Télécharger l’application
78.57% Forgotten Memories (tagalog) / Chapter 44: I Don't Wanna Lose You

Chapitre 44: I Don't Wanna Lose You

Walang humpay sa pag- iyak si Wonhi habang yakap- yakap ang walang buhay na katawan ni Jei.

"Jei! Jei! I'm sorry! Jei please wake up!" sigaw ng binata na halos maghalo ang luha at dugo ng dalaga sa kanyang mukha. Habang yakap- yakap ang kangyang kasintahan ay nanikip ang kanyang dibdib.

"Aaaaaaaaaaaa!" sigaw ni Wonhi sa sukdulang sakit na kanyang nararamdaman. Namilipit siya sa sakit at ang kanyang mukha ay binalot ng mga butil ng pawis.

"J-ja! Ga... gachi juk...jja! (Sige! Mamatay tayong magkasama!)," nanghihinang saad ni Wonhi na nahihirapan sa bawat katagang namutawi sa kanyang bibig dahil sa kawalan ng hangin.

Maya- maya ay nararamdaman niyang unti- unting namamanhid ang kanyang katawan. Ang sakit na kanyang nararamdaman ay unti- unting napapalitan ng ginhawa. At sa buga niya ng kahulihulihang hininga ay siyang pagpikit ng kanyang mata habang ang liwanag na sumisilaw sa kanya ay palayo ng palayo hanggang sa ito ay naglaho.

Hindi niya alam kung ilang sandali ang nakalipas ng makarinig siya ng tinig mula sa malayo. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. Palapit ng palapit at palakas ng palakas ang tinig at napagtanto niyang umiiyak ito.

"Wonhi!" sigaw ng tinig. "Wonhi! Wake up! Please!"

Naramdaman ni Wonhi ang mga kamay na yumuyogyog sa kanya. "Wonhi... please... don't leave me like this! I thought you're gonna marry me?" iyak ng tinig.

"J-jei?!" nagtatakang tanong ni Wonhi ng maging klarong boses ni Jei ang kanyang naririnig. "What's going on?!"

15 minutes earlier...

Nagmulat ng mata si Jei ng marinig na tila humihikbi ang nobyo. "Nananaginip ba ako?!" tanong niya sa kanyang sarili matapos masiguradong tulog si Wonhi.

Tumingin siya sa wall clock. Alas tres ng madaling araw. "Ano kayang nangyari sa taong nagtatakang pumasok sa cottage?" piping tanong niya. Bigla siyang kinilabutan.

Pinipilit niyang matulog ngunit tila tinakbuhan siya ng antok kaya napagpasyahan niyang magbasa ng isang nobela mula sa collection ng kanyang kuya.

Nasa kalagitnaan si Jei ng pagbabasa ng maulinigan niya ang pamilyar na hikbi. Dagli siyang lumingon sa dako ni Wonhi at nakita niya itong umiiyak. Bigla siyang inatake ng pag- aalala.

"Hey, what's wrong?" tanong ni Jei sabay yugyog sa balikat nito ngunit hindi ito gumalaw at nagpatuloy sa pag- iyak. Maya- maya ay lumakas ang pag- iyak nito at nagsimulang magsalita ngunit hindi maintindihan ng dalaga kung ano ang sinasabi nito.

"Wonhi!" sigaw ng dalaga. "Wonhi! Wake up! Please!"

Yinugyog niya ulit ito. Hindi ito gumalaw. At napansin din niyang hindi na ito umiiyak o humihinga. Chineck niya ang pulso nito. Wala. Naging hysterical si Jei.

"Oh my god!" sigaw niya habang pinapagpag ang dibdib ng binata. "Wonhi... please... don't leave me like this! I thought you're gonna marry me?"

Walang sagot mula sa binata. Umiiyak habang natatarantang minamasahe ang mga kamay at paa ng binata habang nag-iisip kung ano ang gagawin. Sa sandaling iyon ay takot na takot siya sa worst case scenario na patuloy na nagrereplay sa kanyang utak.

"Hindi... kailangan mong mag- isip, Jei! Stay calm! Stay calm," saad niya sa sarili habang nagpupunas ng luhang walang humpay sa pagbagsak.

"Hinga, Jei. Hinga!" pagpapatatag niya sa kanyang isip saka huminga ng malalim. "Wonhi, please! Not like this!" patuloy niya sa pag- iyak.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kanyang lakas ngunit nakaya niyang buhatin si Wonhi mula sa kama patungo sa sahig.

Huminga ulit siya ng malalim saka umpisahang iCPR ang binata. Tagaktak ang kanyang pawis. Sa bawat sandaling lumipas ay unti- unting nanghihina si Jei.

"Wonhi, please. You have to help me. You have to fight!" bulong ng dalaga. Namamanhid na ang kanyang mga braso ngunit sige pa rin siya sa pagsiCPR. Nakailang cycles na siya ngunit unresponsive pa rin si Wonhi. Nagsimula nanaman siyang balutin ng kaba at takot.

Kusang bumigay ang kanyang katawan at nanghihinang sumobsob siya sa dibdib ng binata habang patuloy ang pag- iyak. "You're so selfish! Why are you doing this to me? Wake up, please! I need you... I love you so much and I can't just let you go," nanghihinang saad ni Jei.

Lahat ng pagtitimpi ng dalaga ay kumawala. Lahat ng sakit ay bumuhos. Panay ang hagulgol ni Jei habang yakap- yakap ang binata.

"You're cruel, Wonhi! Ang daya- daya mo! Sabi mo di mo ako iiwanan. Ang daya mo... sabi mo we are in this together. Why do you have to say those things kung mag- gigive up ka lang din naman? Ang sakit, Wonhi. Ang sakit sakit," hagulgol ni Jei kasabay ng pagpalo nito sa braso ng nobyo.

Mugtong- mugto na ang mga mata niya sa pag- iyak. At pulang- pula na rin ang ilong niya mula sa kapupunas ng kanyang sipon. Hinawakan niya ang kamay ng binata at pinisil saka hinalikan. Pumikit siya upang pigilan ang mga luhang nag- uunahan sa pagpatak ng maramdaman niyang tila humigpit ang hawak ni Wonhi sa kamay niya.

Bigla siyang nataranta at agad chineck ang pulsuhan nito. "Oh my god! Salamat sa Diyos!" labis ang kaligayahang bulalas ng dalaga ng makumpirmang may pulso na ito.

Dahan- dahang dumilat ang binata. At ang unang nasilayan ay ang nakangiting mukha ng dalaga. "What happened? I thought... oh god! I thought I'd lost you," paos na saad ng binata.

Inalalayan ni Jei na tumayo ang binata at pinahiga sa kama. "Shhhhhh! Take a rest first," saad ni Jei saka binantayan si Wonhi na magpahinga. Masaya man si Jei dahil ligtas at buhay ang nobyo ay hindi humupa ang pagtulo ng kanyang luha.

Sa mga oras na iyon niya lalong napatunayan na hindi niya kayang mawalay dito. Takot siya sa ideyang maghihiwalay sila o may masamang mangyayari sa kanya. Kaya't mas lalo siyang naging determinadong tulungan itong labanan ang pagsubok na hinaharap.

Maliwanag na nang magising ang binata at agad niyang hinanap ang kasintahan. "Jei!" sigaw nito ng hindi niya mahagilap sa silid. Akmang babangon si Wonhi ng biglang sumakit ang kanyang ulo.

"Aaaaaaaaaaa!" sigaw niya ng lumala ang sakit at parang may pumupukpok dito. "Omma! Moriga nomu apayo! (Inay! Ang sakit po ng ulo ko!) iyak ng binata.

Mula sa kusina ay kinakabahang tumakbo si Jei ng marinig ang sigaw ng binata. Naabutan niya si Wonhi na hawak- hawak ang kanyang ulo at namimilipit sa sakit.

"Hang in there! Kuya Rain and Dr. Lee are on their way," saad ni Jei saka minamasahe ang sentido ng binata.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C44
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous