Télécharger l’application
15.38% Hey! Mr. Rebound! / Chapter 2: Chapter 1. "A Broken Heart"

Chapitre 2: Chapter 1. "A Broken Heart"

Chapter 1. "A Broken Heart"

Jana's POV

To: Julius <3

-Nasaan ka na? Malapit ka na ba?

Sending...SENT!

Mabilis akong napatingin sa pinto ng coffee kung nasaan ako ngayon nang marinig kong tumunog ang chime na nakasabit sa pinto. Ngunit tulad nang ilang tao na ang pumasok sa pintong iyon, hindi pa rin si Julius ang kakapasok lang. Napabuntong hininga ako at pinagkuskos ang dalawang palad ko. Bakit ba kasi ang lahat ng aircon dito sa loob ng coffee shop gayong ang lakas naman ng ulan sa labas. Tama! Malakas ang ulan kaya siguro ang tagal ni Julius.

Muli kong narinig ang chime sa pinto kaya mabilis ulit akong napatingin dito. Napangiti ako nang makita ko ang pumasok. Isang lalaking nakasuot ng itim na jacket ang pumasok. Tatayo na sana ako para salubungin siya pero natigilan ako nang lumingon ang lalaki. Hindi si Julius, kasing katawan at kasing tangkad lang. Nawala agad ang ngiti sa aking mukha at binalot ulit ng pagkairita. Tiningnan ko naman iyong lalaking kakapasok lang at nabigla ako nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin sabay umiwas. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.

Habang naghihintay pa rin at nakamasid sa labas ng coffee shop. Nagulat ako nang may naupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Siya iyong lalaking pumasok kanina-nina lang.

"Excuse me, may nakaupo ko riyan." Inis kong sabi sa lalaki pero tiningnan lang ako nito at ngumisi pa saka ininom ang kape niya. Napasinghap ako sa ginawa niya. Naku naman! Ngayong naiinis na ako at kanina pa ako naghihintay dito tapos may antipatikong lalaki sa harap ko ngayon? Baka makasapak ako ng di oras.

Tinitigan ko siya ng masama pero sige lang siya sa pag-inom ng kape niya. Habang tinitingnan ko siya napansin ko ang damit niya sa loob ng jacket niyang itim. Parehas sila ng uniform ng lalaki sa school namin? So schoolmate ko siya? Siguro naman hindi siya magtatagal dito? Hayaan na nga.

Isa. Dalawa. Tatlong oras na ang nakalipas pero walang Julius ang dumating. Nakatingin lang ako sa phone ko. 'Yong puro text ko lang ang nasa thread at wala siyang reply? Gusto ko ng ibato ang phone ko. Napatingin ako sa labas malakas pa rin ang ulan. Kung hindi siya makakapunta bakit hindi siya magtext? Apat na oras na akong nandito. Nakakainis.

"Nakakainis." Aniko sa pagitan ng paghikbi ko. "Nakakainis naman." Ang tanga ko naman. Para akong aso na naghihintay dito sa amo kong hindi pa dumadating.

"Here," Napatingin ako sa tissue sa harap ko. Bakit nandito pa siya sa harap ko? Akala ko sandali lang siya rito.

"May panyo ako." Mataray kong sabi sa lalaking nakajacket na itim.

"I guess he's not coming." Saad niya na ikinabigla ko.

"Paano mo nalaman na naghihintay ako rito?" Tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya at tinanggal ang hood sa ulo niya.

"Halata naman e, you're here for almost four hours. Ano 'yon? Nagsa-sight seeing ka lang sa ulan?" Natatawa niyang sabi. Tama nga naman siya.

"E ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Sandali siyang natahimik at naglaho ang ngiti sa kanyang labi.

"I just feel that someone is needed a company." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko naman na-gets ang sinabi niya. Siguro marami lang siyang oras.

Tumahimik na lang ako at nagmasid ulit sa labas. Umaasa na may darating na Julius Corpuz.

"Hindi ka pa uuwi?" Tanong ng lalaki sa harapan ko. Napakunot ako ng noo. Sa totoo lang, naiinis na ako sa kanya. "Maggagabi na oh." Dagdag niya pa.

Tiningnan ko siya ng masama. "Maghihintay pa ako." Sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.

"Okay, sige sasamahan muna kita." Nakangiti niyang sabi. Iniinis niya talaga ako.

"Hindi ko kailangan." Mataray kong sabi saka siyang inirapan. Sandali siyang natahimik.

"Hindi, alam kong kailangan mo." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin na para bang alam niya ang nangyayari at mangyayari. "Alam kong kailangan mo ako, Jana." Aniya saka tumayo at naglakad na palabas ng pinto. Naiwan naman akong tulala at nanlalaki ang mga mata.

"Paano niya nalaman ang pangalan ko?" Naguguluhang tanong ko sa sarili.

Kinabukasan. Hindi pa rin maayos ang lahat. Ang gulo ng nangyayari sa amin ni Julius. These past days, parang iniiwasan niya ako. Hindi ko naman alam kung bakit? I don't even have any idea why? Ang alam ko okay naman kaming dalawa. Pero nitong mga nakaraang araw palagi siyang tahimik kapag magkasama kaming dalawa. Tapos palagi niyang gusto umuwi ng maaga. Kapag tinatanong ko naman siya, ang sinasabi niya wala lang daw. Alam kong may problema siya. At bilang girlfried, hindi ba dapat sinasabi niya iyon sa akin para matulungan ko siya? Para madamayan ko siya.

Pagdating sa school dumaan ako sa room ni Julius pero wala pa siya. Habang papunta sa room ko. Nakita ko si Sena, siya ang bestfriend ko.

"Sena!" Tawag ko sa kanya at tumakbo palapit. Paglapit ko napansin kong parang nagulat siya. "Uy, okay ka lang?" Tanong ko. "Para kang nakakita ng multo."

"Ah—eh, okay lang. Ikaw ba?" Tanong niya.

"Okay lang naman," Natahimik ako't napaiwas ng tingin. "Though, hindi pala kasi pinaghintay lang naman ako ni Julius ng apat na oras kahapon. Nakakainis!" Inis pero nakangiti kong sabi sa kanya. "Ikaw kumutas na kayo ng boyfriend mo? Hindi pa ipapakilala mo na siya sa akin?" Masigla kong tanong sa kanya.

"Ah, oo! Mamaya after class, kita tayo sa school garden." Ani Sena.

"Wow! Talaga! Sige sige! Tara sabay na tayong pumasok!"

Naglakad na kami papasok si Sena sa room pero nang malapit na kami sa classroom natigil kami nang makita naming ang daming tao sa tapat ng classroom namin, to be specific puro sila babae. Ano naman meron? Nasa classroom ba namin si Song Joong Ki?

"Sena! Mukhang nasa classroom si Song Joong Ki!" Manghang sigaw ko kay Sena saka nauna sa kanya sa pinto ng classroom.

Nakipagsisikan ako sa mga babae. Kainis! Do'n nga kayo sa classroom niyo! Pagdating ko sa pinto ng classroom at matapos kong makipaggera sa mga babaeng 'to. Pagtingin ko sa pinto, wala naman akong nakitang nakapang-sundalong lalaki. Wala naman si Song Joong Ki! Kainis.

"Jana!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Pagtingin ko, isang lalaki. Sandali? Kilala ko ba siya? Lumapit siya sa akin. "Kanina pa kita hinihintay."

"Kilala ba kita?" Tanong ko. Ngumuso naman 'to at naningkit ang mga mata.

"Sa pogi kong 'to? Kinalimutan mo na ang mukha ko?" Mayabang niyang sabi. Ano raw?

Tiningnan ko ang paligid namin at binalik ang tingin sa kanya. "So ikaw ang dahilan kaya ang daming babae rito?" Tanong ko sa kanya.

"Bingo!" Aniya saka kumindat. Napangiwi naman ako sa ginawa niya.

"Gung-gong." Ani ko saka siya nilagpasan at pumasok na sa loob ng classroom namin. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin sa loob.

"Jana, ako 'to. Iyong lalaki sa coffee shop kahapon!" Aniya. Hindi ko naman siya tiningnan at inayos ang bag ko.

"Hindi naman kita kilala. So what kung ikaw yung kahapon?" Saad ko rito.

"Grabe, sa sikat kong 'to sa school natin di mo talaga ako kilala?" Nagmamayabang na naman siya.

"Sino ka b—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang paglingon ko sa kanya ay napasandal ako sa dibdib niya. 'Yong mukha ko hanggang dibdib niya lang. Ang tangkad naman niya. "Ano ba!" Tinulak ko siya. "Ang kulit mo rin 'no?" Inis kong sabi sa kanya. Ang gung-gong naman tumatawa pa.

"Ang pandak mo pala." Natatawa niyang sabi. Napasinghap ako sa inis.

"Anong sabi mo?" Sigaw ko sa kanya at akmang sasapakin siya nang biglang nag-ring na ang bell at nagsipasukan na ang mga kaklase ko. "Kainis! Pasalamat ka!" Banta ko sa kanya pero ang gung-gong nakangiti lang at bago pa umalis at binelatan pa ako. Isip bata!

Uwian na pero hindi ko pa rin nakikita si Julius. Kaninang lunch pinuntahan ko siya sa classroom nila pero wala siya. Pumasok naman daw ito. Hinanap ko siya sa cefeteria pero wala rin. Wala rin si Sena kaya mag-isa lang akong kumain ng lunch, ay hindi pala dahil nakiupo na naman si gung-gong. Sinabi niya kanina ang pangalan niya pero dahil wala akong pake, hindi ko na tinandaan. Habang inaayos ko ang gamit ko napansin kong tahimik si Sena habang hawak ang cellphone niya.

"Sena, okay ka lang?" Mabilis naman niya akong tiningnan at parang nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya.

"Oo, okay lang." Sagot niya at ngumiti.

"Sure ka? San ka ba galing kaninang lunch? Mag-isa lang tuloy ako." Malungkot kong sabi.

"May pinuntahan lang. Masanay ka na."

"Ha?" Para yatang nabingi ako sa huli niyang sinabi.

"Wala." Aniya't ngumiti sa akin. Ilalagay ko na sana sa bag ko ang cellphone ko nang may nag-text. Agad kong tiningnan kung sino, at isang malapad na ngiti ang nagawa nito nang makita ko ang pangalan ni Julius sa screen ng phone ko. Agad kong binuksan ang message.

From: Julius <3

-Jana, nandito ako sa school garden.

End of Message

"Sena! Tara nasa school garden! Nandon rin si Julius." Sabik kong sabi kay Sena.

Mabilis kaming tumakbo kami ni Sena papuntang school garden. Sa wakas, makikita ko na ulit si Julius. Tatanungin ko siya kung ano bang problema. Kailangan naming mag-usap. Pagdating namin sa school garden, nakita namin si Julius na nakaupo sa isang bench.

"Julius!" Masigla tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito sa akin at matipid na ngumiti. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "San ka ba galing kanina? Hinanap kita e akala ko di ka pumasok."

"May pinuntahan lang." Aniya at ngumiti. Humiwalay naman ako ng yakap sa kanya.

"Ah, Julius sandali lang ah, kasi ipapakilala ni Sena ang boyfriend niya." Nilingon ko ang buong paligid. "Pero mukhang wala pa yata."

"Hindi, nandito na siya." Ani Sena.

"Talaga? Nasaan na raw?" Sabik kong tanong sa kanya. Sandaling natahimik si Sena at tiningnan ako sa aking mga mata. Lumapit siya sa akin.

"Alisin mo ang kamay mo sa kanya." Seryosong sabi ni Sena sa akin. Naguguluhan ako.

"Sena? Kanino? Kay Julius?" Malokong sagot ko sa kanya at saka tiningnan si Julius pero nakita kong nakayuko lang si Julius at iwas ang tingin sa akin. Teka bakit kinakabahan ako? Tama ba ang nasa isip ko?

Binalik ko ang tingin kay Sena. "Palabiro ka talaga, Sena." Natatawa kong sabi. "Nasaan na ba yung boyfriend mo?" Muli kong tanong sa kanya pero ngisi lang ang sinagot niya sa akin at tiningnan ako ng taas ang kilay niya. Tiningnan ko si Julius at nakayuko pa rin siya. Sandali, naguguluhan ako. Ano ang nangyayari?

Seryoso kong tiningnan si Sena. Huminga ng malalim at naglakas loob na tinanong ang kanina ko pang hinala.

"Sandali, Sena si Julius ba ang boyfriend mo?"


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous