Télécharger l’application
80.39% Online It Is / Chapter 81: Chapter 40.5

Chapitre 81: Chapter 40.5

Chapter 40.5:

Abby's POV:

"Shh... Tahan na. Nandito lang ako." Sabay tapik ko sa likod ni Rigel. 

Nang kumalma ito ay agad ko siyang inabutan ng tubig.

"T-Thanks Abby, and sorry for the trouble."

"Sus, wala 'yon. Oh ano ayos ka na ba? Binangungot ka ata, ano ba'ng napanaginipan mo at nagkagano'n ka?"

Umiwas ito ng tingin.

"P-Pasensya na. Kung hindi ka komportableng pag-usapan ay ayos lang." Tumayo ako. "Pupunta pala akong kusina, medyo nagugutom kasi ako. May gusto ka bang kainin?"

"Hot chocolate will do." Anito habang nasa bintana ang tingin. Hindi na kasing-lakas ng hangin kanina ang hangin ngayon, pero gano'n pa rin kalakas ang ulan sa labas. May mga kasama ding pagkulog at pagkidlat na siyang nagpapagising ng diwa ko. Nahihirapan talaga akong makatulog kapag malakas ang kulog. Hindi naman sa takot ako dito, pero malakas lang talaga siya kaya hindi ako makatulog.

"Alright!" Agad kong nilisan ang kwarto.

Nang makarating ako sa kusina ay napaisip ako kung ano ang napanaginipan ni Rigel. Sigurado akong tungkol sa mama niya 'to, pero bakit siya nag-sosorry?

Sa pagkakatanda ko sa kwento niya sa akin noon ay hindi sila in good terms dahil sa pagkamatay ng papa niya.

May nangyari kaya noong bumalik siya sa Texas five years ago?

Hindi ko maiwasang mag-alala kay Rigel. This is the second time na nakita ko siyang nag-break down sa harapan ko mismo, ang una ay noong kinwento niya sa akin ang pagsisi sa kaniya ng mommy niya sa pagkamatay ng daddy niya. Kung dati ay humagulgol siya, ngayon naman ay humikbi lang. Pero yung sakit sa mga mata niya ngayon ay mas matindi.

Punong-puno ng sakit ang mga mata niya kanina. He looks so devastated.

Habang pinapainit ko ang tubig para sa hot chocolate na gagawin ko para sa aming dalawa ni Rigel ay kumuha ako sa ref ng pwede kong makain.

Ano ka ba Abby, lahat naman ng nasa ref nakakain duh!

Punong-puno ang ref ko ngayon dahil na-grocery kaninang umaga si mama para sa akin. Idagdag pa ang mga tirang pagkain kanina sa birthday ng kambal kaya nakakapang-laway lang, at the same time ay nakakabusog dahil sa sobrang dami. Yung pakiramdam na sa sobrang dami ng pagkain sa harap mo to the point na busog ka na agad just by looking at it.

At the end, I decided to just make a sandwich.

Hindi rin nagtagal ay natapos ko na ang paggawa ng sadwich at saktong ready na ang mainit na tubig. Nang mailagay ko sa tray ang lahat ay agad din akong tumungo pabalik sa guest room.

Pero sa tingin ko ay ako na ang iinom ng dalawang tinimpla kong hot chocolate dahil tulog na pala ang nagpatimpla nito.

Inilapag ko sa side table ang tray at saka tinignan ang natutulog na si Rigel.

Mahimbing na ulit itong natutulog nang may payapang paghinga. Bumaba na rin pala ang sinat nito, mabuti naman.

Pinunasan ko rin ang takas na luha sa gilid ng kaliwang mata ni Rigel bago lantakan ang sandwich.

~

Sumalubong ang mabangong nakakagutom na halimuyak pagkamulat na pagkamulat ko pa lang ng aking mga mata.

Dang ang bango. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.

Pero teka, nasa'n na si Rigel? At bakit nasa kwarto ko ako? Sa pagkakatanda ko ay sa guest room ako natulog kagabi ah.

Kaya agad akong nagtatatakbo palabas ng kwarto at papuntang kusina, at doon ko na nga naabutan si Rigel na nagluluto habang nag-hyhymn.

"Okay ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo? Binangon mo sana ako para ako na nagluto." Napalingon ito sa akin at saka ngumiti.

"Good morning Abby! Yes, okay na ako. Ang galing mo kasing mag-alaga eh." Saka ito kumindat sa akin bago ituon muli ang kaniyang atensyon sa niluluto.

Ahh magaling na nga, may pakindat na siyang nalalaman eh, at ang sigla pa niyang tignan.

Pero kung ano'ng ikinaliwanag ng kaniyang ngiti ay siya naman ikinadilim ng langit. Gray ang langit, at mukhang walang tiyansang masisilayan ko ngayong araw si haring araw.

Sabagay ay malapit na ang tag-ulan. 

Kaya wala akong nagawa kundi umupo sa isang stall na nasa kusina at tumulala. Ewan ko ba, pero required bang matulala kapag bagong gising?

Anyways, matagal pa bang matapos ang niluluto ni Rigel? Gutom na kasi ako.

Kaya naman pala kumakalam na ang sikmura ko ay dahil mag-aalas onse na pala. It's already time for brunch. Maulan kasi, kaya siguro napasarap ang tulog ko. Idagdag pa ang napuyat ako kagabi na nagbantay kay Rigel dahil nag-aalala ako na baka managinip ulit siya ng masama.

"Sigurado ka ba na ayos na ang pakiramdam mo?"

"I told you, I'm fine. Hindi naman masyadong malala ang sinat ko kagabi, though medyo nagra-runny nose parin ako ngayon at medyo paos. But I'm totally fine." Ani nito saka ako ipinagsandok ng kanin.

"I see. That's good to hear then."

Nang matapos kaming kumain ay nag-boluntaryo na akong maghugas ng pinagkainan.

"So, ano'ng balita sa kable ng kuryente na natumba sa kabilang kanto?" Tanong ko habang naghuhugas ng mga pinagkainan, samantalang siya ay nagwawalis naman sa kusina. Ang tigas talaga ng ulo nito, sabi ng 'wag na magwalis baka mabinat siya pero mapilit eh, edi bahala siya.

"They are currently fixing it now dahil ngayon lang din naman humina ang ulan. It would be dangerous if they fix it during the heavy rainfall and wind."

"Eh yung sa ibang daanan?"

"Gano'n pa rin, walang pinagbago. Maputik at medyo mataas pa rin ang baha kaya hindi pa sila nagpapadaan sabi ng kakilala ko."

"Edi hindi ka pa makakauwi niyan?"

"Sort of." Napakamot ito sa batok.

Well, ayos lang din naman kung gano'n. Atleast may kasama ako dito sa bahay habang nagpapalakas ako. Mabait at maginoo din naman 'tong si Rigel kaya alam kong mapagkakatiwalaan siya at walang gagawing ikapapahamak ko.

Ayos na rin 'yon kahit madalas ay may pagka-balasubas siya.

~

Nagpatuloy ang malakas na ulan pagsapit ng ala una.

Habang abala si Rigel sa Pagtipa sa kaniyang laptop ay abala naman ako sa pagtipa sa aking cellphone. Hanggang sa napindot ko ang isang button na hindi ko lubos akalaing pipindutin ko ulit pagkatapos ng ilang taon.

Ang download button ng Peak-A.

At dahil naka-save sa google account ko ang mga social media accounts ko ay hindi na ako nahirapang mag-log in dito.

Marami na ang nagbago at nadagdag na features ng Peak-A, pero may isang bagay dito na hindi nagbago, ang interface nito.

Gaya ng dati ay pang-masa talaga ang app na 'to. Kahit hindi ka techy ay madali mong matututunan kung paano ito gamitin. Ilang taon ko ng hindi ito ginagamit pero pakiramdam ko ay gamay na gamay ko pa rin ito hanggang ngayon.

Ilang minuto rin akong nag-scroll bago may lumitaw na isang notification na siyang nasundan pa ng napakarami nito! At dahil hindi naka-silent ang phone ko, agad napatingin sa akin si Rigel nang marinig ang magkakasunod na notification tone ng app.

Napangisi ito sa akin, pero agad din nitong ibinalik ang atensyon sa laptop.

*Sigh*

Pero anakshuta! Grabe naman 'tong mga notification, nagla-lag na tuloy itong cellphone ko.

Nang matigil ang pagla-lag nito ay agad akong pumunta sa settings ng app at nilagay sa mute ang notifications.

Binuksan ko ang isang system notification na nasa pinaka-unahan. Agad akong sinalubong ng isang chibbi na nagpaputok ng confetti at saka may lumitaw na mga salita. 

"WELCOME BACK @AbbyDizon!" At nasundan pa ito marami pang salita, pero hindi na ako nag-abalang basahin ang mga ito.

*Ting*

"Huh? Notification? Naka-mute na ang notifications kanina ah, bakit may lumitaw na naman ngayon?"

"Your boyfriend @RigelPetterson wants to make a video collab with you! ACCEPT | REJECT"


L’AVIS DES CRÉATEURS
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C81
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous