Télécharger l’application
40.59% My Air to breathe / Chapter 41: Chapter 40 in her room

Chapitre 41: Chapter 40 in her room

"Hello dear!" tinig ni Francis sa kabilang linya ng telepono, "bumangon kana at malapit na ako sa pinto ng apartment mo!"

"Okay!" sagot ni Yra dito, bumangon na rin siya para salubungin ang binata. Nitong nakaraang dalawang buwan ay palagi niyang bisita ang binata, laging kasama sa lunches at dinner at paminsan minsang panonood ng sine. Hindi naman nanliligaw sa kanya si Francis, feeling niya lang ay naging close sila nito mula ng malaman niyang pareho sila ng libangan.

Sunod sunod ang naging pagtunog ng Doorbell sa kanyang apartment. "Ito na, Ito na!" sigaw ni Yra na animoy naririnig siya ng tao sa labas ng pinto, "masyadong nagmamadali!" hindi na sya nagabalang silipin ang peephole dahil sigurado naman siyang si Francis lang iyon. "Di kana ba makapaghi-" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bumulaga sa kanya ang lalaki sa pintuan, "Anong ginagawa mo rito?"

"Binibisita ka!" sagot ni Jion, "Hindi mo ba ako papasukin man lang?" nakangiting sabi pa nito sa kanya bago siya hinawi at dumiretso na sa loob ng apartment niya.

"Anu sa palagay mo ang ginagawa mo?" kumakabog ng malakas ang dibdib ni Yra, pero ayaw niyang magpahalata kaya nakapamaywang niya itong sinundan hanggang makaupo na ito sa sofa, "Sinong nagbigay sayo ng karapatang pumasok sa bahay ko at basta nalang umupo sa sofa ko!?" pagalit na tanong niya rito.

"Wala pa ring pagbabago!" tanging sagot nito sa kanya habang nililibot ng tingin ang buong bahay niya. Binaliwala lang nito ang tanong niya.

"Bakit kaba nandito?" ulit niya sa dating nobyo, naiinis si Yra sarili niya, dahil kahit anung galit niya sa binata ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya para dito.

"I miss you." direktang sagot nito sa kanya, hindi naman nakabawi si Yra sa sinabi nito, "sapat na bang dahilan yon."

Sa paningin niya ay lalong gumwapo ang ang binata, humaba ng kaunti ang buhok nito, umabot na iyon sa may kilay at natakluban ang noo nito kaya nagmukha itong mas bata sa kanyang edad.

Ipinilig niya ang ulo para mabura ang kanyang iniisip, "look, may darating akong bisita ngayun so you better come out! hindi ka niya pwedeng madatnan dito kaya umalis kana!" pagtataboy niya dito.

"At bakit ko naman gagawin yun?" nakangising sagot nito sa kanya. "Gaano ba siya kaimportante at kailangan mo akong paalisin dito!?"

Sasagutin pa sana niya ito pero tumunog na ang doorbell niya, bigla siyang naalarma! tiningnan niya ng masama si Jion, "Wag kang gagawa ng gulo!" banta niya dito bago tinalikuran ito para buksan ang pintuan.

"Bat di ka pa nakabihis?" salubong sa kanya ni Francis ng mabuksan niya ang pinto. "don't tell me paghihintayin mo pa ako!?"

Maliit lang ang pagkakabukas niya sa pintuan habang nakaharang pa doon ang kanyang katawan. "Francis, pwede bang next time nalang tayo lumabas? medyo masama kasi ang pakiramdam ko eh!" pagdadahilan niya rito.

"What? napano ka?" idinantay nito ang likod ng palad sa kanyang noo. "Wala ka namang lagnat, nahihilo kaba?" puno ng pagaalalang tanong nito.

"Hindi naman, ano lang basta masama ang pakiramdam ko!" hindi niya maintindihan ang sarili, bakit ba hindi niya masabi kay Francis na andoon si Jion sa loob ng bahay niya? di naman niya kailangang itago ang dating nobyo pero bakit parang ayaw niyang magkaharap ang dalawang lalaki?

"Kung ganon mas mabuti siguro kung magpapahinga ka nalang sa loob!" marahan siyang itinulak ni Francis papasok.

"Wait, sandali!" pigil niya sa bisita pero nagtaka siya nang hindi niya makita doon sa sala si Jion. Buti naman! Saan kaya yun nagpunta? baka sa banyo!

"Are you okey?" alanganing tumingin sa kanya si Francis, "may problema ba?"

"Ah wala, wala naman! maupo ka muna jan at magbabanyo lang ako sandali." paalam niya dito. Nagmamadali niyang tinungo ang banyo at hinanap doon ang lalaki peri bigo siya, wala doon si Jion! Buset! nasa kwarto niya ang walanghiya!

Lumabas siya ng banyo, pagtapat niya kay Francis ay sinenyasan niya ito, "wait lang ha!" bago sya pumasok sa kwarto.

Shit, andoon nga ang binata at prenteng nakahiga sa kama niya habang wala itong suot na pang itaas. What!? naka half naked ang damuho! napalunok siya ng sariling laway dahil sa itsura nito.

Kaagad niyang inilock ang pinto at nilapitan ang nagtutulog tulugang ex boyfriend, Pinilit niyang wag gumawa ng ingay ng tapikin niya ang braso nito, "Hey, bakit ka nakahubad?" gigil na bulong niya rito.

Nagmulat naman ito ng mata bago mahina ring sumagot sa kanya, "Magugusot ang damit ko pag humiga ako sa kama mo kaya hinubad ko!"

"iiik!" napatili siya ng bigla siyang hinila ni Jion kaya napadagan siya sa binata.

"Yra!" tawag ni Francis sa kanya, "What happened? bakit ka tumili?" nagaalalang tanong nito.

"Ah eh wala may ipis lang gumapang sa paa ko!" sagot niya dito habang nakadagan pa rin siya kay Jion at ito naman ay nakayakap sa kanya. "Okey lang ako, magbibihis lang sandali."

"Yra, open this door! let me check if you're really alright, then Ill take my leave! next time nalang tayo lumabas." saad ni Francis.

Binitawan naman sya kaagad ni Jion para makabangon at nang makababa siya ng kama ay tumayo na rin ito, dali dali naman niya itong itinulak sa likod ng pinto at sinenyasan na wag maingay.

"Asan na yung ipis?" tanong sa kanya ni Francis ng pagbuksan niya ito ng pinto, bahagya pa itong sumilip sa loob ng kanyang kwarto.

"Ah, wala na gumapang sa ilalim ng kama, kaya di mo na makikita." Lumabas na siya roon at iginaya si ito palabas ng bahay. "pasensya kana Francis ang totoo kasi niyan may buwanang dalaw ako kaya tinatamad akong umalis ng bahay."

"Ganon ba! bat di mo sinabi agad, kala ko pa naman kung ano ng masakit sayo eh, sige na aalis na ko para makapagpahinga kana!" bago ito tuluyang lumabas ng pinto ay nag bilin muna sa kanya, "Lock mo itong pinto ha."

"Okay, magiingat ka." paalam niya rito.

Nang maisarado niya ang pinto ay dumiretso sya kwarto, "Tingnan mo ang ginawa mo, hindi tuloy ako nakaa-" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla nalang siyang binuhat ni Jion at inihagis sa kama.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C41
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous