Nagising si Sean mula sa pagkakatulog nang may mahagilap siyang umiilaw sa bandang City. Napatda niya aakalaing makikita niya ulit ang liwanag kung saan nawala ang pamilya niya.
Di niya mawari parang inaakit ba siya o gusto lang niya makita. Parang may narinig siyang boses na bumubulong "Sean asawa ko lumapit ka, nandito kami ng mga anak mo." Nakita niya si Belinda at mga anak, na wari ay gusto siyang mayakap, naiiyak na akmang pupuntahan niya mga ito nang bigla siyang sinampal ni Edwin.
Sa sobrang lakas ng impak tila nabingi ang kaniyang pandinig, na-estatwa siya sa ginawa nito saka lumingon sa may gawa sa kaniya.
"Bakit mo ako sinampal?" takang tanong niya saka hinimas ang kanang pisngi buong galit niya ito kinuwelyuhan.
Tinulak niya ito sabay bumagsak sa buhangin na may naglalagas na dahon.
"Di mo naiintinhan."
"Alin ang di ko maintihan?" galit niya sigaw.
"Yang nakikita at narinig mo isang imahinasyon lang kaya wag kang sasama sa liwanag" ani ni Edwin
"Ano bang pinagsasabi mo pamilya ko sila at natural na sumama ako!"
"Pinapaniwala ka ng liwanag na sumama ka, pero ang totoo wala dyan ang pamilya mo." sunggaban niya ang kwelyo nito nang akmang susuntok siya biglang nawala ang liwanag.
"Hindi! Hindi! Hindiii!!!" nahilamos ang mukha na para ba nababaliw sa kasisigaw, halo halo ang emosyon. Naiiyak, natatawa, nalulungkot o nagagalit na may halong pagwawala, himbis suntukin ang mukha ni Edwin sa puno niya ibinuhos ang galit at pinagsusuntok yun.
"Aahhhhhaahh!!!!"
"Sean!" tawag nito na lalapit sana ngunit "Iwanan mo muna ako."
"Pero-"
"Iwanan mo muna ako sabi!!!" sigaw niya at lumingon kay Edwin, humugot ito ng malalim saka umalis. Nagiiyak na sumandal siya sa puno, pinagbabayo ng isang braso ang puno.
"Belinda, mga anak gusto ko na kayo makita." sabi niya
Sana po suportahan niyo po ang pagsusulat ko kahit nakakabitin talaga, nagwo-work kasi ako Kaya di ako nakagawa ng stories through imagination and palagi nyo pa Rin po suportahan and thank u for the best