Télécharger l’application
9.8% Online It Is / Chapter 9: Chapter 5

Chapitre 9: Chapter 5

"Good Morning aking girlfriend!" Masayang bati sa akin ni Rigel with his American accent pagkadating na pagkadating ko sa kusina.  

"Good morning rin." Nakangiting sagot ko. "Tsaka ano pala, cut the aking girlfriend term kasi hindi naman tayo magjowa sa totoong buhay ano ka ba." Medyo awkward na sabi ko habang tumatawa. Dang, nahihiya kasi talaga ako everytime na tinatawag niya ako no'n.

"No, it's okay ano ka ba. I like calling you aking girlfriend kahit walang tayo, you know, endearment lang. But I'll love to call you aking girlfriend if we really are."

"Ha?" Hindi ko kasi masyadong narinig yung huling sinabi niya dahil pabulong ito.

"I mean tara na kain na, pinagluto na kita ng breakfast since I woke up very early." Agad din naman akong tumango at umupo.

"Hindi mo naman siguro pinangalanan 'tong mga luto mo 'diba?"

"Ahh, of course I didn't. I just realized that I'm suck at giving names." Narealized niya sigurong hindi dapat nagbibigay ng pangalan sa pagkain ang isang tulad niya, lalo na kung tagalog term. "I asked my Filipino friends in L.A and they told me that even them will hit me if ever na narinig nila in person ang ipinangalan ko sa pagkain." Naiilang na sabi niya habang medyo namumula-mula ang pisngi.

"Haha ano ka ba, ayos lang 'yon kasi hindi mo naman alam. But I can say na you can cook well."

"Really?" Tumango ako bilang sagot. Well, totoo naman. He's not the type na puro vlog lang ang alam sa buhay, may maibubuga rin siya sa mga gawaing bahay. 

"Anyway, sa'n lakad mo't ang aga mo atang naligo? Tsaka nakita ko kasi yung pulang maleta mo sa may sala." Naalala ko nanaman si Daniella Mondragon pfft.

"I'm going to Pangasinan for you know, vlog." 

"Oh really? Saan sa Pangasinan?" Maraming tourist spot do'n kung kaya'y siguradong mag-eenjoy siya talaga.

"Hmm, Bolinao will be my first Itinerary. I heard about the white sand beach there, so I decided to give it a try."

"Oh that's cool! I'm sure mag-eenjoy ka do'n. Pero kaya mo ba na mag-isang pumunta?"

"Kakayanin. Nag-aral ako ng Filipino language for this, so trust me I'll be okay."

"Oh ok." As I observed naman these past few days ay kayang-kaya na niya makipag-sabayan sa mga Pinoy, kaya siguro ay hindi na magiging problema sa kaniya ang pagbiyahe dahil makakapagtanong-tanong naman na siya.

"And I wanna know how much is my charge?" Huh? Ano'ng charge ang pinagsasabi nito?

"What do you mean?"

"I stayed here for a week so I wanna pay for it." Seryoso ba siya?

"At bakit mo naman naisipang magbayad? Ano ka ba, no need. Hindi naman hotel o guest house itong bahay para pagbayarin pa kita since kaibigan naman na ang turing ko sa'yo." Talaga ba Abby?

"No I insist."

"'Wag na nga kasi."

"Nakakahiya naman sa'yo kung patutuluyin mo ako dito nang libre kasi hindi mo naman ako boyfriend sa totoong buhay." Aba't! Ang kulit din naman ng lahi nito.

"Okay, give me 350,000 pesos."

"W-what?"

"Ang sabi ko, bigyan mo ako ng 350,000 bilang kabayaran mo sa pag-iistay dito. Since isang linggo ka nang nag-iistay, bale 50,000 per day ang bayad. Siyempre yung pagkain, tubig, aircon, at isama mo na rin yung wifi at kuryente. Oh ano? Mababayaran mo ba ako ngayon?"

"Sabi ko nga, what friends are for? Thank you Abby, you're such a great friend!" Oh kita mo 'to ayaw din lang magbayad.

~

*Ring* 

*Ring*

*Ring*

"Oh may tumatawag ata sa'yo Rigel, sagutin mo na." Sa'n ba nagpunta 'yon at kanina pa nagriring ang phone niya. "Oh nandiyan ka lang pala, galing ka ba sa labas?" Tanong ko kay Rigel pagkapasok niya ng pinto sa kusina.

"Ahh yes, nag-segregate ako ng mga basura sa likod. What is it?"

"Yung phone mo kanina pa nag-riring."

"Huh? I don't think it's mine. Naka-silent ang phone ko, baka sa'yo yung nag-riring? Tsaka nasa bulsa ko ang akin. C'mon lemme do this, ako na muna maghuhugas ng pinagkainan at sagutin mo na phone mo." Nagbanlaw ako ng kamay at pumuntang sala. Tama siya, phone ko nga ang nagriring. Aba malay ko ba, madalas naman ay pare-pareho ang ringtone ng mga cellphone. Kinuha ko ang phone ko sa may lamesa sa sala at nakitang si mama pala ang tumatawag.

"Yes ma? Na-miss mo nanaman po ba ako?" Pambungad ko.

"Sa'n ka na 'nak?"

"Huh? Nasa bahay po, bakit niyo niyo natanong?"

"Bakit nasa bahay ka pa? You should be on your way na dito sa Pangasinan!  Nakalimutan mo na ba yung debut ng pinsan mong si Andrea?"

"Ahh oo nga po pala! Pero 'diba next week pa 'yon?"

"Oo next week pa, pero advance ang celebration which is bukas na."

"Ha? Bukas na po agad-agad? Eh hala ma, hindi pa po ako nakakapag-prepare, pa'no po 'yan?"

"Tsk, sabi ko na nga ba. Buti na lang at tumawag ako dahil kung hindi ay baka malungkot si Andrea, ikaw pa naman ang paboritong pinsan no'n. Spoiled ang batang 'yon sa'yo tapos hindi ka makaka-attend? Baka ipostpone niya ang party."

"Aww, grabe naman siya. Makakapag-celebrate din naman kayo kahit wala ako. Pero pakisabi na 'wag siya mag-alala dahil makakapunta ako. Magpeprepare na po ako."

"Haynako, o'siya sige. Ipapasundo na lang kita kay kuya Rexie mo dahil kagaya mo ay nagpe-prepare pa lang siya ngayon. Sabay ka na lang sa kaniya para hindi na masyadong ma-delay ang biyahe mo papunta dito. Nauna na pala kami dito ng papa mo kahapon, tumutulong kami sa preparation."

"Ok ma. I'll hung up na po. See you and I love you!"

"Ok 'nak. I love you too, ingat kayo sa biyahe."

Agad akong bumalik sa kusina at sinabi kay Rigel ang napag-usapan namin ni mama.

"Oh that's cool. Pupunta ka rin sa Pangasinan." Masayang sabi ni Rigel habang nagbabanlaw ng mga pinagkainan.

"Oo, kaya pwede ka na rin sumabay sa'min, tutal parehas naman tayong pupunta ng Pangasinan. Tsaka para 'di ka na rin magcommute, hindi ka na mahihirapan."

"Really?" Nabuhayan ang hitsura niya dahil sa sinabi ko. "But would that be ok with your cousin?" 

"Oo naman! Mabait yun si kuya Rexie tsaka matic na yung van nila ang gagamitin niya kasi maraming abubot 'yon sa katawan, kailangan niya ng paglalagyan."

"Then, okay. Mag-prepare ka na para hindi na natin siya paghintayin ng matagal."

Tumango ako at binilisan ang pagkilos. Naligo muna ako bago nag-ayos ng mga gamit sa maleta. I decided na gamitin ang large sized na maleta ko dahil balak kong mag-photoshoot doon sa Pangasinan, siyempre maraming magandang view do'n.

Tinawagan ko rin si Joyce at Jackie para ayain, but sadly, hindi sila available. May lakad si Jackie at may family reunion naman sila Joyce, pero alam ko namang nagpapalusot lang ang dalawa. Tinatamad lang talaga sila dahil malayo ang biyahe. Hays, I guess, magsasariling sikap ako sa photoshoot.

"Abby are you done? Nandiyan na ata ang pinsan mo." Nataranta ako nang sabihin iyon ni Rigel habang nakadungaw siya sa may pinto ng kwarto ko. Isinara ko na ang maleta kong nasa kama at binuhat ito palabas ng kwarto.

Nang makita ako ni Rigel ay nagboluntaryo na ito para buhatin ang maleta ko pababa. Hindi na ako umangal at ipinapatuloy na ang pagsuklay sa basa kong buhok habang naglalakad.


L’AVIS DES CRÉATEURS
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C9
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous