Chapter 10:
Kinabukasan, isang malapad na ngiti ni Kurt ang nabungaran ko ng makalabas ako ng bahay. I thought it was Kelvin but I was wrong, mukhang hindi ako masusundo ng lokong iyon. Or, he's just late?
Hindi ko alam kung anong plano ni Kurt ngayon, hindi rin naman niya sinabi sa akin ang mga gagawin niya to have a last battle with Kelvin. Siguro rin ay kailangan ko ng ihanda ang sarili ko kung sakaling may gawin man siyang hindi ko inaasahan.
"Iniisip mo si Kelvin?" Tanong sa akin ni Kurt nang mapansin niyang wala ako sa sarili.
"Nope. Curious lang ako sa kung ano ang gagawin mo at bakit mo ginagawa ito." Sagot ko lang sa kanya.
"Gusto ko lang malaman kung anong gagawin niya kapag nagseselos siya. Kung sasaktan kaba niya or what. Don't worry, ako ang bahala sa iyo. Kung may tiwala ka kay Kelvin, hindi ka matatakot." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.
Nang makarating kami sa campus ay hindi na siya umalis sa tabi ko, hindi niya narin binitawan ang kamay ko. Naiilang man ako sa ginagawa niya ay hindi na ako umangal pa.
At dahil medyo kilala si Kurt sa campus bilang basketball player, hindi maiwasan na may mga babaeng tumitingin sa amin at pinag-uusapan kami. May mga naririnig akong masasakit na salita mula sa kanila like, hindi kami bagay ni Kurt dahil gwapo ang lalaking ito at kilala, unlike me na wala pa namang nararating sa buhay.
"Kurt, I like you." Lumapit sa amin ang isang babae, nakatungo ito at halos hindi makatingin kay Kurt.
"Sorry, hindi kita gusto." Deretsang sabi ni Kurt.
Nakita ko naman ang paglukot ng mukha ng babae, may mga luha naring nagbabadyang tumulo sa mga mata nito. Tinignan ko si Kurt ng masama, how could he be mean to her?
"Don't mind them." Rinig kong sabi ni Kurt.
"Why did you do that?" Tanong ko ng lagpasan namin ang babae.
"What?" Tanong din nito sa akin.
Tama ba namang tanungin niya ang isang tanong?
"Gano'n kaba talaga sa mga babaeng nagkakagusto sa'yo?"
"Yes,"
" Why?"
"Anong gusto mong sabihin at gawin ko? Gusto mo ba na paasahin ko sila? Na gamitin at saktan? Look, I respect woman, mas magandang saktan ko sila sa katotohanan kaysa naman pasayahin ko sila sa isang bagay na wala namang katotohanan.",
Natahimik ako. Tama naman siya. Kesa naman paasahin niya ang babae ay tapatin nalang niya ito simula palang para hindi na umasa at masaktan.
Ang swerte ko sa dalawang lalaki na nakasalamuha ko ngayon, sa dalawang lalaki na nanligaw sa akin. They deserve to have a happy ending, nagkataon lang na si Kelvin ang nauna.
Nang malapit na kami sa classroom ay huminto siya at nilapit ang mukha sa kaliwang pisngi ko bago ako binulungan. "Sunduin kita, later."
Hindi na niya ako hinayaang sumagot at dumiretso nalang papasok ng classroom nila. Napabuntong hininga nalang ako sa ginawa niya.
"Naunahan pala niya ako."
Napalingon ako ng marinig ko ang malamig niyang boses, malamig na tingin naman ang nabungaran ko sa kanya. Hindi rin siya nakatingin sa akin kundi sa classroom nila Kurt. Kahit hindi niya sabihin na disappointed siya ay nararamdaman ko iyon.
"Pumunta ako sa bahay niyo, I message you last night but it turns out na hindi mo iyon nabasa. Siya na pala ang sumundo sa'yo." Litanya niya bago pumasok sa loob ng classroom.
Pakiramdam ko ay may milyon milyong karayom na tumusok sa puso ko, nasaktan ako sa inasta at sinabi niya. Hindi ako nasasaktan para sa sarili ko pero para sa kanya oo, hindi ko alam kung bakit.
Nilabas ko ang phone ko para i-check kung nag-message ba talaga siya sa akin. Gano'n nalang ang panlalamya ko ng makita kong mayroon. Bakit kasi naisipan ko pang sumakay kay Kurt eh.
Walang gana akong pumasok at umupo sa pwesto ko, hindi parin pumapasok si Shean dahil nagpapahinga pa ito. Siguro bukas ay makakasama ko na siya dito at hindi na magiging ganito ka-boring ang pagpasok ko.
Buong klase ay wala akong naintindihan sa lesson, hindi na bago na wala akong maintindihan pero iba ang pakiramdam ko ngayon, feeling ko ay tamad na tamad ako.
Kinuha ko ang cellphone ko ng tumunog iyon, napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Shean sa phone screen ko.
Sheanangot:
Hulaan ko humaharot ka na naman noh?
Nagtaas ako ng kilay ng mabasa ko iyon, nag-umpisa din akong magtype ng reply para sa kanya.
Me:
Pumasok kana, overstaying kana sa bahay mo. Bruha ka. Gustong gusto mo lang magpaalaga sa boyfriend mo eh.
Sheanangot:
Bukas. Bukas maririnig mo na ulit ang maganda kong boses, maghanda kana.
: Nakita ko si Kelvin, pumunta sa bahay ninyo may dala siyang ice cream yata? HAHAHAHAHA kakainin ko na ang isa ha.
Me:
Taena mo. Subukan mo, bubugbugin kita sa oras na makauwi ako.
Sheanangot:
Gagu neto. Umuwi kana, tapos bilhan mo nalang ako ng chuckie.
Me: Magpabili ka sa jowa mo, kuripot na ito, sapakin kita diyan eh.
Sheanangot:
Ang damot mo, Chuckie lang eh.
Hindi ko na pinansin pa iyon, in-off ko na ang phone ko at tinabi nalang ulit sa bag ko. Naramdaman ko naman na may lumapit sa akin at inilapag ang isang Tupperware na may lamang pagkain sa desk ko. Nakita ko si Kelvin na naglalakad na pabalik sa upuan niya, siya ang lalaking nagbigay sa akin ng pagkain.
Kinuha ko iyon at tinignan, nakita ko ang isang sticky notes a nakadikit duon, with a note written;
'Kumain kana, hindi ka na naman bumaba sa canteen para kumain man lang. I cooked this for you, so eat.'
Muli ko siyang tinignan at nahuli ko ang mga tingin niya pero hindi na iyon tulad ng dati, bumalik kasi ang malamig niyang tingin sa akin. Hindi ko nalang iyon pinansin.
Inumpisahan ko namang kainin ang pagkain na bigay niya. Masarap palang magluto si Kelvin, pwede ko na siyang maging cook kung siya man ang mapapangasawa ko. Nakaka-inlove lalo siya. Kahit pa nagtatampo siya ay hindi niya ako pinabayaang magutom dito. Kinikilig naman ako.
Natapos ang buong klase na wala na naman akong ginawa kundi ang tumulala sa classroom. Nakikinig naman ako sa lesson pero wala akong maintindihan, wala man lang yatang pumasok sa utak ko.
"Steph." Napalingon ako sa lalaking tumawag ng pangalan ko.
Si Kelvin ang nabungaran ko na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko. Hindi ko na naman mabasa kung ano ang nasa isip niya, walang emosyon ang mga tingin nito sa akin.
Tinignan ko lang din siya at hindi umimik. Wala rin akong mahanap na salita para sabihin sa kanya. Naramdaman ko ang pagkapit nito sa aking kamay.
"P-pwede ba tayong mag-usap?"
"Kelvin, wala ako sa mood makipag-usap ngayon." Iritable kong sabi.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, gusto ko siyang makasama pero wala ako sa mood makipag-usap sa kanya ngayon.
"Steph, please, kahit saglit lang."
"Atsaka na tayo mag-usap, gusto ko nalang umuwi ngayon. I'm tired."
"Ako na ang mag---"
"Steph!" Napahinto kami pareho ng bigla akong tinawag ni Kurt.
Malapad ang ngiti ni Kurt nang lumapit ito sa aming dalawa ni Kelvin. Nanatili naman si Kelvin sa pagkapit sa kamay ko, lalo pa niya itong hinigpitan ng dumating ito.
"Tara na?" Pag-aya sa akin nito sa akin pero hindi ako binitawan ni Kelvin.
"Pre, baka pwedeng bitawan mo muna si Steph, nagmamadali kasi kami."
Hindi niya pinakinggan si Kurt, sa halip ay tumayo ito at hinarap ang lalaki. Nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Ikaw na ang sumundo sa kanya, hindi ba pwedeng ako naman ang maghatid sa kanya ngayon?" May diin pero mahinahong sabi ni Kelvin.
"May lakad nga kami, pre."
"May lakad din kami, Kurt."
"Steph, tara na."
Hinawakan naman ni Kurt ang kabilang kamay ko at hinila ako, pero hindi padin binibitawan ni Kelvin ang kamay ko. Masama ang tingin niya kay Kurt, samantalang ako ay hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Ang hirap din pala ng ganito, dalawang tao ang nag-aagawan sa akin. Dalawang tao ang determinadong manalo para sa akin.
Tinignan ko si Kurt, hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito kahit na pinasuko ko pa siya. Si Kelvin naman ay sigurado akong nagseselos siya ngayon.
"Kelvin naman, ano ba?" Kitang kita ang inis sa mga mata ni Kurt talagang magkaiba sila ni Kelvin.
Kalmado lang si Kelvin habang nakatingin kay Kurt, parang hindi niya iniinda kahit na nakikipag-kompitensya ito sa kanya.
"Be a man dude, lumaban ka naman ng tama." Kalmadong sabi ni Kelvin.
"Magpakalalaki karin, bitawan mo nalang si Steph."
Naramdaman ko ang paghinga ng malalim si Kelvin, pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Lalong tumindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Look, Kurt patas akong nakikipag---"
"Tingin mo sa akin hindi? Buti nga ikaw kaklase niya, segu-segundo nakikita mo siya, ako sa ganitong oras lang. Kapag free time."
Sa puntong ito ay napapikit na ako ng mariin, nangangalay na din ako sa ginagawa nilang dalawa. Huminga ako ng malalim at tinignan silang dalawa, iniisip kung ano ang dapat kong gawin sa oras na ito.
Tinignan ko ang bawat kilos ni Kelvin at sa puntong ito ay napapikit na siya ng mariin. Katulad ko, sigurado ako na may inis na siyang nararamdaman ngayon, pinipigilan lang niya ang sarili.
"Kelvin..." Mahina kong pagtawag sa pangalan niya.
Tumingin siya sa akin kasabay ng unti unting pagluwag ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Alam kong sa pagtawag ko sa pangalan niya ay alam na niya ang ibig kong sabihin. Hanggang sa tuluyan niyang nabitawan ang kamay ko ay wala parin siyang imik.
Halos madurog ang puso ko nang tahimik siyang naglakad papalayo sa akin, hindi man lang din siya lumingon. Akala ko lang naman, akala ko hindi niya ako bibitawan. Akala ko, kakapitan niya ang kamay ko at hindi siya magpapatalo kay Kurt, pero nagkamali ako.
"Kelvin..." Mahina kong pagtawag muli sa pangalan niya nang tuluyan itong makalayo sa amin.
"Anong iniisip mo?" Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Hayaan mo muna siya, sumama ka muna sa akin, libre ulit kita ng ice cream."
Hindi na ako tumutol nang hilain niya ako papunta sa ice cream shop, gusto ko din namang magpalamig para kahit papaano ay makapag-isip, para maalala ko kung bakit ko nga ba ginawa ang bagay na iyon kay Kelvin.
"Ako ang kasama mo pero si Kelvin lang ang laman ng isip mo." Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya ng sabihin niya iyon.
"Pesenya na, nag-aalala lang ako." Makungkot kong tugon.
"Ako kaya? Kailan kaya ako magiging laman ng isip mo? Kahit kaya isang segundo?"
"Iniisip din naman kita pero---"
" Bilang isang kaibigan? Ayos na iyon sa akin, basta iniisip mo din ako." Muli ay nguniti ito.
Kung hindi siguro umamin si Kelvin sa akin, ang lalaking ito ang iibigin ko. Karapat dapat siyang mahalin ng tama, hindi siya deserve sa sakit na pinararamdaman ko.
"Makakahanap ka din nang babaeng mamahalin ka, Kurt. At hindi ako ang babaeng iyon."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam ko, pero kung pipili man ako ng babae? Gusto ko yung katulad mo, pero mahihirapan yata akong maghanap ng gano'n."
"Madami diyan, hindi mo nga lang tinitignan."
"Hayaan mo na nga ang lovelife ko. Mabuti pa ay kainin mo na iyang ice cream mo, tunaw na iyan."
Nagkuwentuhan pa kami ng mga bagay bagay, pinatawa niya din ako kahit medyo nahirapan siya. Hindi ko maikakaila na maswerte ako sa dalawang lalaki na ito, maswerte ako kay Kurt, nagkataon lang na minalas siya sa akin.
Nang matapos kami ay nagpasama ako sa kanya sa isang parke, hilig ko iyong puntahan ng bata pa ako. Sa paraang ito kasi naaalala ko si papa, bago ito nag-trabaho sa ibang bansa ay palagi niya akong pinapasyal dito, kaya lang hindi na siya bumalik sa amin dahil nagpamilya na ito duon. Natanggap naman namin iyon ni mama pero palagi parin namin siyang naaalala.
"Ang sarap bumalik sa pagkabata noh? Tignan mo sila, wala silang pino-problema, ang saya lang nila habang nakikipaglaro." Tinuro niya ang mga bata na naglalaro sa parke kasama ang mga magulang nila.
Ganyan din kami dati.
Naramdaman ko ang mumunting patak ng tubig na bumabagsak mula sa langit. Bumuhos ang malakas na ulan.
"Steph, gusto mo na bang umuwi?"
Hindi ko siya pinansin, pilya akong ngumiti at hinila siya sa gitna ng malakas na ulam. Nabasa kaming pareho habang nagtatampisaw sa gitna, hindi namin ininda kung may mga nanunuod man sa amin, kahit ngayon lang. Gusto ko ulit maging bata.
"Steph, dahan dahan ka lang baka ka masaktan." Suway sa akin ni Kurt ngunit hindi ko siya pinakinggan.
"Kurt, ang sarap magtampisaw sa ulan."
I laughed and ejoyed the rain like how I used to be when I was a kid. Naramdaman ko ulit ang saya na nararamdaman ng mga bata, ang priceless ng ganitong pakiramdam.
Naghabulan din kami ni Kurt na parang mga bata, kahit na madulas ang kalsada ay wala akong pakaelam. Masama na bang mag-enjoy?
Nang mapagod ako sa pagtatampisaw ay inaya ko na siyang umuwi. Basang basa ang damit naming dalawa kaya naman nabasa narin ang loob ng kotse, pinatay na niya ang aircon dahil sa nilalamig narin kaming pareho. Binigyan niya din ako ng blanket.
"Steph?" Pagtawag niya sa pangalan ko. "Diba sasakyan ni Kelvin iyon?"
Tinignan kong mabuti ang kotse na tinuro niya at hindi ako pwedeng magkamali, kay Kelvin nga iyon.
Mabilis akong lumabas nang kotse at nakita ko si Kelvin na nakatayo at nakasandal sa gilid nuon. Basang basa na rin siya.
"Sabi ko na, maaaring binitawan niya ang kamay mo kanina pero hindi ibig sabihin nuon ay bibitawan niya ang puso mo. Lapitan mo na at ako ay aalis na."
Pinaandar nito ang kotse papalayo sa akin, ako naman ay hindi alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko sa kanya ngayon. Bakit ba nandito ang lalaking ito at hindi man lang pumasok sa bahay?
"Steph?" Tawag niya sa akin ng makalapit ako sa kanya, walang sabi sabi din niya akong niyakap ng mahigpit.