Télécharger l’application
7.69% Queen and the Nine Tailed Fox / Chapter 2: Chapter 2

Chapitre 2: Chapter 2

Chapter 2

Title: Fenea

* * *

Nagising ang diwa ko nang may kung anong bagay ang kumikiliti sa ilong ko at ramdam ko rin na nasisinagan ng araw ang mukha ko.

"Hmmm..." Kinamot ko ang ilong ko pero nakikiliti pa rin talaga ako. Siguradong ang letse kong kuya 'tong nangingiliti sa'kin para lang gisingin ako. "Kuya Marco naman eh!" naiirita kong sigaw at hinawi ang bagay na 'yon saka inis na bumangon na.

Iminulat ko na ang mga mata ko at handang-handa ko nang sabunutan ang bwisit kong kapatid pero isang halaman na hinahangin-hangin ang bumungad sa'kin kaya natigilan ako. "Huh?" Napatingin ako sa paligid at unti-unting nangunot ang noo ko dahil nasa isang mapunong gubat ako at katabi ko ang halaman na kumikiliti sa ilong ko kanina. "A-anong lugar 'to? B-ba't nandito ako?" Mangang-manga ako sa nakikita ko ngayon.

Nang mapatingin na ako sa lupang kinauupuan ko ngayon, nahilakbot ang buo kong pagkatao at agad akong napatayo saka pinagpagan ang likuran ng jacket at shorts ko para alisin ang mga duming dumikit doon. Ayokong-ayoko pa namang nadudumihan ang damit ko! Eew!

Busyng-busy ako sa pagpapagpag sa sarili ko nang may kumaluskos mula sa halamanan malapit sa'kin kaya napatigil ako.

"Ughh..." Narinig kong ungol ng kung ano at kumabog nang malakas ang dibdib ko sa takot na baka kung anong hayop 'yon na pwedeng kumain sa'kin sa lugar na 'to.

"Aaaaahhh!" tili ko at nagtatakbo agad ako palayo.

Ano bang nangyari at napadpad ako sa hindi ko malamang lugar na 'to?!

Kuya! Asan ka na?!

Sinubukan kong hanapin ang phone ko sa bulsa ng jacket at shorts ko pero wala 'yon doon.

Kainis! Gagamitin ko sana 'yon para tawagan si kuya at magpasundo sa lugar na 'to.

Hingal na hingal akong tumigil sa pagtakbo at napahawak pa ako sa dalawa kong tuhod sa pagkahapo. Ang layo rin ng narating ko sa takot na baka habulin ako n'ong hayop na narinig ko kanina.

Nang maayos na ulit ang paghinga ko, tumayo na ako nang maayos at pinunasan ang pawis sa noo ko. Doon, nakita ko na ang isang malaking arko hindi gaanong malayo kung saan nakasulat ang salitang Leibnis. Sa loob n'on, may mga bahay na makaluma akong natanaw kaya nanlaki ang mga mata ko.

Ayos! Magtatanong ako kung nasaan ako ngayon at makikitawag din ako para masumbong ko kay kuya ang weird na nangyari sa'kin na 'to ngayon.

Pero bago ang lahat, isinuot ko muna ang hood ng jacket ko at yukong-yuko na pumasok na sa lugar na 'to na may pangalang Leibnis. Baka kasi may makakilala sa'kin, madumog pa ako.

Nakayuko lang ako sa paglalakad at tinatakpan ko ng kamay ang ilong pababa ng bibig ko para maitago ang identity ko nang mapansin kong may mga tao na sa paligid ng nadadaanan ko. Pasimple akong tumingin sa kanila habang naglalakad pa rin para makahanap ng mapagtatanungan pero napatigil ako nang makita ko na sila nang maayos.

Makaluma ang mga damit na suot nila na isang traditional robe. Parang mga kimono na mahahaba at maluluwang ang sleeves saka iba't-iba ang kulay na ang gaganda pero bukod doon, ang unti-unting nagpalaki ng mga mata ko ay... ang mabalahibo nilang buntot sa likuran nila na kulay puti na parang sa fox at para lang mapatunayan ko na hindi ako pinaglalaruan ng mga mata ko, inalis ko na ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha ko at ang hood sa ulo ko saka pinagmasdan na silang mabuti.

Napatingin din sa'kin ang mga nasa paligid at kung gaano sila kaweird sa paningin ko, halatang ganoon din ako kakakaiba sa paningin nila.

Baka nasa set ako ng isang historical fantasy? Asan kaya director dito?

Lumapit sa'kin ang isang babae na may mahaba at kulay puting buhok. Ang ganda ng traditional floral white dress na suot niya na gawa sa silk at mayro'ng limang buntot na mababalahibo ang gumagalaw sa likuran niya na parang totoo. In fairness, ang galing ng aesthetics na ginamit sa kanila.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka tinaasan ako ng isang kilay. "Ikaw. Sino ka at paano natunton ng isang mahinang tao na tulad mo ang bayan naming ito?" Nagcrossarms pa siya sa pag-attitude sa'kin.

Nawala naman ang pagkamangha ko sa realistic nilang costume na parang pinutok na bula dahil sa tanong niyang 'yon. "Tinatanong mo kung sino ako?" napatawa ako nang pakli na halatang nainsulto. "Nagpapatawa ka ba? Imposible namang hindi mo 'ko kilala." taas noo kong sabi at tinaasan ko rin siya ng isang kilay.

Kung attitude siya, mas attitude ako.

"Mukha ba akong nagpapatawa?" malditang pangbabara niya sa'kin at nagpanting naman ang tenga ko.

Nagfluctuate bigla ang blood pressure ko kaya nalukot na ang mukha ko. "Nasaan ang director n'yo?! Kakausapin ko sa pangbabastos mo sa'kin! Akala mo, may trabaho ka pa pagkatapos mo 'kong pagsalitaan nang gan'yan!" Tumaas na ang boses ko at napansin ko na natakot sa'kin ang mga tao sa paligid kaya nagsipasukan sila sa mga bahay nila.

Napapalatak siya at tumingin sa isang direksyon. "Mga kawal! May nanggugulo ritong isang babaeng kaduda-duda ang pinagmulan!" sumbong niya sa mga papalapit nang dalawang lalaki na nakasuot ng pangkawal. May buntot din sila na tig-isa.

Bago pa man ako makareact, hinawakan na ako ng dalawang nakapangkawal na 'to sa mga braso ko na para akong isang kriminal na nahuli nila. "H-hoy! Anong ginagawa n'yo?! Bitiwan n'yo 'ko, ano ba?!" Pumapalag ako pero ang higpit ng kapit nila sa'kin. "Idedemanda ko kayo sa ginagawa n'yo sakin na 'to!"

"Isang hangal." Umiling-iling pa 'yung may puting buhok na babae habang pumapalatak. "Ikulong n'yo na ang isang 'yan na sumisira ng katahimikan ng bayan nating mga Gisune!" utos niya sa mga kawal kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Masusunod po, binibining Rio." sagot naman ng dalawa at sapilitan na akong isinama sa kung saan nila ako balak ikulong.

"Hoy! Wala kayong karapatan na gawin sa'kin 'to! Kayo ang baliw! Hindi n'yo ba ako kilala?! Ako si Queen Ruiz! Ang Super Pop singer na may milyon-milyong followers sa twitter at subscribers sa Youtube!"

Ang layo na ng pinagkaladkaran nila sa'kin. Nakakuha na rin ako ng mga atensyon dahil sa pagwawala ko.

"Nasaan ba ang manager ko?! Kuya Marco! Tulungan mo 'k—!"

"Tahimik!" sigaw sa'kin ng isa rito sa mga kawal

Naculture shock ako dahil never kong in-expect sa buhay ko na may tatrato nang ganito kasama sa'kin pero hindi ako si Princess Sarah na pwedeng maapi-api. Ako si Queen at sapat na ang pangalan ko para hindi ako dapat maapi nang ganito.

"Anong tahimik?! Tingnan natin kung sinong matatahimik sa korte kapag dinemanda ko na kayo!"

"Ginoong Isagani! Anong nangyari sa inyo?!"

Napatigil ang dalawang kawal na may hawak sa'kin pati ako dahil sa nadaanan namin na komosyon ng mga wirdong tao. Kumpulan sila at kitang-kita ko ang mga buntot nila na nagwawagwag na parang totoo talaga.

Nang mahawi ang kumpulan nila ay iniluwa n'on ang dalawang tao. Ang isa ay babae na may color violet na buhok na nakabraid at sobrang haba n'on na malapit nang sumayad sa lupa. Silk din ang suot niyang napakagandang lavender na traditional dress. Alalay niya ang isang lalaki na mas nakapukaw ng atensyon ko.

Nakasuot 'yon ng dark blue na T-shirt at pants pero sugatan at yukong-yuko sa panghihina na kailangan pa siyang alalayan sa paglalakad ng ilang mga tao. Sa pag-aalala ng mga 'yon sa kaniya, para siyang prinsipe kung itrato samantalang ako... Akong si Queen, parang basura lang sa kanila.

Magrereklamo na sana ako nang padaan na sila sa'min pero nang iangat ng lalaking 'yon ang mukha niya at nagtagpo ang tingin naming dalawa, namilog ang mga mata ko at nasidlan ako ng sobrang tuwa. "P.A!" tuwang-tuwang tawag ko sa kaniya.

Sa wakas, may mahihingian na rin ako ng tulong para makaalis sa village na 'to na puro psycho ang mga nakatira.

Nanlaki rin nang kaunti ang mga mata niya pero nalagpasan na nila kami. Hinabol ko sila ng lingon pero ni hindi na ako nilingon ng lalaking 'yon.

"P.A!" tawag ko ulit sa kaniya at susundan ko sana sila pero pinigilan ako ng mga kawal.

"Saan ka pupunta?!" sigaw naman sa'kin nitong isang kawal.

"Bitiwan n'yo 'ko!" pagpalag ko muli at tiningnan ko ulit 'yung P.A. ko. "P.A!"

Pero hindi na talaga niya ako nilingon.

* * *

Sinaraduhan na ako ng gate ng kulungan ng isa sa mga kawal na nagdala sa'kin dito. Sobrang creepy, baho at kadiri ang lugar na 'to kaya nang sinusian niya na 'to para talaga hindi na ako makalabas ay naalarma ako lalo. "Hoy! Pakawalan mo 'ko rito!" sigaw ko pero naglakad na siya paalis kaya mas natakot ako na maiwan dito mag-isa. "Hoy! 'Wag mo 'kong iwan dito hoy!"

Malakas na sinipa ko ang bakal na gate at gumawa 'yon ng napakalakas na tunog. Pinagsisihan ko naman nang sobra ang pag-iingay nang ganoon dahil bukod sa sumakit ang lalamunan ko, napakacreepy ng echo na nilikha n'on sa tahimik at kulob na lugar na 'to. Lalo na at biglang dumilim na nang sobra nang mukhang isara na n'ong kawal ang main gate ng kulungan na 'to. Ni wala man lang source ng liwanag dito.

Sobra naman akong nakaramdam ng takot dahil wala akong makita sa paligid at mukhang wala ring ibang tao rito dahil sobrang tahimik talaga. "P-please... Palabasin n'yo na 'ko... Natatakot ako dito..." Naiiyak na 'ko pero nag-echo na naman ang boses ko na mas nakakatakot kaya tumahik na lang ako at sumiksik sa gilid nitong gate sa pinakasulok n'on.

Nangangatog na niyakap ko ang mga tuhod ko at sinubsob ang mukha ko roon saka mariin na pumikit.

Giniginaw ang mga hita pababa ng binti ko dahil malamig sa lugar na 'to at ang ikli ng shorts ko.

('Wag kang mag-alala Queen. Panaginip lang ang lahat ng 'to. Imposibleng may trumato nang ganito sa'yo. Imposible.

Pero ramdam na ramdam ko sa mga braso ko ang hapdi doon dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa'kin n'ong dalawang kawal kuno na 'yon. Nakajacket pa 'ko nito ha.)

Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa mga tuhod ko dahil sa narealize ko na hindi nga talaga panaginip ang nangyayari sa 'kin na 'to.

Nasaan ba kasi talaga ako? Ano ba talaga kasing nangyari sa'kin?

Nanatili akong nakapikit hanggang sa lumipad na ang diwa ko.

(Tumatakbo ako papatakas mula sa tatlong lalaking nanghahabol sa'kin pero deadend na ang nalikuan ko. Susubukan ko pa sanang bumalik para humanap ng ibang dadaanan pero nakahabol na kaagad sila sa'kin dito.

"Sa wakas, naabutan ka rin namin Queen." nakangising sabi ng isa sa mga 'yon.

"Kainis! Nakilala pa rin nila ako kahit tagong-tago na ang mukha ko." Hinawakan ko ang face mask na suot ko na wala namang naging silbi dahil nakilala pa rin ako ng mga obsessed fans kong 'to.

"Sa tingin mo ba Queen, hindi ka namin makikilala porket nakashades at face mask ka? Sa design pa lang ng phone mo na color peach na may G-cleft design, alam na agad namin na ikaw 'yan." paliwanag naman n'ong isa pa. "Ganoon mo kami kafan na alam namin ang mga gamit mo."

Tiningnan ko ang hawak kong phone at kanina, habang tumatakbo ako, tinawagan ko na si kuya Marco para sabihin ang sitwasyon ko ngayon. May tracker naman ang phone niya sa phone ko kaya matutunton niya kaagad ako. Kailangan ko lang maghintay.

"Hindi naman dapat tayo aabot sa ganito Queen kung binigay mo lang ang gusto namin kanina. Parang autograph lang at selfie pictures, hindi mo napagbigyan. Ngayon na tayo-tayo na lang ang nandito, baka hindi na lang 'yon ang hingiin namin mula sa'yo," sabi naman n'ong huli at nagngitian silang tatlo na halatang may binabalak na masama sa'kin.

Tumatawang naglakad na papalapit sila sa'kin at napapikit na lang ako nang mariin habang hinihiling na dumating na ang kuya ko nang makarinig ako ng mga tunog na parang may nagbubugbugan.

Pagkamulat ko, nagtatakbuhan na paalis 'yung tatlo na parang takot na takot at isang lalaki ang naiwan dito kasama ko. Hindi siya kabilang doon sa tatlong 'yon na mga obsessed fans ko.

Nakasumbrero siyang puti at hooded jacket na puti rin saka ripped jeans. Nang humarap na siya sa'kin, aaminin ko, gwapo siya kahit hindi ko makita nang maayos ang mukha niya sa baba ng pagkakasuot ng sumbrero niya. 

Lumapit siya sa'kin at halatang may sasabihin sana...

"Queen!"

Napatingin ako sa kararating lang na kuya ko. "Kuya Marco!" Tumakbo kaagad ako papunta sa kaniya at nilagpasan ang lalaking 'yon na nagligtas sa'kin.

Niyakap kaagad ako ni kuya pero pagkahiwalay niya sa'kin... "Ikaw talaga! 'Di ba, sinabi ko na sa'yo na 'wag na 'wag kang maggagala mag-isa?!" sermon niya kaagad. "Wala pa akong bagong P.A. na nahahire na makakasama sa'yo kaya 'wag namang matigas ang ulo mo! Gusto mo bang mamatay ako sa sobrang pag-aalala sa'yo sa tuwing ginagawa mo 'to sa'kin?!"

Napahinga ako nang malalim dahil para talaga siyang babae kung magbunganga pero dumaan sa gilid namin 'yung lalaking nagligtas sa'kin kanina. Nilagpasan niya lang kami at doon, nakaisip ako ng isang ideya.

"Siya na lang gawin mong P.A. ko." Itinuro ko siya kaya napalingon si kuya sa kaniya.

Napalingon din siya sa'min.

"Queen!"

Biglang nagbago ang paligid at parang nahuhulog na ako ngayon mula sa isang napakataas na lugar.

"QUEEN!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang P.A. ko na pabulusok na rin kasama ko. Pilit niyang inabot ang kamay ko at nang mahawakan niya 'yon, hinila niya ako palapit sa kaniya saka niyakap nang mahigpit.)

"Queen!"

Nagising ako mula sa malalim kong pagtulog dahil sa lakas ng boses ng tumawag sa'kin na 'yon.

Nang imulat ko na ang mga mata ko, nakita kong nandito pa rin ako sa loob ng kulungan pero maliwanag na ang paligid. Tumingin ako sa gilid ko at mukha ng isang pamilyar na lalaki ang bumungad sa'kin. Nakaupo siya para mapantayan ako at nasa labas siya ng kulungan ko.

Namilog ang mga mata ko nang makilala ko na siya. "P.A!" tuwang-tuwang tawag ko sa kaniya at tatayo na sana ako pero ngawit na ngawit ang mga paa ko sa pagtulog nang nakaupo kaya mapapaupo ulit sana ako. Agad niya namang naagapan ang mga braso ko sa paghawak doon mula sa labas saka inalalayan ako sa pagtayo.

Napangiwi ako dahil nangingimay ang mga binti ko nang sobra.

"Palipasin mo lang iyan at mawawala rin iyan," sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya. Kalmadong nakatingin lang siya sa'kin. "Hindi rin P.A. ang aking pangalan kundi Isagani. Isagani Simeon." Ang lalim ng boses niya. Bass.

Ngayon ko lang siya narinig ulit na magsalita simula nang...

("QUEEN!")

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na kung ano ang nangyari bago kami mapunta sa lugar na 'to. "Teka. 'Di ba, nahulog ako mula sa rooftop ng agency building namin? Tapos tumalon ka rin para sumunod sa'kin kaya parehas na tayong nahuhulog—" napasinghap pa ako. "D-don't tell me, nasa kabilang buhay na tayo! Patay na ba tayo?!"

Kinakabahan na ako. Masyado pa akong bata para mamatay. 20 pa lang ako at marami pa akong hindi nararanasan sa buhay.

"Hindi pa tayo patay," sabi niya kaya nakahinga naman ako nang maluwag. "Nagawa tayong mailigtas ng aking kwintas na nakapagbukas ng lagusan para sa ating dalawa kaya naririto ka ngayon sa aming mundo. Ang Sargus."

Nakatulala lang ako sa kaniya at nangunot ang noo ko. "Huh? Anong sinasabi mo?" Baliw na rin ba siya katulad n'ong mga taong nagkulong sa'kin dito?

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at traditional robe na panglalaki ang suot niya. Mahaba at sobrang loose ang sleeves n'on katulad ng pangbabae pero mas manly ang design n'on. Kulay gold din 'yon na kumikintab na silk ang gamit at para bang may mataas siyang rank sa lugar na 'to para magsuot nang ganoon.

Ngayon ko lang din napagmasdan nang maayos ang mukha niya dahil lagi siyang nakasuot noon ng sumbrero. Gwapo nga siya at ang kapal ng kilay niya na lalong nagdagdag sa manly charisma niya pero hindi ito ang panahon para magwapuhan ako sa kaniya.

Napapikit ako sa pagkastress. "Baliw ka na rin katulad nila." mahinang sabi ko at nagmulat na ulit. "P.A, tulungan mo akong makatakas dito. Bigla na lang nila akong kinulong dito kahit alam na alam naman nila kung sino ako." Nagawa ko nang maigalaw ang mga paa ko nang maayos na hindi nangingimi.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Wala nang ekspresyon ang mukha niya.

Sobra namang nangunot ang noo ko. "Malamang! P.A. kita at tayo lang ang magkakilala rito. May dala ka bang phone? Tatawagan ko si kuya Marco para masundo tayo rito."

"Sige. Pakakawalan kita." Ipinakita niya na sa'kin ang susi ng gate nitong pinagkakakulungan ko ngayon kaya nanlaki ang mga mata ko. "Pero sa isang kundisyon." Ngumisi pa siya.

Napakapit naman ako nang mahigpit sa bakal nang makaramdam ako na mayro'ng hindi tama. "A-anong kundisyon ang pinagsasasabi mo?! Pera ba ang gusto mo? Sige! Pagkaalis natin sa lugar na 'to, bibigyan kita nang marami n'on kaya pakawalan mo na ako!"

Umiling lang siya at may kinuha sa loob ng sleeve ng robe niya. Isang maliit na pouch 'yon na gawa rin sa golden silk at kapag hinila ang tali n'on sa magkabilang dulo, doon magsasara 'yon.

Inalis niya ang pagkakaribbon ng mga tali n'on at kinuha sa loob n'on ang isang bagay saka 'yon naman ang ipinakita sa'kin.

Isang puting singsing 'yon na parang gawa sa jade. Ngumiti siya nang mapaglaro. "Papakawalan kita... kung papayag ka na maging aking Fenea."

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko.

May hindi tama sa pag-iisip niya...

...at hostage ako ngayon ng isang baliw na tulad niya.

Ipagpapatuloy...


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous