(Kensington High School)
(Kath Rence's POV)
(Autumn Park)
"S-SATCHEL?!" ang gulat na gulat na sabi ko sa kanya.
"Katy..." at niyakap niya ako. "Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"
"Sachi..." at tuluyan na akong napahagulgol. Agad naman niya akong niyakap.
"Katy, tell me, anong problema? Sabihin mo sa akin, makikinig ako." sabi niya.
"Satchel, sana naniwala na lang ako sayo. Sana naniwala na lang ako sa mga sinabi mo...kasi ang sakit! Ang sakit-sakit na makita ko ng harap-harapan na si Khendra ang mahal ni Jack." ang sunud-sunod na sabi ko sa kanya.
"Hindi ko naman hinihiling na paniwalaan mo ako eh...pero maigi na rin na nalaman mo ang totoo, kasi kapag ipinilit mo pa ang feelings mo sa kanya, tiyak na lalo ka lamang masasaktan." sabi naman niya habang yakap niya ako.
"Sachi...ang sakit...hindi ko alam kung matatagalan ko ito...at mas lalong hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko, kung aawayin ko ba si Khendra o hahayaan ko na lang sila...Sachi, anong gagawin ko?"
"Katy, okay lang yan. Naiintindihan kita. Hindi madaling maka-move on. Pero hayaan mo sana akong tulungan ka. Gagawin ko ang lahat, pati na rin ang imposible, para lang makalimutan mo siya." he said seriously.
"P-paano mo naman gagawin yun?"
He catched his breath and touched my face.
"Let me love you."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"A-ano...g-gusto mong...m-mahalin a-ako? A-anong ibig mong...s-sabihin?"
"Anong ibig kong sabihin? Kath Rence...mahal kita. Mahal na mahal kita."
Ang mga katagang yun ang mas lalong gumulantang sa akin...
Teka, totoo naman kaya ang sinasabi ni Satchel?
"H-ha? S-seryoso ka ba?" ang halos manginig kong tanong sa kanya.
"Yes I'm serious, very dead serious. Kath, I love you. Eversince I met you, wala na akong ibang babaing minahal kundi ikaw lang. Please ako na lang, wag na siya."
"A-anong ibig mong sabihin? D-don't tell me..."
"Matagal ko nang alam na si Jack ang mahal mo. Please, bigyan mo naman ako ng chance...na mahalin mo. Ako na lang ang mahalin mo..." at nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.
Nagimbal ako sa mga sinabi niya. Paano niya nalaman na si Jack ang gusto ko, gayong walang sinumang nakakaalam ng feelings ko sa kanya...
"S-Satchel...a-ayoko sanang saktan ka...pero kaibigan lang ang turing ko sayo eh..." ang uutal-utal na sabi ko.
"I know. Handa naman kitang hintayin eh. Kahit na maging rebound mo lang ako, okay lang sa akin. Just please...give me a chance to prove myself to you." at muli'y niyakap niya ako ng mahigpit.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Mahal ako ni Satchel pero si Jack naman ang mahal ko. Ayoko namang paasahin si Satchel sa wala pero naaawa ako sa kanya.
DAMN, ANONG GAGAWIN KO?
"Kath...hayaan mong patunayan ko sayo kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita at magiging masaya lang ako kung bibigyan mo ako ng chance sa puso mo."
"S-Satchel..."
Naumid ang dila ko nang hagkan ni Satchel ang mga labi ko...sandali lamang yun pero ramdam na ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo.
And I think starting this day...maaari nang maging magulo ang sitwasyon ng pag-iisip ko...at ng puso ko.