Bigla na lang nagising si Kyra noong pakiramdam niya ay parang hindi na siya makahinga. 'Yon pala ay naiipit na siya ni Bryan sa sobrang higpit ng yakap nito sa kanya. Nakadantay pa ang isang hita nito sa buong bewang niya.
Jusko naman 'tong gwapong halimaw na 'to! Ginawa na talaga siyang human pillow.
Maingat niyang inalis ang hita nito sa katawan niya at natanggal niya nga 'yon ng hindi ito nagigising. Sobrang sarap yata ng tulog ni Bryan.
Tumingin siya sa wall clock nito at nagulat siya ng makita kung anong oras na. Its already 3:15 in the morning! Magtitwelve hours na pala 'yong tulog niya.
Tumingin na ulit siya sa katabi niyang naghihilik at pinatakan ito ng isang mabilis na halik para hindi ito magising. Siya lang din kinilig sa ginawa niya.
'Feel na feel ang pagiging misis ni Bryan ah! Chosera ka!'
Napaismid tuloy siya. Ba't kaya ganoon ang isip niya parati na lang siyang kinokontra! Tss!
Biglang tumunog ang tiyan niya. Nagugutom na pala ang mga alaga niya. Naalala niyang 3pm pa pala ang last niyang kain at sa resort pa 'yon. Naku! Nagwewelga na yata sila kaya nagising din siguro siya.
Maingat siyang bumangon sa kama at napagpasyahang maligo muna bago bumaba sa kusina. Plano niyang magluto na rin ng agahan para sa kanilang dalawa ni Bryan. Babalik na yata ito sa trabaho mamaya. Nalungkot tuloy siya sa naisip. Last day na ng bakasyon ni Bryan kasi. Kaya dapat ngang maipagluto niya ito ng breakfast.
Para ulirang asawa. Pak ganern!
Matiwasay siyang nakapasok ng CR ni Bryan at nangingiti siya sa sarili kasi first time niyang makapasok doon. Pinagala niya talaga ang mga mata niya sa buong CR ni Bryan. May nakita siyang isa pang pinto sa loob at pagbukas niya ay tumambad sa kanya ang magarbong walk-in closet ni Bryan. Puno 'yon ng mga sapatos, mga damit at accessories. Pero mukhang hindi pa nagagamit 'yong iba doon. May tag pa kasi.
Akala niya noon 'yong cabinet nito sa kwarto lang ang lagayan ng damit nito. Mukhang mga lumang damit lang pala nito ang mga 'yon. Patuloy pa rin siyang umiikot doon at napamaang siya ng mapansin ang pamilyar na mga damit na nakahanger at nakatupi sa kabilang bahagi ng walk-in closet nito. Nilapitan niya 'yon at napangiti ng makitang mga damit niya pala 'yon. Pagbukas niya ng drawer ay mas lalo siyang napangiti, nandoon na rin ang mga undies niya.
Grabe! Parang totoong mag-asawa na talaga sila. Nangingiti siyang lumabas doon at naligo na. Baka mamaya magising pa si Bryan eh. Mapurnada pa ang plano niyang gawin.
Pagkatapos niyang maligo at magbihis ay maingat rin siyang lumabas ng kwarto nila. Its almost 4am na. Panaka-naka siyang tumitingin sa gawi ni Bryan habang humahakbang. Hirap na baka magising ito at hindi na magiging surprise ang breakfast nito na may sangkap ng pagmamahal.
Chos!
'Lawayan ko kaya ang pagkain niya? Baka ma in love na talaga si Bryan sa 'kin ng tuluyan. Haha! Mga tatlong kutsara ng laway. Epektib daw na gayuma 'yon eh.'
Nangingiti niyang sabi sa isip habang mabagal na tinatahak ang pasilyo papunta sa hagdanan. Madilim pa talaga. Isang lampshade lang talaga sa gitnaang bahagi ng pasilyo ang nagbibigay ng liwanag sa dinadaanan niya. At paniguradong tulog pa din ang mga kasambahay kasi usually 5am na sila nagsisimula sa paglilinis. Plano niyang ipagluto na rin si Mr. Sevilla at sabay na silang tatlong kakain.
Noong nasa taas na siya ng hagdanan ay medyo nakaramdam siya ng takot. Medyo madilim din kasi sa baba at nagbibigay lang din ng ilaw doon ay ang tatlong lampshade na medyo dim rin ang ilaw.
'Kaso paano ang plano niya? Wala naman sigurong mumu dito ay! Matapang ka Kyra, matapang ka! Matapang ka, Kyra, matapang ka.'
Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya habang hinahakbang na ang mga paa pababa ng hagdanan. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdanan ng makaramdam siya ng lamig. Kaso nakabukas naman kasi 'yong malaking bintanan doon kaya siguro lumamig ang paligid niya. Kaya tinuloy na niya ang pagbaba sa hagdanan.
Noong nakarating na siya sa pinakababa ng hagdanan ay napabuga siya ng hangin at natawa na lang sa ginawang pananakot sa sarili.
'Ano ba, Kyra! Hindi totoong may multo, nu!' Saway niya sa sarili.
Nagsimula na sana siyang humakbang papunta sa kusina ng makarinig siya ng isang malambing na boses at tinatawag siya.
"Kyra.. Kyra.. Kyra.."
Napatigil tuloy siya at luminga sa paligid niya.
Baka kasi isa sa mga kasambahay 'yon at nagising at nakita siya. Pero wala talagang tao at hindi naman naulit ang pagtawag sa kanya. Siguro'y nagkamali lang siya at guni-guni niya lang 'yon lalo pa't kanina pa niya tinatakot ang sarili. Nagsimula na ulit siyang lumakad pero bigla na namang lumamig sa paligid niya.
"Kyra.. Kyra.. Kyra.."
Pakiramdam niya'y parang namutla siya. Parang galing kasi 'yong boses sa taas. Kinakabahan na talaga siya pero ginawa niya pa ring lumingon doon noong tinawag siya ulit ng boses na 'yon. Pag-angat niya ng tingin sa taas na bahagi ng fireplace ay nakakita na siya ng laylayan ng puting damit na nakalutang lang.
Imbes na tumakbo ay umangat pa lalo ang tingin niya hanggang sa nakatingin na siya sa isang magandang babaeng nakangiti sa kanya.
Pe-Pero.. N-Nakalutang! N-Nakalutang siya! Nakalutang siya sa hangin!!
Ramdam niya ang panlalamig ng katawan niya habang nagkatitigan silang dalawa. Na para bang ang espirito niya ay gusto na ring lumutang kasama nito. Mas lalong lumawak ang ngiti ng babae habang magkahinang ang mga mata nila.
"Hi, iha.." Bati nito sa kanya sa sobrang lambing na boses.
"AHHHH!" Malakas na tili niya hanggang sa nagdilim na ang paligid niya.
"Nasaan na 'yong white flower!" Dinig niyang pasigaw na boses ng taong nagbubuhat sa kanya. Tunog iritable 'yon na parang nagpapanic na.
"Eto na po, Senyorito!" Dinig niya ring sagot ng isang boses na humahangos.
Naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa isang malambot na bagay.
"Kyra, iha.." Dinig niyang isa pang boses.
Pero parang ayaw niya pang imulat ang mga mata niya. Ang sakit ng ulo niya at kahit 'yong ibang parte ng katawan niya.
Minulat niya ang mga mata niya ng mabagal ng maamoy ang white flower na nilapit sa ilong niya.
"W-Wifey.."
Blurry pa ang paningin niya pero kitang-kita niya ang pag-aalala sa buong mukha ni Bryan na nakatunghay sa kanya.
"A-Anong nangyari?" Sabi niya sabay sapo sa ulo niya at akmang babangon sana pero agad siyang pinigilan ni Bryan.
"Humiga ka muna." Matigas na sabi nito.
Tumango lang siya ng mahina at pinikit ulit ang mga mata. "Ang sakit ng ulo ko at 'yong balakang ko.." Reklamo niya.
Naramdaman na lang niya ang magaan na paghaplos sa buhok niya na nagpapawi ng kunti sa sakit.
"Does it still hurt?" Nag-aalalang tanong ni Bryan sa kanya.
Tumango lang siya ng mahina. "Ano bang nangyari, hubby?" Tanong niya habang nakapikit.
"We don't know. Ginising ako ni Manang Rosa and told me you fainted. They said they've heard you screamed and found you lying on the floor.."
"Huh?" Tanong niya na nagpamulat sa kanya.
Halos lahat pala ng kasambahay na nakabihis pa ng pangtulog, at si Mr. Sevilla ay nasa likod ni Bryan at puno rin ng pag-alala ang mga mukha ng mga ito.
Wala siyang maalala. My gosh!
Nakita niyang tumango si Bryan at napabuga ng hangin. "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Its only quarter 4:30am, wifey.. Nagutom ka ba?"
'Nagutom ako?'
Shit!
Napamaang siya ng maalala na ang lahat! She's supposed to cook breakfast for them! Tapos.. Tapos!
Oh my, ghad!
"Y-You remembered something? Anong nangyari kanina? Wifey? May pumasok bang masamang tao dito? Tell me! Ano nangyari?!" Sunod-sunod na sabi ni Bryan habang nakatingin sa kanya.
"H-Hindi... May.. May nakitang akong multo!!"
"What?"
"Multo!! Multo nga, hubby!!" Nahihysterical na sabi niya sabay hagulgol. "Natakot ako! Tinatawag niya kasi ako! T-Tapos lumamig ang buong paligid! Nakita ko siyang nakalutang! P-Pero ang lambing ng boses niya. Tapos nag-Hi siya. Kaso.. Kaso natakot ako!"
"Huh?"
Alam niyang hindi talaga naniniwala si Bryan at ang lahat ng mga taong nandoon. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa multo? Pero siya naniniwala na lalo pa't naexperience niya talaga.
Jusko!
Napamulat na lang siya ng mga mata at tinaas ang kanang kamay niya. "Promise, hubby! Promise nakakita ako! P-Pero ang ganda niya! Tapos she's wearing this white dress na may ruffles sa sleeves at sa skirt, tapos may necklace siyang suot na heart 'yong pendant na color green yata 'yong kulay ng pendant. Tapos... Natakot na talaga ako noong nag-Hi siya. Kaya nahimatay ako! I was planning to cook you breakfast! And then-"
"W-Wait, iha.." Si Mr. Sevilla na pinutol ang pagsasalita niya. "May ruffles ang damit niya? And she's wearing a green pendant necklace?"
"Oo, dad! Promise! Maniwala kayo! A-And her hair was made into a bun yata.. p-pero may tira pong buhok sa isang side. I forgot which side.. L-Left po yata! T-Tapos may anklet din po yata siya... Kaso hindi ko masiyadong makita kasi ang haba po ng d-damit niya kahit naka-"
"It's Carmelita!"
"P-Po?!" Napabaling ang tingin niya kay Bryan at kahit ito ay nagulat habang nakatingin sa kanya.
"Yes, iha! Its your mother-in-law!" Sabi ni Uncle sabay tingin sa family portrait nila.
Napabaling rin tuloy ang tingin niya doon at napanganga.
"S-Siya nga!!"
Shet!
Ang tanga niya! Paanong nakalimutan niya ang mother-in-law niya! Inunahan kasi siya ng takot! Grabe naman kasi! Wala man lang pasabi si mom na magpaparamdam pala! Sana'y nag text muna ito, at least prepared siya! Huhu! Nagiguilty tuloy siya at hindi man lang niya ibinalik ang pagbati dito. Tumili pa siya ng malakas at nahimatay!
My gosh!
Kaso grabe naman kasi! Sana magpakita na lang ito kung kailan may kasama siya at hindi naman madaling-araw!
'Hi, mom! Sorry natakot ako! Sorry po!' Usal niya sa sarili habang nakatingin sa mukha nito sa portrait.
"Its really her, iha! 'Yong dinescribe mong damit, 'yon ang suot niya noong l-libing niya.. And her hair is the same, as well. And her jewelry too.. Its her favorites that's why isinama ko.." Sabi ni Mr. Sevilla at nakita niyang parang kumislap ang mga mata nito. "Winelcome ka niya sa family, iha."
Naiyak tuloy siya sa sinabi nito. "Hindi man lang ako nag-Hi back sa kanya..."
Narinig niyang tumawa si Mr. Sevilla. "Its okay, iha. She will understand. Sa sobrang tagal na ng pagkawala niya ay hindi man lang siya nagpakita o nagparamdam sa amin.. Maybe she really wants to meet you and to personally welcome you.." Ngumiti si Mr. Sevilla sa kanya kaya napangiti rin siya dito.
Kahit ang mga kasambahay ay nakangiti din sa kanya, lalo na si Manang Rosa na nalaman niyang matalik na kaibigan pala ni mom Carmelita simula noong naninilbihan ito sa pamilya Sevilla.
Napatingin siya kay Bryan at ito lamang ang tahimik at nakatulala. Noong napansin yata nito na nakatingin siya dito ay ngumiti ito sa kanya ng tipid.
"K-Kumain na tayo.." Yaya nito sa kanya at maingat siyang itinayo sa sofa.
"Okay! Ako na magluluto! Dad, sabay tayo magbreakfast ah!" Maligaya niyang sabi sa mga ito.
"Of course, iha!" Magiliw naman na sabi ni Mr. Sevilla at nagpaalam munang babalik sa kwarto nito habang sila naman ni Bryan na tahimik ulit ay nagsimula ng maglakad papunta sa kusina.
Nawala na din ang sakit ng ulo niya pero masakit pa rin ng kunti ang balakang niya. Siguro'y epekto noong nahimatay siya. Ampf!
"Akyat ka na muna, hubby.. I'll call you later when everything is cooked." Pamimilit niya dito sabay tulak pa sa dibdib nito.
Nakayakap kasi ito sa kanya paharap kaya paano siya makakaluto? Hindi pa rin ito umiimik pagdating nila sa kusina basta lang siya nitong niyakap.
"All right.. Basta.. mag-ingat ka. Do you hear me?" Malambing na sabi nito sabay halik sa sentido niya.
"Opo." Nangingiting sabi niya at akmang tatalikod na sana dito pero hinawakan nito ang likod ng batok niya sabay lamukos ng halik sa mga labi niya. Napatugon din tuloy siya dito.
"Apppetizer done.." Sabi nito pagkatapos siya nitong pakawalan. "I'll wait for my main course." Sabi nito at agad ng tumalikod sa kanya.
Namumula tuloy siya habang tinitingnan ang likod nito. She felt all giddy with the kiss that they've just shared. Nangiti na lang siya ng maalala ang nangyari kanina. Kahit natakot siya ng mother-in-law niya ay masaya pa din siya. Mukhang tama nga kasi si Mr. Sevilla. Winelcome talaga siya nito, nakangiti naman kasi ito noong nagkatinginan sila.. at nakalutang ito. Matakutin lang talaga siya. Sayang! Pero at least na meet niya ito, and it just proves that she is still watching over her family kahit wala na ito.
Napahinga na lang siya ng malalim at agad ng kinuha ang mga ingredients na kakailanganin niya para sa pagluto ng breakfast nila. She's going to make some pancakes, poached eggs, bacon, toasted bread, mixed fruits, and coffee. Typical breakfast lang pero sabi nga niya these foods are going to be prepared and cooked with love!
Cheka!