Inunat ko ang mga katawan ko pati ang aking mga bisig pagbangon ko, sabay hikab ko.
Napansin kong ang ganda ng sikat ng araw at ang sarap ng simoy ng hangin ng sumilip ako sa bintana.
Inayos ko ang sarili ko at kasunod ay lumabas ako sa kubong pinag-tulugan ko ng naka-ngiti.
Inilagay ko sa'king likuran ang magka-hawak kong mga kamay habang naglalakad sa labas. Habang naglalakad ako sa labas ay bigla kong naalala si Logan.
Nasaan kaya natulog yun?
Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at hindi ko siya nakita. Sinubukan kong puntahan yung kubo kagabi kung saan kami nag-hapunan, baka sakaling dun na siya naka-tulog. Pero pag-dating ko dun ay wala siya 'don. Napansin kong maayos na at malinis yung kubo dahil wala na yung nga dekorasyon at yung iba pa.
Nagkibit-balikat ako. Siguro ay nandyan lang siya sa tabi-tabi.
Habang naglalakad ako malapit sa kubo ay, napa-sulyap ako sa dagat malapit sa nilalakaran ko. Napa-ngiti ako nang may pumasok sa isip ko.
Tutal mukhang wala naman ata si Logan, pwede na ulit ituloy na maligo mag-isa sa dagat? Ngumiti ako ng malapad.
Mabilis kong pinuntahan yung dagat at naramdaman ko sa paa ko yung hampas ng mahinang alon at malamig na dagat sa paa ko. Nag-tampisaw ako gamit ang mga kamay ko hanggang sa tuluyan nang mabasa yung ibang parte ng suot ko.
Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapag-palit ng damit simula pa kahapon. At tamang-tama dahil mukhang tinatawag na ako ng dagat dahil kailangan ko nang maligo. Sabay ngiti ko.
Pero bigla ko namang naalala si Dwayne. Kung siguro ay nandito siya at kasama ko siya ngayon, baka siguro ay naglunuran na kaming dalawa dahil sa kakulitan.
Tsaka, siya nga pala. Ngayon ko lang rin naalala na sinabihan ko pala siyang tatawag ako sa kanya at dapat ay nung isang araw pa.
Ugh! Bakit ngayon ko lang naalala?
Tinignan ko ang ibabang katawan ko at halos basa na rin ito. Kailangan kong tawagan si Dwayne, baka mamaya magtatampo 'yon kapag hindi ko manlang siya kinumusta.
Bago pa ako maka-alis ay, nahagip ng mga mata ko yung barkong dumadaan malayo sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam pero parang sa pagkakataon na ito ay naging interesado akong tingnan ito nang matagal habang papalayo ito.
Sandaling nawala ang ngiti ko sa'king labi dahil parang unti-unti, may naaalala ako habang pinag-mamasdan ko iyon. Napa-hawak ako sa'king ulo ng maramdaman kong parang kumirot iyon. Marahan akong pumikit sandali.
'Yon yung araw na umalis si mama ng probinsiya para magtrabaho sa maynila. Magkasama kami noon ni Dwayne habang nakamasid sa kanya na maka-sakay sa barko na unti-unting lumalayo sa kinatatayuan noon namin.
Iminulat ko ang mata ko at di ko namalayang pumatak na pala ang luha ko. Pinunasan ko iyon at saka ko lang napansin na wala na yung barko. Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil hindi ko na ulit nasilayan ulit 'yon.
Habang naka-tayo pa rin ako sa pampang ay napaisip ako nang bigla akong nagkaroon ng alaala sa bagay na iyon.
Bumuntong-hininga nalang ako. Inikot ko ang katawan ko at naisipan kong bumalik na dun sa kubo, baka sakaling nandun na si Logan.
"Did you swim there alone?"
Hindi pa mandin ako nakakabalik dun sa kubo ng bumungad naman kaagad sakin yung halimaw. Alam ko ng siya 'yan kahit na hindi pa ako tumitingin sa kanya. At saka, Aba! Anong pakaelam niya kung naligo ako sa dagat?
Tinignan ko siya at nagsalita ako. "H-ehe..bawal ba?" maamo kong sabi.
"Tss. stubborn." sabay talikod niya at puma-mulsa.
Tinignan ko nalang muna siya sa kanyang likuran habang naglalakad siya palayo.
Pagdaka'y tumakbo ako at sinubukang habulin siya ng bigla kasing may pumasok sa isip ko.
"What?" masungit niyang sabi ng tumigil ako sa harap niya dahil sa pagtakbo ko.
Medyo hinihingal ako pero sinubukan kong kausapin siya.
"Pwede mo ba akong igala dito? Ibig kong sabihin, tutal.." pagpuputol ko. Tumingin ako sa kamay ko at nagbilang ako kung ilang araw na ba kami dito sa Cebu. Pagdaka'y binalik ko na ang tingin ko sa kanya.
"Pangatlong araw na natin dito. Gusto ko sanang bumili manlang ng souvenir kay Dwayne, kahit ako nalang bumili mag-isa." dugtong ko. Nilaparan ko naman siya ng ngiti.
Napa-kunot noo siya. Nag-crossed arms siya at tinignan akong mabuti. "Why do I have to accompany you? Like you said, kaya mo namang mag-isa. Then go. Tss." sabay isinuksok niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa ng kanyang suot ibaba at kasunod ay nag-lakad.
Naknang! Ang purol ng utak nitong halimaw na'to. Hindi naka-intindi sa sinabi ko.
"Hoy! Halimaw! es--"
Napatakip ako ng aking bibig ng makita ko siyang madaling tumigil sandali at lumingon sa'kin. Ang diin pa naman ng sabi ko nun sa kanya.
Patay! mukhang ang sama na naman ng timpla ng mukha ng halimaw na'to ha. Ano na naman kayang iniisip niya? Jusko.
Hindi ko alintana na nasa harap ko na pala siya ngayon. Bumibilis na naman ang pintig ng puso ko. Parang nararamdaman ko na parang basa yung pang-ibabang suot ko at may umaagos na mahinang daloy ng tubig.
Sinubukan kong kapain muna ang suot ko pang-ibaba at saka ko lang naalala na naligo pala ako kanina sa dagat.
Jusme! Kala ko naihi na ako. Naknang! Napakagat-labi ako.
"Are you tempting me?" Napa-lunok ako sa sinabi niya.
May saltik na siya sa pag-iisip. Kung kanina ay mapurol ngayon naman ay iniisip niya na gagawin ko sakanya 'yon? Halimaw na to! Asyumera.
Ganun pa rin yung posisyon namin sa isa't-isa, habang naka-tingin siya sakin pati ako. At parang walang balak yung magaganda kong mga mata na alisin yung tingin ko sa kanya.
No. Walang ibig sabihin 'to. Baka nakikipag-kompetensiya siya kung sino hindi kukurap. Tama! Akala niya kukurap ako. Ngisi.
Umatras ako ng mataman kong lumapit siya.
Nawala ang ngisi ko dahil parang iba na ata ang aura ng mukha niya, parang may masamang balak 'tong mokong na 'to ha.
"H-hoy. Gusto mo bang sipain kita jan? L-lumayo ka nga sakin!" nauutal kong utos sa kanya. Pero hindi niya ako pina-kinggan.
Medyo nanginginig na yung tuhod ko dahil sa kaba. Jusko. Tumakbo nalang kaya ako?
Napansin kong tumigil siya sa pag-habang palapit sakin ng may sinabi siya.
"Do you think I'll just ignore what did you said to me earlier? I will condone you if you'll win to tempt me." Sabay ngisi niya. Napa-lunok ako. Nanggigil ako na parang gustong gawin yung sinabi niya. May saltik na rin ata ako. Jusko. 'wag naman. Nararamdaman ko na naman ang malakas na bugso ng puso ko. Oh no!
Sinulyapan ko ang umukit na ngisi sa kanyang labi, at nakita ko ang iilan niyang mapuputing ngipin at ang mapula niyang labi.
Oh my. Bakit parang sumasakit na tiyan ko!
Saka ano? Buang ata tong lalaking 'to. Sa tingin niya gagawin ko yung gusto niya. Manigas siya!
Tinaas ko ang kilay ko. Bumuntong-hininga ako ng malalim. Tinarayan ko siya at sinimulan kong kumakbang at nilagpasan ko siya pagkatapos ko siyang bungguin. Hindi pa ako nakaka-laktaw sa kanya ng mapasubsob ako ng hindi ko napansin na napa-kawit yung paa ko dun sa tuhod niya na nakabalandra sa dinadaanan ko.
"A-ahhhh..." Hanggang sa naramdaman kong may humila sa'kin, pagka-hila sakin ay di kami naiayos ang balanse sa naging posisyon namin at dun ko lang namalayan na parehas kaming na out balance. Pagdaka'y sabay kaming bumagsak sa buhanginan.
Binuksan ko ang dalawa kong mata at parang gusto ko nang ibaon ang sarili ko ngayon dito sa buhangin.
Parang huminto ang paligid. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may kumikiliti sa sikmura ko at hindi ko magawang mai-ikilos ang katawan ko.
Nakapang-ibabaw siya sa'kin, habang naka-pulupot ang mga kamay ko sa kanyang leeg at ramdam ko na parang nakukuryente ako. At sa di-inaasahan ay naka-dikit ang aming mga labi sa isa't-isa habang naka-titig siya sa'king mga mata pati ako.
Tinulak ko siya at pagdaka'y tumayo na ako habang naka-upo siya sa buhanginan at naka-sandal ang kanyang siko sa kanyang tuhod, at mukhang naka-ngisi pa.
"I just thought that you'll make it little by little about what I've said a while ago but you immediately go beyond on it. Well, we have no off limit h--"
Kinilabutan ako sa mga sinasabi niya kaya hindi ko na siya pinatapos.
"Bastos! gawin mo mag-isa jan!" irita kong sabi. Narinig kong tumawa siya ng humakbang ako paalis.
Jusme! Magiging gurang na ako ng maaga dahil sa halimaw na 'yon. Sisirain pa sa kademonyohan yung ganda ko!
Naglakad-lakad muna ako kahit saan mapadpad yung mga paa ko. Bahala siya kung maghanap siya don sakin! Baka kapag nakita ko lang ulit yung pag-mumukha ng halimaw na 'yon ay ibaon ko siya sa buhangin.
Umupo muna ako sa ilalim ng lilim ng malaking puno. Isinandal ko ang ulo ko sa puno at ipinikit ko ang mga mata ko. Habang naka-pikit ang mga mata ko ay ang daming tumatakbo sa isip ko.
Naalala ko na huling araw ko na dito sa Cebu. Sana hindi nalang ako sumama sa halimaw na 'yon kung mukhang naka-kulong lang ako sa bahay at hindi manlang ako nakapag-libot libot dito sa probinsiya. Ano nalang pati iuuwi ko kay Dwayne? Wala manlang ako pasalubong. Bukod pa 'don ay hindi ko manlang siya nakontak simula nung pagka-rating ko dito sa Cebu. Hays.
Binuksan ko ang mga mata ko at pinag-masdan ko ang paligid. Bumuntong-hininga ako. Hinawakan ko ang labi ko at bumilis na naman yung pintig ng puso ko ng naalala ko yung nangyari kanina. Parang kinikiliti yung sikmura ko. Sandali akong napa-ngiti.
Inalog ko yung ulo ko at inayos ko ang sarili ko. Mali to!
Inalis ko na kaagad ang kamay ko sa'king labi at baka abutan pa ako dito ni Logan na isipin pang pinag-papantasyahan ko yung halik niya. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang mga palad ko. Akala niya gusto ko 'yon? Saka, hindi ako umaasa na magugustuhan ako nung halimaw na 'yon. At hindi ko siya type no! Hindi yung tipo niya na halimaw ang gusto ko. High standards ang beauty ko! at high standards rin ang tipo ko sa lalaki. Saka tutal, sabi rin naman niya sakin nung isang araw sa event na pinuntahan namin ay 'wag na akong umasa na magkaka-gusto siya sakin. Lalo na rin naman nung nasa trabaho kami. Tama, tama. Alam kong pinag-lalaruan lang niya ako at iniinis lang nung halimaw na 'yon.
Tumayo na ako at naglakad-lakad ulit ako sa tabi-tabi. Buti nalang at hindi tirik ang araw kaya hindi naman masyadong mainit. Sinulyapan ko ng tingin ang katawan ko at hindi naman ata ako matutusta nito sa sapat na init na binibigay ng araw. At speaking of it, saka lang naalala na hindi pa pala ako nagpapalit ng suot ko ngayon. Basa pa rin ito ng subukan kong pigain.
Kaagad na akong naglakad pabalik don sa kubo para kumuha ng masusuot at mag-bihis.
Hanggang sa matanaw ko na ang kubo na 'yon at wala don si Logan. Hays. Bumuntong-hininga ako. Pero saan kaya pumunta yung halimaw na 'yon? Tss. Bahala nga siya!
Sakto lang naman ang laki ng kubo-kubo na 'to. May pader na naka-harang sa pagitan ng dalawang kwarto, at may tig-isang maliit na bintana ang bawat isa. Tatlong baitang lang ang hagdan bago ka maka-pasok sa loob. Kaso Lang, walang kubeta dito.
Lumabas ako at mag-hanap ng cr na pwede akong mag-banlaw at magpalit ng suot. Baka namumuti na yung labi ko dahil sa basang suot ko.
May natanaw akong maliit na cr sa gilid na katabi ng puno at mukhang eto lang ata yung cr na meron dito.
Medyo maliit lang yung cr. Binuksan ko yung pinto at malinis naman dito loob. Gawa nga lang sa kahoy, pero ayos na rin sakin. Hinanap ko yung gripo at buti nalang at hindi na ako mag-iigib pa ng tubig.
Isinabit ko sa kahoy yung mga isusuot kong damit at pang-loob. Pagkatapos ay, hinubad ko na yung suot ko saka ko inilagay ito sa patungan sa gilid.
Hanggang sa maka-ligo na ako at nagsabon sa katawan. Nang ilalapag ko na sa lalagyanan yung sabon ay nalaglag iyon ng dumulas sa kamay ko. Nagbuhos muna ako ng tubig dahil parang humapdi na yung kanan kong mata ng malagyan na ng sabon sa mukha ko. Pagdaka'y ibinaba ko ng bahagya yung katawan ko na upo ang posisyon para abutin yung sabon na medyo malapit ng mahulog sa labas.
Bago ko pa makuha iyon, napansin kong may kulay green na gumagapang sa damuhan kung saan nandun malapit yung sabon. Hindi kasi sagad yung naka-harang na kahoy sa sahig kaya nakikita yung labas.
Nanigas ang buong katawan ko ng mapansin kong tumigil sa malapit sa sabon yung ahas.
"Ahhhhhhhh!!!!!" Malakas kong sigaw at hindi ko magawang igalaw ang mga katawan ko.
Nangingilid na sa yung mga luha sa mga mata ko habang bahagya akong naka-upo at naka-yakap sa'king sarili.
Please! Ayoko dito! gusto ko pang mabuhay! Kung tutuklawin lang ako ng ahas na 'to, maigi pa na sa malunod nalang sa dagat kesa mamatay sa tuklaw ng ahas!
Narinig ko ang malakas na pag-bukas ng pinto at hindi ko na inalintana kung sino iyon. Basta Ang mahalaga ay maka-alis ako sa lugar na'to.
"What happened?" Narinig kong boses sa likuran ko. Pero alam ko Kung kaninong boses iyon. Naka-harap kasi ako sa bandang gripo.
"Please! Alisin mo ako dito! Ayoko pang mamatay!" naiiyak kong sabi.
"I don't understand you! What happened?" nag-aalala niyang sabi.
"M-may ahas.." pagdaka'y saka na ako umiyak. Di ko na inisip kung anong itsura at postura ko ngayon kahit nandyan si Logan. Gusto ko nang umalis dito!
"Just don't move okay?" mahinahon niyang sabi. Napa-tango nalang ako habang patuloy na tumutulo ang luha sa'king pisngi.
Naramdaman kong may bumalot na damit sakin at kaagad na binuhat ako paalis sa pwesto ko.
"Ssshh. Don't cry, you're far from that place with snake now.." malumanay niyang sabi naka-tingin siya sa dinadaanan niya. Napansin kong buhat-buhat pa rin niya ako na parang ikakasal.
Napansin ko rin na naka-pulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Ipinikit ko nalang muna ang mga mata ko.
hello guys!!!
sorry for long update!!
keep safe everyone!!
God will protect our nation ❤️
Keep on praying! Loveluts ❤️