Télécharger l’application
95.06% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 77: CHAPTER SEVENTY SIX

Chapitre 77: CHAPTER SEVENTY SIX

(Kensington High School, afternoon)

(Chelsie's POV)

KABABALIK pa lang namin nina Kuya Sachi at Ate Khendra sa school nang may makita kaming lalaki na papalapit sa amin. Matipuno at guwapo ang lalaking iyon sa kabila ng kanyang katandaan. Mahahalata na rin ang mga puti sa buhok niya.

"Daddy." salubong ni Kuya sa lalaking yun. "How's your work today?"

"Okay naman. Malapit nang masimulan ang pagpapatayo ng hotel natin sa Davao. Tsaka ipapatayo ko ulit yung nasunog nating hotel sa Cebu." at bahagyang natigil sa pagsasalita ang lalaki nang makita niya ako. "Sino siya?"

"Siya po si Chelsie. Ang nawawala ninyong anak." sabi ni Kuya Sachi sabay akay niya sa akin palapit sa lalaking yun...na siyang tunay ko palang ama.

"I-ikaw? Ikaw ang tatay ko?" kalmadong tanong ko sa kanila.

"Oo. Ako ang tatay mo." nagagalak na sabi nila. "Anak...sa wakas at nagkita na rin tayo..."

"N-nice to meet you po...Daddy." at akmang kakamayan ko na sana sila pero nagitla ako nang yakapin nila ako ng mahigpit.

"Anak, patawarin mo ako kung pinabayaan kita. Patawarin mo ako kung sinira ko ang pamilya natin. Patawarin mo ako...patawarin mo ako..." paulit-ulit na sabi ni Daddy habang nakayakap sila sa akin.

"D-Daddy..." mahinang bulong ko kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Kamusta ka na, anak?" at binitawan ako ni Daddy sa pagkakayakap nila sa akin. "Dalagang-dalaga ka na." at nginitian nila ako.

"O-okay naman po ako." sagot ko.

"Mukhang mahaba-haba pa po ang pag-uusapan ninyo. Sige, mauna na po kami sa classroom. Halika na, Sachi." at nauna nang umalis sina Ate Khendra at Kuya Sachi. Naiwan kami ni Daddy sa pathway.

"Pwede ko bang mahiram muna ang oras mo? Marami kasi akong gustong sabihin. Okay lang ba sayo?"

"Opo. Okay lang po sa akin. Doon po tayo sa Autumn Park." at sinamahan ko sila patungong Autumn Park.

(Autumn Park)

(Chelsie's POV)

"Pagkamatay po ni Lola Lucy ay kaagad akong kinupkop ni Tita Jane. At doon ko na po nalaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko." pagkukwento ko sa kanila.

Bahagyang natahimik si Daddy habang napatingin ako sa malabay at malaking puno sa park. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntunghininga bago ako nagsalita.

"Daddy...kahit wala na po ang mga tumayo kong magulang ay nagpapasalamat pa rin ako...dahil naranasan ko sa kanila ang mabuhay ng tahimik at masaya. Malaki po ang utang na loob ko sa kanila, dahil kung hindi sa kanila...ay baka walang direksyon ang buhay ko ngayon."

"Anak...hindi ko akalaing ganun pala katindi ang mga pinagdaanan mo. You don't deserve that misery. Kasalanan ko kung bakit nawala ka sa akin." at napayuko sila.

"Wag nyo pong sisihin ang sarili nyo. Wala po kayong kasalanan sa mga nangyari sa akin." kalmadong sabi ko kasabay ng isang matipid na ngiti.

"Chelsie...kung mamarapatin mo sana...hayaan mo akong makabawi sa mga naging pagkukulang ko sayo. Gagawin ko ang lahat para lang maging mabuti akong ama sa inyo ng Kuya Sachi at Kuya Jack mo." sinserong sabi ni Daddy.

"Sino naman po ako para tanggihan kayo." at tuluyan nang lumuwang ang ngiti sa mga labi ko. "Gusto ko po kayong maging daddy."

"Talaga, anak? Gusto mo akong maging daddy mo?"

"Opo." sabi ko.

Nagagalak akong niyakap ni Daddy. I happily hugged my Dad back.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon at kay Tita Jane...dahil sa wakas ay kilala ko na kung sino talaga ako. At bukod pa roon ay kasama ko na ang tunay kong pamilya.

Masaya na ako dahil masasabi kong kumpleto na ang buhay ko nang dahil sa kanila.

Masaya na si Chelsie Ann Roswell De Vega.

(Autumn Park)

(Albert's POV)

NUNG pumasok na si Chelsie sa klase niya ay nanatili pa ako sa kinauupuan ko. Napakagandang pagmasdan ang lugar na ito. Nakakawala ng problema at nakaka-relax tignan ang mga dilaw na dahon ng mga puno na kusang bumabagsak sa lupa. Saglit akong nakaramdam ng kapayapaan sa kalooban ko.

Napakaraming nangyari sa buhay namin, pero masasabi kong nasa maayos nang sitwasyon ang pamilya ko. Bagama't masakit din para sa akin ang pagkakakulong ni Vivian ay yun ang nararapat, upang mapagbayaran niya ang mga kasalanan niya. Aaminin kong mahal ko pa rin siya, pero pipilitin ko nang patayin ang damdaming iyon sa puso ko. Sa halip ay ibubuhos ko na lang ang atensyon at pagmamahal ko sa mga anak ko. Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya sila.

Natigil lang ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at medyo nagulat ako pagkat si Esprit ang tumatawag.

Sasagutin ko ba ito?

Hanggang sa namalayan ko na lang na pinindot ang answer button...

"Kamusta ka na...Esprit?" bati ko sa kanya.

- Heto, okay naman ako. Ikaw? -

"Okay lang ako." sagot ko.

- Kailan makakalabas ng ospital si Jack? -

"Maybe Friday or Saturday. Bakit?"

- Wala naman. Sabi ni Sachi, nakausap mo na daw si Chelsie. -

"Yup. At masaya ako dahil tanggap na ako ng anak natin." nakangiting sabi ko.

- Mabuti kung ganun. -

"Kailan naman tayo magkikita?"

- Soon. -

"Bakit naman? Nakakulong na si Vivian, kaya wala ka nang dapat pang ipangamba."

- Hindi yun ang ipinupunto ko. -

"Kung hindi yun...ay ano?"

- Babalik ako sa Italy para asikasuhin ang business ko. At matatagalan pa bago ako makabalik dito. Kaya ikaw na muna ang bahala sa mga bata. -

"O-okay. Goodluck sa pagpunta mo sa Italy." sabi ko.

- And lastly, Albert...maaari bang kalimutan na lang natin ang mga nangyari sa nakaraan? We can start again. -

"As companion?"

- No. As friends. -

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang masaktan sa mga sinabi niya, pero anong magagawa ko? I need to respect her decision. At the first place, matagal na kaming hiwalay kaya may karapatan na siyang magdesisyon para sa sarili niya.

Pero masakit pa rin sa akin na i-reject niya ako.

Sayang.

Willing pa naman akong buuin ang pamilya namin. Na kung saan magsasama kami sa iisang bubong kapiling ang tatlong anak namin.

"O-okay. As friends."

- Thanks, Albert. Sige, magpapaalam na ako. Marami pa kasi akong aasikasuhin eh. Tatawagan na lang kita ulit kapag may oras ako. Sige, bye. -

"B-bye." at tuluyan nang nawala ang linya sa pagitan naming dalawa. Saglit kong tinitigan ang picture ni Esprit kasama sina Sachi at Chelsie sa cellphone ko.

"Kung anuman ang dahilan mo't nakipag-ayos ka sa akin...salamat sayo. Buo na ang pamilya natin kahit na wala na tayong kaugnayan pa sa isa't isa. I'm willing to be your friend. Always." at ibinulsa ko na ang cellphone ko. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad na ako palabas ng school premises. Dahil hindi ko dinala ang kotse ko ay nag-LRT ako pabalik ng opisina.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C77
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous