Télécharger l’application
60% (FILIPINO) Belle Feliz's Lollipop Boys / Chapter 42: Chapter Five

Chapitre 42: Chapter Five

HINDI napigilan ni Michelle ang pagtutubig ng mga mata nang masilayan ang kanyang kabuuan sa full-length mirror. She looked very lovely in her off-shoulder wedding gown. Simple lamang ang pagkakagawa niyon, kaunti lamang ang palamuti, at hindi magarbo ang mga disenyo. Her hair was up in a loose bun at may maliliit na bulaklak na nakalagay roon. Simple pero vintage ang veil niya. Veil pa iyon na ginamit ng lola ni Miguel noong ikasal ito. Her makeup was light.

She looked so perfect.

Naramdaman niya ang maingat na pagyakap sa kanya ng kanyang ina. "My baby is getting married," tuwang-tuwang sabi nito.

Natawa siya. "Baby? Mama, naman. Ang tanda-tanda ko na po, eh."

"You would always be our baby," wika ng kanyang ama sa tinig na tila mababasag anumang sandali.

Pinakawalan niya ang kanyang ina at nilingon ang kanyang ama. Namumula na ang mga mata nito. Tila hirap na hirap itong magpigil ng luha. Nais niyang matawa ngunit pinigil niya ang sarili. Ganoon siguro ang lahat ng mga ama sa mundo kapag nakikitang ikakasal na ang mga unica hija nila.

Niyakap niya ito. "Ang daddy ko, naging iyakin na," tudyo niya.

"Careful," anito habang niyayakap din siya. "Baka magusot ang wedding gown mo." May isang butil ng luha na umalpas mula sa mga mata nito.

Pinahid niya iyon. "Why are you crying? Hindi naman po ako mawawala," wika niya sa masuyong tinig.

"Daddy is just happy for you, darling. Nalulungkot din ako dahil hindi na ako ang pinakamahalagang lalaki sa buhay mo."

"Let's not be too dramatic, please. Baka po masira ang makeup ko."

"Pero aaminin ko, anak, hindi si Miguel ang pinangarap kong makatuluyan mo. I've always wanted Nick to be your husband."

"Daddy..." Bakit pa nito sinasabi sa kanya ang bagay na iyon? Bigla siyang nailang.

Hindi lihim sa kanya na si First ang nais ng mga magulang niya para sa kanya. Tinanggap na niyang hindi mangyayari iyon, dapat ay tanggap na rin iyon ng mga ito.

Bakit ba siya naiilang? Bakit siya apektado? Wala siyang dapat madama na kahit na ano dahil nakaraan na iyon. First was her first love but Miguel would be her last.

"Don't get me wrong, darling. Gusto ko rin naman si Miguel. Puro kabutihan ang ipinakita niya sa amin ng mommy mo. Niligawan ka niya nang tama. He's marrying you because he loves you. I think it's great. Tanggap ko nang hindi kayo para sa isa't isa ni Nick. I know you love Miguel so much. Just be happy, anak."

"Thank you, Daddy, Mommy."

Hindi nagtagal ay patungo na sila sa simbahan. Napakaganda ng panahon. She was a June bride. Nang nagdaang araw lamang ay umulan maghapon. Natakot pa nga siya na baka ulanin din ang kanyang kasal. Nagpasalamat siya nang husto nang magising siyang maganda ang panahon at bughaw na bughaw ang kalangitan. Walang aberyang naganap. Ayon sa coordinator at sa mommy niya, perpekto at nasa ayos ang lahat.

She took it as a good sign. She felt like God was blessing her on her wedding day. Parang ipinararating ng Diyos na magiging matiwasay ang buong buhay nila ni Miguel na magkasama.

Pagdating sa simbahan ay kaagad sinabi ng coordinator na nasa loob na si Miguel. Natuwa siya kahit ang totoo ay hindi niya iniisip na hindi ito sisipot. Everything would go well. Lahat ay aayon sa plano nila.

The wedding ceremony would be solemn. They would have a terrific reception in a wonderful garden. At the end of the day, she would be Mrs. Miguel Santillan.

They would go to Paris for their honeymoon. Ipinapanalangin niya na sana ay mabuntis agad siya. She would be a wonderful and perfect wife and mother.

She smiled dreamily. Napakarami niyang plano para sa hinaharap.

Nag-umpisa na ang wedding march. Ninamnam niya ang bawat hakbang niya. She felt like a princess walking towards her Prince Charming and they would live happily ever after.

Nakita niya si First sa unahang pew. Hindi ito pumayag na maging best man ni Miguel kahit pinilit niya. Mula nang ianunsiyo niya ang pagpapakasal nila ni Miguel ay napansin niyang iniwasan na siya ni First. Hindi na rin siya nito kinakausap. Naging abala na siya sa preparasyon ng kanyang kasal kaya hindi na niya ito napupuntahan upang kausapin.

He was looking at her. May nabasa siyang matinding kalungkutan sa mukha nito. May paghanga rin siyang nabasa sa mga mata nito. Tila bigla siyang nagbalik noong mga panahong may lihim na pagsinta siya rito. Kapag matatanda na siguro sila, sasabihin niya kay First kung gaano niya ito minahal.

Mahal pa rin naman niya ito ngunit sa tama nang paraan. Mahal niya ito bilang isang kaibigan.

Napaisip siya bigla. Bakit ba hindi sila lumampas sa linya ng pagkakaibigan? Kahit kailan ba, hindi nagbago ang tingin nito sa kanya? Hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin nito sa kanya sa buong durasyon ng pagkakakilala nila? Hindi nagkaroon ng katuparan ang mga pantasya niya dahil hindi ito kumilos upang lumampas sila sa linyang iyon.

She remembered he kissed her once, and it was not a friendly kiss.

Sinaway niya ang sarili. What was she thinking? It was her wedding day and she was remembering the kiss of another man! Napakatagal na panahon nang nangyari iyon upang alalahanin pa niya. She and First were at their teens then. Baka nadala lamang sila ng kuryosidad.

Habang lumalapit siya kay First ay lalo niyang nakikita ang lungkot sa anyo nito. He was so handsome in his barong-Tagalog but the sad eyes were off. Hindi niya mapigilang maalala na ito ang unang lalaking pinangarap niyang mapangasawa. Ilang libong beses ba niyang in-imagine noon na naglalakad siya sa aisle habang ito ay nasa unahan at hinihintay siya. His eyes would tell her to walk faster because he couldn't wait for them to be one. Bibilisan naman niya ang paglalakad patungo rito.

Naglalakad na siya sa aisle at nasa unahan ito. Hindi lamang siya nagmamadali dahil nais niyang namnamin ang lahat. Minsan lang siya ikakasal. Hindi rin siya titigil kay First dahil nasa unahan nito ang lalaking pakakasalan niya.

Lahat kaya ng mga babaeng ikinakasal ay naaalala ang kanilang mga first love na hindi nakatuluyan? Siguro, habang-buhay nang magiging espesyal ang first love ng lahat ng mga babae. First love ang pinakamasarap at pinakamasakit na pag-ibig.

Hindi niya napigilang tumigil sa harap ni First. Hindi niya alam kung bakit ito nalulungkot ngunit naroon pa rin ang matinding pagnanais niya na ibsan ang nadarama nito.

She held his hand. She smiled at him.

Lalo yata itong nalungkot. He looked like her dad a while ago. Siguro, hirap din itong pakawalan siya katulad ng kanyang ama.

Pinisil nito nang mariin ang kanyang kamay. Ang higpit-higpit ng pagkakahawak nito na tila ayaw siyang pakawalan. Hinila niya nang marahan ang kanyang kamay. Miguel was waiting. Kailangan na niyang lumakad patungo rito. Tila napipilitan lang si First na pakawalan ang kanyang kamay.

Pinagmasdan niya si Miguel na naghihintay sa kanya sa altar. He was looking at her, too. He was smiling but it was a nervous smile. It was kind of tight, too.

Naglakad siya patungo rito. Miguel was her happy ever after. Ito na ang lalaking makakasama niya habang-buhay. He was her present and future. She would be very happy with him.

Nakaramdam siya ng saya nang ipasa na siya ng kanyang ama rito. Kaunting oras na lang ay mag-asawa na sila.

NICHOLAS was exerting too much effort not to cry like a lost boy. Pakiramdam niya ay nadudurog ang puso niya habang pinapanood ang mga ikinakasal sa harap ng altar. Michelle and Miguel looked good together, he hated to admit.

Bakit ba siya dumalo sa kasal na iyon? Bakit pa niya pinapahirapan ang sarili? Dahil nangako siya kay Michelle na dadalo siya sa pinakamasayang araw nito? O umaasa siya na biglang magbabago ang isip nito? Umaasa siya na may mangyayaring milagro upang hindi matuloy ang kasal nito kay Miguel.

Ang sama niyang tao upang mag-isip ng ganoon.

Naaalala niya noong magpatuli siya, ang akala niya ay matapang siya at kaya niya ang sakit. Ang yabang-yabang pa niya, pero sa huli ay umiyak din siya.

Ganoon na ganoon siya ngayon. Ang tapang-tapang niyang magtungo roon, lihim naman siyang umiiyak dahil sa sakit. Kung maaari ay nais pa niyang sumigaw ng, "Aahh! Mama! Ang sakit!"

Napangiti siya. Noong magpatuli nga pala siya ang unang pagkikita nila ni Michelle.

Sinisisi niya ang sarili sa sinapit. Hindi kasi siya kumilos, walang ginawa. Nang magkawatak-watak ang Lollipop Boys ay wala rin siyang ginawa. Hindi rin siya kumilos upang hindi mawala ang grupo nila.

Nawawala ang mga taong mahalaga sa kanya dahil wala siyang ginawa. Hinahayaan lamang niya ang mga ito na iwan siya.

Napatingin siya sa imahen ni Hesus na nakapako sa krus. Nagmamakaawa po ako sa Inyo. Bigyan N'yo po ako ng isa pang pagkakataon. Just one chance. I won't screw it this time. I will do everything right. I will love her more. Maawa naman po Kayo sa akin. I don't wanna live in misery forever. I wanna be with her. I promise to do everything right. Just please...

Kulang na lang ay lumuhod siya at umiyak upang pakinggan siya ng nasa Itaas. Kahit huli na ay nais pa rin niyang makiusap, baka sakaling maawa ang Diyos sa kanya.

Sana ay makabalik siya sa nakaraan. Alam niyang lalong imposibleng mangyari iyon ngunit baka sakali uling magkatotoo.

Ipinapangako niyang hihigpitan na niya ang hawak kay Michelle. Hindi na niya pakakawalan ang kamay nito. Hindi na niya hahayaang lagpasan siya nito.

Sigurado siya, mas malaki ang pagmamahal niya kay Michelle kaysa sa pagmamahal ni Miguel dito. Gagawin niya ang lahat-lahat upang mapasaya lamang ito. Dodoblehin niya ang lahat ng bagay na kayang ibigay ni Miguel kay Michelle.

"What is happening?" narinig niyang sambit ng kanyang katabi. Iyon din ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Tapos na ba ang kasal? Napatingin siya sa mga ikinakasal. Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya.

"Miguel Santillan, do you take Michelle Colleen Aquino to be your lawfully wedded wife for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do you part?" wika ng pari. Hindi niya alam kung pang-ilang beses nang inulit ng pari ang tanong na iyon.

Hindi makasagot si Miguel. Tila hindi ito mapakali, mukhang litung-lito.

Damn him for not answering. Kung siya ang nasa kalagayan nito, hindi pa natatapos ang pari, nasambit na niya ang "Yes, I do."

Kahit natatabingan ng belo ang mukha ni Michelle, alam niyang nais na nitong mag-break down anumang sandali. Nais na niya itong takbuhin at yakapin nang mahigpit. Nais niyang sabihin dito na ayos lang ang lahat—na ayos lang kahit hindi sumagot si Miguel. Naroon naman siya. Hindi niya ito iiwan.

Kusang bumukal ang pag-asa sa puso niya. God heard his pleas and gave him another chance. Hindi niya hahayaang lumampas ang tsansang iyon sa buhay niya. He didn't want to live in regret and misery.

Tila may sinabi si Miguel kay Michelle. Inalis ng bride ang tumatabing na belo sa mukha nito. She was already crying. May sinabi uli si Miguel bago ito tumakbo palabas ng simbahan. The bride was left alone in the altar, devastated and crying in anguish.

Wala na siyang inaksayang panahon. Dali-daling nilapitan niya si Michelle at niyakap ito nang mahigpit.

Humagulhol ito ng iyak. "This is not happening! I'm just having a bad dream, a nightmare! This can't be happening to me! Tell me, First, this is not really happening. Oh, God, please don't do this to me!" anito sa pagitan ng hagulhol. Palakas nang palakas iyon.

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. "You'll be fine," he assured her. He would make sure she would be just fine. "We'll get through this. Be strong, Michico. Just hold on. I'm here, you hear me? I'm here, baby. I'm just here for you."

"Get me out of here, First. Please," she begged in a broken voice.

Pinangko niya ito at inilabas ng simbahan. Marami ang nagnanais lumapit ngunit diretso siyang naglakad. Isiniksik ni Michelle ang mukha nito sa leeg niya. Umiiyak pa rin ito. Ipinasok niya ito sa loob ng kanyang kotse.

"Where do you want me to take you?" tanong niya habang ini-start ang makina.

"Kahit saan basta malayo rito," sagot nito habang nagpapahid ng mga luha. "Oh, God, I wanna die!" she cried.

"Don't say that!" he snapped at her. "Hindi pa katapusan ng mundo mo. Iniwan ka lang. I know you are upset, I understand. But, please, don't talk about dying when you are with me. You are hurting me."

Ayaw niyang maging sobrang masaya. Kahit na saan niya tingnan, nasaktan pa rin nang husto si Michelle. Patunay ang labis-labis na paghihirap nito ngayon. Pero tao lang siya. Masama na siya kung masama ngunit masaya talaga siya dahil hindi natuloy ang kasal.

He vowed not to blow this chance. Gagawin niya ang lahat upang mapasakanya si Michelle.

Napatingin siya rito. She was still crying. Tila kinukurot ang puso niya sa nakikitang anyo nito. Tutulungan niya itong makalimot. He would help her move on and help her fall in love again. Tuturuan niya itong ibigin din siya and then they would get married.

Thank You, God. Thank You so much for listening to my pleas. Thank You for giving me another chance to be happy.

NASA beach house ni First si Michelle sa La Union. Doon siya dinala ni First pagkaalis nila ng simbahan. Pribado ang beach na iyon. Naipundar ng binata ang property na iyon noong kasagsagan ng kita nito bilang Lollipop Boy. Nang sabihin nitong doon siya dadalhin ay hindi siya tumanggi. Mas malayo sa lungsod, mas maganda. Ayaw muna niyang makita ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Ayaw niyang kaawaan siya ng lahat.

Nang maalala ang nangyari ay gusto na naman niyang maiyak. Halos hindi siya makahinga sa sobrang sakit. Ramdam na ramdam niya ang sakit na iyon sa buong pagkatao niya. Sagad iyon hanggang buto, at halos hindi na niya makayanan. Sana ay may anesthesia para sa ganoong uri ng sakit.

Hindi pa rin siya makapaniwalang iniwan siya ni Miguel sa harap ng altar.

"I can't do this," sabi ni Miguel sa kanya kanina. "I can't marry you. I'm sorry, Michelle. I just can't. I'm really, really sorry. I hope someday you'd forgive me for doing this to you." At tumakbo na ito palayo sa kanya, iniwan siya sa harap ng altar.

Muli siyang napaiyak pagkaalala niyon. Parang ikamamatay niya ang sakit.

Nakasuot pa rin siya ng wedding gown. The wedding gown that she chose very carefully. It cost a lot of money. It was supposed to be worn for a very lovely wedding.

Ano ang nangyari sa kasal niya? Pakiramdam niya ay isinumpa iyon. Hindi ba't perpekto pa ang lahat nang umagang iyon? Nakisama ang panahon, nakisama ang lahat. It was supposed to be a perfect day, her happiest day.

What happened? Bakit naging disaster ang lahat? Paano naging nightmare ang isang fairy tale? Sino ang nagsumpa niyon?

Inabot niya ang bote ng alak at sinalinan ang maliit na baso. Bago pa man niya mainom iyon ay may umagaw na niyon sa kanya. It was First. Napaungol siya ng protesta nang inisang lagok nito ang alak.

"You need to rest, Michico. You're drunk."

"I'm not!" tanggi niya kahit pa sa sariling pandinig ay tunog-lasing na siya. "`Indi ako lasheng! Gimme that!" Pilit na inagaw niya ang baso. Nang hindi nito ibinigay iyon ay tumungga na lang siya sa bote.

Pumalatak ito, kapagkuwan ay inagaw rin ang bote at itinago iyon.

"KJ," nakasimangot na sabi niya.

Bumuntong-hininga si First bago niya naramdamang pumaikot sa kanya ang mga braso nito. Niyakap na rin niya ito. Muli siyang napaiyak.

"Iniwan niya `ko," tila batang sumbong niya. "Hindi niya ako mahal. Iniwan niya `ko. Iniwan niya `ko sa altar. Iniwan niya `ko sa araw ng kasal namin. Iniwan niya `ko."

"Hush," anito habang hinahagod ang likod niya. "Nandito pa naman ako. Hindi kita iiwan, Michico."

"P-promise?"

Hinagkan nito ang ibabaw ng kanyang ulo. "Pangako. Promise. Hindi ko gagawin sa `yo ang ginawa ni Miguel. Magtutulungan tayo para makalimot ka."

Lalo siyang nagsumiksik kay First. Being in his arms felt so nice. She felt so secure. It was like he was assuring her that everything would be all right.

"Let's talk tomorrow. You rest for now. Everything will be okay. Trust me. I'll make you happy again."

Ipinikit niya ang mga mata. She trusted First. Kapag sinabi nitong magiging maayos ang lahat, magiging maayos talaga ang lahat. Magpapahinga na muna siya. Baka bukas paggising niya ay wala na ang sakit. Baka paggising niya, mapagtanto niyang bangungot lamang ang lahat.

Binuhat siya ni First at dinala sa silid na inilaan nito para sa kanya. Sumayad ang kanyang likod sa malambot na kama. Mayamaya ay pinunasan nito ang kanyang mukha. Gumaan kahit paano ang pakiramdam niya. Nais na niyang matulog.

"I love you."

Hindi na niya pinansin ang narinig. Kinain na ng antok ang kanyang diwa.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C42
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous