Télécharger l’application
88.46% Queen and the Nine Tailed Fox / Chapter 23: Chapter 23

Chapitre 23: Chapter 23

Chapter 23

Title: Protecting Leibnis

"L-leigh..." narinig kong sabi ni Hershey kaya napatingin ako sa kaniya at mukhang nakita niya rin ito kaya napalabas din siya ng kotse. Tumakbo na ako para habulin si Leigh at sinigurado ko na hindi siya mawawala sa paningin ko.

"Queen! Hershey! Saan kayo pupunta?!" nagpapanic na tanong ng kapatid ko kaya napalingon ako sa kaniya. Lumabas siya ng kotse pero nag go na ang traffic light at binubusinahan na siya ng mga sasakyang kasunod niya kaya napipilitan siyang pumasok ulit sa loob ng kotse.

Nakasunod din sa'kin si Hershey para habulin si Leigh.

Tumingin na ulit ako sa harapan ko at hinanap muli si Leigh. Nakipaggitgitan ako para lang maabutan ko siya. "L-leigh!" hirap na tawag ko sa dami ng tao at hindi ko na siya makita sa unahan kahit tumingkayad pa ako. Wala na siya kaya nakipag-unahan ako at lumuwag na rin sa wakas ang paligid dahil nagpunta na sa iba't-ibang direksyon ang mga tao. Halos mabali ang leeg ko kakalinga sa paghanap kay Leigh dahil hindi ko na siya makita at habol ko rin ang hininga ko sa pakikipaggitgitan kanina. Ang bilis-bilis na rin ng tibok ng puso ko na parang sasabog na 'yon.

Hindi ako nagkakamali. Sigurado akong si Leigh 'yung nakita ko. Kahit si Hershey, nakita rin siya nito.

Nakabalik na siya rito... at sigurado rin ako na kasama niya si Gani na nakabalik na rin.

Tinanggal ko ang mask ko para makahinga ako nang maayos at tinawag ko ulit nang mas malakas ang pangalan ni Leigh. Dahil doon, nakakakuha na ako ng atensyon ng mga tao sa paligid pero wala akong pakialam.

"Si Queen 'yon, 'di ba?"

"OMG! Si Queen! Tara! Papicture tayo!"

"Kuhanan natin ng video tapos i-post natin mamaya sa channel natin."

"Ms. Queen, papicture naman."

"Pa-autograph Queen!"

Dumadami na ang mga taong kumukumpol sa'kin ngayon habang halos iduldol nila sa mukha ko ang mga phone nila sa pagkuha ng video at picture sa'kin. May iba na pilit nag-aabot ng papel at ballpen para sa sign ko. "P-pasensya na. May hinahanap kasi ako. Makikiraan." magalang na pagtanggi ko sa kanila at pilit na lumalabas sa kumpol nila pero ayaw nila akong paraanin nang biglang may humawak nang mahigpit sa braso ko kaya agad akong napatingin sa taong 'yon.

Lalaki 'yon na mukhang sanggano. "Parang nagpapa-autograph lang kami sa'yo, ayaw mo pa. Buti nga, gusto pa rin naming makuha pirma mo kahit na matagal ka nang laos." pangungutya niya sa'kin at mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko kaya napangiwi ako.

"Aray! Bitiwan mo nga ako! Nakakasakit ka na! Ano ba?!" pilit kong pagkawala pero wala man lang ginagawa ang mga tao sa paligid para tulungan ako. Imbis, patuloy lang sila sa pagkuha ng video sa'min.

"Pipirma lang naman kasi, aayaw pa."

"Eh ayoko nga, 'di ba?! Ano ba?! Sabing bitawan mo ako!"

PAAAAAKKK!

Natigilan kami pareho dahil may biglang sumampal sa kaniya.

Napatingin ako sa gumawa n'on at matalim na nakatingin ito sa kaniya ngayon. "Artist si Queen pero hindi obligasyon sa kanila ang pagbibigay ng autograph kaya kung ayaw niya, 'wag kang mapilit na talagang gumagamit ka pa ng dahas."

"H-hershey..." sobrang pasasalamat na tawag ko sa kaniya na para siyang hero na dumating para iligtas ako. Doon, marahas na binitawan na ako n'ong sanggano na 'to kaya napaurong ako ng tayo at siya na ang hinarap nito.

"Dahas?! Eh ikaw nga 'tong nanampal! Gusto mong patikim ko sa'yo 'yung ginawa mo? Ha?!" pasampal na siya kay Hershey kaya para protektahan siya, agad kong iniharang ang sarili ko habang mariin na nakapikit... pero wala naman akong naramdaman na sakit sa mukha ko.

"Napakamalas ng araw na napili mong makapanakit ng mga babae. Talagang kaibigan ko pa at ang babaeng pakakasalan ko ang napili mo!"

Napamulat kaagad ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Pagtingin ko sa tabi ko, nandoon si Leigh habang hawak niya ang nasa ereng pasampal ng kamay ng sanggano sa'kin.

"Leigh..." sabay pang tawag namin ni Hershey sa kaniya at parehas kaming hindi makapaniwala na nandito na talaga siya.

Malakas na binitawan niya ang kamay ng sanggano kaya napaurong ito. Mas lalong dumarami ang mga taong nakuha ng video sa'min ngayon na at dahil halatang napapahiya na... "Pakilamero kang gago ka ah!" pasugod na ito kay Leigh...

"Hello. May i-rereport ako na isang lalaki ritong nag-aamok at mananakit ng kapwa sibilyan. Maraming witness at proof na video sa ginagawa niya kaya pumunta na kayo agad dito para hulihin siya."

Napatigil ang lalaki nang marinig 'yon at kami naman ay napatingin doon. Si kuya Marco 'yon na may kausap sa phone na siguradong pulis. Lumapit siya sa lalaki na 'to. "Na-ireport na kita sa mga pulis at dadamputin ka na nila mayamaya lang kaya kung itutuloy mo ang pagiging bayolente mo, mas lalo lang bibigat ang kaso mo." Nginisian pa niya pa ito.

Halata namang nabakas ang takot sa mukha nito pero nagtapang-tapangan lang ulit. "Mga bwisit!" Naglakad na ito paalis na halatang nagmamadali sa takot na dumating na ang mga pulis.

Agad na lumapit na siya sa'min. "Ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango naman kami ni Hershey at agad naman itong niyakap ni Leigh. "Hershey... Mabuti at napansin ko agad ang nangyayari sa inyo kanina. Hindi ko alam ang magagawa ko sa isang 'yon kung nagawa ka talaga niyang masaktan."

Yumakap naman ito pabalik dito nang mahigpit na halatang sobra siyang namiss. "Salamat Leigh. Sobra akong nagpapasalamat dahil ligtas kang nakabalik dito."

Humiwalay siya ng yakap dito at hinalikan ito sa noo. Pagkatapos n'on ay napatingin na siya sa'kin. "Queen..."

Niyakap ko rin siya na puno ng relief ang dibdib ko. "Leigh. Buti at walang nangyaring masama sa'yo sa Sargus."

"Hindi ko maaatim na paghintayin si Hershey sa wala kaya ginawa ko ang lahat para makasurvive."

Humiwalay na ako sa kaniya. "S-si Gan---" Magtatanong na sana ako tungkol kay Gani nang mapansin ko na hindi pa rin umaalis ang mga taong nakakumpol sa'min dahil sa'kin at kinukuhanan pa rin nila kami ng video kaya inalok na kami ni kuya Marco na sa loob na kami ng sasakyan niya mag-usap-usap.

* * *

Nang nasa loob na kami ng kotse ni kuya ay dinadrive niya na 'to pauwi. Dahil sa nangyari ay imposibleng mag-enjoy pa kami sa play na plano sana naming puntahan at isa pa, kasama na rin namin si Leigh.

Katabi na ako ni kuya sa unahan at silang dalawa ni Hershey sa backseat.

"Nabanggit na sa'kin ni Queen na ikaw ang humanap ng paraan para maikuha ako ng makakagamot sa'kin Leigh."

Lumingon ako sa kanila at nakita kong hinawakan ni Hershey ang kamay niya at inilapit 'yon sa mukha nito para damhin 'yon.

Napangiti naman siya at puno ng pagmamahal ang tingin niya kay Hershey. "Alam mo naman na lahat, gagawin ko para sa'yo Hershey."

Kating-kati na akong magtanong kay Leigh kung nasaan si Gani pero ayokong istorbohin sila sa moment nila lalo na at ngayon na lang ulit sila nagkita. Tumingin na lang ulit ako sa unahan at naisip na sa bahay ko na lang tatanungin.

"Queen." tawag sa'kin ni Leigh at mas mabilis pa sa kidlat ang paglingon ko sa kanila.

"B-bakit?" kinakabahan kong tanong. Tumalon pa ang puso ko sa pagkagulat.

"Kamusta ka na?" nakangiti niyang tanong... pero may lungkot sa mga mata niya.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "A-ayos lang naman ako. Hindi ako pinabayaan ng kapatid ko at ni Hershey. Mas dapat ko ngang itanong 'yan sa'yo dahil sa nangyari sa mundo n'yo." Napatingin pa saglit sa'kin ang kapatid ko dahil sa sinabi ko.

Napahinga siya nang malalim. "Naging mahirap man ang pagdepensang ginawa namin sa bayan ng Leibnis lalo na at pagkatapos ng unang pagsalakay, may sumunod pang isa pa pagkalipas ng ilang buwan pero nagawa ko namang makasurvive... kahit papaano." papahina nang papahina na sabi niya at tumungo rin para tumingin na lang sa kamay niya na hawak ni Hershey.

Unti-unti namang binabalot ng kaba ang dibdib ko dahil sa inaakto niyang 'to ngayon. Pati kanina, halatang mayro'ng kakaiba sa lungkot sa mga mata niya. "S-si Gani? A-anong nangyari sa kaniya?" Lumunok pa ako para alisin ang bumabarang kaba sa lalamunan ko.

Napatingin ulit siya sa'kin na halatang maraming gustong sabihin pero mas piniling hindi na lang umimik at iniwas na lang ang tingin sa'kin.

Nakatulala lang ako sa kaniya at lalong lumalaki ang nararamdaman ko na may hindi talaga magandang nangyari.

Ilang sandali ay napagdesisyunan niyang kunin sa bulsa ng pants niya ang isang bagay at saka hiningi sa'kin ang kamay ko nang walang imik. Wala sa sariling inilahad ko naman 'yon sa kaniya gaya ng gusto niya at inilagay niya ro'n ang isang bagay.

Pagtingin ko ro'n, isang kwintas 'yon na may batong pendant na transparent. Pamilyar na pamilyar 'to sa'kin at may nakaukit na pangalan doon.

Nanlaki ang mga mata kong napatingin ulit sa kaniya.

"B-bakit..." ni hindi ko natapos ang itatanong ko.

*Tagapagsalaysay*

Habang nasa sasakyan pa rin sila Queen at tinatahak ang daan pauwi, pinili nang ikwento ni Leighus ang nangyari sa Sargus kahit maririnig pa iyon ni Marco na wala namang alam sa hiwaga ng mundong iyon.

Sinabi nito na nadaanan nga ang Leibnis ng ilang mga Mostro na papunta sa ibang kaharian upang umatake. Malalakas ang mga iyon na halos mag-agaw buhay sila pareho sa lubos na pakikipaglaban. Nagawa naman niya kaagad na makabawi ngunit si Isagani, hindi pa gaano dahil napuruhan talaga ito sa pakikipaglaban. Hindi pa sila ganoong nakakabawi ng lakas nang magkaroon na naman ng ikalawang pagsalakay ang mga Mostro.

Katulad ng nauna ay nadaanan lamang din ang Leibnis sa muling pag-atake ng mga 'yon sa pinakamalakas na kaharian sa kanilang mundo. Mas naging malalakas ang mga kalaban nila at ginamit na nila ang lahat ng lakas na mayroon sila upang maprotektahan ang bayan at ang mga naninirahan doon. Akala niya ay katapusan na nila pero sa kadesperaduhan ni Isagani na iligtas ang Leibnis ay nawalan na ito ng kontrol sa kakayahan nito at doon ay naubos ang mga kalaban nang hindi niya namamalayan.

Nagtagumpay sila sa pagprotekta sa bayan at walang nawalan ng buhay sa dalawang magkasunod na pagsalakay ngunit ang kapalit naman noon kay Isagani ay ang halos pag-aagaw buhay na nito sa lubha ng mga pinsala at maraming dugo rin ang nawala rito. Ang lahat ng tagapagsilbi nito ay nagbigay ng dugo rito upang mapanatili lamang itong buhay.

Dumating na ang buwan na magbubukas muli ang lagusan ngunit nasa proseso pa rin ng gamutan ang pinsala ni Isagani. Nagising ito isang beses at agad na hinanap si Leigh. Pinilit nitong mangako ang huli na kung darating na ang araw ng pagbubukas ng lagusan ay isasama niya ito kahit na nasa ganoon itong kalagayan. Napilitan siyang mangako dahil desperado talaga ito sa hiling sa kaniya ngunit hindi naman niya natupad.

Nang malapit na ang araw ng pagbubukas ng lagusan ay umalis na siya at iniwan ang nagpapagaling pa rin na si Isagani sa silid nito.

Napagdesisyunan niya iyon kahit na ayaw niya sanang sirain ang pangako rito dahil hindi pa naman nito kayang maglakbay papuntang lagusan sa kalagayan nito. Naisip niya rin na kung hindi siya babalik ng mundo ng mga mortal at magpakita kay Queen ay iisipin nito na nawalan sila ng buhay sa pakikipaglaban sa Sargus kaya pinili niyang mag-isang bumalik sa mundo ng mga mortal at ipaalam dito ang nangyari.

* * *

Napahigpit ang hawak ko sa kwintas sa kamay ko at bumuhos ang luha ko dahil sa mga nalaman ko mula kay Leigh.

"G-gani..." impit na tawag ko kay Gani habang sobrang lumuluha.

Ni wala man lang ako sa tabi niya noong mga oras na nakikipaglaban siya para sa buhay niya. Pakiramdam ko, ako na ang pinakauseless na tao sa buong mundo.

Ang higpit ng kapit ko sa damit sa dibdib ko dahil parang dinudurog ang puso ko sa loob n'on. Mas makirot pa 'to ngayon kumpara ng napana ako dati.

Iyak lang ako nang iyak pero may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya pinilit kong kalmahin agad ang sarili ko.

"Queen, papasok ako ha." paalam ni kuya Marco sa'kin.

Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko at umayos ako ng upo sa gilid ng kama ko para itago ang pinagdadaanan ko ngayon.

Pumasok na nga siya at nakatungo lang ako para hindi niya makita ang hilam sa luha na mga mata ko. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at inakbayan niya ako saka isinandal niya nang marahan ang ulo ko sa balikat niya. Marahan niya ring hinaplos ang buhok ko. "Anong desisyon mo Queen?"

Nanlaki naman ang mga mata ko at napatingin ako sa kaniya.

Ipagpapatuloy...


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C23
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous