Télécharger l’application
94.28% (FILIPINO) Belle Feliz's Lollipop Boys / Chapter 66: Chapter Seventeen

Chapitre 66: Chapter Seventeen

HINDI inaasahan ni Vann Allen ang daratnan niya sa Sounds Building. Ang Sounds ay ang record label na itinatag ni John Robert nang magkahiwa-hiwalay sila.

Matagumpay ring maituturing ang paghihiwa-hiwalay ng Lollipop Boys. Paul Vincent became a very good multiawarded actor. Sounds was the best recording company in the Philippines. Mark Kenneth became well-known for composing and writing great songs. First Nicholas was a successful businessman.

Nadatnan niyang tila inaaway ni Nick sina Rob at Maken. Ibinubuhos nito ang hinanakit nito sa paghihi-walay nila noon. Kitang-kita niya ang paghihirap ng loob nito. Narito ang senyales ng pagiging broken-hearted.

Tahimik na napabuntong-hininga siya. He planned to surprise them but he was the one who got surprised. Ilang taon muna ang lumipas bago nagawang mailabas ni Nick ang mga nararamdaman nito. Nakaramdam siya ng inis. Bakit ngayon lang?

"Sana nagsabi ka noon," sabi ni Maken kay Nick.

Patuyang ngumiti si Nick. "May mababago ba?"

Nagpasya siyang magpakita na sa mga ito. "Oo. Malaki," aniya.

Napalingon ang mga ito sa gawi niya. Nasapo ni Nick ang ulo nito. Tila sising-sisi ito sa mga nasabi nito. Pinalis niya ang inis sa dibdib niya. Naiintindihan niya ito. Nilapitan niya ito at inakbayan.

Pabirong sinakal niya ito at ginulo ang buhok nito. "Loko ka, `wag mo muna akong bad-trip-in. Hindi ko pa nakikita ang anak ko. Inuna ko kayong puntahan kaysa sa kanya at ito ang aabutan ko? Ano'ng drama mo? Si Michie mo na naman?" Nilakipan niya ng biro ang tinig.

"I'm sorry," ani Nick habang inaalis nito ang kamay niya sa buhok nito. "Guys, I'm really sorry. Wala lang ako sa sarili ko. The pain is just too much to bear."

"All these years, I thought we were okay," ani Enteng. "Akala ko, walang tampuhang naganap. Akala ko maayos tayong nagkahiwa-hiwalay."

"`My fault," ani Nick. "I'm sorry. Naidadamay ko ang grupo sa personal kong mga problema. Forget about what I said."

"No, let's talk about it," wika ni Rob sa seryosong tinig. "I didn't know I had become selfish almost ten years ago."

"Ako rin yata," ani Maken.

Umayos siya. Umupo siya sa isang silya at umabot ng isang bote ng beer. "No, you were not selfish. Hindi naman namin kayo masisisi sa nangyari. Naging totoo lang kayo. You were not happy anymore. Alam ko, hindi naging madali para sa inyo ang magsabi sa `min." Napabuntong-hininga siya. "Nick was not the only one. Ako rin, nagtampo, nagalit. Hinayaan n'yo akong mag-isa. I know you only wanted the best for me. Siguro, akala n'yo, joke ko lang ang pagsasabing may stage fright ako. Alam ba ninyo kung gaano kalungkot mag-perform mag-isa minsan? Alam ba ninyo kung gaano ako natatakot at kung gaano kasidhi ang pagnanais kong sana ay nasa tabi ko kayo? We started as a team, but I ended up as a solo artist."

"You had huge potential," sabi ni Rob. "Alam naming kaya mo. Hindi kami nagkamali."

Binalingan niya si Nick. "Kung nagsabi ka noon, hindi ko iiwan ang grupo. Mananatili ako sa Lollipop Boys kahit dalawa lang tayo. Pero nanahimik ka. Hindi ako nagsisisi sa nangyari. Nagpapasalamat ako sa tinatamo kong tagumpay ngayon. Kapag napapagod na `ko sa sobrang dami ng trabaho, binabalikan ko `yong mga panahong kapos na kapos kami sa pera. God gave me so many blessings and I should appreciate them." Tinapik niya sa balikat si Nick. "Kahit sawi tayo minsan, may mga blessings pa ring dumarating sa atin. Don't give up on Michelle."

"I'm sorry," ani Maken.

"We're okay," ani Nick. "`Swear. Wala nang tampuhan. Nakakaluwag sa dibdib dahil pagkatapos ng maraming taon, nasabi ko rin sa inyo ang mga hinaing ko."

Nagsingitian na sila. Bati na uli silang lima.

"O, ba't ka nandito?" tanong ni Enteng sa kanya. "Uwi ka nang uwi. Akala ko ba, busy ka? Minsan, napapabilib mo talaga ako. Paano ka nakakauwi nang hindi nalalaman ng press? Paano mo nagagawang bagu-baguhin ang schedule mo?"

"Mga henyo ang staff ko," sagot niya.

"Malamang na naglambing na naman ang anak niyan," sabi ni Maken.

"Nagtatampo ang bata sa nanay niya. Iya failed to go to his school play."

"Iyon lang?" ani Rob. "Umuwi ka dahil lang do'n? `Tindi talaga ng pagmamahal mo sa batang `yon."

"You don't understand because you don't know what it's like. You don't know the feeling," pagtatanggol sa kanya ni Nick. Of all people, Nick knew how it would be in Enzo's situation.

"`Ayan ka na naman sa kadramahan ng buhay mo," kantiyaw ni Maken dito.

Natawa na lang siya nang batuhin ni Nick si Maken ng chicharon. Siguro, kahit gaano kadrama ang buhay ni Nick, mas madrama pa rin ang sa kanya. Nahahaluan lang minsan ng comedy dahil magaling siyang magtago.

"TA—TITO!"

Pinagmasdan ni Iarah ang kanyang anak habang masayang sinasalubong nito si Vann Allen na kadarating lamang. Maagang-maaga pa. Ganoong oras ito palaging dumarating sa bahay nila upang wala pang gising sa mga kapitbahay nila.

Inalis nito ang wig at salamin nitong may kulay bago niyakap ang kanyang anak. Tuwang-tuwa si Enzo. Halos hindi ito nakatulog nang nagdaang gabi. Ilang araw itong maligalig dahil sa pagdating ng tatay-tatayan nito.

Kahit hindi magkahawig, perpektong larawan ng mag-ama ang dalawa. Huminga siya nang malalim upang paluwagin ang paninikip ng dibdib niya. Minsan ay nahihirapan siya tuwing nakikita niya ang closeness ng dalawa. Nahihirapan siya dahil alam niyang hanggang doon lamang iyon. Hindi magiging tunay na mag-ama ang mga ito. Hindi nila maaaring sirain ni Enzo ang magandang career ni Vann Allen. Laging magiging patago ang bonding moments ng dalawa.

Napatingin siya kay Vann Allen na nakangiti sa anak niya. Nangulila siya nang husto rito. Nais niyang sugurin ito ng yakap. Naiinggit siya sa kanyang anak. Nayayakap nito at nahahagkan si Vann Allen nang walang pag-aalinlangan.

"Kumusta ka na?" tanong ni Vann Allen sa kanyang anak.

"Okay lang po!" masiglang sagot ni Enzo.

Napatingin sa kanya si Vann Allen. Nginitian siya nito nang matamis. Pakiramdam niya ay biglang may mga naghabulang kabayo sa dibdib niya. Lumapit siya rito. Napapikit siya nang yakapin siya nito nang mahigpit.

"I've missed you," bulong nito sa tainga niya. "So much."

"I've missed you, too," tugon niya.

Hindi niya maamin dito na may mga pagkakataong hindi siya mapakali dahil sa pangungulila rito. Minsan, napakatindi ng pagnanais niyang makita at makasama ito. Minsan, natatagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na nagpapantasya ng mga bagay-bagay. Tulad ng hindi na nila kailangang manirahan sa magkaibang bansa. Mga bagay tulad ng hindi nito kailangang palihim na magtungo sa kanila. Pinapantasya niyang sana ay isang tunay na pamilya sila.

Mangyayari pa kaya sa totoong buhay ang mga pantasya niya?

Hinayaan muna niyang magkuwentuhan ang dalawa. Nagluto siya sa kusina. Sabado at wala siyang pasok sa opisina. Nais niyang bumawi sa kanyang anak, ngunit tila mas masaya itong kasama si Vann Allen.

Mula sa kusina ay dinig na dinig niya ang kuwentuhan ng dalawa. Napapabuntong-hininga na lamang siya tuwing isusumbong ng anak niya kay Vann ang mga kasalanan niya rito.

"She's always busy, Tito Vann. Lagi na lang si Yaya Mabes ang kasama ko rito. Lagi na lang niyang nakakalimutan ang mga school activities na dapat naroon siya. Ang sabi niya, kailangan daw niyang magtrabaho para hindi ako magutom. Para daw `pag nagkasakit ako, hindi siya mangangapa kung saan siya kukuha ng pera. Para daw makapag-aral ako sa magandang school. One of these days, I'm gonna have a heart attack. Seriously!"

Natawa si Vann Allen. Malamang na ginugulo na nito ang buhok ng anak niya. "Huwag ka nang magtampo kay Nanay. She's working hard for you. She wants to give you this world's best."

"Naiintindihan ko naman po. I appreciate that she works hard for me. Kaya lang po, trabaho na lang siya nang trabaho. Ang dalas pa niyang manira ng trip. `Sabi niya, kayo raw ni Tita Janis ang dapat magkarelasyon. Bagay raw kayo ni Tita. Nagde-date daw kayo sa States."

"Nag-sorry naman na yata si Nanay. Patawarin mo na. At wala kaming relasyon ni Tita Janis."

"Bakit hindi na lang kasi siya mag-asawa para hindi siya nahihirapang magtrabaho? Para may nagpapakain at nagpapaaral sa `kin. Para ang gagawin lang niya ay alagaan ako at ang asawa niya."

Hindi niya alam kung maiinis o matatawa siya sa anak niya. Sigurado siya, sinadya nitong lakasan ang tinig nito upang paringgan siya. Kahit kasi pilit na sinasabi niya ritong hindi sila bagay ng Tito Vann Allen nito, ayaw nitong patinag. Naniniwala itong para sila sa isa't isa ni Vann Allen.

Napahalakhak si Vann Allen. "Ang smart-smart mo talaga, anak. Manang-mana ka sa `kin."

Nagpasya siyang dulutan ng maiinom ang dalawa. "Enzo, ha. Sumosobra ka na," saway niya rito habang inilalapag ang isang pitsel ng juice sa coffee table. "`Yang mga hirit mo, sablay minsan. O, sige, palit na lang tayo. Ikaw na ang nanay, ako na ang anak. Ikaw na ang nasusunod sa `ting dalawa, ah. Ilang araw na `yang tampo mo sa `kin. Ilang beses na akong humingi ng sorry sa `yo. Pati ang Tito Vann mo, inaabala mo."

Lumabi lang ang kanyang anak.

"Intindihin mo rin ang bata, Iya," sabi ni Vann Allen. "Ang totoo, naiinis din ako sa kaabalahan mo sa trabaho. You are working too hard. Nagiging katulad ka na ni Ate Jhoy."

She rolled her eyes. "Kinampihan mo na naman. Kaya lumalaking spoiled, eh. You are spoiling him too much."

"Let's not argue, Iya. Please," pakiusap nito. Bumaling ito sa anak niya. "Bati na kayo ni Nanay, ha? Kiss mo na siya."

Kaagad tumalima ang anak niya. Hinagkan siya nito sa pisngi. Sinusunod nito ang lahat ng sinasabi ni Vann Allen. Ganoon kamahal ng anak niya ang binata.

Niyakap niya si Enzo. "I'm sorry kung minsan pakiramdam mo napapabayaan kita, ha? Gusto ko lang maibigay sa `yo ang lahat. You know I love you, right?"

Tumango ito, kapagkuwan ay ngumiti. Iniwan uli niya ang mga ito. Nagkuwentuhan nang nagkuwentuhan ang dalawa. Tila hindi mauubusan ng paksa ang mga ito.

Masaya silang nananghalian. Masiglang-masigla pa rin ang anak niya habang kumakain. Napangiti siya nang mapansing maganang kumain si Vann. Talagang niluto niya ang mga paborito nitong pagkain.

Siya na rin ang nagligpit ng mga pinagkainan nila. Pinag-off niya ang yaya ni Enzo. Mapagkakatiwalaan si Mabes pero minsan ay may pagkatsismosa ito.

Pagkatapos niyang magligpit ay sinamahan niya ang mga ito sa sala. Nagkalat ang mga kahon at paper bags na nakabukas. Mga pasalubong iyon ni Vann Allen para sa anak niya. Tuwang-tuwa ang anak niya sa mga bagong gamit nito.

"You shouldn't have," aniya kay Vann Allen.

Hinawakan nito ang kamay niya hinila siya paupo sa tabi nito. "Huwag ka nang kumontra." Inakbayan siya nito.

Nais niyang lumayo rito. Hindi pa siya naliligo, amoy-kusina pa siya. Ang bangu-bango nito. Masarap sa pakiramdam na malapit siya rito kaya hindi siya lumayo rito.

Mayamaya ay naghikab ang anak niya. "Siesta po muna ako, `Nay, `Tay. Maglabing-labing muna kayo rito." Tumayo ito at nagtungo sa silid nito.

"Iligpit mo muna ang mga kalat mo, Enzo," pahabol niya.

"Hayaan mo na," ani Vann Allen. "Ako na ang magliligpit ng mga iyan mamaya."

Hinarap niya ito. "Inii-spoil mo ang bata, Vann. Huwag mo naman siyang sanayin sa mga mamahaling bagay."

Inihilamos nito ang kamay sa mukha niya. "I can afford it. Mayaman ako."

"Kahit na."

May inabot itong dalawang paper bags at ibinigay ang mga iyon sa kanya. Hindi niya tinanggap. Nahuhulaan na niya ang laman niyon—mga mamahaling gamit.

"Vann—" Nag-umpisa siyang magprotesta ngunit tinakpan nito ang bibig niya.

"Tama ang anak mo. Ang galing mong mambasag ng trip," anito.

Inalis niya ang kamay nitong nasa bibig niya. "Hindi ka na kasi natuto."

"Ang sabi ng anak mo, maglabing-labing daw tayo. Para kang tuod diyan. Kiss me."

Natatawang tinampal niya ito sa dibdib. "Be serious."

"I am serious." Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. "I've missed you so much. A kiss would be great."

Hindi niya magawang sumagot. He looked serious. Napatitig lamang siya rito. Nais din niyang hagkan ito ngunit nahihiya siya.

Tila nainip na ito. "`Tagal," anito bago nito inilapat ang mga labi nito sa mga labi niya.

Ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata. Ibinuka niya ang kanyang mga labi at tumugon sa halik nito. Agad na pinalalim nito ang halik. He kissed her passionately and thoroughly. Tila ito sabik na sabik sa paghalik sa kanya. Para itong mauubusan kung makahalik. Ganoon ito kapag matagal silang hindi nagkikita.

Para siyang sinisilaban. Kahit siya ay sabik na sabik dito. She missed him so much. Kahit madalas niya itong nakikita sa telebisyon, iba pa rin kung nakakasama niya ito nang personal.

Natauhan lamang siya nang tila may kumislap sa kung saan. Nagmulat siya ng mga mata. Nasilaw siya sa flashes ng camera. Agad na itinulak niya si Vann Allen palayo sa kanya.

"Lorenzo Allan!" saway niya sa anak niyang ngingisi-ngisi pa habang kinukunan sila ng larawan ni Vann Allen. Kahit hindi niya nakikita ang kanyang sarili, alam niyang pulang-pula ang kanyang mga pisngi.

"What?" natatawang tanong ng kanyang anak. "I'm just trying my new cam." Tumingin ito kay Vann. "Thanks, `Tay. Ang ganda ng kuha."

"Let me see," ani Vann, bakas na bakas ang amusement sa tinig. Hindi man lang ito nahiya! Nakita pa ng anak niya ang kissing scene nila. "Pang-Best Kiss ba, Enz?"

Lumapit ang anak niya rito at ipinakita ang screen ng maliit na digital camera. Hindi na siya nakisilip. Hiyang-hiya siya! Tila tuwang-tuwa naman ang dalawa.

"Ano kaya ang mararamdaman ng mga fans mo `pag nakita nila ito?" tanong ni Enzo.

"I don't know. Try flooding the Internet with them. We'll see," sagot ni Vann Allen na tila walang kabagay-bagay ang sinabi nito.

Inagaw niya ang digital camera sa mga ito at tiningnan ang mga nakuhang larawan. Napasinghap siya nang malakas. The kiss was hot. Nais niyang maeskandalo sa hitsura nila ni Vann Allen habang naghahalikan. Pipindutin na sana niya ang Delete option ng camera nang magsalita ito.

"Subukan mo," hamon nito. "Kapag na-delete `yan, hahalikan uli kita para makunan uli tayo ng larawan ni Enz."

Kinuha uli ng anak niya sa kanya ang camera. Napairap na lamang siya. "Pinagkakaisahan n'yo `kong mag-ama."

Ang ganda ng naging ngitian ng dalawa.

Tumakbo pabalik sa silid nito si Enzo. "Ipi-print ko."

"Ikalat mo sa Internet," sabi pa ni Vann Allen.

Hinampas niya ito sa braso. Dumukwang ito at muling hinuli ang mga labi niya. Itinulak niya ito palayo. Mahirap na, baka makita na naman sila ng anak niya.

"Ang landi mo, Vann," aniya habang lumalayo rito.

Hindi siya nito hinayaang makalayo. "Gustung-gusto mo naman."

Hinayaan na lang niyang yakapin siya nito. Kung maaari lamang ay manatili sila sa ganoong posisyon habang-buhay.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C66
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous