Télécharger l’application
26.66% The Ideal Man / Chapter 8: Chapter 8: The Rehearsal

Chapitre 8: Chapter 8: The Rehearsal

Nagyaya ng umuwi si Nathalie kay Jeanlie pagkagaling sa kaganapan nila ni Margarette.Kaya walang magawa si Jeanlie kundi minadaling kinuha ang bag at sumunod na sa kaibigan.

****

Kinabukasan sa rehearsal, papasok pa lang si Jeanlie sa venue ay agad siyang sinalubong ni Margarette na galit na galit na para bang gusto siya nitong kainin.Nang makalapit na ito sa kanya ay agad nitong hinawakan ang kanyang kaliwang braso na subrang higpit.

"Pagsabihan mo yang best friend mo na wag niya akong hahamunin kasi walang inaatrasan ang Margarette Villanueva" na may panlilisik ng matang sabi niya.

Subrang naguluhan si Jeanlie kasi wala naman siyang alam kung ano ang naging ganap nila.At wala namang sinasabi ang kaibigan niya tungkol dito. Pero mabilis siyang sumagot nito "Wala akong alam kong anong nangyari sayo ng kaibigan ko, pero kung ano man ang ginawa niya sayo , deserved mo yan. At h'wag mo kaming hamunin ng kaibigan ko, kasi kung wala kang inaatrasan wala din kaming sinusukuan. "sabay hila ng braso niya na mahigpit paring hinahawakan nito, at pinagpatuloy na niya ang pagpasok sa venue.

Habang naiwan si Margarette na subrang galit na galit.

*****

May ina-announce na naman ang organizer, na sa araw na ito ay mayroon silang bisita na titingnan ang kanilang rehearsal, hindi binanggit kung sino, pero isa daw ito sa major sponsor ng event.Nagbubulungan ang mga kapwa contestant na tila ba excited sa maging bisita nila ngayon, lalong lalo na si Margarette na agad nag ayos at pinapaganda ang sarili, habang si Jeanlie ay busy sa kakatxt sa kaibigan at tinanung ang tungkol sa kanila ni Margarette, at sinagot naman siya nito, at sinabi ang lahat na pangyayari. Pinagsabihan niya ang kaibigan pero naintindihan niya ito, at naramdaman niya na mahal talaga siya ng best friend niya kasi handa itong ipagtanggol siya. Kaya napangiti nalang siya sa kanyang iniisip.

Nasa backstage na lahat ng contestant para sa kanilang rehearsal. Nang palabas na ng stage si Jeanlie ay agad hinarang ni Margarette ang kanyang paa sa dinadaanan ni Jeanlie kung kaya ay natapilok ito at pasubsob na sana ang mukha niya sa sahig ng biglang may malaking kamay na kumukulipot sa kanyang tiyan at agad siya nitong hinila sa muntik na niyang pagkakadapa. Napatigil siya ng paglingon niya ay isang matipuno, matangkad at mestisong lalaki pala ang tumulong sa kanya.Agad siyang nagpasalamat nito at nagpakawala ng maiksing ngiti, hindi na niya inantay ang response ng lalaking tumulong sa kanya, dala na din sa kahihiyan sa pangyayari at dumeretso na siyang lumabas sa stage para rumampa.

****

Habang naiwan ang lalaki sa kinatatayuan niya, at ang mga kapwa contestant including Margarette ay naghihiyawan sa kilig kasi yung lalaki na yun ay isa sa taga pagmana ng Montenegro shipping company, at siya pala ang bisita na ibig sabihin kanina ng organizer. At agad na inayos ni Margaratte ang sarili at pumunta sa harapan ng lalaki

"Hi sir! I'm Margarette Villanueva one of the contestant of this pageant. " sabay lahad ng kanyang palad sa lalaki at may pacute na ngiti.

Tinititigan siya ng lalaki at para hindi insulto sa kanya tinanggap niya ang kamay nito para magshake hands at sabay sabing pabulong sa kanya "I saw what you did, at hindi magandang ugali yan bilang beauty contender". sabay lakad papalayo sa kanya.

Nakasimangot na naiwan si Margarette habang pinapanuod ang papalayong lalaki, at bigla niyang binulyawan ang mga kasamahan nito ng nagbubulungan.

****

Nang matapos na ang kanilang rehearsal ay agad na pumunta sa stage ang organizer.

"Hello ladies! During your rehearsal ay may nagmamasid at nag oobserve sa inyo while na sa backstage kayo, para malaman ang bawat ugali niyo bilang beauty pageant contestant.Hindi ko na papatagalin ,ang sinasabi kung maging bisita natin today ay walang iba kundi ang isa sa taga pagmana nga Montenegro Shipping Lines" sabay lahad at yuko sa paparating na lalaki bilang pagrespeto nito. Nagpalakpakan at naghihiyawan ang mga babaeng nandoon sa subrang gwapong lalaki ang nasa harapan nila, Napanganga naman si Jeanlie dahil ang lalaking nasa harapan niya ay iisa sa lalaking nagmagandang loob na sumalo sa kanya kanina sa backstage. Biglang nahiya si Jeanlie at di na siya makatingin ng deretso sa lalaki. Nagsalita na ito sa kanilang harapan para magpakilala, at ang malinaw na narinig ni Jeanlie sa sinasabi ng lalaki ay ang "Beauty pageant is not only for a beautiful face, sexy body and confidence, its all matter most is the attitude, and having a good heart" sabay tingin ng lalaki sa may gawi ni Margarette, biglang napalunok nalang si Margarette at binaba ang tingin.

****

Pagkatapos ng announcement ay agad namang naghanda si Jeanlie para umalis, ng biglang hinawak ang kanyang kamay ni Margarette at sabay paturong sabi sa kanya "Mahilig ka talagang magpapapel ano? Pati si Mr. Montenegro ay nakuha muna din ang loob "

Kinuha niyang pabagsak ang daliri nitong nakaturo sa kanya "Di mo ba ako titigilan?, alam kung ikaw ang may gawa ng muntik kung pagkadapa kanina, pero pinalampas ko yun kasi ayoko ng gulo! Wala akong natatandaan na may nagawa akong mali sayo!Hindi ko nga alam kung ano ang pinagpuputok ng botche mo, or insecure kalang sa akin? hinay hinay lang ghurl baka di mo kayanin".sabay pang iinis na tawa niya nito.

Akmang sasampalin na sana siya ni Margarette ng biglang pinigilan ang kamay nito ng isang kamay ng lalaki. Pagtingin nilang dalawa ay si Mr. Montenegro pala. Biglang nahiya at akmang mag eexplain sana si Margarette ng biglang nagsalita ito.

"Kakasabi ko lang kanina, wag kayong gumawa ng skandalo dito at ipahiya sarili niyo" .

Nagsorry agad si Margarette at takbo lakad ang ginawa para lumayo sa kanila.

"I'm so sorry sir for what happened" sabay yukong sabi ni Jeanlie at tumatakbo na ito paalis. Habang nakatingin nalang sa kanya ang lalaki habang siya ay papalayo.

****

Habang sumasakay na siya ng jeep pauwi ay inisip parin niya ang kaganapan kanina, at hindi niya napansin na nakangiti na pala siya habang iniisip niya ang lalaking tumulong sa kanya ng dalawang beses sa di niya inaasahan. Sa pagkakita niya nito ay di niya ikakaila na may dating at paghanga na siya sa lalaki. Kahit ay may halong strekto ang mukha nito. Pero sa bandang isipan niya ay iniisip din niya si Margarette, hindi niya malaman kung bakit ganun nalang ang galit sa kanya, na wala naman siyang ginawa na ikakagalit nito. At nag alala siya na baka may gagawing higit pa sa kanya ang bruha, lalong lalo na na bukas na ang pageant.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C8
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous