"Oh hi gurl!Goodmorning. You know what?May maganda akong balita sayo. Hmmmmm. Nagustuhan ng mga partners ng kompanya natin ang paglabas mo kahapon as a new
ambassadress of Montenegro Shipping Lines." Pasalubong na tugon ni Feisha habang sinisenyas ang kanyang mga kamay sa hangin. Kung kaya ay nadagdagan ang ating mga kleyente sa ibang station ng kompanya.At dahil jan ay makipag-usap sayo mamaya ang mga Montenegro 10 sharp this morning, don sa meeting office." Dagdag pa nito ,habang pinuntahan si Jeanlie sa kanyang mesa ."Ano? Ba't ngayon mulang sinabi? Halaka, hindi pa naman ako nakapaghanda, baka may mga katanungan sila. "Bulalas ni Jeanlie kay Feisha, na wari ba ay nalilito na sa narinig. Ngayon palang kasi niya makausap ang ibang membro ng Montenegro. Si Jethro lang kasi ang nakusap niya nung baguhan palang siya sa kompanya."Hey! hey! Bakit? Saan ka ba nagpunta kahapon pagkatapos ng event? Hinahanap ka kaya ng mga boss natin kahapon, at wala akong maisagot, kasi wala ka namang sinabi sa akin kahapon na uuwi kana.Pati nga rin ako nagulat sa bigla mong pag-alis kahapon. At hindi na rin kita natawagan dahi subrang abala na ako kahapon. "Pataray na sabi ni Feisha, habang nakatayo at nilagay ang mga kamay nito sa kanyang baywang sa harapan ni Jeanlie. Biglang natahimik si Jeanlie, at unti-unti itong umupo sa pagkakatayo nito kanina. "Eh kasi naman, umuwi na kami ng kaibigan ko kahapon, dahil biglang sumama ang tiyan ko kahapon. "Rason ni Jeanlie na halatang, naghahanap lang ito ng isasagot sa tanung ni Feisha. "Hoi! maganda ka lang, pero hindi ka sinungaling. Tingnan mo nga yang mukha mo oh! Halatang hindi ka sanay na magsinungaling. Dali! Sabihin mo na ang totong rason kung bakit ka umuwi kahapon na walang paalam.? "Padiin na tugon ni Feisha, habang dinidiin ang hintuturo niya sa pisngi ni Jeanlie, para magsabi ito ng totoo. Kung kaya ay biglang tumayo si Jeanlie, dahil sa hindi niya kayang makipagtitigan kay Feisha. "Eh ah. kasi. ano..... Si sir Jethro kasi eh. Diba sinabi niya kahapon na siya ang kukuha sa akin sa bahay papunta ng event?Tinanggihan ko pa nga siya diba?. Pero pinagpipilitan parin niya na sunduin ako sa bahay namin. Pero kahapon hindi siya ang sumundo sa amin. Pinapasundo lang niya kami kay Manung driver. Dahil kesyo daw may biglang dumating na bisita ni Sir Jethro na si Mariz, kung kaya ay hindi na siya ang sumundo sa amin. "Nauutal at deretsong sagot ni Jeanlie kay Feisha, habang nakatalikod siya dito. Hindi kasi siya sigurado kung ano ang maging reaksyon ni Feisha kung malalaman nito ang dahilan niya kung bakit siya umalis sa event kahapon. "Hala, kaya pala ay malapit na siyang malate kahapon. Baka totoo ang chismis na naging sila ni Mariz. "Tugon naman ni Feisha sa kanya ,na para bang may iniisip at pinag tugma-tugma niya ang mga chismis na narinig niya dati tungkol kay Jethro at Mariz. At bigla niyang hinila si Jeanlie, para makatingin ito sa kanya. "Hoi huwag mong sabihing nagseselos ka? Bruha ka, sinabi ko pa naman sayo diba, na huwag kang magkagusto diyan kay Sir Jethro na yan! Para kang iwan, pinapayuhan na nga kita diba na huwag mong hahayaan na mahulog ka don, kasi kawawa kalang. "Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Jeanlie at niyuyogyog ito para matauhan. "Kaya nga umalis ako ng maaga kahapon eh, kaya nga hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makalapit sa akin kahapon. Dahil pagkaharap ko siya, hindi na ako makatanggi sa lahat ng mga sasabihin niya sa akin. Kaya pagkatapos ng event ay nagmamadali na akong umalis kahapon. Dahil alam kung hindi ako pwedeng mahulog sa kanya."Paiyak na sabi ni Jeanlie kay Feisha.Kung kaya ay niyakap nalang siya ni Feisha, dahil bilang babae ay ramdam niya ang nararamdaman ni Jeanlie. "Huwag ka ng umiiyak oi! para kang tanga! Umayos ka nga jan, baka maabutan kapa ni sir Jethro na nagkaganyan ka. Sayang naman ang ganda mo ngayon kung iiyak kalang. "Pangiting saad ni Feisha kay Jeanlie habang pinupunusan ang mga luha nito. Kung kaya ay tumawa nalang si Jeanlie at inayos ang sarili.
****
Nagmamadali ng pumunta sa meeting office si Jeanlie para sa meeting niya kasama ang mga head ng Montenegro. Nadatnan niya si Feisha don na hinahanda ang projector para sa meeting. Maya-maya ay nagsipasukan na ang mga kameeting ni Jeanlie, at agad naman siyang tumayo para magbigay respeto sa mga ito. Nakahinga siya ng malalim ng hindi niya nakita si Jethro doon.Kung kaya ay nag-umpisa na ang kanilang pag-uusap.
Naging malumanay at masaya ang kanilang pag-uusap , dahil pawang papuri sa kanya ang narinig niya galing sa mga boss niya. s
Subrang saya ni Jeanlie ,dahil sagot ng kompanya lahat ng gastusin niya para sa pag-aaral niya sa loob ng dalawang taon.Iba pa ang sahod na matatanggap niya every kensenas at katapusan. Naging emosyonal si Jeanlie dahil subrang malaking tulong na ito, para sa kanilang pamilya ang bagong offer ng kompanya sa kanya.Dahil sa paglabas ni Jeanlie bilang ambassadress ng mga Montenegro, ay biglang tumaas ang kanilang sales sa lahat ng produkto at services na inoofer ng kanilang kompanya, at dumadami na din ang kanilang kliyente sa loob pa lang yan ng isang araw. Kung kaya ay binigyan ng two weeks si Jeanlie para magbakasyon, at ayusin ang enrollment niya ngayong pasukan. Kaya subrang pasasalamat niya sa mga ito. Malapit ng matapos ang kanilang pagpupulong ay biglang dumating si Jethro.Hindi niya ito tiningnan ang binata pero ramdam niya na tinitinggnan siya nito. Maya-maya ay natapos na ang kanilang meeting at agad namang nagbiso-biso si Jeanlie sa mga boss nila, bilang paalam dahil effective today na ang kanyang bakasyon at with pay pa ito.Nang alam niya na papalapit na sa kanya si Jethro ay agad naman siyang nagtungo sa may labasan,tinawag siya ni Jethro at akma sana siya nitong sundan, pero tinawag ito ng kanyang ama, kung kaya ay walang nagawa si Jethro kundi lapitan ang Ama. At nagmamadali ng kinuha ni Jeanlie ang kanyang mga importanteng gamit sa kanyang mesa, at iniwanan niya ng sulat si Feisha, bilang paalam niya dito. Ayaw na kasi niyang antayin si Feisha ,baka maabotan pa siya ni Jethro. Kung kaya ay minamadali na niyang tinahak ang daan palabas ng building.
******************************************************************************************
Dearest Readers,
The remaining and completed chapters for this novel has been transferred and posted to Dreame as I already had a better opportunity from them. Same Title, if you wanna read it, kindly check that reading apps.
Thanks,
Chalian
— Un nouveau chapitre arrive bientôt — Écrire un avis