Télécharger l’application
62.5% Plan to Love You (Tagalog) / Chapter 5: "I'm His Girl"

Chapitre 5: "I'm His Girl"

"Hey, slut!"

Napukaw ang atensyon niya sa boses ng babaeng tila siya ang tinatawag ngunit patay malisya lamang siyang dire-diretchong naglakad sa pasilyo ng unibersidad.

"Wow! Nagbibingi-bingihan ang malandi!" Pagpapatuloy pa nito saka siya hinarangan kasama pa ang apat na babaeng kasama nito. Base sa suot ng mga itong wrist band, mga members ito ng Sigma Alpha Fraternity & Sorority na kilala sa buong unibersidad.

"May problem ba kayo?" Pilit niyang pinatatag ang boses.

"Sa tingin mo? Tigilan mo ang kalandian mo, girl." Ani nito saka idiniin ang hintuturo sa dibdib niya.

"Ano ba!" Galit niyang ani saka inalis ang kamay nito sa kanya.

"At pumapalag siya guys?" Ani nito. Akma siyang lalapitan ng iba pa nitong kasama ng tila napahinto ang mga ito at napatingin sa kanyang likuran.

"Anong meron dito, Shiela?" Tanong ng isang baritonong tinig mula sa kanyang likuran.

"Rein!" Bulong niya sa sarili ng makita ang lalake. Kababata niya ito at naging kaklase mula elementary ngunit magkaiba na sila ng kinuhang kurso pag-apak ng kolehiyo. Kilala ito sa unibersidad dahil ito ang founder at president ng nasabing frat na kinabibilangan ng mga babaeng nangti-trip sa kanya ngayon.

"Ah, ww-wala Rein. Sige, una na kami." Kandautal na ani ni Shiela saka nagmadali itong umalis kasama ang iba pang mga bababe

Nang maiwan na sila ng mga ito ay siya naman ang binalingan ng lalake.

"Long time no see, Hannah." Malamlam ang matang bati nito sa kanya. Napabuntong-hininga siya. Alam niyang mahigit three years niyang pilit sinubukang 'wag ng mag-cross ang landas nila ng lalake.

Ito ang first boyfriend niya. Kahit mga bata pa sila noon ay hindi niya maiitatangging naging seryoso ito sa kanya. Sinagot lang niya ito dahil gusto lang niya maranasan ng magkaroon ng boyfriend. Halos isang buwan lang tumagal ang relasyon nila noong high school sila.

"You still look beautiful." Ani nito saka siya binigyan ng isang matiim na titig.

"I am still in love with you." Pagpapatuloy nito saka nagsimulang humakbang palapit sa kanya. Siya naman ang nagsimulang humakbang paurong ngunit napalunok siya ng lumapat ang likod sa pader.

"I-I am sorry, Rein. Hindi kita minahal. Alam mo iyan." Pinipilit niyang patatagin ang boses lalo na at halos isang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa.

"Ouch." Malungkot na ani nito saka hinawakan ang dibdib at pagalit na muli siyang tinitigan. Bago pa mahulaan ni Hannah ang gagawin nito ay marahas na nitong nasakop ang kanyang mga labi. Buong lakas niyang itinulak ito at binigyan ng malakas na sampal at patakbo niyang iniwan ito. Agad naman siya nitong hinabol.

"Hannah!" Malakas na tawag nito kaya mas pinabilis pa niya ang lakad.

"Hannah!" Napahinto siya sa paglalakad at nag-angat ng ulo.

"Charles!" Gulat na ani niya saka nilingon si Rein na papalapit na sa kinaroroonan niya.

"Please, help me Charles." Mangiyak-ngiyak na samo niya dito sabay ang mahigpit na hawak sa braso ng lalake. Napakunot naman ang noo nito at napatingin kay Rein na galit na papalapit sa kinaroroonan nila.

"Charles Gabriel Torres." Mabagal na ani ni Rein habang ang mga mata ay nagpapalitan sa kanila ni Hannah. Ang babae ay parang bata pa ring mahigpit ng nakahawak sa braso ni Charles.

"Rein Del Mundo." Ani naman ni Charles. "Will you please leave my girl alone?" Pagpapatuloy nito.

"My girl?!" Bulong ng isip ni Hannah at napatingin sa lalake. Ngunit pormal lang itong nakatunghay kay Rein.

"Your girl?" Di makapaniwalang tanong ni Rein at tila napapantiskuhang napatawa.

Imbis na sumagot ay hinila na ni Charles ang kamay niya at dumiretcho na sila sa library. Galit na sinundan lamang sila ng tingin ni Rein.

"Rein is a very dangerous man, Hannah. Make sure na 'wag kang lalapit sa kanya." Wika ni Charles habang inaabot ang worksheet sa kanya.

Nangingig naman anag kamay na kinuha niya iyon. Pilit niyang hinahamig ang sarili. Iba kasi ang pakiramdam niya kanina ng kaharap ang lalake. Iba na ito sa Rein na kilala niya dati na isang maginoo at tahimik lamang na tao. Tila napansin naman ni Charles ang pagkabalisa niya.

"Here. Take this." Ani nito sabay abot sa kanya ng mineral water. Inalalayan pa siya nito sa pag-inom.

"Rein is my ex." Pagsisimula niya. Napaawang naman ang labi ni Charles at napatitig sa kanya.

"What?!" Gulat nitong ani.

"He was a good boy then. But now…" Ani niya saka napabuntong-hininga.

"That's why you have to get rid of him. Here's my number. Just text me pag ginugulo ka pa rin niya." Ani nito sabay abot ng isang card sa kanya na agad naman niyang tinanggap. Napahinga siya ng malalim. Hindi siya sigurado kung may magagawa nga si Charles kay Rein. Alam niyang baka manganib pa ang buhay nito.

"Thanks, Charles pero kaya ko na 'to. Baka madamay ka pa." Ani niya.

"Well, sa tingin ko damay na nga ako ngayon." Wika nito na tila pinapaalala ang sinabi nito kay Rein kanina.

"Bakit kasi 'yun ang sinabi mo." Reklamo niya. Tila inis naman siya nitong binalingan.

"Dahil 'yun lang ang magpapatigil sa kanya. See? Hindi na niya tayo hinabol pa." Paliwanag ni Charles.

Napailing na lamang siya ngunit hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib niya lalo na at alam ni Rein na doon din siya nag-aaral.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C5
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous