Télécharger l’application
60% Jackie Tejero's Short Horror Stories / Chapter 3: Bisita Ni Lola

Chapitre 3: Bisita Ni Lola

"Bisita Ni Lola"

"MEEYA, IJA? MEEYA…"

Hating-gabi na ng muling nadinig ni Meeya ang boses ni Lola Corazon na tumatawag sa kanyang pangalan. At kahit nasa kalagitnaan na siya ng mahimbing na pagkakatulog sa mga sandaling iyon ay napilitan siyang bumangon sa kanyang higaan upang tignan ito.

"Paki-lagyan mo naman ng ointment ang likod ko," utos nito na medyo paos pa ang boses.

Napabuntong-hininga muna si Meeya bago tumalima sa kanyang lola. Hindi na niya binuksan ang ilaw dahil sapat na ang liwanag na nanggagaling sa lambshade ng kanilang kuwarto para makakita sa dilim.

Biyuda na si Lola Corazon, ang asawa nitong si Lolo Anoy ay namatay limang taon na ang nakakalipas dahil sa cadiac arrested. At dahil dala na rin sa pagkakastroke ni Lola kaya kinakailangan pa nitong alalayan para makabangon sa higaan.

Nag-iisang anak ni Lola ang Tatay ni Meeya kaya obligado at reponsiblidad na nila itong alagaan.

"Happy Birthday, Apo!" biglang sabi ni Lola Corazon.

Bahagyang nagulat si Meeya sa sinabing iyon ni Lola Corazon. Saka na rin siya napatingin sa nakasabit na wall clock sa kanilang kuwarto. Kahit hindi ganoon kaliwanag ang paligid nila, naaninagan pa rin niya ang mga kamay ng orasan kung saan ito nakaturo. Lagpas, alas-dose na pala! At ngayong araw ang birthday niya!

"Ilang taon ka, ija?" malumanay na tanong ni Lola Corazon.

"Bente na po, 'La!" nakangiting tugon niya.

"Ang natatandaan ko, bente anyos na rin ako noong nakilala ko ang Lolo Anoy mo!" anito.

Kahit hindi nakikita ni Meeya ang reaksyon ng mukha ni Lola Corazon dahil sa nakatalikod ito sa kanya, alam niyang masaya ito habang kinikwento nito ang nakaraan.

"Nag-usap na kami ng Tatay mo tungkol pag-aaral mo ng Medisina, at pumayag na siya," tuwang sabi nito, "Gantimpala mo daw iyon sa pag-aalaga sa akin!"

"Ano po ba kayo, 'La!" saway niya rito, "Wala naman po akong hinihinging kapalit sa pag-aalaga sa iyo!"

Hindi naman lingid sa kaalaman ng kanyang Lola ang pangarap ni Meeya na maging doctor. Pero dahil sapat lang ang kinikita ng mga magulang niya sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke, at may dalawa pa siyang nakakababatang kapatid na kapwa nasa highschool pa lang, nagpasya muna si Meeya na huminto pansamantala sa pag-aaral.

"Ang sa akin lang, sa edad mo kasing iyan dapat i-enjoy mo lang ang buhay!" dagdag ni Lola Corazon, "Huwag mong hayaang iburo ang sarili mo sa pag-aalaga sa akin! Sabi ko nga sa'yo, ganyang edad ko noong nakilala ko ang Lolo Anoy mo!"

"Namimiss mo ba si Lolo?" paglinis niya ng usapan.

"Dati, oo!" tumango pa ito, "Pero, ngayon lagi na niya akong binibisita."

"B-binibisita?" gulat niya.

"Hindi mo ba alam?" mariin siyang tinitigan nito, "Halos gabi-gabi siyang nagbabantay sa ating dalawa!"

"Po?" natigilan si Meeya. At nagsimulang magtaasan ang mga balahibo niya sa kanyang katawan. Parang ngayon ay pinagsisisihan niya kung bakit nagtanong pa siya tungkol sa kanyang pumanaw na Lolo.

"Nandito nga siya ngayon, at pinaplano na naming magtanan!" napabungisngis pa ang kanyang Lola na lalong kinalaki ng kanyang mga mata. Ewan nga ba, bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng kanilang kuwarto.

"Ay sabi pala niya, huwag kong sasabihin sa iba lalo na sa Tatay mo!" dagdag nito, "Huwag mo kaming isusumbong, ah!"

"L-la, matulog na ulit tayo!" aya na lang niya, at pilit niyang nilalabanan ang takot na nagsisimula nang gumapang sa kanyang kalooban, "Sabihin mo kay Lolo bawal kang magpuyat!"

"Nadinig mo 'yun, Anoy?" ani Lola Corazon na parang may kausap banda sa dulo ng kama.

Dahil sa sinabing iyon ni Lola Corazon ay automatic na napalingon si Meeya sa dako kung saan nakatingin ang kanyang Lola. At ganoon na lang ang hilakbot na naramdaman niya nang biglang niyang maaninagan ang isang matandang lalaking nakaupo sa gilid ng kama. Pakiramdam niya ay biglang huminto ang oras sa mga sandaling iyon. Ni hindi niya magawang ikilos ang kanyang katawan sa sobrang pagkagulat.

Kawangis ng lalaking ito ang pigura ng kanyang Lolo Anoy. Halata na ang kulubot sa mukha nito, pero hindi niya maaningan ang mga mata dahil sa dilim.

"Shhhh…" saway pa nito.

Kahit gustong sumigaw ni Meeya sa mga sandaling iyon, tila walang anumang lumalabas sa bibig niya.

----------♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥----------

NAPABALIKWAS SI MEEYA SA KANYANG HIGAAN, at doon na lang niya napagtanto na panaginip lang pala ang lahat. Nagawa na rin niyang yakapin ang sarili dahil pakiramdam niya ay naroroon pa rin ang kilabot at takot dahil sa kanyang napaginipan. Dali-dali na niyang nilingon ang hinihigaan ni Lola Corazon, at nakita niyang wala na roon ang matanda. Nagmamadali niyang niligpit ang kanyang higaan. At nang matapos ay lumabas na siya ng kuwarto. Naabutan niya sa sala ang kinse anyos niyang kapatid na Leslie na nanunuod ng TV habang sinusuklay ang mahabang buhok ng kanilang Lola.

Samantalang si Lola Corazon naman ay tahimik ding nanunuod habang nakaupo ito sa wheelchair.

"Gising na ka pala, ija!" nakangiting lumingon si Lola Corazon.

"Happy birthday, Ate!" masiglang bati naman ni Leslie.

"Thank you!" nakangiting tugon ni Meeya saka niya tuloy-tuloy na nilapitan si Lola Corazon, "Okay ka lang ba d'yan, 'La?"

"O-oo naman!" tugon nito saka muling tinuon ang atensyon sa TV.

"Maagang pumasok si Nelson sa school," ani Leslie, at ang 'Nelson' na tinutukoy nito ay ang bunsong kapatid nilang lalaki, "Maaga rin daw uuwi si Nanay, magluluto daw kasi siya ng pancit."

Ngumiti na lang siya.

"Hindi ka na ginising nila Nanay kanina kasi sabi ni Lola napuyat ka daw kakabantay sa kanya kagabi," pagpapatuloy ni Leslie, "Mag-almusal ka na. Pinakain ko na rin si Lola."

Pagkasabing iyon ng kanyang kapatid ay muling sinulyapan ni Meeya si Lola Corazon. At nang makita niyang tutok na tutok pa rin ito sa pinapanuod nitong drama ay palihim niyang sinenyasan si Leslie. Nagtatakang huminto naman ito, at sumunod sa kanya patungo sa kanilang kusina.

"Wala ka bang napapansin kay Lola nitong mga nakaraang araw?" pabulong niyang tanong.

"Sa totoo lang, ate…" bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Leslie, "…Ang weird nga Lola ngayon. Inutusan niya akong ayusan siya. Tapos, bago umalis sina Tatay at Nanay kanina, pinahanap ni Lola Corazon 'yung bagong bestida niya. Susuotin daw niya iyon ngayon kasi may darating daw siyang bisita. Tinanong nga siya ni Tatay kung sino'ng inimbitahan ni Lola sa birthday mo! Kaya ha'yun, sabi ni Nanay maaga siyang uuwi para makapaghanda ng pagkain sa bisita ni Lola."

"Sinabi ba ni Lola kung sino ang bisita niya?" usisa niya.

"Sekret daw!" napakibit-balikat ito, "Pero sure daw na darating 'yun!"

Hindi na kumibo pa si Meeya, at nag-aalalang sinulyapan na lang niya si Lola Corazon sa sala.

"Bakit, ate?" sita na sa kanya ni Leslie na parang napansin na nito ang pagkabahalang bumakas sa kanyang mukha.

"Kagabi kasi…" Aktong magsasalita pa sana siya nang bigla silang makarinig ng tatlong malalakas na pagkatok banda sa pintuan ng kanilang banyo.

Gulat na nagkatinginan sila ni Leslie.

"Nasa banyo ba si Nelson?" kinakabahang tanong ni Meeya sa kanyang kapatid.

"W-wala, ate…" kinakabahan ding umiling ito, "…diba sabi ko, nasa iskul siya ngayon!"

Aktong magtatanong pa sana siya nang biglang muli silang makarinig nang tatlong malalakas na pagkatok na nagmumula pa rin sa pintuan ng kanilang banyo.

"A-ate..." sa pagkakataong iyon ay napakapit na sa kanya si Leslie. Bumakas na rin ang takot sa mukha nito.

Bagama't nakakadama na rin ng takot ay naglakas-loob pa ring si Meeya na magtanong ng...

"S-sino 'yan?"

Alam naman niya na imposibleng may sumagot sa pagtatanong niyang iyon. Pero...

"Ako..."

Isang boses ng lalaki ang bigla nilang narinig na nanggagaling sa loob ng banyo. Buo at malinaw ang pagkakadinig nilang dalawa. At dahil alam nilang wala silang ibang kasamang lalaki sa bahay, kapwa nanlaki ang mga mata nila sa pagkabigla. Kasunod niyon ang mabilis bilang pagtakbo patungo sa kinaroroonan ni Lola Corazon.

"La! La!" mangingiyak-ngiyak na niyakap ni Leslie ang kanilang lola.

"Ano ba'ng…" may pagkainis na binaling ni Lola Corazon ang atensyon nito sa dalawang dalaga, "…Bakit kayo nagkakaganyan? Para kayong…"

"M-may nadinig po kaming boses doon sa banyo!" takot na takot na tugon ni Meeya.

"Lalaki po, Lola!" pagpapatuloy ni Leslie.

"Ano ba kayong dalawa?" natatawang saway ni Lola Corazon , "Ang Lolo Anoy n'yo lang 'yun!"

Gulat na nagkatinginan sila Meeya at Leslie. Ilang segundo rin silang hindi nakakibo hanggang sa biglang bumukas ang pintuan sa kanilang sala.

Napatili ng malakas si Leslie sa sobrang takot, samantalang si Meeya naman ay napatakip ng dalawang tenga.

"Hoy! Ano'ng nangyayari sa inyo?!" bulyaw sa kanila ng kanilang Nanay.

Saka naman sila nahimasmasan. At sabay din silang nagpakawala ng marahas na hininga nang makilala ito.

----------♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥------------

KATULAD NG KINASANAYAN NA NI MEEYA, matapos ang tanghalian ay dinala na niya sa kanilang kuwarto si Lola Corazon para makapagpahinga na ito. Iyon na rin ang pagkakataon para isangguni nila sa kanilang Nanay ang nangyari sa kanila kanina hinggil sa lalaking nadinig nilang kumatok at sumagot sa banyo.

"Nay, totoo ba kapag malapit nang mamatay ang isang tao ay sinusundo sila ng mga kamag-anak nilang namatay na?" biglang tanong ni Leslie.

Gulat na napatingin si Meeya sa kapatid. May bahagi ng kanyang puso na pagkadisgusto sa tinanong nito. Ayaw pa niyang isipin na sinusundo na ng kanilang Lolo Anoy ang kanilang Lola Corazon.

"Hay, kayong dalawa anu-ano ang sinasabi n'yo! Tama na 'yan!" saway na lang ng kanilang Nanay, halatang hindi rin nito nagustuhan ang tinanong ni Leslie, "Huwag n'yo nang tinatakot ang mga sarili n'yo! Iyan ang napapala n'yo kakapanuod at kakabasa n'yo ng mga nakakatakot!"

Hindi na kumibo pa si Leslie.

"Meeya, nabanggit ba ng Lola mo kung ano'ng oras darating ang bisita niya?" tanong na lang nito.

"Hindi po," umiling siya.

"Tanungin mo nga siya," utos nito.

Tumalima na lang si Meeya sa kanyang Ina. Nagtungo na siya sa kuwarto nila ni Lola Corazon. Dahan-dahan pa niyang binuksan ang pintuan para kung sakali ay hindi niya ito maabala. Naabutan niyang mahimbing pa ring natutulog ang kanyang Lola. At hindi niya maiwasan ang mapangiti nang mapansin niyang naka-make-up pa rin pala ito, at hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatirintas ni Leslie sa buhok nito.

Napansin rin niyang nakabukas pala ang isa sa mga bintana ng kuwarto nila. Naisipan niyang isara iyon dahil baka lamigin ang matanda. Pero bigla siyang natigilan nang may mapansin siyang dalawang pamilyar na nilalang sa ibaba ng kanilang bakuran habang magkahawak pa ang mga kamay. Tila napakasaya ng mga itong nagpapalakad-lakad roon.

Pero biglang natigilan si Meeya nang makita niya ang pamilyar na bestidang suot ng babae. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang bagong biling bestida ng Nanay niya para kay Lola Corazon.

"La?" halos hindi siya makapaniwala. Hindi niya alam kung imagination lang ba itong nakikita niya?

Halos umakyat ang lamig sa buong katawan niya nang sabay na napalingon ang mga ito sa kanya. Sabay rin na inilagay ang hintuturong daliri sa mga bibig nito sabay sabi…

"Shhh…"

At dahil doon mabilis nang nilapitan ni Meeya ang kanyang Lola sa higaan nito. Pero daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman niyang hindi na ito humihinga. Mabilis na umagos ang luha sa kanyang mga mata nang mapantanto niyang wala na itong pulso.

"L-lola!!!" sigaw niya na siyang dahilan para mabilis siyang puntahan ng kanyang Nanay at ng kanyang kapatid.

"Lo...L-lola?" parang natutulang sabi ni Leslie.

Samantalang si Meeya naman ay patakbong bumalik sa bintana para silipin kung naroroon pa ang dalawang pamilyar na nilalang na nakita niya kanina.

"Lola! Lola!" malakas na sigaw ni Meeya habang wala nang patid ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

Pero na wala na roon ang kanyang Lola.

Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya ng araw na iyon. Dahil sa mismong kaarawan niya, sumama na si Lola Corazon sa bisita nito.

THE END


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C3
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous