Télécharger l’application
49.23% TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 32: The King's Game

Chapitre 32: The King's Game

Chapter 30: The King's Game

Harvey's Point of View 

"Uy, ang daya! Turn ko muna bago ikaw!" Turo ni Jasper sa card na inilapag ni Reed sa mga decks. Naglalaro kami ngayon ng Uno sa Tambayan dahil nagkaroon kami ng 1-2 hours free time ngayon pa mang first day of class.  

"Ako na kaya! Anong ikaw?" Kunot-noong sabi ni Reed saka inilapag ni Haley ang Skip Card. Kaya imbes na si Kei ang tumira ay ako na. Hindi na namin pinansin 'yung mga pinagtatalunan nila Reed. 

Mayamaya pa noong itira na ni Kei ang pinaka last card niya.  

"I won." Saad ni Kei na may matamis na ngiti sa labi kaya parehong napatingin si Reed at Jasper. 

"Hindi pa kami nakakatira, ah?!" Sabay na kurong nila Reed na tinirikan ng mata ni Mirriam.  

Padabog at pahagis na inilapag ni Reed ang mga cards niya sa Deck. "Damn."

Sinisimulan ng ayusin ni Jasper 'yung mga cards. "Ngayong tapos na tayong maglaro ng Uno. Laruin naman natin ang King's Game." Yaya niya sa amin na ikinakunot-noo ko. 

"King's Game?" Banggit ko sa kanyang sinabi.  

Tumango si Jasper at nginisihan ako. "Pero hindi ito 'yung King's Game na kailangan mong uminum ng alak na may card sa tuwing natatalo. Iba itong King's Game." Litanya niya at kinuha ang bag niya sa sofa para kunin ang nabanggit na laro. May ipinakita siya sa aming iilang chopstick na mayro'ng numero sa dulo nito. Inilabas niya iyon sa lalagyan. 

"In this game, one of us will be elected as the KING, and will give any dares you want as orders which other players have to perform." Paliwanag niya. Ah, okay. Alam ko nga 'yung game na 'to. 

Nababasa ko rin kasi 'to sa mga binabasa kong novel kaya familiar ako. 

Haley hummed. "Ito 'yung game na madalas laruin sa Japan, hindi ba?" Tanong niya na binigyan naman ni Jasper na thumbs up. 

"Very good, Haley. Alam mo 'yung game." Ngisi niyang sabi at itinuon na ulit 'yung tingin sa mga sticks na hawak niya. "Kaya bestfriend kita, eh." 

Palihim kong sinulyapan si Mirriam na parang medyo nalungkot sa sinabi ni Jasper. 

Hindi naman siguro siya nagseselos pero... 

Simangot kong tiningnan si Jasper. "Hindi halatang pinaghandaan mo 'yang larong 'yan." Sambit ko.  

"Nabili ko lang 'to noon sa Anime Convention." Tukoy niya sa hawak niya. "Mura lang siya kaya binili ko na." Dagdag niya.

Nanatili kaming nakapabilog pero inayos namin 'yung mga upo sa aming mga pwesto.

Katabi ko si Kei at Mirriam habang katabi naman ni Reed si Haley at Jasper.   

Ipinatong ko ang dalawa kong siko sa tuhuran ko. "So, what are the rules?" Tanong ko saka napatingin si Jasper kila Haley na parang tinatanong kung alam ba nila. 

Itinaas ni Haley ang kanan niyang kamay. "I know." 

Umiling si Kei at Mirriam. "No." 

"Alam pero hindi ko sure." Sagot ni Reed. 

"Sige, ako na lang ang magpapaliwanag." Volunteer ko at ipinaliwanag ang larong The King's Game. Walang pinagkaiba ang laro na ito sa Truth or Dare game. Pero sa larong "The King's Game" ay may nakasulat na numbers sa dulo ng mga chopsticks habang ang isa naman ay may nakalagay na

キング na ang ibig sabihin ay "King" sa English. 

Kapag nakuha mo 'yung stick na may nakalagay na King ay ikaw ang magko-command sa gusto mong ipagawa sa babanggitin mong numero. Katulad na lamang nito... 

"Oh, it looks like I'm the king" sambit ni Mirriam kaya napatingin kami sa mga nakuha naming stick. Ang nakuha ko ay number 2... Ano naman kaya 'yung sa iba?

"Alright, then number 2? I will ask you a question" Saad ni Mirriam na nagpalunok sa akin. Ako 'yung number 2! 

 

"Who here would you most like to make out with? Answer the question number 2!" 

Ang bold naman nung tanong! Seryoso?! 

"For pete's sake. Do I really have to answer that question?" namumulang tanong ko kaya napatingin ang mga kaibigan ko sa akin samantalang namula naman si Kei kaya napayuko ito habang nilalaro laro ang mga daliri.

Ngumisi naman si Mirriam. "Ah, so ikaw si Number 2?" Tanong niya na may mapang-asar na tono sa kanyang boses.

"Ibahin mo 'yung tanong mo." Mariin kong udyok pero hinahamon talaga ako ni Mirriam dahil binelatan pa niya ako.

"Pero kung hindi ako magtatanong ng mga gano'ng bagay, it wouldn't be fun, would it?" Tuloy pa rin niya sa pang-aasar sa akin. "At hindi naman na tayo bata. What are you blushing for?" Sabay tingin niya kay Kei at nagtaas-baba ng kilay. 

Naglayo na lamang ng tingin si Kei nang hindi pa rin nawawala ang sobrang pagkapula ng kanyang tainga. 

Tumawa naman si Reed at ngumisi. "How bold." Si Reed naman ang umasar kay Mirriam pero binigyan lang siya ng nakamamatay na tingin nito kaya napaurong ang ulo ni Reed. 

"No, I won't answer that." Pagmamatigas ko. Ayoko namang sabihin ng harap-harapan na si Kei 'yung gusto kong-- Malamang! Alangan namang sa ibang babae ko gustong makipag make out!? 

"No KJ is allowed here." Simangot na wika ni Mirriam. 

"Basta hindi." 

Lumingon si Mirriam kay Jasper. "Ano'ng gagawin ng player kapag hindi niya sinunod ang order ng king?" Tanong nito. 

Lumapad ang ngiti ni Jasper. "Maghuhubad sa gitna." 

Napanganga naman ako. "Wala naman akong nabasang gano'n, ah!" Bulyaw ko. 

Nagkibit-balikat si Jasper. "But that is the only rules of King's Game. What do you expect?" 

Napayukom ako ng kamao. Kaysa naman maghubad ako ng damit at pagtawanan ng mga ito. 

Mas maganda na siguro kung sasagutin ko na lang 'yung question nitong si Mirriam, simple lang naman, eh! 

Ano pa 'yung dinuduwag-duwag ko?! 

"The King's orders are absolute" Segunda ni Mirriam at mas lalo akong nginisihan. 

Natutuwa talaga siya sa akin, ano? Hahh! Humanda ka talaga, kapag na-tsambahan kita kay Jasper! 

"Damn you, woman..." nanggigigil na curse ko at umayos ng upo para humarap kay Kei na nasa tabi ko nga lang.

Tumikhim ako. Dammit! Ayoko talaga 'tong sabihin sa harapan niya! P*tangina! Gusto ko na lang magpakasagasa mamaya sa kalsada and end my life! 

"You're asking the obvious thing, stupid." Panimula ko at tukoy kay Mirriam. "Of course, that would be my girlfriend." Tumungo si Kei nang sabihin ko iyon samantalang halos kiligin naman si Haley dahil tumatawa na siya ro'n sa pwesto niya. 

Humihiyaw naman si Jasper at pinaikot-ikot sa ere ang hinubad na coat. Siraulo! 

"E-cchi1." Nag tono babae pa itong si Reed para asarin ako. Akma ko sana siyang sasapakin pero kinuha lang niya kaagad 'yung throw pillow na nakalagay ro'n sa sofa na nasa likod at ginawa itong shield.  

"Okay, round 2!" Kinuha ni Jasper ang mga sticks at kiniskis ito sa mga palad niya upang magulo ang mag change 'yung positions ng mga ito pagkatapos ay pahagis na inilagay sa gitnang sahig. 

Kumuha kami isa-isa at tiningnan ang mga numbers namin. 

"Oh, yeah! Ako naman ang king!" Tuwang-tuwa na wika ni Jasper at tinignan kami isa-isa. 

Hahh, I don't think mababanggit ako sa pagkakataon na ito. Hindi naman din madalas mabanggit ni Jasper ang number 4. Just a feeling.   

Muli kong sinulyapan si Kei na ngayon ay idinidikit ang stick sa kanyang mapulang labi. 

Huminga ako ng malalim at naglayo ng tingin. I want to kiss her. 

Miles' Point of View 

Kasalukuyang nag-iisip ng iko-command si Jasper samantalang kabado pa rin ako sa babanggitin nilang number. Number 5 kasi ang nakuha ko, I'm just hoping na hindi mabanggit ang number ko. Knowing Jasper, maraming kalokohan 'yan.

"Number 1! Hug mo si Number 5" 

Nanlumo ako at halos mapasapo sa aking noo. Sabi ko na nga, eh! 

Bumilog ang bibig ni Mirriam at tiningnan kami isa-isa. "Sino si Number 1?" tanong ko na sinagot naman ni Mirriam.

"Ako" Hiya niyang sagot.  

Tila para naman akong nilabasan ng tinik sa dibdib. "Buti na lang" ngiti kong sabi.

Namilog ang mata ni Mirriam. "Ay, ikaw si number 5?" Tumango ako bilang sagot kaya niyakap niya kaagad ako. Phew! Buti na lang pala talaga si Mirriam! 

Teka! Sino ba kasi 'yung iniisip ko?! 

*Click* 

"Jasper!" Nahihiya kong saway na ikinatawa niya. Kinuhanan ba naman kami ng litrato sa phone niya.

Nalaman ko lang dahil sa kaunting tunog with matching flash pa. 

"Ilalagay ko lang sa collection k--" Binato siya ni Miriam ng crumpled paper sa noo.

"I'll smack you!" 

*** 

"Round 3!" 

Kumuha na ako ng stick at tiningnan iyon pagkatapos ay nagulat na lang ng makuha ko 'yung King's stick. "Ako naman ngayon ang king" Pagpapakita ko ng stick sa mga kaibigan ko.

Kaya tiningnan nila 'yung mga hawak nila, at dahil sa hindi ko sinasadyang makita 'yung stick ni Harvey ay hindi napigilan ng mga labi ko ang mapangiti ng malapad. 

"Number 5? Alisin mo 'yung pambaba mo at lumabas ka para mag sexy dance" Sinabi ko 'yan habang nakangiti kay Harvey. 

"Nasilip mo, eh!" Bulyaw niya sa akin pero inilayo ko lang ang tingin ko.

"Ay, ikaw ba iyon?" Pagmamaang-maangan ko. 

Namumula nanaman si Harvey sa sobrang hiya habang namamangha naman si Jasper na nakatingin dito.

Kita ko rin ang paglabas ng ugat sa sintido ni Harvey at nagpipigil lamang na sumabog sa hiya.  

Masaya rin pala ang King's Game, ano? Nakaka entertain, you can command whatever you want as long as hindi mo rin naman siya ikasisira. 

Saka mabait pa naman ako sa lagay na ito, hindi ba?

Buong tapang na tumayo si Harvey. "Hinahamon n'yo talaga ako lahat, ah?" Parang go itong si Harvey base sa paraan ng pagtingin niya sa aming lahat.

Tawang-tawa naman 'yung dalawang lalaki samantalang nagpipigil lang kami ng tawa ni Mirriam. 

'Yung kapatid ko naman ay nakapikit na ang mata't nakayuko. 

Pumikit nang mariin si Harvey. "F*ck!" Mura ni Harvey at ibababa na sana ang pantalon noong may kumatok sa pinto. 

Sabay-sabay kaming mga napatingin doon. "Sino naman kaya yung kakatok dito?" Takang  sabi ni Reed bago pa man makatayo. Siya na ang magbubukas. 

Sinundan ko lang siya ng tingin. Binuksan na niya yung pinto at bumungad sa kanya ang isang napakagandang babae. Student siya ng Enchanted University dahil sa suot ng uniporme at base sa Blue necktie niya ay na sa 3rd year highschool pa lamang ito. 

Morena ang balat niya at matangos din ang ilong. Mayroon din siyang mahahabang hita at straight black hair na may Red headband sa tuktok ng kanyang ulo. Sino naman kaya ito? 

"Good morning. Magtatanong lang sana ako kung nasaan 'yung Enchanted University? Ang lalaki kasi ng mga building, hindi ko na makita kung nasa'n 'yung daan papunta ro'n." Sabi niya na may kaunting awkward na pag hagikhik. 

Nginitian siya ni Reed. "Ako na lang ang sasama sa 'yo. Baka maligaw ka pa." Pag volunteer ni Reed kaya napatingin ako sa kanya. Eh? 

  

Nahihiya namang tumanggi ang babaeng iyon. "H-huwag ka ng mag-abala. Okay lang, kaya ko naman." 

Kahit tumanggi na 'yung babae ay nag insist pa rin si Reed na samahan ito. Nagpaalam lang siya sa amin bago siya umalis sa tambayan kaya naiwan na lang kaming lima rito. Narinig ko pa 'yung naiiritang daing ni Mirriam sa tabi ko pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin at nakatingin lamang sa pinto.

Kinalabit ako ni Kei kaya bumaling ako sa kanya. Ngumiti siya nang kaunti. "Gusto mo ba munang mag Milktea? Palamig muna." Aya niya sa akin. Nakakaramdaman kaya siya?

Ibinaba ko ang tingin ko sa sahig at tumayo. "M-mas mabuti pa nga." Nauutal kong sagot. 

Sh*t. Seriously? Nagseselos ba talaga ako ngayon? 

The heck. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Naba-bother ako. 

Bakit ba kapag nagmamahal ka ng isang tao, hindi pwedeng mawala 'yung sakit? 

Nakakaasar lang isipin na ganito pa 'yung nararamdaman ko ngayon. 

  1. Ecchi comes from the sound of H in the word hentai

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C32
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous