Télécharger l’application
46.91% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 38: CHAPTER THIRTY SEVEN

Chapitre 38: CHAPTER THIRTY SEVEN

(De Vega Mansion, evening) 

 (Jack's POV) 

PAG-UWI ko sa mansyon galing sa school ay nagulat na lang ako nang bigla ko na namang nabungaran ang mainit na pagtatalo nina Mama at Papa. 

"Totoo bang ikaw ang may pakana ng mga anomalous transactions na pinasukan ng kompanya natin?!" galit na tanong ni Papa. 

"Transactions? Anong transactions? Wala akong kinalaman dun!" depensa ni Mama.Sa galit ni Papa ay marahas niyang hinila si Mama. 

"Wag ka nang magmaang-maangan pa, Vivian! Sinabi sa akin ni Maricel na ikaw mismo ang nakikipag-transaksyon sa Mr. Gonzales na yun!" 

"A-Albert...b-bitiwan mo ako...n-nasasaktan ako..." ang natatakot na sabi ni Mama kay Papa.

"Talagang masasaktan ka kapag hindi mo sinabi sa akin ang totoo!" ang nagpupuyos sa galit na sabi ni Papa.

Dahil hindi ko na matagalan pa ang nakikita ko ay agad akong umawat sa kanila. 

 "Mama, Papa, tama na po." mahinahong sabi ko sa kanila. Nagulat silang dalawa at agad binitiwan ni Papa ang braso ni Mama. "Ano na naman pong pinag-aawayan ninyo?" kalmadong tanong ko sa kanila. 

"Itong mama mo kasi eh! Kung anu-anong mga kalokohan ang pinagagagawa niya sa kompanya! Kaya ayan tuloy, marami nang pera ang nawawala sa atin." sabi ni Papa. 

"Wag mo akong siraan sa anak natin! Hindi ako kailanman nakipag-transact sa kung sino man yang Mr. Gonzales na sinasabi mo!" depensa naman ni Mama. 

"At talagang hindi ka rin aamin sa kasalanan mo noh! Nakukuha mo pang bilugin ang ulo ng bata!" sabay duro ni Papa sa mukha ni Mama. 

"Papa, wag nyo naman pong duruin si Mama!" pasigaw ko nang sabi kay Papa, dahilan para bigla niya akong sampalin. 

"Albert! Bakit mo sinampal si Jack!" sabay yakap sa akin ni Mama. Halatang nabigla si Papa sa ginawa niya kung kaya naman agad siyang lumapit sa akin at sinalat ang pisngi ko. 

"S-sorry Jack. Hindi ko sinasadya." apologetic na sabi ni Papa. 

"O-okay lang po Papa..." ang medyo nabigla ring sabi ko sa kanya. 

"Grabe ka na talaga Albert! Ilang beses mo nang pinagbubuhatan ng kamay ang anak natin?! Hindi ka man lang ba nakokonsensya?!" Mama said very hysterically. 

"Hindi Ma. Okay lang po ako." sabi ko sa kanila. 

"Halika, lagyan natin ng ice bag yang pisngi mo. Tignan mo oh, namumula yung pisngi mo." sabi pa ni Mama. 

"Wag na po Ma. Aakyat na po muna ako." sabi ko sabay akyat ko papunta sa kwarto ko. 

Pagpasok ko sa kwarto ko ay naupo ako sa kama ko. Habang nakatitig ako sa bintana ng kwarto ko ay biglang sumagi sa isip ko si Kath Rence...at ang mga sinabi niya sa akin kani-kanina lang... 

(Flashback) 

"MAGMULA ngayon, itatak mo dyan sa kukote mo na wala akong masamang ama na katulad mo. At kung meron man, matagal ko na iyong ibinaon sa limot...katulad ng ginawa mo sa amin. Let's go Katy."

Ang mga masasakit na salitang iyon ang tuluyang nagpatahimik kay Papa. 

 Sa sobrang galit ko ay sinundan ko sina Satchel at Kath Rence hanggang sa mapatigil sila sa isang park. Subalit napalitan ang galit ko ng matinding pagkahabag nang makita kong umiiyak ang stepbrother ko habang yakap siya ni Kath. At sa nangyayari sa kanya ay alam na alam ko na ang dahilan ng pag-iyak niya.

KAMI.

Masakit mang isipin, mahirap mang aminin, pero yun ang totoo. Kami ni Mama ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ni Papa. Kami ni Mama ang dahilan ng pagkamatay ng mommy niya.At kami rin ni Mama ang may kasalanan sa pagkamatay ni Chelsie.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya nagre-rebelde ng ganito, dahil kami ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganito.Hindi ko naman siya masisisi, pero mali naman na sabihan niya ng ganun si Papa dahil kahit pagbali-baliktarin pa niya ang mundo, at the end of the day, Papa is still his father. Ngunit kahit na ganun na siya katigas sa amin ay mahal na mahal pa rin namin siya at mananatili pa rin ang concern namin sa kanya dahil kapatid ko siya at parte pa rin siya ng pamilya namin. 

"Jack..."

Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Kath Rence. Kasama niya ang daddy niya na akay-akay ang tulog na si Satchel. 

"Mauna na kami ni Sachi ha." at nauna nang umalis ang daddy niya kasama si Satchel. Naiwan kaming dalawa sa park. 

"A-anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya.Napabuntung-hininga siya at saka siya nagsalita. 

"Pagpasensyahan mo na si Satchel sa mga inasal niya last weeks. Masyado lang siyang stubborn. Hope you don't mind him." kalmadong sabi ni Kath sa akin. 

"Okay lang. Sanay na ako sa kanya." sabi ko naman. 

"Kamusta ka na? Balita ko'y may problema ka daw. Sabihin mo sa akin at baka makatulong ako." 

Natahimik ako sa sinabi niya. 

"P-problema? W-wala, wala akong problema." 

"You're lying." diretsahang sabi niya sa akin. 

Natigilan ako sa sinabi niya at kalauna'y natahimik ako. 

"Sorry." ang mapagkumbabang sabi ko sa kanya. 

"Pamilya mo ba ang problema mo?"

I nodded. 

"Let me guess, palaging nag-aaway ang parents mo noh." 

Tumango ulit ako. 

"At pera ang dahilan, right?" 

"Yes. Pinaghihinalaan ni Papa si Mama na nakikialam sa pera ng kompanya. Palaging nag-de-deny si Mama sa mga ibinibintang ni Papa sa kanya." pag-amin ko sa kanya. 

Saglit na natahimik si Kath at kalauna'y nagsalita siya. 

"Gusto mo na bang matahimik ang mga magulang mo at matigil na sila sa pag-aaway?" sabi niya sa akin. 

"Siyempre naman. Gusto ko nang magkasundo sila." 

"Then be a good son." 

"Ginagawa ko naman yun eh." sabi ko pero kakaibang titig ang sumalubong sa akin mula sa kanya. 

"Then still do it. Be a good son...no matter what happens to your parents. Even to your brother. Wag sanang magbago ang pagmamahal mo sa mga magulang mo kahit na may matuklasan ka pang masama sa kanila. Sige, mauna na ako. Sana'y nakatulong ako sayo." at umalis na siya sa park. 

Naiwan ako na nakatulala at naguguluhan sa sinabi niya. 

 (End of Flashback) 

ALAM ko namang may madilim na nakaraan ang parents ko. 

Alam ko naman na naging kabit ang nanay ko bago sila magpakasal ng tatay ko. 

Pero isang tanong ang biglang bumagabag sa isip ko... 

Ano pa bang mga lihim ang itinatago ng mga magulang ko? 

At konektado kaya ito sa mommy at kapatid ni Satchel? 

Hindi ko alam... 

Ngunit kung sakaling konektado nga ito sa legitimate family ni Papa, ano naman kaya iyon? 

Gusto kong masagot ang tanong sa palaisipang sinabi ni Kath sa akin. 

Gusto kong malaman ang totoo... 

At gusto kong malaman ang itinatago pang lihim ng pamilya ko na hindi ko pa nalalaman.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C38
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous