"Mabuhay ang bagong kasal!!!"sigawan ng lahat habang pinapalakpakan ang bagong kasal. Masayang binati ng lahat sina Alexander at Cassandra. Pagkatapos ng seremonya ay isa-isang nagsitungo sa loob ng kastilyo ang mga bisita kasama na ang bagong kasal dahil doon gaganapin ang salo-salo. Manghang mangha si Cassalea habang papasok sa kastilyo dahil sa nadaraanan nilang naglalakihang mga paintings.
"This painting reminds me of something!!"ani Cassalea na wala namang partikular na kausap. Lumapit si Kalia kay Cassalea at nakipagkwentuhan sa kanya.
"Magandang araw sayo, ako nga pala si Kalia"bati ng babae kay Cassalea.
"Goodmorning, ako naman si Cassalea"pagpapakilala niya kay Kalia. Nagngitian sila pagkatapos ay nagpatuloy sila sa pag-uusap habang naglalakad.
"Malawak ang lupain na pagmamay-ari ni Alexander at malaki ang papel na kanyang ginagampanan dito sa Hill of Elf-hame"nakangiting inilibot ni Kalia ang tingin sa kabuuan ng malaking silid na pagdadausan ng salo-salo. May mahabang mesa kung saan nakahilera ang iba't ibang klaseng putahe at mayroon ding limang mesa na pinapalibutan ng hanggang sa apat na upuan. Bakante ang gitnang bahagi ng silid na siyang magsisilbing entablado para sa kasiyahan.
"Yung Hill of Elf-hame ba, ang pangalan ng lugar na ito?"tanong ni Cassalea at nakisabay na rin sa kasama. Iginala niya ang tingin sa buong silid. Napansin niyang mahilig sa antique si Alexander dahil karamihan sa mga kagamitan na kanyang nakita ay antigo. Mula sa pagpasok hanggang sa makarating sa silid na kinatatayuan niya ngayon ay vintage na vintage ang dating.
"Oo. Maligayang pagdating sa Hill of Elf-hame, Cassalea"nakatinging sabi ni Kalia kay Cassalea.
"Salamat Kalia"natutuwang tugon ni Cassalea.
Nakaupo na ang iilan sa mga bisita. Mayamaya pa ay isang malamyos na tugtugin ang nagsimulang sumakop sa silid na iyon. Nakikipagkwentuhan ang iba habang kumakain, may iba naman na tahimik lang habang ninanamnam ang masasarap na pagkain at inumin sa kanilang mesa. Natigil ang lahat nang biglang tumugtog ang isang nakakaindak na tugtugin. Nanlalaki ang mga matang napatingin si Cassandra kay Alexander. Pinakatago tago niya ang playlist na ito na puno ng kpop songs.
(Gangnam Style by: Psy)
Excited na sabay tumayo ang buong pack ni Lucas maliban kay Hunter na parang hindi interesado sa kaganapan at nakatuon lang ang pansin sa pagkain. Si Rebecca naman ay napilitang tumayo nang hilahin siya ni Mattios papunta sa gitna.
"Wife, ginawa mo ng lugar sayawan ang kasal natin"nakahalukipkip na sabi ni Alexander kay Cassandra.
"Hindi naman ako ang nagplay kundi ang tatlong cute fairies ko and I'm so proud of them! Mabilis nilang natutunan ang paggamit ng gadget at ayaw mo ba nun, ang saya lalo ng paligid"nakangiting tinanaw ni Cassandra ang nagsasayawan. Napailing na lang si Alexander sa sinabi ng babae.
"Wait until Mattios and Felix get hyped"at sumandal ito habang nakatanaw sa nagkakasiyahan sa gitna ng entablado.
Matapos ang unang tugtog ay nagplay na naman ang isa na namang nakakaindak na tugtugin.
Agaw pansin naman ang magkaibigang Felix at Mattios na bigay todo sa paghataw. Nagsialisan ang ibang sumasayaw nang matuon na ang pansin sa dalawa.
"Eto kaya mo?"hamon ni Mattios kay Felix sabay twerk ng mabilis. Napaatras si Felix at kunwari ay hindi naimpress sa ginawa ni Mattios. Naghiyawan ang mga kumakain at pinalakpakan si Mattios.
"Nobyo ko yan!!"sigaw ni Rebecca sa nobyong todo pa rin sa paghataw.
"Ako naman ang magpapakitang gilas"confident na inako ni Felix ang entablado at nagsimulang magtumbling ng ilang beses pagkatapos ay naghead spin pa.
"Woahhh!!!"sabay sabay na tinig mula sa audience.
"Wala yan dito, tingnan mo to"at nagsimula itong nag ala Beyonce sa steps nitong more on hip and butt moves. Nagtawanan ang lahat sa ginawang pag-indak ni Mattios. Ang nobya niyang si Rebecca ay nagsimulang takpan ang mukha dahil sa sexy moves ng nobyo.
"See?"ani Alexander kay Cassandra na para bang sinasabi niya na "I've already warned you".
Malawak ang ngiting tiningnan ni Cassandra ang dalawa.
"Ang saya kaya nilang tingnan, ikaw ba sumasayaw ka?"baling ni Cassandra sa kasama. Nacaught off guard si Alexander ng tanong dahil ang pagsasayaw ang isa sa ikinahihiya niyang gawin dahil parehong kaliwa ang paa niya.
"Hi-hindi ako sumasayaw at para lang yan sa mga walang magawa iyang pagsasayaw"umiwas siya ng tingnan nang tingnan siya ni Cassandra na parang hindi kumbinsido sa sinabi niya.
"Talaga lang ha?"nagdududang tingin ang ipinukol ni Cassandra kay Alexander.
"Yes now will you please stop teasing me?"nag-iwas ng tingin si Alexander.
"I'm not teasing you, I was only curious if you know how to dance..."sagot ni Cassandra na may ngiti sa labi.
"Remember when you taught me on how to kiss??"dugtong ni Cassandra. Napakagat labi na lang si Cassandra dahil nahihiya siya kung bakit inungkat pa niya ang nangyari sa kanila ng gabing iyon. Napaubo ng wala sa oras si Alexander at agad na inabot ang basong may lamang tubig.
"Forget what I told you..."seryoso nitong sabi saka tinitigan si Cassandra sa mata.
"Ang suplado nito oh, ang sabihin mo hindi ka lang talaga marunong sumayaw"tumayo si Cassandra at tinungo ang dalawa na grabe pa rin sa paghataw.
'Gusto ko lang namang yayain mo ko ng sayaw' sagot ng isip ni Cassandra. Natigilan si Alexander sa pagbaba ng baso at tinitigan si Cassandra na naglalakad palayo.
"Damn, might need some dance lesson after this"pahayag niya sabay baba ng basong hawak.
Timing na natapos ang ikalawang kanta at nagplay ang "Fire" ng BTS.
Nakijoin na rin si Kris kay Cassandra dahil paborito rin nito ang nasabing kpop group. Naghiyawan naman ang lahat nang nagsimulang isayaw ng dalawa ang dance step ng kanta.
"Woahhh!!! that's my babies!!!"natutuwang sabi ni Cassalea nang magtila dance floor na ang gitnang bahagi ng silid dahil kina Cassandra at Kris na synchronized masyado ang bawat galaw at idagdag pa sina Felix at Mattios na nagtila back up dancers.
"I never knew she's that shameless"hindi makapaniwalang sabi ni Alexander sa asawa niyang bigay hataw sa entablado. Lumapit sa kanya si Max at naupo sa kanyang tabi.
But adorable...dugtong ng kanyang isip.
"Ang saya niyang tingnan diba?"ani Max.
Nanatiling tahimik si Alexander.
"Binabati kita Gabriel, maligayang pagdating sa buhay may asawa"kumuha ito ng isang basong alak at ibinigay kay Alexander pagkatapos ay nagsalin ito ng isa pa para sa sarili.
Itinaas ni Max ang hawak na kopita ng alak at nakipagtoast kay Alexander.
"Salamat Max"ibinaba ni Alexander ang wala ng lamang kopita at ibinalik ang tingin sa asawa.
"Bakit hindi ka nakisabay sa kanya? Alam mo bang kahit sa simpleng bagay tulad ng pagsasayaw ay napapaligaya na natin ang isang babae? lalo na kung asawa mo"ang sabi ni Max nang mapansin niya ang malamlam na tingin ni Alexander kay Cassandra.
"Nah. Wag na"sagot nito saka humingi ng isa pang basong alak kay Max. Naiiling na nagsalin ng alak si Max at ibinigay kay Alexander.
"Tingnan mo...napakamaligalig niyang tingnan, bagay na bagay kayo Gabriel"litanya ni Max pagkatapos ay pinalakpakan ang mga sumasayaw. Natapos na rin ang tugtog.
"Wag mong palakpakan baka hindi pa tumigil diyan"saway niya kay Max. Itinaas ni Max ang magkabilang kamay at tiningnan si Alexander.
"Gusto mo siyang samahan pero hindi ka marunong sumayaw, tama ba ako?"kunot-noong tanong niya kay Alexander. Sandaling hindi makasagot si Alexander sa tanong ng kaibigan. Uminom ito ulit sa kanyang baso at tinitigan si Cassandra na nasa harapan at pinapalakpakan ng ibang kasama. Hindi namalayan ni Alexander ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Nakaramdam siya na parang naninikip ang kanyang dibdib.
"Hindi mo na kailangan pang umamin...hulog ka na"tila pabulong ang pagkakasabi ni Max sa huling parte.
"Tama ka...hindi ako marunong sumayaw"tila wala sa sariling sagot ni Alexander.
"Hahahaha...Kaya mo yan! Ano ba? Ikaw si Gabriel, ang dakilang mandirigma na aking nakilala at ang puso ng lugar na ito"pagbibigay lakas-loob ni Max kay Alexander.
"Wag ngayon Max"pigil ni Alexander sa kaibigan.
"Magmumukmok ka na lang ba diyan, Gabriel?Paano kung isayaw ng iba iyang asawa mo, manonood ka na lang? ganoon ba?."
Nang mukhang hindi natinag si Alexander ay iniwan na lamang niya ito at bumalik sa kanyang asawa na kumakaway ngayon sa kanya. Napabuntong hininga na lamang si Alexander at tinungga ang huling laman ng bote ng alak.
Samantala, nang makarating si Max sa mesa na kinaroroonan ni Kalia ay nagpaalam siya sa asawa. Tinungo ni Max ang kinauupuan ng tatlong katulong ni Alexander.
"Max?"tanong ni Berry sa lalaki.
"Maaari bang turuan niyo ako niyan?"tanong ni Max sa tatlo.
"Ah sige, bale ganito ito...cellphone ang tawag dito at yung parang kahon na maliit, ang tawag naman doon ay speaker. Doon lumalabas ang tunog na nanggagaling sa cellphone..."at makalipas ang ilang minutong pagtuturo ni Berry kay Max ay hinayaan na muna ng tatlo na si Max ang magmaniobra sa pagpili ng kanta. Hanggang sa nagsimulang tumugtog ang isang malamyos na kanta.
"Tingnan nga natin, hayan! hindi ba't mas maganda?"baling ni Max sa tatlo. Sunod-sunod namang tumango ang tatlo.
"Now let's see what happens"parang nasa sinehan si Max na komportableng sumandal sa upuan at hinintay ang sunod na magaganap.
Nang tumugtog na ang sweet music ay lumapit si Mattios sa kinauupuan ni Rebecca at niyaya itong magsayaw. Si Felix naman ay niyaya si Kris na magsayaw. Naiwang walang pares si Cassandra. Ilang segundo ang nakalipas at lumapit si Lucas kay Kiss at isinayaw na rin ito.
"Ano ba Gabriel?"gigil na tanong ni Max sa sarili. Kung kailangan niyang ipagtulakan si Gabriel papunta kay Cassandra para lang maisayaw niya ang babae ay gagawin niya. Naghintay siya ng limang segundo at nang wala pa ring reaksyon si Alexander ay tumayo na si Max. Hindi pa siya nakakahakbang ay nakita niyang tinungga ni Alexander ang kopita na hawak at naglakad patungo sa kinatatayuan ni Cassandra. Sunod-sunod na tango ang pinakawalan ni Max.
"Hindi mo naman pala kayang tiisin"lihim na natuwa si Max sa nangyari pagkatapos ay nilingon ang tatlong babae at nagpasalamat.
"Salamat sa inyo" malapad ang kanyang ngiti dahil nagtagumpay siya. Umalis siya at tinungo ang asawa upang yayain itong sumayaw.
"Cassandra..."tawag ni Alexander sa asawa. Taas kilay na binalingan ni Cassandra ang lalaki at tahimik na naghintay sa iba pa nitong sasabihin. Nasa upuan pa lang si Alexander ay nakita na niya itong papunta sa kanyang direksyon.
"So ano na? Anproblema mo?"nakapameywang na tanong ni Cassandra.
"I'm sorry about what happened earlier...but, will teach me how to dance?"nahihiyang inilahad ni Alexander ang kamay. Sandaling tinitigan ni Cassandra ang kamay ni Alexander.
"Wife...please?"
"Ano pa nga bang magagawa ko?"nakangusong tinanggap ni Cassandra ang kamay ni Alexander.
"Nakainom ka ba? Amoy alak ka ah"tanong ni Cassandra nang maamoy niya ang amoy alak sa hininga ni Alexander.
"Konti lang"nakangiting sagot ni Alexander at parang batang isinubsob niya ang ulo sa balikat ni Cassandra.
"We're not going to dance not until you can stand straight, you're drunk Alexander"hinila niya si Alexander paalis pero pinigilan siya nito.
"I'm fine, see? come on let's dance" sabay hila nito sa kanya at agad na ipinulupot ang isa nitong kamay sa beywang niya. Napapitlag si Cassandra dahil sa kakaibang sensasyong hatid ng palad nito sa kanyang beywang. May kung anong gumalaw sa kanyang tiyan na parang naghahabulang...paru-paro??? Iniiwas niya ang mukha nang halos isang dangkal na lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa.
"O-okay but could you loosen your grip?"pigil ang hiningang saad niya. Sumunod naman si Alexander at wala ng nagawa si Cassandra kung hindi pagbigyan na lang si Alexander sa gusto nitong "dance lesson." Inalalayan niya itong sumayaw ng waltz dahil bagay ito sa sweet music nila ngayon pero dahil lalaki ito and not to mention his height ay medyo nahihirapan si Cassandra sa pag guide sa kanya.
'I don't know how to dance but thanks to Patrick, that night he taught me how to dance waltz' lihim na pagpapasalamat ni Cassandra nang maalala ang kablind date na nagturo sa kanya ng waltz.
"Dapat magaan lang, wag mo masyadong bigyan ng pressure ang bawat galaw mo"ani Cassandra na parang nanay na tinuturuang maglakad ang kanyang anak.
"Okay, I think I got this!"confident na sabi ni Alexander.
"One, two, three..."
"Oh my God!!! I'm sorry" agad na humingi ng sorry si Cassandra nang mabangga niya ang iba pang sumasayaw. Bigla ba naman siyang gawing trumpo ni Alexander dahil sa mabilis na pagpapaikot nito sa kanya. Sandali siyang nahilo at hindi makaimik.
"What are you doing? that's not waltz"reklamo niya kay Alexander. Natahimik naman ang lalaki.
"I'm sorry"nakayukong sabi ni Alexander.
"I'm just trying to impress you"dagdag pa ni Alexander na ikinatigil niya. Bakit pakiramdam niya bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso?
Cute.
But not impressive.
Ang tanging naisip ni Cassandra nang umakto si Alexander na parang batang napagalitan.
"Let's continue, just go with the music and feel the rhythm, the beat, the instruments, and whatever emotions you feel from listening to the music"nagtila P.E class teacher na sabi niya.
Makalipas ang ilang minutong pagsasayaw ay medyo nakakasabay na si Alexander.
Samantala, nang makaalis si Max ay lumapit si Frost kay Lily at niyaya niya itong makipagsayaw sa kanya. Malugod na tinanggap ni Lily ang kamay ni Frost. Naiwan si Berry at Sunny na parehong kinikilig sa dalawa.
"Magsayaw tayo?"tanong ni Sunny kay Berry.
"Tara!!"sagot naman ni Berry.
Nakangiting kinuha nila ang kamay ng isa't isa at nakisali na rin. Naiwan si Samantha at Hunter na nakaupo lang. Nakatingin si Samantha sa lahat na may kapareha at nilingon si Hunter na tahimik na nakatingin din sa mga sumasayaw.
"Baka gusto mo akong isayaw?"tanong ni Samantha sa lalaki.
"Nakakapagod lang ang pagsasayaw, umupo ka na lang"malamig na sagot ng lalaki.
"Hmpp, ewan ko sayo Hunter bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin makalimot sa babaeng yun"nakasimangot na itinuon na lamang ni Samantha ang pansin sa pagkain.
Matapos ang kanta ay bumalik si Kris sa kanyang upuan. Nakaramdam siya ng sobrang pagod at pinagpapawisan na siya. Sumunod naman si Felix kay Kris at sinamahan ito sa mesa na kalapit lang din ng mesa nila Hunter.
"Ako nga pala si Felix, ikaw anong pangalan mo?"nakangiting tanong ni Felix kay Kris.
"Ako si Kris"tugon ni Kris.
"Nagagalak akong makilala ka, Binibining Kris"sabi ni Felix na sinabayan niya ng matamis na ngiti. Ginantihan naman ni Kris ng ngiti si Felix sabay sabing,
"Ako rin, nagagalak akong makilala ka...Ginoong Felix"natutuwang inabot ni Kris ang kamay kay Felix na tinanggal naman ng isa kapagkuwan ay nagtawanan sila.
"So old-fashioned but I think I like it"natatawang komento ni Kris. Bahagyang kumunot ang noo ni Felix dahil sa narinig mula kay Kris. Mayamaya ay napakamot na lang ito sa kanyang ulo.
"Kaano-ano mo ba ang binibini?"sunod na tanong ni Felix.
"She's my best friend"sagot ni Kris. Napansin niyang sumulyap sa kanya ang lalaking nasa kabilang mesa. Nakaramdam ng pagkainis si Kris at binalewala na lamang ito.
"Best friend, ibig sabihin...matalik na kaibigan!!!pwede ba tayo maging magkaibigan?"nahihiyang tanong ni Felix.
"Oo naman"natutuwang sagot ni Kris.
"Felix, isayaw mo ako. Ayaw akong isayaw ni Hunter"sabad ni Samantha sa pag-uusap ng dalawa.
"Huh? Ah-eh may kasama ako..."nag-aalangang sagot ni Felix. Sinulyapan ni Felix si Kris at tango lang isinagot nito sa kanya.
"Okay lang ako Felix"nginitian ni Kris ang lalaki.
"Pe-pero..."
"Tara na, tumayo ka na diyan"at tuluyang hinila ni Samantha si Felix papunta sa nagsasayawan. Naiwan ang dalawa na walang imik. Nakaramdam ng pagkadisgusto si Kris sa lalaking nakaharap ngayon sa kanya sa kabilang mesa. Mukhang wala itong pakialam sa nangyayari at panay inom ng alak lang ang ginagawa nito. Nagtagpo na ang landas nila ng lalaking ito nang nagpunta siya sa banyo kanina. Mayabang ito at yun ang isa sa mga katangiang ayaw na ayaw niya sa isang lalaki.
Samantala, kababalik lang din ni Cassalea galing ng banyo. Naparami ang inom ni Cassalea kung kaya't lagi itong nagbabanyo dahil sa mahina nitong pantog. Lumapit siya kay Kris nang mapansing wala itong kasama sa kanilang mesa.
"Okay ka lang Tita?"nag-aalalang tanong ni Kris sa ginang.
"Yes, I'm okay darling...mahina lang ang pantog ko pero matino pa rin akong mag-isip"nakangiting sagot ni Cassalea.
Makalipas ang ilang sandali ay nagsibalikan na sa mesa ang lahat maliban sa bagong kasal na pinasayaw nila ng isa pang kanta.
Natapos ang kasiyahan ng alas dies ng gabi. Ang iba sa kanila ay nagpahinga na. Ang iba naman ay nakatulog na sa sofa sa sobrang kalasingan. Nasa isang kwarto naman si Alexander at Cassandra.
"Ouch!!! I'm bleeding"napasigaw si Cassandra nang sinugatan ni Alexander ang kanyang palad gamit ang maliit na punyal. Kinuha ni Alexander ang kamay ni Cassandra at inilagay sa ibabaw ng kopita.
"This is the real thing Wife"kalmadong sabi ni Alexander.
"Konting dugo lang naman ang kailangan mo diba? bakit ang laki ng iginuhit mong linya sa palad ko?"hindi makapaniwalang tinitigan ni Cassandra ang dugong pumapatak mula sa kanyang palad. Pagkatapos ay kumuha ng puting tela si Alexander at itinali sa sugat ni Cassandra.
"I'm cutting myself too, I just need you to calm down and breathe properly. Baka himatayin ka pa diyan"paalala ni Alexander at sinimulang sugatan ang kanyang palad at tulad nga ng ginawa niya kay Cassandra ay inilagay niya ang kanyang kamay sa ibabaw ng parehong kopita.
"And now we're almost done"inilayo niya ang sugatang kamay at dahan-dahang hinalo ang dugo nila.
"Te amo et ux and I'm sealing this agreement with a kiss"anas ni Alexander at ininom ang buong laman ng kopita pagkatapos ay dahan dahang lumapit sa kinatatayuan ni Cassandra.
(Anna's POV)
So this is the real thing. Ang ritual ng kasal ay tulad ng ginagawa namin ngayon ni Alexander este Gabriel pala. We both have cuts on ourselves, collect the blood from both of us, mix the blood, drink it then we're married. Such a weird way of getting yourself married but anyways, I need to do this.
I think he's uttering something...
"Te amo et ux and I'm sealing this agreement with a kiss"aniya tapos tinungga niya ang buong laman ng kopita. Nakatulalang tinitigan ko ang bahagyang pag galaw ng kanyang Adam's apple. Tiningnan niya ako at dahan dahang lumapit sa akin. Napatitig na lang ako sa kanyang mata na walang emosyon ng mga oras na iyon. Natigilan ako sa kinauupuan ko nang dahan dahang inilapit ni Alexander este Gabriel ang kanyang mukha. Awtomatikong bumilis ang ritmo ng tibok ng puso ko. Wala sa sariling napapikit na lang ako nang maglapat na ang aming mga labi pero napangiwi rin ako kaagad nang malasahan ang dugo sa kanyang bibig.
Anong nararamdaman ko ngayon?
Gross.
Nandidiri ako sa lasa ng dugo. Nag ala Edward Cullen at Bella Swan kami ngayon, yun nga lang at walang bloody kiss na naganap sa pelikula.
Nalalasahan ko ang dugo sa labi niya. I wanna puke but I don't wanna ruin this ritual. Pagkatapos niya akong halikan ay lumayo siya ng konti at muli akong tinitigan sa aking mata. This time, halo-halong emosyon ang nakikita ko sa berde nitong mga mata.
"May dugo ka pa sa labi" aniya sabay punas sa aking labi gamit ang kanyang daliri. "Alexander..."
Saktong dumilim ang paligid na kitang kita ko sa nakabukas na bintana. Gusto kong i-capture ang eklipse pero dahil hindi pa kami tapos sa ritual ay nanatili akong naupo at tinitingnan ang bawat galaw ni Alexander.
"Concordia signatus, now..we're both married"sabi niya sa namamaos na tinig. Sandali kaming tahimik lang habang nakatitig lang sa isa't-isa.
"What a bloody scene but fine. So what's next? Pwede na ba akong bumalik sa amin bukas?"pag-iiba ko dahil hindi ko ata makakayanan ang intensidad ng kanyang mga titig.
"We've already talked about this, you're staying here at my place"seryosong sagot niya sa tanong ko.
"I need to work Alexander, I cannot just leave all those things, my career"tumayo na ako at kumuha ng puting tela para sa duguang kamay ni Alexander.
"Akin na ang kamay mo"sabi at sinimulang talian ang sugat ni Alexander. Wala akong dalang alcohol kung kaya't pinagkasya ko na lamang ang natirang alak sa bote at ibinuhos sa kamay ni Alexander. Tahimik lang na nakatingin si Alexander habang ginagamot ko ang kanyang kamay.
"Pwede mo pa ring gawin yan, hindi ba't kasali yan sa mga kondisyon mo? But, I'm going with you and you cannot refuse... it's for your own safety. Thanks"wika niya nang matapos kong talian ang kanyang sugat.
"I'm fine with that. I need to rest now Alexander, we're going to school tomorrow"tumayo na ako at naglakad palapit sa pintuan.
"Ihahatid na kita"bago pa man makasagot ay nakalapit na ito sa akin. Agad akong napasinghap dahil sa mabangong amoy ni Alexander.
This scent again...
"Goodnight Wife"paalam ni Alexander nang makarating kami sa pintuan ng aking kwarto.
"Goodnight Alexander"nakangiting tugon ko sa kanya. Akmang isasara ko na ang pinto ng iharang ni Alexander ang kanyang kamay sa pinto.
"Walang kiss?"nanunuksong tanong nito. Napailing na lang ako.
"You've already got one...kanina"sagot ko saka dahan dahang isinara ang pinto.
"Okay" taas kamay na sagot ni Alexander kay Cassandra. Natatawang nilisan ni Alexander ang kwarto ni Cassandra at nagpunta sa kanyang kwarto.
"We're going to school daw bukas so I need to have a goodnight sleep"nakangiting sabi niya sa sarili.