Télécharger l’application
14.7% Online It Is / Chapter 14: Chapter 7.5

Chapitre 14: Chapter 7.5

Chapter 7.5:

Abby's POV:

For this day, we decided to make face masks for Barangay Asuete. Since wala kaming makinarya na pantahi ay gumamit kami ng manu-mano dahil mayroon namang mga sinulid at karayom sa resort na pwede naming gamitin. May nakita kaming mga hindi nagagamit na tela dito sa resort that's why we want to make use of those at para na rin may magawa kaming kahit maliit na makabuluhang bagay.

"Ouch!" Napitlag ako nang napadaing si Rigel habang nagtatahi kami. Nakakainis kahit pagdaing lang ay napaka-gwapo pa rin niya. How saying ouch can literally make a person hotter. Damn, life really is so unfair.

"What's wrong?" Ani ko at itinigil ang pananahi. 

"Nothing, natusok lang ako ng karayom but I'm okay. Malayo ito sa bituka." Pinagpapawisan na siya pero pinipilit niya pa ring ngumiti. Nang hahawakan ko na ang kaniyang kamay ay inilayo niya ito mula sa akin kung kaya'y nagtaka ako at biglaan kong hinablot ang kaliwa niyang kamay.

"Ano'ng nothing? Tignan mo nga itong kamay mo oh namamaga na. Sigurado akong dahil ito sa pananahi niya. "Marunong ka ba talagang manahi?" Nakita kong napayuko siya.

"I've watched some videos on how to do it. The instructions are very clear that's why I understand it very well. But even though I already know how to do it, I just can't do it properly." Puno ng paghihinagpis na sabi niya. Bakas sa mga daliri niya ang sari-saring tusok ng karayom, ay iba pa nga ay may lumalabas pang dugo.

Napahilamos ako ng mukha. "Tsk, then you should have asked me para naturuan kita. Diyan ka lang muna, 'wag kang mananahi at kukuha ako ng first aid kit." Tumango naman ito at agad akong umalis para makuha ang paunang lunas.

"Ayan tapos na, gagaling na 'yan in no time. 'Wag ka munang mananahi sa ngayon, pagalingin mo muna 'yang mga daliri mo para maturuan kita kung pa'no manahi." His face lightened up. 

"You'll do that for me?" 

"Oo naman. I don't want to see you suffering lalo na't nakita ko kanina na paiyak ka na."

"What? Me? Almost crying? Namamalik-mata ka lang." Nagpalusot pa talaga. Para na nga siyang kawawang puslit na hindi nabigyan ng candy kanina. Nakalimang face mask na ako pero siya ni isa ay wala pang natatahi.

"Alam mo kasi, hindi palagi ay matutulungan ka ng online lalo na sa mga gawaing gan'to. Expectation versus reality ika nga nila, since expert na ang mga gumagawa no'n sa isang video kaya kung titignan mo ay madali lang gawin pero kapag gagawin mo na ay mahirap na. Minsan, you need first need to experience something bago mo ito matutunan. Sabi nga nila ay experience is the best teacher. Parang sa pagmamahal, sa tingin mo ay masakit magmahal dahil sa nakikita mo sa ibang tao but you just can't justify it yourself dahil hindi mo pa naeexperience. Kailangan mo munang maranasan ang magmahal nang sa gayon ay malaman mo kung ano ba talaga ang pakiramdam. Kailangan mo munang masaktan nang dahil sa pagmamahal para masabi mong masakit talaga ang magmahal." Mahabang litanya ko.

"Have you been inlove?" Tanong ni Rigel. 

"Yes, I'm inlove with everything na nasa paligid ko." I see beauty in everything that's why I'm happy with my life.

" I mean, romantically? To someone, sa isang lalaki."

"Actually, hindi pa ako na-inlove sa isang lalaki. I don't know why, siguro ay tinatamad lang ako."

" What do you mean you're lazy?" 

"Hindi ko rin alam haha. Siguro kasi marami pa akong pinagkaka-abalahan sa buhay sa ngayon.  Tsaka masyado akong pihikan sa lalaki."

"Ano ba ang standard for you to like someone?"

"Secret! Marami ka ng nalalaman sa akin. Kanina ka pa nagtatanong ah." Nakita kong napahagikhik siya. "So, have you been inlove?" 

"Of course you are!" Agad kong sabi bago pa siya makasagot. Ang tanga ko talaga dahil nagtanong pa ako sa kaniya eh alam ko namang she has a girlfriend.

"We broke up." 

"W-what?" Namali ata ako ng pagkakarinig.

"Steph and I, we broke up a month ago. Well, things just happen and we chose what we think is the best for us." So the rumors are true. Sayang naman kasi they are a good couple, actually, madalas mag-post si Stephanie Johnson sa kaniyang social media accounts ng picture ni Rigel o 'di naman kaya ay picture nilang dalawa. But the break up has not yet been confirmed by both parties, siguro ay para maiwasan na rin ang issue lalo na't may bali-balitang papasok daw sa showbiz si Steph this year. Well, sikat na siya kahit wala pa siya sa showbiz, pa'no pa kaya kapag pumasok na siya.

"Oh I see." Hindi na ako nagtanong dahil personal na buhay na niya 'yon and I don't know if he's ready to talk about it or not yet that's why I chose not to ask more.

"By the way, have you seen the new update?"

"Update ng alin?" Ano nanaman kaya ang sinasabing update nito.

"The couple feature."

"Ah ngayon ko lang narinig 'yan. Bakit ano'ng meron diyan? Naka-auto update ang apps sa phone ko kaya updated ang Peak-A ko."

"The couple feature gives users the ability to be an official couple in Peak-A. To use this, you must type the username of someone na gusto mong maging girlfriend o boyfriend sa Peak-A. Makikita ito sa settings, just click the couple button. The couple must both type each other's username for it to be valid. Once na natype niyo ng pareho ang username ng isa't-isa ay makakatanggap kayo ng notification na you're officially a Peak-A couple. Magkakaroon din kayo ng badge na heart right beside your name kasama ng iba pang mga badge which symbolizes that you are already taken."

"That's cool. So ano ang makukuhang benefits diyan sa couple feature?" 

"Oh that, once na nagkaroon ka ng boyfriend or girlfriend sa Peak-A ay magkakaroon kayong dalawa ng chance to get featured kapag gumawa kayo ng duet video. Makakasali din kayo sa mga gaganaping couple events for a chance to win cash prize and of course, you might be one of those who will be on top. Remember, the higher your rank, the greater opportunities you could get."

"That's nice, may pa-cash prize na ang Peak-A. Siguradong maraming Peakers ang gagamit ng feature na ito." Imagine those mga walang label sa totoong buhay na gagamit nito, damn. Well, nothing's wrong with that naman as long as mas makakagawa kayo ng mas magagandang content then why not 'diba?

"Then be my girlfriend." Ha? Ano raw? Masyado naman ata siyang maaga-

"Silly, be my Peak-A girlfriend." Then he chuckled. Gano'n ba kahalata ang expression ko? Damn nakakahiya. Assuming ka girl?

"Y-yes sure." At naging isa na kami sa mga walang label sa totoong buhay na gagamit ng couple feature.


L’AVIS DES CRÉATEURS
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C14
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous