-Athena Brix Alexandro-
Kasalukuyan akong naglalakad at hinhanap si Jerix. I need to explain everything to him! Nang sabihin ni Jerix na kinwestyon n'ya ang pagkalalaki n'ya dahil sa nagugustuhan na n'ya ako, ay talagang kinagulat ko 'yon. So, ibig sabihin, hindi panaginip 'yong aminan portion? Hindi lang kaibigan 'yong tingin sa 'kin ni Jerix? Ibig sabihin may meaning lahat ng ginagawa n'ya para sa 'kin, pero kailan pa? Pero, hindi muna 'yon ang dapat kong isipin, kailangan kong hanapin si Jerix at magpaliwanag sa kanya.
Nang hindi ko s'ya mahanap sa buong academy ay dumiretso ako sa underground part nito, and there I saw him, fighting with Clyde. Nagpunta ako sa bar area nitong underground saka s'ya pinanood, magaling talaga s'yang makipaglaban. When he's finally done, I immediately went to him.
"Jerix.. " tawag ko sa kanya. He's now topless, sabagay gan'to talaga s'ya makipaglaban.
"What? " cold n'yang sabi. Oh shoot, he's really mad at me.
"Can we talk? "
"We're already talking, " nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi n'ya.
"I mean, about sa kanina, "
"Anong paguusapan natin tungkol do'n? " ni hindi n'ya ako matingnan, pero ramdam ko ang coldness n'ya.
"Please, Jerix, sasabihin ko ang lahat sa'yo, " this time, tiningnan na n'ya ako.
"For what? Si Funky ang pinagkakatiwalaan mo, diba? Kasi, s'ya lang naman ang nakakaalam na --- "
"Please, 'wag mong sabihin kahit kanino 'yon, please, " pagmamakaawa ko. Hindi pwedeng may iba pang makaalam ng sikreto ko. Hay.
"Okay, follow me, " sinundan ko naman s'ya at bago lang sa 'kin ang daan na tinatahak namin.
"Sa'n tayo pupunta? " wala man lang akong nakuhang sagot.
Maya-maya pa ay huminto kami sa isang kwarto, nauna s'yang pumasok at syempre sumunod naman ako.
"Kaninong kwarto 'to, Jerix? " ngayon lang kasi ako nakapunta rito.
"It's my room here. Every leader has their own room here, at ikaw pa lang ang dinadala ko dito. Now talk, "
"Jerix, I want to say sorry for keeping my identity as a secret. Nagkataon lang na nalaman ni Funky kasi nakita n'ya 'yong.. " hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil nakakahiya kapag naaalala ko kung paano n'ya nalaman na babae ako. Aish.
"'Yong? "
"'Y-yong p-panty ko, "
"O, tapos? "
"Then 'yon, kaya kami laging magkasama at kaya kami naging close dahil do'n. S'ya lang kasi ang nakakaalam ng sikreto ko kaya sa kanya lang ako lumalapit, "
"So, ano 'yong pinaguusapan n'yo kanina? "
"My reason why I entered Dark Glazer Academy. Pumasok ako dito para gumanti. Kaya kanina nagpasama ako sa abandonadong building para may makitang clue about sa pagkamatay ng kuya ko, "
"Ba't dito mo s'ya sa academy hinahanap? Nag-aaral ba s'ya dito? " tumango ako.
"Yes, nag-aaral s'ya dito, at sabi ng mga pulis ay dito lang daw ang lugar na pupuntahan n'ya no'ng gabing namatay s'ya, "
Wala s'yang imik kaya tinitigan ko s'ya.
"Jerix, please, I'm really sorry. Hindi ko alam na gusto mo ako at kinwestyon mo ang pagkatao mo dahil sa 'kin, "
Nagulat naman ako nang lumapit s'ya at niyakap ako.
"You don't have to say sorry, hindi mo naman kasalanan na nagkagusto ako sa'yo, eh. Sorry din kung nasigawan kita kanina, pero Brix, may itatanong sana ako, "
"Ano 'yon? "
"D-do you like me? "
Do I like him?
"Honestly, I really don't know. Nagiiba 'yong tibok ng puso ko when you're doing something sweet to me, pero hindi ko alam if that's enough to tell you that I like you, " totoong sagot ko.
"It's okay. Last question, Brix, can I court you? " tumango na lang ako as an answer.
Napagdesisyonan namin na magstay sa kwarto n'ya, may sarili din s'yang ref at cr dito. Ang galing nga eh, parang dorm lang din. He insisted to call me on my first name kasi daw ang awkward na 'yong nililigawan n'ya ay panlalaki ang pangalan, so I let him.
"Kaya pala no'ng pageant sobrang ganda mo at 'yong boses mo babaeng babae, kasi you really are a girl! "
Tumawa ako nang mahina.
"So, sa pageant pala nagsimula ang lahat? Hahahaha! Bilib din ako sa'yo, eh, you like me kahit na lalaki ako? " hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.
"Yeah, ewan ko nga eh. First time kong magkagusto at sa'yo pa, thank God, babae ka pala talaga, " and we talked a lot about ourselves.
Mabuti naman at okay na kami.