Télécharger l’application
43.2% THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel) / Chapter 35: CHAPTER THIRTY FOUR

Chapitre 35: CHAPTER THIRTY FOUR

(Kensington High School, Friday afternoon)

(Kath Rence's POV)

(Backstage, School Grandstand)

"READY na ba kayo?"

Ready? Nakakain ba yun? Naiinom ba yun? xD.

"Ms. Nicdao, kinakabahan po ako eh."

Napatingin silang lahat sa akin. Maski si Sachi ay napatingin din sa akin. Nagtataka ang mga titig nila sa akin. Eh sa anong magagawa ko? Kinakabahan talaga ako eh. Baka nga mamaya, hindi pa ako makapasok sa Top 15 sa sobrang kaba ko.

Haist! Pwede bang mag-back out na lang?

"Kit-kat, nag-practice na tayo last day diba? Kaya wag kang kabahan." sabi ni Mikki habang inaayos niya ang mga isusuot kong damit at accessories.

"Alam mo Kit-kat, pagkatapos ka naming ayusan ni Mikki, for sure, it will boost your self confidence. Kaya relax ka lang dyan. Wag kang kakabahan." sabi naman ni Yogo habang inaayos niya ang buhok ko.

"And don't forget na napakarami nyong supporters mamaya Kit-kat! At ako ang number one na mag-chi-cheer para sa inyo!" sabi ni Erich sabay taas niya sa hawak niyang pompoms. Haay, ang sweet talaga ng bestfriend ko sa akin. :)

"Tsaka nandito rin ako Katy para alalayan ka. Kaya wag kang kakabahan ha?" sabi ni Sachi sabay hawak niya sa mga kamay ko.

"Oo Sachi. Salamat sa inyo." sabi ko sa kanila. Napaka-thankful talaga naming dalawa ni Sachi dahil nandyan si Ms. Nicdao at ang mga kaibigan namin para suportahan kami. Hahabol na lang sina Mommy at Daddy mamaya dahil busy pa sila sa pag-ha-hire ng magiging palakpak brigade namin ni Satchel. Akala mo naman, makakapasok ako sa Top 15.

xD.

Dalawang oras na lang ang nalalabi at magsisimula na ang pageant. Walang klase ngayong araw pero tiyak na punumpuno na ang grandstand sa dami ng mga manonood mamaya. Wish ko lang na sana'y wag akong papalpak mamaya kasi mas nakaka-tense pa itong coronation night kesa sa preliminary competition. Huhu.

Todo-todong pag-aayos na ang ginawa nina Mikki at Yogo sa akin. Kinulutan nila ng bonggang bongga ang buhok ko at nag-match naman ito sa suot kong opening dress na kulay orange at pagkatapos ay nilagyan nila ako ng make-up. Ang buong IV-1, hayun at very excited na para sa amin ni Sachi.

Nung matapos na akong ayusan ay halos hindi ko na naman makilala ang sarili ko dahil napakalayo na ng itsura ko kaysa sa dati. At ano 'to? Ala-Gabriella Isler lang ang peg?!

"Waah! Ang ganda-ganda mo talaga Kath!" humahangang sabi ni Ms. Nicdao.

"For sure, mapapanganga silang lahat sa mala-Honey Lee na beauty mo! Buti na lang, tagumpay ang make up transformation namin sayo!" at nag-appear sina Mikki at Yogo.

"That's my queen. You're so beautiful, Katy." Satchel said so sweetly.

"Thanks Sachi." sabi ko.

"Sige, pupuntahan ko muna yung section one. Goodluck my pretty bestfriend!"

"Thanks Erich."

Relax, Kath Rence. Kaya mo 'to!

AJA!

Dumiretso na kaming dalawa ni Sachi sa stage. Pumuwesto na kaming dalawa sa bandang harapan at bumungad sa amin ang napakalakas na palakpakan at sigawan ng mga classmates namin, idagdag pa ang palakpak brigade nina Mommy at Daddy na halos sakupin na ang pangalawa at pangatlong bleachers sa grandstand.

Nung umakyat na sa stage ang dalawang emcee ay umayos na ang mga candidates. At dahil 20 ang sections bawat year level ay tinataya kong nasa 160 kaming lahat (including the boys). At 15 slots lang ang available para sa mga candidates na uusad na sa next round ng competition.

"Good evening to all of you. We are now entering the first highlight and the same time, the first crucial part of the competition, as we now reveal our Top 15. Are you ready George?"

"As always, Jean." at tinignan na ng emcee ang sobre.

Haay...kinakabahan na ako!

"Our first spot in top 15 are...IV-7 and III-4!"

Magkasabay na naglakad ang unang pasok sa Top 15 habang umuugong ang malakas na palakpakan at sigawan ng lahat.

"Our second spot is goes to...I-1 and II-8!"

Lumakad patungo sa harap ng stage ang dalawang tinawag ng emcees.

"Next, the third spot is yours....III-1 and III-9!"

Sunud-sunod na ang tinawag hanggang sa Top 15 spot na lang ang matira. Grabe, dinadaga na itong puso ko ha. Swerte ni Sachi at natawag na siya, pang 9th spot siya, pero ako...plakda, mukhang maliligwak ako sa Top 15. Huhu...

"And the final spot is goes to..."

Kath Rence, relax....

"Is goes to IV-3 and IV-1!"

HA?!

AKO?!

PASOK SA TOP 15!!!

Bumungad sa akin ang malakas na palakpakan at tilian ng lahat. Katulad ng ginawa ng mga naunang candidates ay naglakad na ako papunta sa harap ng stage kung saan nakahilera ang mga kapwa ko pasok sa Top 15. Nakita kong masayang-masaya si Satchel para sa akin. I smiled at him back.

Nung pinabalik na kami sa backstage para sa swimsuit competition ay tuwang-tuwa kaming sinalubong nina Mikki at Yogo.

"Waaah! Sinasabi ko na nga ba't pasok kayo sa Top 15 eh!" Mikki exclaimed.

"Kaya galingan ninyo sa swimsuit competition para sa Top 10 naman ang punta ninyo!" sabi ni Yogo sabay palakpak niya.

"Halika na Kit-kat at Sachi, ime-make over na namin kayo ng bonggang-bongga para sa swimsuit competition!"

Agad na kaming inayusan nina Mikki at Yogo. Pinasuot na sa akin ang kulay orange na swimsuit habang kulay orange na boxer shorts naman ang suot ni Sachi. At muli'y nasilayan ko na naman ang tagong kamachuhan ng boyfriend ko.

Pagkatapos naming ayusan ay nag-umpisa na ang swimsuit competition. Pang-siyam na tatawagin si Satchel habang panghuli naman ako. Habang rumarampa isa-isa ang mga candidates na kasama sa Top 15 ay dinadaga na naman ang puso ko sa sobrang kaba. Pero nawawala naman ang kabang yun sa tuwing yayakapin ako ni Sachi at paulit-ulit niya akong bubulungan ng "I love you."

Nung tinawag na si Satchel ay hinalikan ko siya sa mga labi niya sabay sabing goodluck. Agad na siyang dumiretso sa stage at mula doon ay kitang-kita ko kung paano siya pagkaguluhan ng buong Kensington High School. Habang rumarampa siya ay hindi ko na maiwasang mapatili sa sobrang kilig at pagka-proud para sa boyfriend ko.

"Waah! Si Sachi ko yan! Si Sachi ko yan!" ang halos magwala na sa kilig na sigaw ko habang pinapanood ko siya.

"Huy Kit-kat, baka masira yang ayos ng buhok mo sa katitili mo dyan." sita sa akin ni Mikki.

"Ehehe...sorry." and I winked at them. 

Ayan kasi, ang landi-landi mo pa Kath. Tuloy, napagalitan ka. xD.

Nung makapasok na ulit sa backstage si Sachi ay sinalubong ko siya ng isang mainit na yakap. He hugged me back.

"Waah! Ang galing-galing mo talaga Sachi!" sabi ko sa kanya.

"Thanks Katy." and he smirked at me.

Nung tinawag na ako ng emcee ay lumabas na ako sa backstage at rumampa ala-Irene Esser habang walang tigil sa pagsigaw at pag-chi-cheer sa akin ang lahat. Hanggang sa matapos ako ay halos baliw pa rin sa pagsigaw ang mga audience.

Pagbaba ko sa stage ay bumungad sa akin ang malakas na tili ng dalawang fairy cute friends ko.

"Waah! Kit-kat, yung totoo, si Tyra Banks ka ba talaga?!" Mikki exclaimed.

"Anong Tyra Banks? Si Adrianna Lima yan!" kontrang sabi ni Yogo.

"Kayo talaga, parang rumampa lang eh ganyan na kayo kung maka-react." natatawang sabi ko sa kanila.

"Totoo naman eh. You're look like a supermodel." sabi sa akin ni Sachi sabay hapit niya sa beywang ko.

"Thanks." ang nakangiting sabi ko sa kanya.

Agad kaming ni-retouch nina Mikki at Yogo para sa Top 10 announcement. Hindi na naman namin maiwasang kabahan. Sana naman ay makapasok kami sa Top 10.

Pagkatapos naming i-retouch ay isinuot na sa amin ni Mikki ang sash ng section namin.

"Goodluck! Sana, makapasok kayo sa Top 10!" cheer sa amin ni Yogo.

"Thanks Yanna." sabi namin ni Sachi sa kanya.

Paglabas namin sa backstage ay inayos na kami ng floor director para sa announcement ng Top 10. Nung umakyat na ang dalawang emcee ay mas lalo akong nakaramdam ng excitement, and the same time, kaba na rin.

"After the tough and intensing first part of the competition, we will now announce the Top 10 Semifinalists. Are you ready?"

Umugong ang malakas na sigawan ng mga audience.

"Okay, so we won't keep you waiting guys." at binuklat na ng emcee ang envelope. "The first spot in Top 10 is goes to...IV-3 and II-5!"

Magkasabay na lumakad palapit sa first round platform (katulad sa Miss Universe) ang naunang tinawag sa Top 10. Hanggang sa nagsunud-sunod nang tawagin ang Top 2 hanggang Top 9. Muli'y natawag si Sachi at nasa Top 7 spot siya. Habang ako naman ay tila naaalangan na naman dahil maaaring hindi na ako makapasok pa sa Top 10.

Waah! Kinakabahan na talaga ako!

"And our last spot is goes to...is goes to III-2 and IV-1!"

Umugong ang malakas na palakpakan at sigawan habang medyo lumuwag na ang pakiramdam ko dahil pasok pa rin ako sa Top 10, panghuli nga lang ulit. Hehe...

Nung matapos na ang announcement ng Top 10 ay magkaakbay kami ni Satchel na bumaba sa stage. Muli'y sinalubong kami nina Yogo at Mikki.

"Waah! Pasok kayo sa Top 10! Ang galing nyo talaga!" masayang sabi ni Mikki sabay appear nila ni Yogo.

"Salamat." sabi namin sa kanila.

"Haay, formal attire and evening gown competition na ang susunod! Kailangang maging magandang-maganda ka Kit-kat sa evening gown mo! Same as you, Papa Sachi!" excited na sabi ni Yogo.

Agad kaming nagpalit ng damit. Pinasuot kay Sachi ang isang black coat and slacks with matching gray tie habang ako naman ay pinagsuot ni Mikki ng kulay puting mermaid gown na katulad sa isinuot ni Miss Spain sa Miss Universe 2013. At bumagay naman sa akin ang fitting ng gown.

Nung tignan ni Mikki ang gown ay halos mapatili na siya sa sobrang paghanga sa suot ko.

"Waah! Kit-kat...ang ganda ganda mo sa evening gown mo!"

"Salamat Mikki. Pero sa tingin ko lang, mukhang mas bagay sa gown na ito kung i-bu-bun style ni Yogo ang buhok ko." ang sabi ko pero agad na kumontra si Yogo.

"No, no, no. Pang-special occassions lang ang bun style hair. Ang bagay dyan sa napakagandang white gown mo ay simple pero attractive na curl hair!"

"Sige, kayo ang bahala. Kung ano ang maganda para sa inyo ay papayag na ako." sabi ko naman.

Ni-retouch ni Mikki ang mukha ko habang inaayos naman ni Yogo ang buhok ko. Si Sachi naman ay nakatitig lang sa akin habang hawak niya ang kamay ko. 

Weeee....kinikilig talaga aketch!

Pagkatapos nila akong ayusan ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin at muli'y napa-wow na naman ako dahil super perfect talaga ng magic na ginawa sa akin ng mga fairy cute friends ko.

"Waah! You're so dyosa talaga! Korona na lang ang kulang!" sabi ni Yogo habang pumapalakpak.

"Oo nga noh Yogo! Kaya galingan ninyong dalawa ha, para tuluyan nyo nang masungkit ang korona!" Mikki said.

"Salamat. Maraming-maraming salamat sa suporta ninyo." ang sincere na sabi ko sa kanila.

"You're welcome, Dyosa!" sabi nilang dalawa.

Nung mag-umpisa na ang formal attire at evening gown competition ay nag-umpisa nang rumampa isa-isa ang mga semifinalists suot ang kani-kanilang formal attire at evening gown. Muli'y dinaga na naman ang puso ko sa sobrang kaba.

Nang tawagin na ng emcee si Sachi ay hinagkan niya ako sa mga labi ko sabay labas niya sa backstage. Muli'y umugong ang napakalakas na palakpakan at tilian mula sa mga audience. Habang pinapanood ko siya mula sa backstage ay napapapalakpak ako sa sobrang kilig. Pagkabalik niya sa backstage ay sinalubong ko siya ng yakap. He happily hugged me.

"Kinabahan ka ba kanina?" tanong ko sa kanya.

"Medyo. Pero nung niyakap mo ako, nawala ang lahat ng kaba sa dibdib ko." sabi niya.

Nung ako naman ang tinawag ay masuyo akong niyakap ni Satchel sabay sabing, "Goodluck. Beat them all, my queen."

Lumabas na ako sa backstage at naglakad na ako sa runway, siyempre with matching poise and elegance na turo sa akin nina Khendra at Yhannie na beterana na sa mga ganitong competitions. Habang rumarampa ako ay wala pa ring tigil ang hiyawan at pag-chi-cheer sa akin ng lahat. At hanggang sa pagpasok ko sa backstage ay malakas pa rin ang hiyawan ng mga tao.

Nung makaupo na ako sa upuan ay agad ni-retouch ni Mikki ang buhok ko habang inayos naman ni Yogo ang detalye ng curly hair ko.

Pagkatapos ng 15 minutes short break ay tinawag na kami ng floor director at inayos na kami sa kanya-kanyang pwesto namin para sa announcement ng Top 5 o mas kilala bilang Final 5. Agad na ring pumuwesto ang dalawang emcee sa stage. Muli'y pinasukan na naman ng daga ang puso ko sa sobrang kaba. Naku naman, sana'y makapasok ako sa Top 5. Kahit panghuli na lang nila akong tawagin.

* dasal-dasal *

"Finally, we are now on the last and the most crucial stage of the competition, the announcement of the Top 5 Finalist. Are you ready?"

Muling dumagundong ang malakas na sigawan ng lahat.

"Okay," at binuklat na ng emcee ang envelope. "Our first spot in the Top 5 is...IV-1 and IV-3!"

Waah! Pasok si Sachi! Pasok siya sa Top 5!

Tilian at palakpakan ng lahat habang naglalakad na si Satchel papunta sa first round platform para sa Top 5.

"Next is the second spot in the Top 5. This spot is already yours...III-1 and II-4!"

Palakpakan ng mga juniors at sophomores nang matawag ang mga pambato ng department nila.

"The third spot is goes to...II-1 and III-1!"

Muling dumagundong ang palakpakan mula sa.mga audience.

"The fourth to the last spot is goes to...I-1 and III-7!"

Palakpakan ng lahat, especially the freshmans and sophomores.

"And the last spot for the Top 5 is...is goes to III-2 and IV-1! Congratulations!"

Eeeh?!!

Ako....

PASOK SA TOP 5?!!!

WAAAAAAH!!!

THANK YOU LORD!!!

Nung makumpleto na kaming mga Top 5 finalists sa platform ay nagpalakpakan ang lahat kasabay ng kanilang nakakabinging tilian. Masayang-masaya kaming dalawa ni Satchel dahil pasok pa rin kami, and this time, sa Top 5 na! Waah! Excited na ako!

Dahil limang minuto lang ang break ay pinalapit na ng floor director ang kanya-kanyang make-up artist ng mga finalists, kabilang na sina Yogo at Mikki at inayusan nila kaming dalawa ni Sachi.

Nang matapos na ang limang minutong pag-aasikaso nina Mikki at Yogo sa amin ay agad na silang pinabalik ng floor director sa backstage. Umakyat na rin ang mga emcee para simulan ang question and answer portion na pinakamahirap na segment sa isang beauty pageant. Dahil unang natawag si Sachi sa Top 5 ay siya ang unang tinanong ng isa sa mga judges ng pageant.

"Mr. IV-1, here's your question. Anong gagawin mo kung sakaling may ibang taong gustong agawin ang mahal mo?"

Ulp. Nakakaloka namang question yan! Hmm...ano kayang isasagot ni Sachi?

Ngumiti si Sachi at saka niya hinawakan ang mic. "Thank you for that wonderful question, Sir. For me, I believe that if you really love someone, you should fight for him or her. At kung sa akin man mangyari yun, ipaglalaban ko po ang babaing mahal ko kahit na umabot pa ito sa patayan. Hinding-hindi ko siya hahayaang makuha ng iba dahil mahal na mahal ko siya. That's all, thank you."

Umugong ang malakas na hiyawan at palakpakan habang hindi ko na maiwasan pang mapaluha sa sobrang kaligayahan dahil alam kong ako ang babaing tinutukoy ni Sachi sa kanyang sagot sa Q&A. And I really appreciate the way he fights for our relationship.

Natigil lang ako sa nakakalokang pag-e-emote ko nang sumunod nang tanungin ang iba pang finalists. May mga nakasagot ng maayos at may mga ligwak din sa Q&A.

Nung tawagin na ako para sa Q&A ay bumunot na ako ng pangalan ng judge na magtatanong sa akin sa fishbowl.

"Your question is goes to Judge No. 7, Mr. Anderson Perez."

"Here's your question, Ms. IV-1. Para sayo, ano ang mas matimbang, ang kagandahan ng mukha o ang kagandahan ng kalooban?"

Parang sa akin yata nakalaan ang katanungang iyan.

Huminga ako ng malalim sabay hawak ko sa mic na nasa emcee.

"Maraming salamat po sa makabuluhang katanungan, Mr. Perez." at napatingin ako sa mga audience. "Para sa akin, mas matimbang ang kagandahan ng kalooban ng isang tao kaysa sa panlabas nitong katangian dahil nasusukat sa kagandahan ng kalooban ang iyong mga disposisyon, opinyon at paraan ng iba't ibang pakikipagsapalaran sa buhay. Ang kagandahan ng mukha ay perpekto, ngunit sa pagtagal ng panahon ay kumukupas at nawawala, pero ang kagandahan ng kalooban ay hindi kailanman mawawala sa puso ng isang tao hanggang sa kanyang pagtanda at sa kanyang kamatayan. Kaya kung papapiliin ninyo ako ay higit na mananaig sa akin ang kagandahan ng kalooban dahil dito natin mas nakikilala ang kalakasan natin, kahinaan natin at ang mismong sarili natin, at kung papaano natin haharapin ang bukas na may positibong pananaw at pag-asa."

Nagpalakpakan ang lahat at maski ang mga kapwa ko finalists ay nagpalakpakan din.

"In short words, ANG KAGANDAHAN NG ISANG TAO AY WALA SA KANYANG PANLABAS NA ITSURA, KUNDI ITO'Y NASA KANYANG KALOOBAN. Magandang gabi at maraming salamat po sa inyong lahat."

Nakita kong tumayo ang lahat ng audience at nagpalakpakan silang lahat. Hindi ko maiwasang mapaluha sa sobrang saya dahil sa wakas ay tanggap na rin ako ng lahat.

Nung matapos na ang Q&A ay hindi na kami pinabalik pa sa backstage dahil any minute ay matatapos na ang tabulation of results at malalaman na kung sino ang mananalo sa pageant na ito. Muli'y hindi ko maiwasang kabahan.

Pagkatapos ng tatlong minutong paghihintay ay pinaakyat na sa stage ang lahat ng mga kalahok sa pageant. Kami namang mga finalists ay inilagay na sa sampung platform sa gilid ng stage. Umakyat na rin sa stage ang dalawang emcee ng pageant. Mas kinabahan ako nang ibigay na sa kanila ang envelope na naglalaman ng resulta ng pageant.

"Thank you, Mr. Cruz." at binuksan na ng emcee ang envelope. "Our fourth runner up is goes to... III-1 and IV-3!"

Palakpakan ng lahat nang matawag na ang fourth runner up. Agad silang pumunta sa harapan ng stage at sinabitan sila ng sash. Binigyan din sila ng trophy, certificate at bouquet and garland of flowers.

"Congratulations to our fourth runner up. Next is the third runner up..." at tinignan ng emcee ang envelope. "The third runner up is goes to... III-2 and III-7!"

Katulad ng naunang nanalo ay pumunta din ang bagong third runner up winners sa harap ng stage. Sinabitan din sila ng sash at binigyan ng trophy, certificate at bouquet and garland of flowers

"Next is the second runner up. The second runner up is... I-1 and III-1!"

Palakpakan nang lahat nang mabanggit na ang second runner up. Pumunta din sila sa stage at binigyan ng award katulad ng fourth at third runner ups.

Dahil dalawa na lang kaming natira sa babae at si Sachi at yung taga sophomore department ay pinalapit na kami sa mismong gitna ng stage.

"So before we announce our new winners, let me remind you that if the Mr. Campus Prince and Miss Campus Princess will not fulfill their duties as the ambassador and ambassadress of goodwill, the first runner up will take over." at tinignan na ng dalawang emcee ang envelope. "And the first runner up is... II-1 and II-4! The winners of the Mr. Campus Prince and Miss Campus Princess is no one other than Mr. and Ms. IV-1! Congratulations!"

Naglulundag sa tuwa si Sachi habang ako naman ay halos himatayin na sa sobrang pagkagulat...

TOTOO?!

NANALO KAMI NI SACHI?!

NANALO...AKO?!

AS IN...!

WAAAAAHHHH!!!!!

Sabay nang kinoronahan ang first runner ups. Pagkaalis nila sa stage ay sinabitan na kaming dalawa ni Sachi ng sash ni Yhannie at ng outgoing Mr. Campus Prince na taga junior department. Ipinasa na rin sa akin ni Yhan ang diamond and sapphire crown ng Miss Campus Princess at isinuot na rin niya sa akin ang kulay puting kapa na pang-reyna ang dating. Ibinigay na rin niya sa akin ang diamond and sapphire scepter na kakulay ng korona. Binigyan din kami ng trophy, certificate at bouquet and garland of flowers.

Matapos kaming koronahan ay nagkaroon kami ng picture taking kasama ang mga runner ups namin.

Pagkatapos ng picture taking ay bumalik na kami sa backstage. At nagulat na lang kami nang salubungin kami ng pamilya't mga kaibigan namin.

"Congratulations! Nanalo kayong dalawa!" at niyakap kami ni Lola Martha.

"Salamat po Lola." sabi namin ni Sachi.

"Binabati ko kayong dalawa. You deserve to win this title." bati sa amin ni Ms. Nicdao.

"Salamat po Ms. Nicdao." at niyakap naming dalawa ang mabait at mapagpasensyang adviser namin. Naiiyak naman kaming ginantihan ng yakap ni Ma'am.

"Congratulations mga anak! You both win!" bati naman sa amin nina Mommy at Daddy.

"Salamat po. I love you po." at niyakap ko ang mga magulang ko. They hugged me back.

"Waah! Group hug na tayo!" at sinalubong kami ng yakap ng mga kaibigan namin. Nagyakapan kaming lahat sa sobrang saya.

Ang pagkakapanalo ko ng title na ito ang isa sa mga pinaka-da best na nangyari sa buhay ko. At napanalunan ko ito kasama ang taong mahal na mahal ko.

Ah basta...masayang-masaya talaga ako.

* feeling happy lvl 100 *


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C35
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous