Télécharger l’application
5.66% Wishing Girl 3: Pain 2 Forget / Chapter 3: CHAPTER TWO

Chapitre 3: CHAPTER TWO

"ANONG KAILANGAN mo sa akin at talagang pinuntahan mo pa ako dito sa opisina ko?" Naiinis na tanong sa kanya ni Patrick.

Napasimangot si Joshua sa sinabi ng kaibigan. "Hindi ba pwedeng dinadalaw lang kita?"

"Joshua, kilala kita. Hindi ka pumunta dito para dalawin ako. Ano na naman ang kailangan mo sa akin? Kung kukulitin mo lang naman ako para samahan kang pununta ng Pampanga para maranasan ang sumakay ng air balloon at tumalon na may suot na parachute ay tigilan mo ako."

Napangiwi si Joshua ng marinig ang sinabi ni Patrick. Naalala pa talaga nito ang ginawa niyang kalukuhan noong nakaraang buwan. Bigla na lang hinila ang kaibigan papuntang Pampangga at doon ay nag-sky diving siya. Halos isumpa siya ni Patrick sa ginawa niyang kalukuhan. Gumiwang kasi ang air ballon sa ginawa niya at hindi safe ang pagkakatalon niya.

"Hindi naman iyon ang ipinunta ko dito," aniya.

"So, ano nga ang ipinunta mo dito?" Tinitigan siya ng mataman ni Patrick.

Tumikhim si Joshua at umupo ng maayos. "May tao sana akong papasundan sa iyo."

Nagsalubong ng kilay si Patrick. "Don't tell me, babae itong papasundan mo sa akin?"

Ngumiti si Joshua. Inaasahan na niya ang reaksyon na iyon kay Patrick. Mukha naman nakuha ng kaibigan ang sagot sa ngiti.

"It's a no. Kung sino man iyang babae na papasundan mo sa akin, it's a NO!" Tumayo si Patrick.

Agad naman niyang sinundan ang kaibigan. "Patrick, just this one. Please! Gusto ko lang talaga malaman kung may nobyo siya."

Huminto sa paghakbang si Patrick. "So hindi mo masyadong kilala itong babae. Ano na naman itong na iisip mong kalukuhan, Josh?"

"Hindi ito kalukuhan. Gusto kong makilala ng lubusan ang babaeng i-"

"Do you love her like how much you love Jessie?" Humarap sa kanya si Patrick.

Natigilan si Joshua ng marinig ang pangalan na binanggit nito. Hindi niya nasagot ang tanong nito bugkos ay napayuko siya. Napakuyom ang isang kamay nito. Upon hearing that name, Joshua let his guard down.

"And my answer is NO, Joshua. The last time I did the favor you ask, your life almost ruined. Hindi ko na iyon gagawin ulit kung ganoon din naman ang kalalabasan. Kung si Jessie pa rin ang laman ng puso mo, wag mong idamay ang ibang babae." Tumalikod si Patrick at umupo sa swivel chair.

Na-iwan si Joshua na nakatayo sa gitna ng opisina ni Patrick. People always bringing up his past and how everything change. Ilang sandali din na natigilan si Joshua. Ilang beses nitong pinuno ng hanging ang dibdib nito bago nagtaas ng tingin.

"Alam ko na apektuhan ka sa nakaraan ko pero tapos na iyon, Patrick. Ilang taon na ba ang nakalipas at patuloy niyo pa rin binabalik ang nakaraan ko. Pinagsisihan ko naman ang kasalanan ko. I did my best to earn their forgiveness. Pero bakit hindi pa rin ninyo nakakalimutan." Sigaw niya sa kaibigan.

Tumigil si Patrick sa pagpirma ng dukomento at hinarap siya. "How could we forget, Josh? It's also our biggest turn in life. Hindi lang ikaw ang nakadama ng kamalian sa nangyari kung hindi pati na rin kami ni Liam. Our band maybe disbanded but the pain is still there. Hindi na iyon mabubura pa kahit anong gawin natin. So, let's not make the same mistake again. Spare that woman you want me to stalk and focus on your job."

Nagtaas-baba ang dibdib ni Joshua at walang paalam na nilisan ang opisina ng kaibigan. Hindi niya ma-intindihan ito. Mahirap din naman sa kanya ang lumimot sa pangyayaring iyon. Masakit sa kanya ang lahat dahil dalawang tao ang nawala sa kanya. He lost Andria that night. Umuwi ito ng China pagkatapos nitong madawit sa nangyari. Hindi na ito muling nagpakita pa sa kanila. At ang isang taong nawala sa kanya ay taong dapat ay kokompleto ng buhay niya ngunit nawala ito ng hindi manlang niya nakaka-usap o nahawakan man lang. It was all his fault. Buong buhay niyang dadalhin ang sakit ng kahapon.

HAWAK ang isang baso ng kape ng sikat na coffee shop, lumapit si Joshua sa mesa ni Annie. Tumingin muna siya sa paligid bago inilapag ang hawak na baso. Walang kahit isang tao sa floor nila kaya naman ginawa na niya ang lagi niyang ginawa noon pa. Kumuha siya ng sticky note na nandoon at nagsulat ng note.

'Start your day with a sweet coffee. Hope this coffee will make you smile.'

Muling binasa ni Joshua ang sinulat. Napangiwi siya dahil parang ang cheesy noon kahit siya ay gustong masuka sa ginawa. He puts the sticky note at his pocket and tried to make one. Naka-ilang sulat na siya pero hindi pa rin siya natutuwa sa sinusulat. Lagi na lang lumalabas na clingy ang note niya. Nakakadiri na kahit siya ay hindi magugustuhan iyon. Huminga ng malalim si Joshua at tumingin sa relo. Biglang nagpanic ang brain cell niya ng makita ang oras. Siguradong magdadatingan na ang mga kasama nila. Kailangan na niya mag-isip ng note doon.

'Wag bitter sa umaga at baka ikapangit mo. Baka pati itong kape ay maging bitter din kagaya mo.'

Napangiti si Joshua sa sinulat. Agad niya iyon idinikit sa table at ipinatong ang kape. Muli siyang napatingin sa loob ng opisina. Inayos niya ang suot na coat at naglakad na parang walang ginawa doon. Naglakad siya papunta sa exit door. Mabuti na iyong sigurado siya na hindi siya mapapansin ng mga kasamahan sa trabaho. Nasisiguro din niya na pa-akyat na ang ilang sa mga ito. Umakyat siya ng isang floor bago lumapit sa elevator. Napangiti siya ng walang katao-tao sa loob ng elevator ng sumakay siya. Pinindot niya ang 23th floor, iyon ang floor ng pinsan na si Shilo. Nasisigurado siyang nandoon na ang pinsan. Hindi nga siya nagkamali ng makita itong nakikipag-usap sa kaibigan.

"Cousin, good morning," bati niya sa pinsan.

Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa. Agad na nagsalubong ang kilay ng pinsan.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ng pinsan.

Tumikhim siya. Hindi pa rin talaga nagbabago si Shilo, ganoon pa rin ang pakikitungo nito sa kanya. "Tatambay lang. Upo lang ako dito at titingin sa inyo. Go ahead. Usap lang kayo."

Dumilim ang mukha ni Shilo at tumingin sa babaeng ka-usap. "Kakausapin ko lang ang pinsan ko, Rila."

"Sige." Tumingin sa kanya ang babae at ngumiti. "Nice to see you early in the morning, Joshua."

"Ikaw din, Carila. Gumaganda ka habang tumatagal. Sino jowa mo ngayon?"

Namula ang mukha ni Carila at lalong nandilim ang mukha ng pinsan. Gusto tumawa ng malakas ni Joshua sa reaksyon ng pinsan.

"Tigilan mo nga si Carila."

"Bakit? May masama ba sa tanong ko?" Patay malisya niyang tanong dito.

Binigyan siya ng pinsan ng masamang tingin. "Lumayas ka nga dito, nang gugulo ka lang naman dito."

Napasimangot siya sa pinsan at tumingin kay Carila na nakatayo na pala ng mga sandaling iyon. "Paano mo naging kaibigan ang isang ito, Carila?"

Tumawa si Carila sa tanong niya. "Alam mo naman na pinagtitiyagan ko lang ang ugali ng pinsan mong iyan."

Nanlaki ang mga mata ni Shilo at humarap kay Carila. "Anong sinabi mo?"

Humagikhik si Carila. "Iwan ko na kayong dalawa. Usap kayo."

Tumalikod nga si Carila at iniwan sila ng pinsan. Matalim na tingin ang ipinukol sa kanya ni Shilo. Tumayo ito. "Come on."

Sumunod siya sa pinsan. Napangiti siya ng tinahak nila ang elevator. Wala silang kasamang staff ng sumakay doon. Shilo press the rooftop button. Napangiti si Joshua.

"Paborito mo talaga ang rooftop, ano?"

"Tumahimik ka nga."

"Bakit ba mainit lagi ang ulo mo? Ang bata mo pa para magmenupose."

Lumingon sa kanya si Shilo at binigyan siya ng nakakamatay na tingin. "Tumahimik ka nga, Joshua. Bunganga mo. Para kang hindi lalaki."

"Ikaw naman, sobrang suplado. Bakit mo ba tinatago iyang sungay mo sa ibang tao?"

"I need a clean name to get the position of my father," sagot ni Shilo.

Huminga siya ng malalim. "Gaano ka kasigurado na sa'yo mapupunta ang posisyon ni Tito Shawn? Nakakalimutan mo na ba si Shan. Sigurado akong si-"

"Tumigil ka na." Matalim ang boses na sabi ni Shilo.

Tumahimik si Joshua. Sumandal siya sa elevator at tumingin sa repleksyon ni Shilo. Bakas pa rin ang galit sa mukha nito. Pinagkrus niya ang mga braso.

"Gaano katagal mo dadalhin ang sakit ng kahapon, Shilo? Hindi mo pa rin ba matanggap na wala na si Kaze?"

Nagtagpo ang mga mata nila ni Shilo sa repleksyon ng elevator. "Ikaw ba, Joshua? Tanggap mo na ba ang pagkawala nila? Nakalimot ka na ba sa sakit at guilt na nadarama mo ng dahil sa nakaraan?"

Hindi siya nakasagot. Tumaas ang isang sulok ni Shilo.

"Hanggang ngayon nandito pa rin si Kaze sa puso ko. Hindi na siya mabubura kahit kailan."

Yumuko siya dahil sa sinabi ng pinsan.

"Mahirap makalimot kahit pa nga lumipas na ang maraming taon. Kaze..." Bumalatay ang sakit at lungkot sa mukha ni Shilo. "Kaze always have a special place in my heart. Walang titibag doon."

Napakuyom siya. 'Like Shilo, Jamie and Jessie always have a special spot in my heart. Na kahit si Andria ay hindi makakatibag.'

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Joshua. Hindi nga siguro talaga niya malilimot ang nakaraan. Na kahit anong pagsisisi ang gawin niya ay hindi na iyon mababago pa. Nakatatak na sa puso niya ang sakit at pighati. Kung ma-ibabalik lang niya ang nakaraan, hindi niya gagawin ang ginawa noon. Kahit na pinagbayaran na niya ang ginawang pagkakamali noon ay hindi na iyon magbabago pa.

SINUNDAN ni Joshua si Annie ng lumabas ito ng kanilang opisina. Kinuha niya lang ang susi ng kanyang kotse at agad na sumunod dito. Naabutan naman niya ang dalaga na pasakay ng elevator. Nagulat pa ito ng humarap sa kanya. Tumayo sa pinakagilid ng elevator si Annie at hindi tumingin sa kanya. Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Napasulyap naman sa kanya si Annie ngunit inirapan lang din siya ng dalaga.

"Annie..." tawag niya dito.

Hindi siya nito pinansin. Napakuyom ng kamao si Joshua. Malapit na siyang ma-inis sa inaasta ni Annie. Hindi niya alam kung bakit ba inis na inis ito sa kanya. Natigil sa malalim napag-iisip si Joshua ng bumukas ang elevator at nakita ang maraming empleyado na sasakay din ng elevator. Naging mabilis ang galaw ni Joshua. Agad niyang hinila sa braso si Annie at itinulak sa sulok ng elevator. Iniharang niya ang sarili para hindi ito maipit ng ibang tao. Wala siyang planong ipahawak ang dalaga kahit kanino.

"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Annie.

"Protecting you." Ngumiti siya sa dalaga.

Sumama ang mukha ng dalaga. "Anong sinasabi mo? Hindi ko kailangan ang proteksyon mo. Umalis ka nga diyan."

"Nope. Not gonna listen to you."

Dahil muling may mga empleyado na sumakay ng elevator na tulak pa siya palapit kay Annie. Hindi sinasadyang madikit ang dibdib niya sa braso ng dalaga. Mabilis niyang naitukod ang dalawang kamay sa haligi ng elevator. Nagpapasalamat siya na mabilis na iniharang ni Annie ang braso sa pagitan nila dahil kung hindi ay makakagawa siya ng kasalan ng hindi sinasadya. Napatingin siya sa itaas ni Annie. Mataas siya sa dalaga. Umabot lang kasi ito sa balikat niya. Hindi umimik si Annie pero nararamdaman niya ang presensya nito. Nararamdanan niya ang malambot nitong balat kahit pa nga na may damit siya. Napalunok si Joshua. Biglang uminit ang elevator na nagpadagdag sa bilis ng kanyang puso. Nagwawala na ang matinong ka-isipan niya.

"Umayos ka kung ayaw mong matuhod ko." Narinig niyang bulong ni Annie.

Nagbaba siya ng tingin. Diretso lang ang tingin ni Annie at mukha itong kalmado. Kung ganoon ay siya lang ang apektado sa kanilang dalawa. Huminga ng malalim si Joshua at inalis ang dalawang kamay sa pagkakatukod sa elevator.

"I ride you home, Annie," aniya sa mahinang boses.

"No, thanks. I can go home alone." Tahasang tanggi ni Annie sa kanya.

"It much safer if I ride you home."

Nagtaas ng tingin si Annie at sinalubong ang kanyang titig. Biglang mas bumilis ang tibok ng puso ni Joshua.

'Kalma naman heart. Bakit ka ba nagwawala? Si Annie lang naman kaharap natin.' Pangaral niya sa kanyang puso.

Pero hindi talaga nakikinig sa kanya ang sariling katawan.

"Sabihin mo nga sa akin, Sir Wang. Ano bang kailangan mo sa akin at bigla kang nag-voleenter na ihatid ako?"

"I just wanted too."

Tumaas ang isang kilay ni Annie. "Gusto mo lang? Kung ganoon ay gusto ko din na umalis ka sa harap ko at tigilan ako."

"I won't take no for answer, Annie."

"Wala akong paki-alam." Umiwas na nang tingin si Annie.

Lalabas na sana ng elevator si Annie ng mabilis niyang inagaw dito ang hawak na hand bag. Nanlaki ang mga mata ng dalaga na tumingin sa kanya. Ngumiti naman siya ng panghahamon dito. Itinaas niya ang bag nito at hinamon na kunin iyon sa kanya.

"Joshua, ibigay mo sa akin ang bag ko." Sigaw ni Annie.

Wala ng ibang tao sa elevator dahil na sa lobby floor na sila. Wala din nakapansin sa ginawa niya dahil mabilis na lumabas ng elevator ang mga tao. Sinamaan siya ng tingin ni Annie.

"Come one, Annie. Get your bag at me." Panghahamon niya sa dalaga.

Umuusok ang ilong na lumapit sa kanya si Annie at pinilit na abutin ang bag nito. At dahil matangkad siya dito ay nahirapan itong abutin sa kanya ang hawak. Tumatalon na ang dalaga at namumula na ang mukha nito ay hindi pa rin nito maagaw sa kanya ang bag na pagmamay-ari niya. Nagpatuloy sa pagbaba ang elevator papunta sa parking lot. Gustong tumawa ni Joshua ng makita kung paano mag-effort si Annie na abutin ang gamit nito.

"Ano ba, Joshua? Ibigay mo sa akin ang bag ko." Sigaw ni Annie.

"Jump higher, Annie. Kailangan mong makuha sa akin ang bag mo kung ayaw mong ihatid kita sa inyo."

Tumigil si Annie sa pagtalon. Nagtaas-baba ang dibdib nito. Habol nito ang paghinga dahil sa ginawang pagtalon. Buti at hindi ito na disgrasya sa suot nitong two inches shoes. Nakadama bigla ng guilt si Joshua pero agad niya din iyon tinapon. Kailangan niyang mahatid si Annie para maka-usap ito ng matagal at walang isturbo.

"Hindi mo talaga ako titigilan, ano? Bakit mo ba ginagawa ito sa akin?" Puno ng frustration na tanong ni Annie sa kanya.

Ngumiti siya at yumuko dito. Napa-atras bigla si Annie. Ilang dangkal na lang kasi ang layo ng mukha niya sa dalaga. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Pinakatitigan ni Joshua ang kayumangging mata ni Annie. Ngayon niya lang napansin na sobrang ganda pala talaga ng mga mata nito. Annie have a light brown eye. Alam niyang walang ibang lahi ang dalaga kaya nakakapagtaka na ganoon ang kulay ng mga mata nito. Maganda naman si Annie pero ordinaryo iyon kung ikukumpara sa iba. Annie have a small eye with long lashes. Maputi din ito at matangos ang ilong.

Napangiti siya ng dumako ang mga mata niya sa malapad nitong noo. Noong una ay akala niya ay mahilig lang talaga ito mag-bangs pero iyon pala ay nais lang nitong itago ang noo nito. Manipis din ang kilay ni Annie. May manipis itong make up pero hindi kahit walang ganoon ay masasabing maganda talaga ang dalaga. Napadako naman ang kanyang mga mata sa labi nito, napalunok bigla si Joshua ng makita ang mapupulang labi ni Annie. Maliit ang labi nito na siyang kahinaan niya pero kung may isang bahagi man ng mukha ni Annie na siyang nagpapalimot talaga sa kanya ay iyong dalawang dimple nito. Wag lang talagang ipapakita iyon ni Anniza ng mga sandaling iyon dahil baka mahalikan niya bigla ang dalaga.

Ngunit minamalas nga talaga siya dahil biglang gumalaw ang pisngi ni Annie na siyang nagpakita ng isang nitong dimple. Bumuka ang labi ni Joshua. Mas inilapit pa nito ang sarili sa dalaga. Napa-atras naman si Annie hanggang sa ma-corner niya ito.

"I can't stop now," paanas niyang sabi.

Hinawakan niya sa pisngi si Annie. Nanigas naman ang dalaga sa ginawa niya. Ang maliit nitong mga mata ay namilog. Ipinagdikit niya ang mga noo nila.

"It's your fault. You shouldn't show it to me."

Sasakupin na sana ni Joshua ang labi ng dalaga ng may naramdaman siyang isang matigas na bagay na tumama sa kanyang alaga. Nanlaki ang mga mata ni Joshua at mabilis na napahawak sa iniingatan na kaibigan.

"Ahhhhh...." Sigaw niya ng maramdaman ang sakit sa ibabang bahagi.

Pakiramdam niya ay may pumalo ng dos-por-dos sa inaalaganan niya. Iyong sakit na hindi niya mapaliwanag. Napa-upo na lang siya sa sahig ng elevator habang hindi alam kung paano aalisin ang sakit na nararamdaman. Pu** hindi na yata siya magkaka-anak dahil sa ginawa ni Annie. Mas masakit pa ang ginawa nito kaysa sa tinuli siya noong high school. Napataas siya ng tingin. Nakita niyang nakangisi si Annie habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa kanya.

"Wag mo akong subukan, Mr. Wang. Hindi lang iyan ang matitikman mo mula sa akin." Singhal nito.

Lumabas ng elevator si Annie ng bumukas iyon. Na-iiwan siya doon na naiiyak sa sinapit ng kaibigan niya. Lumingon pa sa kanya si Annie at itinaas ang isang kamay at inilabas ang gitnang bahagi ng daliri. At bago sumara ang elevator ay inirapan pa siya ng dalaga. Walang nagawa si Joshua kung hindi ang sumandal sa elevator. Wala talagang awa sa kanya si Annie. Lalong lumalaki ang kagustuhan niya na hawakan ang dalaga sa leeg. He can't wait to make her his.

Napatingala si Joshua ng maramdaman muli ang sakit ng kanyang alaga. He needs to take care of his friend if he wants to continue their bloodline.

"MASAKIT PA rin ba?" natatawang tanong ni Patrick sa kanya.

Sinamaan na lang niya ng tingin ang kaibigan bago ininum ang vodka na nasa harap niya. Pagkatapos ng nangyari sa kanya sa elevator ay doon na siya tumuloy sa Dark Club. Gusto niyang kalimutan ang pagkapahiyang nangyari kanina sa elevator. Nang maging maayos na kasi ang kanyang pakiramdam ay pumunta siya sa CCTV room. Naabutan niya si Asher doon na tumatawa at biniro siya sa nangyari sa kanya.

Kapag naalala niya ang footage nangyari sa elevator ay sumasama ang pakiramdam niya. Kitang-kita kasi kung paano siya tinuhod ni Annie sa kanyang pagkalalaki. Sa unang pagkakataon ay nakaramdan ng pagkapahiya si Joshua. He asks Asher to delete the footage. Ngunit ang lukong kaibigan nila na laging kasama ay hiningan muna siya ng pera para sa pananahimik nito.

"So, magkano ang nakuha sa iyo ni Asher?" tanong ni Patrick.

Muli niyang sinamaan ng tingin si Patrick. "Pwede ko bang tanggalin si Asher bilang head security ng kompanya?"

Tumawa lang si Patrick sa sinabi niya. "Alam mong paborito ni Tito Shawn si Asher at isa siya sa shareholder ng kompanya kaya papaano mo siya matatanggal sa posisyon niya."

Lalong sumama ang timpla ng mukha ni Joshua. Oo nga pala, hindi pala isang simpleng empleyado ng kompanya ang kaibigan niyang iyon. Kaya nga ito head ng security department dahil isa ito sa shareholder ng kompanya pero sekreto lang iyon. Kapag may meeting ang mga shareholder laging ang acting CEO ng sarili nitong kompanya ang pumupunta. Pareho ng linya ng kompanya si Patrick at Asher pero may pinagka-iba iyon. Patrick's company involve on more sensitive work, like dealing with syndicate while Asher's company involve with escorting government official, putting security camera on a building and looking for missing person.

"Josh..."

Natigil sa pag-inum ng vodka si Joshua at tumingin sa kaibigan. May itinuro ang nguso nito kaya sinundan niya iyon ng tingin. Nagsalubong ang kilay ni Joshua ng makita ang isang babae na sumasayaw sa dance floor. Hindi lang ito basta sumasayaw, may dalawang lalaking naka-ikot dito. Dumilim ang mukha ni Joshua ng hinawakan ng isang lalaki ang bawyang ng babae.

Bago pa siya mapigilan ni Patrick ay naglakad na siya papalapit sa babae at walang pagdadalawang-isip na sinuntok ang lalaking humawak dito.

"Gago ka." Sigaw niya.  


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous