ito dahil sa ginawa ko. Imbes na pumunta ako sa birthday niya sa Bar pa talaga ako pumunta.

"Ano?"irita nitong tanong saakin.

"Sorry."matipid kong sabi sakanya. Tinitigan naman ako nito atsaka nangulangot.

"Bahala ka diyan sa buhay mo." inis muli nitong sabi saakin at saka ako nito pinagdabugan bago lumakad.

Agad naman itong huminto dahilan upang mapangiti ako. Malay ko ba kung babalik siya diba?

Lumingon ito sa direksiyon ko at saka direksiyon nila.

"Always know that I am Ivery Samantha Louise Dela Freud." sabi nito saakin saka niya itinaas ang kanyang kamay upang mag bad finger saaming lahat ng naroroon at saka ito lumakad papalabas ng Bar.

At ayun nga, iniwan nanaman ako ng babaeng yaon dito.

"Ano yun, Kevin? Kalampahan?" dinig kong tanong nito saakin nang makalabas ako sa Bar. Inantay pala ako nitong lumabas doon dahilan upang mapangiti ako.

Tinignan ko ito atsaka lumapit papalapit sakanya. Niyakap ko naman ito ng sobrang higpit.

"Salamat." bulong ko sa kanya. Agad ko naman itong itinulak nang maalala kong kasama niya nga pala si Mel. Humalakhak naman ito ng sobrang lakas dahil doon.

"Walang anuman." sagot nito saakin saka ngumiti. Maya maya pa ay aksidente kong nahawakan ang purselas nito.

"Kamusta cutie patotie, Kevin?" wika nito saakin saka ako niyakap ng sobrang higpit.

Naku,bumalik na ulit ang mabait na Sam.

Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito ay niyakap ko narin ito ng mahigpit.

Hindi naman kasi ganito si bwisit na Sam kaya lulubusin ko na.

A/N: This is the morning update! How are you everyone?! Thank you sa pagsupport. Sobrang naaappreciate ko guys.

Shout out kela @zylome and @myaurelle_jn, salamat sa pag antabay sa story na ito. I love you all guys!🖤


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C20
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous