Télécharger l’application
88.88% HOT vs COLD / Chapter 47: Chapter 47

Chapitre 47: Chapter 47

CHAPTER 47

--AIRA:

"Aira sure ka na ba talaga diyan sa desisyon mo?" Pang-ilang beses ng tinatanong sa akin ni Mr. hot este Jacob.

"Oo na nga 'diba. Bakit ba kailangan pang paulit-ulit? Tsaka hindi niyo na mababago ang desisyon ko." Sagot ko.

Aalis kasi ako, pupunta ako sa Puerto Rico... for good.

Mamamatay na kasi ako kaya balak kong libutin ang mundo bago pa man ako mawala sa mundong ibabaw.

At syempre, joke lang 'yon haha.

Ang totoo kasi niyan, nabusted ako ng long time crush ko. Oo tama, nabusted ako. Hindi ko pa nga nililigawan, nabusted na agad ako kasi may iba siyang mahal. Sa panahon ngayon, pwede ng manligaw ang mga babae kung desperada na talaga sila kagaya ko.

So yun nga, may isang guy kasi ako na crush (Blind item muna haha. Hulaan niyo na lang kung sino. >_<) So as I have said, long time crush ko siya. Ilang beses na akong nagtapat na mahal ko siya at ilang beses ko na ring binalak na ligawan siya pero busted agad ang lola niyo.

These days ko lang naman kung sino ang mahal ng mahal ko at ang masasabi ko lang ay mashakit beh. Oo ang sakit tagos to the bones at heart ko, paano ba naman, wala akong panama doon sa mahal niya kasi bata pa lang sila ay may gusto na siya rito. At heto pa, kaya niya daw makipagpatayan para sa taong mahal niya, kaya ano naman ang laban ng ganda ko doon noh. Kahit naman ang ganda ganda ko (charot) ay wala parin akong laban sa pinakamamahal niya. So I don't have a choice but to let go.

Magmomove-on na lang ako so I decided na magbakasyon muna. Yes bakasyon lang, pero ang alam nila ay do'n na ako forever. Nagpagupit na din ako para talagang mukhang magmomove-on ang peg ko. Sandali lang naman ako sa Puerto Rico then babalik din ako agad. Isusurprise ko na lang sila kapag nakauwi ako huehue.

Two weeks had passed since the accident na nangyari sa kanila Alex at sabihin na rin nating two weeks na din magmula nung magbati-bati ang circle of friends nila Alex, Jacob, Shane at Ants este Anthony. Masaya naman ako para sa kanila at syempre lalo na kay Alex kasi medyo bumabalik na ang masayahing siya, minsan nga lang medyo may pagka-moody. Happy rin ako kasi hindi malala ang pinsalang natamo ni Jacob at Shane at wala namang nangyaring masama kay Alex... at Ants este Anthony.

Two weeks had passed na rin since ang huling pambabasted sa akin ng crush ko. Two weeks ko na rin siyang hindi nakikita. Kapag tatanungin ko ang iba kung nasaan siya sasabihin nila na nasa tabi-tabi lang daw, ang ganda lang nila sumagot, may lugar bang "tabi-tabi lang" ang name? Pakitext naman sa akin kung saan at mapuntahan ko. So ayun nga, medyo naging maganda naman nung hindi ko nakikita si crush kasi mas makakatulong 'yon sa pagmomove-on ko.

One week before ang flight, inasikaso ko na ang mga papers na dadalhin ko sa Puerto Rico. Doon ko na rin kasi ipagpapatuloy ang studies ko for the meantime. Hindi naman porket magbabakasyon ako, papabayaan ko na pag-aaral ko. No way! As in no way over my dead sexy body!

Nandito rin ako ngayon sa mall, namimili ng mga pwede kong madala sa Puerto Rico. At syempre, bibili ako ng mga pinapabili ng mga parents ko na vitamins at kung anu-ano pa. Sabi nila baka daw magkasakit ako doon kaya dapat lang daw na magdala ako ng vitamins. Ewan ko ba sa parents ko, kung anu-anong nalalaman eh magbabaksyon lang naman si ako sandali tsaka may matutuluyan naman ako doon na kamag-anak namin. Tsaka 'di ko naman first time doon. Hays, my parents and their ways.

Then I went to National Bookstore para tumingin ng kung ano'ng pwedeng bilhin. Aaminin kong hindi ako ganoon katalino pero masasabi kong mahilig akong magbasa ng mga libro, Scific, horror, suspense, fantasy, thriller. Yeah, 'di ako mahilig sa mga books na ginagamit namin sa school. Reading is my hobby syempre, isama na rin ang pagkain.

Until I saw the shelve na naglalaman ng limited edition Project Loki ng isa sa mga paborito kong author na si AkosiIbara. How I love his works. Mukhang nag-iisa na lang ang libro at dahil avid fan niya ako, agad kong nilapitan ang libro at nang mahawakan ko na ito, meron ding kamay na humawak rito. Balak ko pa sanang makipag-agawan nang makita ko kung sino ang may-ari ng kamay na siya ring may hawak ng libro. Agad kong nabitawan ang libro dahil sa gulat.

"Uhm, sa'yo na lang." Nauna na siyang magsalita. Wala akong masabi, nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha.

Sino ba naman ang hindi matutulala kapag nakita ang kaniyang long time crush na siyang bumasted sa'yo. Nasa harap mo siya, nakangiti na para bang walang nangyaring rejection at kung kailan nag-uumpisa ka ng mag-move on, tsaka naman siya susulpot sa harapan mo. Kainis 'diba? But at the same time, kinikilig ka kasi hindi kapa naka-move on sa kaniya. And I hate it.

"Ah eh, sa'yo na lang ikaw naman unang nakahawak eh." Yes, magpaparaya na lang ulit ako. Tutal sanay naman na akong magparaya at baka makanap pa naman ako sa ibang bookstore. Nabasa ko na rin naman din ang Project Loki online. Gusto ko lang talagang bumili ng libro kasi avid fan ako ng author.

"Thanks." Sabi niya sabay kuha sa book at binayaran sa counter. Ay leche, hindi man lang nagpakipot ang loko! Ang nababasa ko kasi sa mga books sa na kapag may ganitong scene is mag-agawan ang babae at lalaki then matutumba si girl na siyang sasaluhin naman ni boy. But naalala ko, it's reality. I'm not in the fairy tail. That wouldn't happen. So please Aira, stop thinking nonsense. Pinapaasa mo lang ang sarili mo. 'Dibale, sanay naman na akong magparaya.

Wala na din naman akong gagawin sa bookstore kaya mas minabuti ko ng lumabas dito baka mamaya bigla pa akong madala at yakapin ko si crush ora mismo. Ayaw ko namang masabihan ng PDA.

Nang naisipan kong kumain, pumunta ako ng Mcdo para kumain. Buti na lang at nakahanap agad ako ng mauupuan, marami pa naman tao ngayon at nagugutom na rin ako.

Habang sarap na sarap ako kumain, may biglang sumulpot sa harap kong napakagandang lalaki na 'di ko akalaing makikita ko sa tanang buhay ko.

"May I sit here?" Tanong niya sabay ngiti nito.


L’AVIS DES CRÉATEURS
kylnxxx kylnxxx

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C47
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous