"Are you going to act as a paparazzi again?" Natatawang tanong ni Daniel habang kalong nito ang anak nilang si Sean habang pinapanood siya nitong magbihis.
"Yes." Nakangiti niyang sagot dito sabay kindat.
"I am afraid you will fall in love with that person?" Tila nagseselos nitong ani.
"If he can do what you did to me." Pang-aasar niya dito. Kita niya ang asar sa mukha ni Daniel saka ibinaba si Sean sa crib at pagkatapos ay sinugod siya. Agad naman siyang nakatakbo ngunit agad siya nitong naabutan at niyakap.
"He can't ever do this!" Gigil na ani ni Daniel saka hinigpitan ang yakap sa kanya. Natatawa naman siyang kunwari'y nagpupumiglas upang lumayo dito.
"He can't do this." Pagpapatuloy ni Daniel saka kinintalan ng maliliit na halik ang kanyang leeg,
"So what can you say, huh?" Nanunukso nitong ani na ang kanyang mga labi naman ang paulit-ulit nitong binigyan ng halik.
"First of all, I am not acting as a paparazzi, honey.." Pagsisimula niya na hinarap ang matiim na pagtitig ng asawa.
"Then what?" Tanong naman ito ng tumunghay sa maganda niyang mukha.
"I am promoted as the ABM News Entertainment Director dahil nag-retire na si Mrs. Corpuz." Pagbabalita niya dito.
"That's good news honey!" Masayang sambit nito na ikinalawak din ng kanyang ngiti.
"Definitely..so it means I am only your paparazzi!" Namumungay ang matang ani niya dito.
"Then, it's time to help my paparazzi forget herself again." Nakangising ani nito saka akma sana siya nitong hahalikan ngunit natakpan niya ang bibig nito ng kanyang mga palad.
"It's time to face the press, baby." Pagpapaalala niya sa press conference nito mamaya kung saan ay opisyal na silang ipapakilala sa publiko bilang mag-asawa.
Tila wala namang narinig ang lalake dahil itinuloy nito ang pagsakop sa kanyang mga labi. Lihim na napangiti si Yna. Alam niyang isa lamang siya nitong Paparazzi noon na ang tanging nais ay sirain ang pangalan ng lalake. Ngayo'y asawa na niya ito at ang pinakamamahal na lalake ng kanyang buhay.
-WAKAS-
**********************************************************************************************************
— La fin — Écrire un avis