Télécharger l’application
10% Falling in love with a rival / Chapter 2: Chapter 2: The comeback of my prince charming

Chapitre 2: Chapter 2: The comeback of my prince charming

"Good morning, Mommy Patty!" masiglang bati ni Yesha nang pagbuksan siya ng pinto ng mommy ni Kalix.

Mommy at Daddy na rin ang tawag niya sa mga magulang ng kababata dahil close na rin siya sa mga ito. Biro nga niya, nagpa-practice na siya. Para sa future, hindi na siya masyadong mahirapan kapag naging pormal na in-law na sila. May limang taon na ang nakalilipas mula nang ipagtapat sa kanya ni Kalix ang tunay niyang kasarian at pagkatapos noon ay isinama siya nito sa bahay ng mga magulang upang ipagtapat din sa mga ito ang katotohanang isang beki ang kababata niya.

Nabigo man siya noon ay umaasa pa rin siyang magbabago at tutuwid muli ang landas ni Kalix. Si Ogie Diaz nga, nakapag-asawa at nagkaroon ng mga anak. Si Kalix pa kaya!?

"Dala ko na po ang favorite na strawberry shortcake ni Kalix!"

"O anak, masyado ka yatang maaga," tugon naman Mommy Patty sa kanya bago siya tuluyang pinapasok. Manang Flor, pakilagay naman sa ref itong cake.

"Mommy, inayos na ba nina Manang ang kwarto niya?" malambing niyang tanong pagkatapos humalik sa pisngi ng ginang.

"Ipapagalaw ko ba naman sa iba ang kwarto niya?. Alam mo namang ikaw lang ang puwedeng gumalaw ng mga gamit ni Kalix."

"Yehey! Thank you, Mommy! Pupunta na po ako sa kwarto niya."

Niyakap niya pa ito nang mahigpit bago tinungo ang ikalawang palapag ng malaking bahay kung nasaan ang kwarto ng kababata. Kaagad niyang kinandado ang pinto at inabot ang paboritong picture frame kung saan solong litrato ni Kalix ang nakapaloob. Nakangiti niyang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama.

"Good morning, Kalix! Na-miss mo na ako, 'no? Kasi ako sobrang miss na kita!" sabi niya at hinahalik-halikan ang picture frame. Mahigit pitong buwang din niya itong hindi nakasama nang madestino sa Kuwait si Kalix upang i-train ang mga bagong ahente roon ng kompanya kung saan siya nagtatrabaho. Mahigit pitong buwang pero para sa kanya mahigit isang taon na ' yon.

Si Kalix na kababata niya, first crush, first puppy love, at gusto niyang maging first kiss at maging future husband. Si Kalix na buong akala niya at inaasahan niyang magtapat ng pag-ibig sa kanya na yung ipagtatapat lang pala niya ay isa siyang beki. At kahit sweet sixteen siya noon at eighteen naman si Kalix, at hindi pa pwede mag boyfriend ay handa siyang suwayin ang mga magulang niya sa ngalan ng pag-ibig!.

Pero hindi siya susuko na maging isang Mrs. Yesha Saveryo balang araw at gagawin niya ang lahat kahit pa sa date ni Kalux na kapuwa berde ang dugo o bading.

"Yesha..... nag text na si Kalix. Basahin mo na....."

From:Kalix

See you in a bit. Malapit na ako. I miss you, Yesha.!

"Miss niya na raw ako! Ayieeee!"

Sa wakas, magkikita na ulit sila ng Kalix niya.

(Sa Airport)

"Nasan na ba 'yon?" ani ni Yesha habang naglalakad palabas ng CR at hinahanap sa loob ng shoulder bag na dala ang cellphone.

Nag-retouch lang siya saglit at hindi na niya makita ang cellphone.

"Hay naku, sigurado akong kanina pa yun nag text"

Kung bakit naman kasi naisipan pa niyang mag-retouch kung kailan pa-landing ang eroplanong kanina pa niya hinihintay. At dahil sa sobrang bilis niya ay hindi na niya napapansin ang mga taong nababangga niya hanggang may isang tao siyang nabangga na para bang nagmamadali din ito.

"Ouch!" Kaagad siyang na out of balance nang matalisod sa paa nito kaya nabitawan niya ang kanyang bag at bumagsak sa tiles. Ngunit bago pa siya malaglag sa sahig ay kaagad siyang nasalo ng maskuladong lalake. Malalaki talaga ang braso nito. Halatang alaga sa gym.

Napalunok siya nang magtama ang mga tingin nila ng taong iyon. Ilang beses ba siyang napakurap bago muling napalunok habang nakatitig pa rin sa mukha ang kanyang super hero. In fairness, ito na yata ang pinakagwapong lalaki na nakahawak sa makinis niyang balat. Mali! Hindi! Maa gwapo pa rin dito si Kalix niya.

"Alam mo, Miss? Cute ka sana eh. Kaya lang nakaka-turn off ang clumsiness mo," sabi ng lalaki bago siya itinayo nang maayos at walang paalam na umalis.

"Bastos na 'yon!" naiinis na sabi niya bago pinulot ang bag at muling kinapa kung andon ba ang cellphone niya. Kaagad siyang ngumiti nang mahawakan na niya ang kaniyang cellphone.

From: Raffy

Yesha, nasaan ka na? I miss you!

" Hindi ba pwedeng 'I love you na lang?" bulong niya nang mabasa ang text ni Kalix.

Mabilis na siyang naglakad pabalik kina Daddy Jandro at Mommy Patty. Ilang saglit lang ay dumating na ang kababata niya na si Kalix.

"Yesha, na-miss kita nang sobra!" sabi ni Kalix na halos buhatin na si Yesha sa pagkakayakap.

"Mas lalo naman ako, 'no! Wala na akong driver papuntang office, eh," sabi niya bago kinurot ang tungki ng ilong ni Kalix. Pilit niyang tinago ang kilig na naramdaman niya habang niyayakap siya ni Kalix.

"So let's go?" nakangiting anyaya niya nang matapos ang kamustahan ng tatlo.

Hinawakan ni Kalix ang kamay niya. "Hmmm... wait. May kasama kasi ako. Nasaan na 'yon?"

"Sino ba'ng hinahanap mo?" nagtatakang tanong niya dahil wala namang nabanggit si Kalix na may kasama ito sa pag-uwi.

"Bagong boylet ko."

Kunot-noo siyang nakapamaywang sa harap ng kababata bago tumaas ang kilay.

"Syempre charot lang," natatawag tugon ni Kalix sa inasal niya. Alam kasi nitong lahat ng boylet nito ay dapat na dumaan muna sa pangingilatis niya. "Teka, ayun na siya!"

Napalingon siya kung saan nakatuon ang tingin ni Kalix at agad namang napataas ang isang kilay niya nang makita kung sino ang tinutukoy nito na papalapit na sa kanila--ANG BASTOS NA LALAKING SUMALO SA KANYA kanina.

"Kaya pala siya bastos kanina,hindi naman pala siya tunay na lalaki. Ba't di ko kaagad naamoy na berde rin pala ang dugo nito" *sa aking isip*

"Mom, Dad, Yesha, meet the social media sensation of this year, Ken Alfiler. Siya yung tumulong sa akin at nagpatira sa apartment ng Mommy niya nang libre noong ako'y na sa Kuwait." nakangiting pakilala ni Kalix. Binalingan naman nito ang kasama. "And Ken, this is my mom, and my dad and my gorgeous bestfriend, Yesha,"

"Ikaw! " sabay'ng sabi nina Ken at Yesha.

"Oh... magkilala na pala kayo! Then thats good! Saan nga pala kayo nagkakilala?" tanong ni Kalix sa kanila.

"Hah...bago lang naman kami nagka-kilala, sinalo niya kasi ako noong muntikan na akong bumagsak sa sahig kanina," sagot ni Yesha. "Salamat nga pala ahh" dagdag pa niya.

"Walang anuman" nakatingin kay Yesha na nakataas ang kilay. (Attitude ka girl)

Naningkit ang mata ni Yesha nang makipagkamay si Ken kay Daddy Jandro at bumeso pa kay Mommy Patty bago lumapit sa kanya.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous