Télécharger l’application
26.76% Broken Trust | Completed / Chapter 19: Chapter 17

Chapitre 19: Chapter 17

Chapter 17: Indirect Kiss

Mga 7:30 Am ako gumising ngayon umaga. Sabi kasi ni mama sa akin kahapon na mag-bake raw ako for welcome to our new neighbor. Syempre, ngayon umaga ko na naisipan gawin iyon 'cause if I will do this later on ay mauubos 'yong time ko para sa pagbabasa. Gusto ko kasi ay 'yong nagawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin bago magbasa para wala na mag-disturb sa akin.

Hinahanda ko na ngayon 'yong kakailanganin kong mga ingeredients. I invited Claire, Jess and Aivin to help me, hindi naman sila tumanggi kasi may pa-free taste raw. Ang kakapal talaga ng mga mukha.

Pinagpaalam ko sila kay Mama at pumayag naman siya.

-

Habang kinukuha ko 'yong ibang ingredients I suddenly heard my phone ringing, unknown number 'yong nakalagay kaya nag-alinglangan pa 'ko bago sagutin. Syempre naman, baka mamaya ma-scam pa ako dahil lang dito.

"Hi, Friend." Masaya pagbati no'n taong nasa kabilang linya.

"Hello? Sino 'to?"

"Si Friend mo."

"Ha?"

"Your newest handsome friend slash boss. Si Oliver 'to, Jamilla." Halos mapangiwi ako nang malaman kong siya pala 'to. Hindi ko talaga alam kung gaano na kataas ang level ng pagiging slow ko, kahit boses niya ay hindi ko manpang namukhaan. Gosh.

But wait. wait. wait? Newest handsome friend? Sige 'wag na natin kontrahin ang sinabi niya kasi totoo naman. Magkunwari na lang tayo na hindi natin narinig.

Napahinga ako nang malalim dahil meron akong nararamdaman na may darating na sobrang masamang balita mula sa kanya. Jusko.

"Ah hehe. Pero pwede bang 'wag mo na 'kong tawaging Friend? Ang weird kasi, t'saka 'di ako sanay. Ano bang kailangan mo?" Para kasi talagang weird 'pag tatawagin ako ng lalaki ng friend, pwera na lang kung beki siya para tawagin niya 'ko ng ganyan.

"Cute kaya, buy the way, papunta ako sa bahay niyo at susunduin kita para samahan ulit akong gumala. I-save mo na 'yong number ko, alam kong 'di mo pa na-sa-save. Wait for me, bye!" Ang galing ko mag-predict 'no? May masamang ngang balita.

"Wait, may ga-" Napanganga ako nang hindi manlang niya 'ko pinatapos magsalita because he already end up our conversation. Nakakagigil. Napakabastos niya talaga.

I tried to contact him back but unfortunately wala na pala akong load. Hahayaan ko na nga lang siyang pumunta rito, masasayang lang 'yong gas niya, mahal pa naman ngayon 'yon bawat litro no'n.

Tulad ng utos niya ay si-nave ko na 'yong number niya at i-tinuloy ulit 'yong ginagawa ko.

Lumabas ako ng bahay namin pagkatapos kong ihanda lahat ng kakailanganin ko. Mabuti't wala si kuya John ngayon kasi I'm pretty sure kapag nakita niya ulit si Oliver dito sa bahay ay aasarin na naman niya 'ko about sa 'very very kind classmates' na iyan.

Umiinit talaga 'yong ulo ko everytime na naaalala ko 'yon, hindi pa raw kasi keri ng brain cells ko para i-forgot iyon.

-

Wala pang 15 minutes ay nandito na agad siya sa bahay namin kaya nandito na rin ako sa main door namin para salubungin siya. Habang naglalakad siya papalapit sa akin ay bigla na naman ako kinabahan. Gosh! Ang gwapo niya sa suot niya, I hate the way he wear his outfit today. Ang galing niyang pumorma, bes.

"Magbihis ka na, I'll wait for you here." Natauhan ako nang bigla siyang nagsalita, mabuti't nagsalita siya kung hindi, baka nahuli na niya 'kong napopogian sa kanya. Gosh! Ayokong mapahiya na naman.

Nakita ko siyang umupo sa bench namin at kinuha 'yong phone niya.

"Ay, sorry Oliver may mahalaga akong gagawin." Bigla siyang tumingin sa akin kaya may biglang kumaba na naman sa dibdib ko. Hays. Pa'no ba pigilan ito? Kahapon pa 'to, ah.

"Ba't 'di mo sinabi sa akin kanina no'n tinawagan kita?" Kunot-noo niyang saad pero halatang may diin. Siya pa ang may ganang magalit. Gosh, baliktad na ba ang mundo ngayon?

"Ay, wait. Ang taray niya, all I know kasi ikaw 'yong nagpatay sa akin ng tawag tapos ako 'yong sisisihin mo ngayon? Wow naman, Oliver." Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin pero nilagyan na niya ng pagka-cold look 'yong mukha niya, 'yong tipong walang manlang expression 'yong mukha niya.

"Gaano ba kahalaga 'yan?" Cold niyang saad. Bes, ramdam kong na-guilty siya sa sinabi niya dahil napahiya siya pwes kailangan niya talagang maramdaman 'yon. Ka-b'wiset siya eh.

"Hmm? Pinag-ba-bake ako ni mama ng banana bread para sa pagbibigay ng pagkain sa bago namin neighbor, tradisyon na namin 'yon dito sa village."

"Ah sige, hindi naman gano'n kahalaga 'yong pupuntahan natin and besides, marami pang naman next time. Tutulungan na lang kita." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maaasar. Napansin kong tumayo siya at tumingin sa akin na parang bang inaakit ako para payagan siya. Psh.

"At bakit? Hindi na. Kasama ko naman 'yong mga kaibigan ko para tulungan ako kaya hindi ko na kailangan ng tulong mo." Mariin ko siya tinulak-tulak papunta sa gate ng bahay namin pero 100% na 'yong binigay kong lakas ngunit wala pa rin epekto, hindi ko pa rin siya magawang paalisin sa pwesto niya. Ang lakas niya, 'di kaya ng powers ko.

"Teka! Teka! Bakit naman? Nagsimula na tayo bilang magkaibigan last night 'di ba?"

"Oo, Pero-"

"Sa sariling mo nang bibig mismong nanggaling. Sabi mo mga kaibigan mo ang kasama mo para tulungan ka, I'm one of your friends so technically I'm belong to them, kaya tutulong din ako." Napatigil ako sa pagtulak sa kanya dahil sa sinabi niya. Bakit ang talino niyang tao? Kung ako 'yon I can't infiltrate it. Bigla siyang ngumisi at naglakad patungo sa main door namin but before he entered ay hinarangan ko ulit siya. Ayoko kasi siya makita ng mga kaibigan ko, lalo na si Claire kasi I know gagawa at gagawa siya ng paraan para asarin ako.

Hinawakan ko 'yong magkabiglang balikat niya para tingnan siya ng deretso pero tila bigla ako nanghina dahil tumingin din siya sa akin pero still nilabanan ko ito para sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. Ang gwapo kasi. Huhuhu! "Look Oliver, ayokong makita ka ng mga kaibigan ko kaya umuwi ka na lang."

"Why? It's there any problem kapag makita nila ako? Wala naman 'di ba? t'saka hindi ko naman sila babastusin." Bakit ba ang kulit ng nilalang na 'to?

"You don't get my point. 'Wag ka na kasing makulit, umuwi ka na lang at matulog. Sarap-sarap kaya matulog ngayon kaysa naman nandito ka at iinisin ako, maawa ka naman sa 'kin, Oliver." Bigla siyang napatawa pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa akin. May topak lang?

"Haha. May nahahalata ako sa'yo."

Bahagya ako napakunot ng noo dahil sa huli niyang sinabi. Ano naman nahahalata niya sa akin?

"Anong nahahalata mo sa akin?"

"Bakit ayaw mo 'kong ipakita sa mga kaibigan mo?" Tanong niya sa akin, sasagutin ko na sana ito ngunit bigla muli siyang sumabat.

"Ahh nakuha ko na, ayaw mo 'kong ipakita sa mga kaibigan mo kasi ayaw mong mahalata nila na crush mo 'ko." Gosh.

Inis kong binitawan na 'yong magkabila niyang balikat dahil sa pagkagulat ko. Tila parang nag-echo sa utak ko 'yong sinabi niya kaya nagsimula na kumulo ang aking dugo. Ito na ang senyales na kaunti na lang ay lalabas na ang maldita radar ko.

"Ano?? Mangarap ka, pare!" Hindi ko akalain na sasabihin niya 'yon sa akin, like duh! Masyadong assuming si kuya. Pinang-dilatan ko siya ng aking mga mata pero itong si loko ay tinawanan lang ulit ako. Jusko.

"Kahit hindi mo na sabihin sa akin, halatang-halata naman sa mata mo na in-love ka sa 'kin kaya wala rin pagtatago mo ng feelings."Wait? Lume-level up na talaga 'yong pagiging assumero niya. Argh! Bwiset! Kasalanan ko ba na ang poging-pogi niya kaya na-iilang ako sa kanya? Huhu!

"Pwede ba? If you won't stop your doing, masasapak na talaga kita. Titigil ng kusa o titigil na may pasa? Mamili ka!" Bigla siyang nanahimik at nag-pout. Bes, ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganyan kakulit noon nagdaan araw, ah?

"Titigil ng kusa. Patulungin mo na kasi ako." Lumapit siya sa akin at biglang kumindat. Gosh! I don't think kung siya ba talaga si Oliver ngayon, baka may kakaibang espiritu lang na sumasanib sa kanya. Hindi ko na talaga kayang tiisin 'yong kakulitan niya.

"Argh! Kahit labag sa kalooban ko, si-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nakita ko agad siyang naglakad at nilampasan ako, papasok sa loob ng bahay namin. Argh! Umagang-umaga napaka bastos ka agad niya, hindi niya manlang ako pinatapos. Walang modo. Walang respeto!

Bahala na mamaya kung ano iisipin ng mga kaibigan ko, wala naman akong magagawa para pauwiin si Oliver eh, kasi napakatigas talaga ng ulo niya. Hindi talaga siya titigil ng pangungulit hanggang mapapayag niya 'ko kaya sa huli ay siya pa rin ang mananalo sa laban.

-

"Hindi pa ba tayo magsisimula? Mga 1 hour na 'ata tayo naghihintay, ah?" Nakasimungot na saad ni Oliver habang nakaupo sa sofa sa may living area namin. Inip na 'ata siya, kahit ako nga rin, eh. 9:30 AM 'yong usapan naming magkakaibigan na pumunta dito sa bahay namin pero umabot na nang 9:45 wala pa rin sila. Actually, mga 8 o'clock pumunta rito si Oliver.

"Hmm.. Sige, mag-start na tayo, naiinip na rin ako eh, tara na sa kusina." Nagsimula na akong maglakad at ramdam kong nakasunod siya sa akin. Nakakahiya naman kay Oliver, kanina pa kasi talaga kami naghihintay sa mga kaibigan ko. Actually, I texted them kung nasaan na ba sila but they just replied to me that there are all OTW na raw pero mga 45 minutes na 'yong lumipas wala pa rin sila. Niloloko lang yata nila ako baka knina ay nasa higaan pa lang at sinabihan lng ako ng OTW. Gosh.

"Wear this." Binato ko sa kanya 'yong apron na hawak ko at nasalo naman niya ito.

"Banana bread ang gagawin natin 'di ba?" Tanong niya sa akin.

"Yes, but we will just put a chocolate chips para maging mas masarap 'yong gagawin natin." Tinatali ko ang buhok ko habang sinasabi ko 'yan. This is not my first and second time na gagawa ulit nitong banana bread with chocolate chips kasi ito 'yong pinakapaborito ni mama kaya ito lagi ang ginagawa ko.

"Ano bang gagawin ko?" Tanong niya sa akin. Nararamdaman kong parang sincere 'yong gagawin niyang pagtulong sa akin ah, infairness sana lang totoo 'yong iniisip ko.

"Since malaki naman 'yong braso mo, I think ikaw na lang 'yong mag-mash nitong mga saging." Tumango siya at kinuha 'yong mga banana at 'yong mixing boil. "Anong gagamitin kong pang-mash?"

"Itong potato masher." Inabot ko iyon sa kanya. "Dapat talaga pinong-pino, Oliver, ha?" Tumango lang siya at sinimulan nang talupan 'yong saging na hawak niya.

'Pag pumipili kasi ng saging ay kailangan may brown spots, 'di ako sigurado kung bakit kailangan ng brown spots basta nakikisunod na lang ako sa instructions. Hihi.

Sinimulan ko na rin i-mix lahat ng dry ingredients like baking soda, baking powder, all purpose flour and salt, hindi pa kasama ang sugar kasi mamaya pa iyon.

"Okay na ba 'to?" Tanong niya sa akin. Tiningnan ko naman ang saging niya. Oops, I mean 'yong mashed-banana na ginawa niya. Gosh. Huwag green minded.

"Hindi pa, may buo-bu-"

"O.M.G. Guys, look who's here, I guess hindi na naman yata tayo kailangan ni Jamilla dito. Nandito si Oliver at mukhang walang war na magaganap, tara uwi na lang ulit tayo." Bigla akong napatingin sa nagsalita nito. Nakita ko sila Claire, Jess and Aivin na lahat sila ay pareho-pareho lang ang mga nasa mukha, lahat sila'y gulat. Hays! Kaloka. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, aasa na lang ulit ako sa himala para hindi nila ako asarin.

Nandito na agad sila sa kusina kasi sina Jess and Claire, hindi na sila kumakatok, kaya nga lagi si Claire ang nagiging alarm clock ko noon bakasyon. Tapos si Aivin naman, siguro nakisunod na lang sa dalawang kong mga kaibigan.

Sabi sa akin ni Jess yesterday na there's a something between Claire and Aivin dahil kahit wala raw naman silang projects na gagawin ay nakikita niya pa rin raw itong laging magkasama. Hmm.. Sabagay, ngayon nga parang close na agad silang tatlo.

"Ha? Kakarating niyo lang ah, uuwi agad kayo?"

"Oo, Jamilla. Hindi mo manlang kasi kami sinabihan na may kasama ka na pala dito dapat pala hindi na kami pumunta." Saad ni Aivin.

"Kaya nga! Bye bessie, uwi na kami." Kaway ni Claire at tumalikod na sila sa akin at nagsimula na maglakad. So? Gan'to ba talaga matulungin ang mga kaibigan ko? Iiwan ba naman ako sa taong hindi ko naman inaasahan na darating, sila ang hinihintay ko kanina hindi itong mokong na 'to. Gosh. Na-i-stress na tuloy 'yong bongga kong bangs.

"Hoy! Ano ba? Aalis na ba talaga kayo?!" Hinawakan ko braso ni Jess and Claire pero.

"Charot, charot lang 'yon Jamilla. Aasarin ka pa namin at tsaka makikikain pa kami." Makuwelang saad ni Claire. Humarap na ulit sila sa akin at tumawa, pwera lang kay Jess na ayaw umimik. Hays. Kailan kaya mawawala 'yong pagiging mahiyain niya sa ibang tao? Tumatanda na siya, dapat hindi na siya ganiyan.

"Hindi ako natutuwa."

"So you should be happy cause we brought your favorite dessert, ice cream. Stawberry flavor, Bes." Inabot sa akin ni Claire 'yong ice cream. Dahil sa ka-excitement ko ay dinala ko agad ito sa fridge dahil baka matunaw, I will eat this later kapag umalis na sila, para solo. "Sabi kasi ni Aivin ay hindi na raw kayo nakakapag-sabay kumain kaya bumabawi siya sa'yo ngayon."

"Hoy, Aivin! Dapat lang, pero thanks!" Napakamot lang si Aivin ng ulo.

"May maiitulong pa ba kami?" Tanong pa niya.

"Actually, pinapunta ko lang kayo dito para tikman 'yong gawa ko. Iyon lang talaga ang magagawa niyong tulong."

"Tikman lang? So? Tikim lang ba talaga?" Malungkot na saad ni Claire. Mukha pa lang niya ay alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.

"Gusto niyo? Pwede naman para makatipid ako." Ngumiti ako sa kanila na may lokong kasama. Alam kong kulang sa kanila 'pag tikim lang ang gagawin nila, kailangan mga ilang slices rin ang ibibigay ko sa kanila. Mas lalo na itong si Claire, lagi ako kinukulit na isa pa raw.

"Bes, kilala mo kami. Hinding-hindi kami papayag sa tikim lang, dapat kailangang sulit 'yong pagpapapunta mo sa amin dito 'no, 'di ba, guys?" Hay naku. Si Claire talaga, hindi na talaga nahihiya sa akin, sobrang takaw niya talaga. Sumang-ayon naman sila Jess at Aivin sa kanya.

"Hi shadowboythatyou-love ni Jamilla."

Pagbati ni Claire kay Oliver. Kinawayan lang siya ni Oliver at tinuloy ang ginagawa niya. Nadismaya 'yong mukha ni Claire at binaling ulit sa akin ang tingin niya.

"Snob." Bulong niya sa akin. Haha. Napakacold talaga nitong si Oliver, mag-ha-hi lang ay hindi pa nagawa. Nalungkot tuloy si Claire.

"Mag-hi ka naman Oliver, hindi naman bunganga ang gigamit mo sa pag-mash niyan, kamay ang ginagamit mo. Magsalita ka naman, huy." Tumingin muna siya sa akin bago nagsalita.

"Hi, Guys." Walang expression niyang pagbati habang patuloy lang sa ginagawa niya. What's happening to him? He's not like that before 'di ba? Hayaan ko nga lang.

"Do'n muna kami sa Living area, hintayin na lang namin kayo. Sige, magpakasaya kayo diyan!" Tuluyan na nila kaming iniwan dito ni Oliver. Gosh, talagang hahayaan nila akong itong Mokong na 'to ng makasama ko rito sa kusina?

Hahabulin ko sana sila ngunit biglang nagsalita si Oliver.

"Ayaw mo ba akong kasama?" Napalingon ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya 'ko ng ganyan. Eh actually halata naman sa kinilos ko na ayoko talaga, No need to ask. "Or naiilang ka lang sa akin kasi ang gwapo ko?"

"Nakailan litro ka ba ng alak ngayon at ang napaka lakas talaga ng tama mo!"

"Tama ko? So, tama nga 'yong hula ko na naiilang ka talaga sa akin?" Pagtataka niya ng tanong. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Gaano ba ka-laki ang utak niya para ma-idahilan niya iyon? Napaka galing niya mamilosopo.

"I mean 'tama' ay 'yong parang may topak. Ah basta! Mga magaganda lang na katulad ko ang nakakaintindi no'n."

Argh! Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko, hindi ko na pinansin kung ano man ang sasabihin niya. Nakakainis siya, eh.

"Hoy! Bakit niyo 'ko iniwan do'n?!" Sigaw ko sa kanila nang makarating na 'ko sa Living Area namin. Lahat sila'y nakatutok ang mga mata sa TV namin at naka-prenteng nakahiga sa mga sofa habang kumakain ng junk foods na binili 'ata nila kanina. Grabe naman sila, nahiya naman ako sa feel at home at talagang feel na feel naman nila. Wala manlang hiya kahit kaunt?

"Guys, have you heard something?"

Nagtatakang tanong ni Claire, ano na naman bagong pakulo nitong babaeng 'to?

"Ha? Wala naman." Sagot naman ni Jess. Sa wakas! Nagsalita na rin siya, napaka mahiyaan niya talaga. Nararamdaman kong medyo nawawala na 'yong hiya niya kay Aivin siguro kasi magkaklase naman sila kaso kanina hindi niya talagang nagawang magsalita, kahit pa na maraming siyang gustong sabihin sa akin ngunit lagi siyang pinangungunahan ng hiya kay Oliver. Kung iisipin medyo may pagka-OA pero nasanay na rin naman kami. Psh, si Oliver lang naman 'yon. He's just ordinary person like us, and he's a good person so she has no reason to being shame at him.

"Ano ba!" Pumunta ako sa harapan ng TV at at nilagay ang dalawang kamay sa bewang. Pero tila hindi nila ako nakikita dahil nakatutok pa rin sila sa pinapanood nila. Proud na ba ako sa kanila? Halos parang hindi sila natatawa, ang galing magpanggap. Best actor and bes actress nga naman. Bigyan na natin ng reward 'yan.

Dahil sa inis ko ay pinatay ko 'yong TV at kinuha 'yong dalawang bag ng juck foods na nakapatong sa center table, isang bag lang ang tinira ko para sa kanila. Pupunta na sana ulit ako sa kusina pero bumalik muli ako sa kanila dahil meron akong nakalimutan, kumuha ako ng isang softdrinks. Dalawa ang may bawas kaya syempre kinuha ko 'yong walang bawas. Hindi naman nila ako pinansin at hinayaan lang ako sa ginagawa ko.

"Siguro okay na 'to 'di ba?" Pagkabalik ko sa kusina ayan agad ang tanong sa 'kin ni Oliver. Pinatong ko muna sa mesa 'yong mga dala-dala ko, bago ko tiningnan 'yong mashed banana na ginawa niya.

"Yes, i-set aside mo na lang diyan."

Kumain muna ako ng juck foods at binuksan 'yong softdrink at ininom ang laman nito, kaunti lang ang ininom ko kaya pinatong ko ulit ito sa lamesa.

Pinagpatuloy ko na ulit ang ginagawa ko.

"Meron pa ba akong maiitulong?" Tanong niya sa akin. Huwaw! Ang gentleman naman ni kuya. May kakaiba nga itong kinain ngayon araw kaya ganyan siya ngayon.

"Wala na." Sagot ko at hinalo na ulit 'yong dry ingredients.

Pagkatapos kong i-mix 'yong mga dry ingeredients, hinalo ko na rin 'yong butter at sugar gamit 'yong spatula. After I mixed that, nilagay ko na rin 'yon isang itlog, hinalo ko muna 'yon mga 'yon bago ko ulit ilagay ang isa pang itlog, bale two eggs are needed. After I mixed that, I put a little bit of milk and vanilla.

Pagkatapos kong i-mix lahat ng iyan nilagay ko na 'yong mashed banana na ginawa ni Oliver. Habang nanghahalo ako ay ramdam kong nakatingin lang si Oliver sa akin. Pinapanood niya 'ata ako kung paano ako gumawa.

"Sanay na sanay ka na, ah?"

Tumingin ako sa kanya at tumango. Tinatamad na ako magsalit kasi ayokong may nag-i-istorbo sa akin, gusto ko ay 'yong mind-set ko ay nakatuon lang sa ginagawa ko ngayon.

"Paano ka ba natutong mag-bake?" Tumingin ulit ako sa kanya. Hindi ba pwedeng hindi muna siya i-imik

kahit 10 minutes lang? Argh. Bigyan muna niya ako ng time para mag-focus.

"Mamaya kong i-e-explain sa 'yo, may ginagawa pa ako." Tumango lang siya at hindi na umimik pa kaya pinagpatuloy ko na ulit ang ginagawa ko.

Nilagay ko na rin 'yong mga dry ingredients na ni-mixed ko kanina. Hinalo-halo ko lang until it combined to misture. For the last step I add the chocolate chips and I stir it just until combined too.

"Oliver, pakiabot nga ng loaf pan, nando'n sa pangalawang cabinet sa itaas." Sinunod naman niya ang sinabi ko, hindi naman siya gano'n natagalan at inabot na niya sa akin ang inu-utos ko sa kanya.

"Painom ako, ha?" Saad niya. Tumango na lang ako sa kanya habang hindi natingin. Busy kasi ako sa paglilipat no'n mixture sa loaf pan.

Nilagay ko na iyon sa oven para ma-bake na. 350°F kailangan 'yong init no'n oven and hanggang 60 minutes lang 'yong kailangan para i-bake 'yong babana bread. Actually, dalawang banana bread ang gagawin ko ngayon kasi 'yong isa para sa neighbor ko at 'yong isa para sa mga kaibigan kong wala naman naitulong kundi kakain lang. Hindi ko na pinagsabay kasi baka mag-iba 'yong lasa.

Kinuha ko ulit 'yong softdrink para inumin, hindi ko pa nararamdaman umaabot sa lalamunan ko ay naramdaman kong parang ubos na agad. Tiningnan ko ang loob nito pero wala na talaga. Imbosible naman siguro 'yon kasi kaunti lang 'yong ininom ko kanina. Pero teka nga?

"Dito ka ba uminom kanina?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Akala ko iinom siya ng tubig, kukuha lang siya ng isang basong tubig at ito ang iinumin niya hindi 'tong softdrink ko.

"Yes?" Ngi-ngiti niyang saad. Gosh. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang labi ko. Kadiri! Yuck! Eww!


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C19
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous