Télécharger l’application
36.92% TJOCAM 2: The Authentic Love / Chapter 24: Offend

Chapitre 24: Offend

Chapter 23: Offend 

Harvey's Point of View 

"Wahh Harbe ~ Nandito na tayo sa Akihabara! Dream come true!" Inalis ko ang kamay ni Jasper na nandoon sa braso kong nakakapit. Kaunti na lang talaga at pagkakamalan ko na siyang bakla! 

"Girls, samahan n'yo nga ako ro'n sa may figurines." Turo ni Kei sa isang shop na puro anime figurines ang laman. "May titingnan lang din ako." Dagdag niya.

Umabante si Reed at tumabi kay Haley. "Sama na kami." 

Napatingin naman ako kay Mirriam na may tinitingnan sa hindi kalayuan. Naniningkit ang tingin niya ro'n nang kalabitin niya si Kei at hilahin sa tabi niya. "Si Kana Hanazawa yata 'yon?" Turo niya sa Japanese na babae sa hindi kalayuan na mayro'n ding tinatawag mula sa store. Dumating ang kasama niya kung saan biglang tumili si Kei at Mirriam.  

"Si Ayana Taketatsu! OMG! Tara!" Halata talaga kay Kei ang pagfa-fangirling niya at dali-daling pinuntahan si Haley, ni hindi pa nga siya nakakapagsalita ay hinila na siya nila Mirriam papunta sa dalawang babae na kung hindi ako nagkakamali ay mga Japanese Voice Actress sa bansang ito. 

Nakilala ko lang sila dahil nanonood din naman ako ng anime. Gusto ko 'yung paraan ng pag voice nila sa mga characters na napapanood ko kaya na-curious din ako kung sino. 

'Di ko nga rin inaasahan na kilala rin pala sila ni Kei.

"Okay, now what?" Tanong ni Reed at tiningnan 'yung mga gamit ng mga babae sa lapag. Walang sinabi si Jin at kinuha lamang ang gamit ni Mirriam at Haley bago naglakad papunta kina Kei.  

Hindi naman makapaniwala si Reed at napapaawang-bibig na lamang. "Gag* 'yon, ah?" Pagturo niya kay Jin.  

Napabuntong-hininga ako't walang ganang tiningnan si Reed. "Bakit kasi hindi mo na lang ligawan kaagad si Haley nang matapos na 'yang ganyang arte mo?" Tanong ko. 

Inis naman niya akong tiningnan. "Shut up."  

Kinuha ko na lamang ang gamit ni Kei na naiwan at sumunod kina Jin. Tinapik-tapik ko lang ang balikat ni Reed.  

"Arigato Gozaimasu." Pagpapa-salamat ni Kana Hanazawa kina Mirriam. 

[Thank you very much] 

Inabot ni Kei ang DSLR niya sa akin samantalang na kay Reed naman ang cellphone ni Mirriam. 

Tiningnan ko si Haley. 

"Hindi ka magpapakuha? Nasa'n ang cellphone mo?" Tanong ko na inilingan niya. 

"It's fine. Magpapa-tagged na lang ako kina Kei" Pag ngiti niya ng matamis sa akin. 

Ini-ready ko na nga lang ang pagkuha ng litrato kaya mga nagkanya-kanya sila ng posed. 

Click lang din kami nang click ni Reed nang mapasimangot ako dahil sa pagsingit ni Jasper sa likuran ni Mirriam. Napahinto na rin ako sa pagkuha ng litrato. 

T*ngina ng gag*ng 'to. 

Malapad ang ngiti ni Jasper na akala mo'y pinipindot ko na ang click. Hindi nga rin yata napapansin nila Kei na nandoon sa likuran si Jasper. 

"Nangangawit na 'ko, Harvey." daing ni Mirriam na todo rin ang ngiti. 

"Hoy! Harbe! Dalian mo!" Malakas na sabi ni Jasper kaya napatingin na sa kanila 'yung limang babae kasabay ang pag pindot ni Jin ng click. 

***

Kasalukuyang inaasar nila Kei si Jasper at Mirriam habang naglalakad kami sa Akihabara Place.

Napapansin kasi namin ang simpleng paglapit ni Jasper kay Mirriam kaya hindi na rin nila naiwasan na manukso. 

 

"U-uhm, ang totoo iniisip ko rin na bagay kayo." Ngiting wika ni Haley kaya napatingin sa kanya si Mirriam na pulang pula ang mukha. 

"What?! H-hindi! What are you talking about?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Mirriam samantalang mabilis na pumunta sa harapan niya si Jin. 

"You like him?!" Turo ni Jin kay Jasper. 

"Grabe ka naman makaduro!" Daing ni Jasper. 

"Kuya naman! Hindi ako magkakagusto sa taong mukhang special child! Ano ba?" inis na wika ni Mirriam at inirapan itong nilagpasan. 

Sinundan naman ng tingin ni Jasper si Mirriam bago maglakad para tabihan siya. 

"Hindi man ako special child pero may karapatan pa rin naman silang masaktan kapag sinabi mo 'yan!"  

Huminto naman si Mirriam at nginitian si Jasper. "Mas gusto ko pang magkagusto sa literal na special child kaysa sa ikaw na ipinagpala na nga't lahat-lahat pero saksakan naman ng ka-plastikan!" Pag emphasize niya sa salita na ipinagtaka naman ni Jasper. 

"What did I do to make you mad?" Naguguluhang tanong ni Jasper pero naglakad lang ulit si Mirriam.  

"Uhm, hindi ko na nasusundan kung bakit sila nagkaganyan." Pag-atras ni Jin.  

"H-hindi ko nga rin alam." Nauutal kong sagot.  

"Alam mo 'di na kita maintindihan, tombs!" Bagong pagtawag ni Jasper sa pangalan ni Mirriam kaya masamang napalingon si Mirriam sa gunggong. 

Lumapit naman sa kanya si Jin at kinuwelyuhan si Jasper. "Tinawag mo bang tomboy 'yung kapatid ko?" Tanong niya na may babalang tono sa kanyang boses.

"Hindi, hindi. Narinig mo na nga, 'di ba?" Bingi." Pamimilosopo pa ni Reed kaya si Haley naman itong nagbigay ng nakakatakot na aura. 

Ngiti siyang bumaling kay Reed. "No offense, Reed. Pero para kang papansin na nakikiepal sa issue ng may issue."  

"And what the hell does that mean?!" Inis na tugon ni Reed. Napahawak na lamang ako sa noo ko dahil sa mga argument ng mga taong ito. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao rito dahil ang iingay namin. 

'Di na lang sana kami lumabas kung ganito lang. Nakakahiya. 

Jasper's Point of View 

Nasa Souvenir shop kami ngayon at naghahanap hanap ng pwedeng pasalubong sa mga taong nasa bahay. Habang ako ay naghahanap lang talaga ng pwedeng design sa kwarto ko na dapat ay kasing pogi ko rin para pati kwarto ko ay mas lalong pumogi. 

Habang natutuwa akong maghanap, naalala ko bigla 'yung sinabi ng ate ko na kakauwi lang galing Russia, doon kasi siya nag-aaral. 

Flash Back 

"You're goin' to Japan with your friends?! Arasho ~" Mangha nitong sabi na mayroon pang pagdikit ng kamay na nalalaman. Tss, gestures. 

"Inggit ka?" Taas-babang kilay ko 

"Slight, but does Mom know about you, going there?" Tanong niya. Umiwas naman ako ng tingin. Ayaw na ayaw ng mga magulang ko 'yung nag gagagala ako masyado kahit na sa ibang bansa sila't hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi. Ngunit nandoon kasi 'yung takot ko na baka ayun pa ang maging rason para hindi nila ako bigyan ng allowance sa susunod na buwan kung ipagpipilitan kong sumama kina Harvey. 

Magsinungaling na lang kaya ako? 

"Oh, I know that look, JV" JV shortcut lang din ng Jasper Villanueva. Hindi na sinama 'yung pangalawang pangalan kong Kyle dahil pangit namang pakinggan.  

Tiningnan ko si ate Yiah at napapadyak sa sahig. "Pero ate naman! Kilala mo sina Mom! Hindi talaga ako papayagan ng mga 'yon kahit magpaalam ako! Huwag mong sabihin sa kanila." Pagmamakaawa ko. 

"No, you're not allowed to leave" May awtoridad na pagkakasabi niya. Ayan na nga ang sinasabi ko, eh! Kaya ayokong nandito 'tong babaitang-- Ih! 

Ngumiti ako nang pilit. "Ate, ano'ng gusto mo? Magpaalalay ako? O baka gusto mong libre kita ng isang buwan?" Tanong ko kahit ako 'yung tipong tao na hindi talaga bibigyan ng kahit na ano ang kapatid ko. 

Ngumuso siya't tumingala. "That's pretty boring. May yaya naman tayo to do house chores and such." Humawak siya sa labi niya. "Or! You buy me some souvenirs from Japan. I'll be happy if you do." 

Namilog ang mata ko dahil doon. Hindi naman mahirap 'yung pinapagawa niya but seriously? Ayun lang talaga?

Parang noon lang, kailangan ko pang magdusa dahil sa pangba-blackmail niya, hindi lang makarating kina Dad 'yung mga pinaggagagawa ko sa buhay. 

Marahan akong tumango. "S-sure--" Hindi ko pa nga natatapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang niya ako niyakap ng napakahigpit.  

"Arasho ~ You really love your beautiful sister, don't 'ya think?"  paglalambing niya na sinabay naman ng paghalik sa aking pisnge.

Dahil sa nandidiri ako sa labi niya ay kaagad kong pinunasan ang pisngi ko. "Stop kissing me! We're not kids anymore!" Bulyaw ko. Potek! Nakakadiri talga! 

Tumawa lang si ate Yiah at saka ako iniwan na namumula. 

Nagpahabol pa nga siya ng sasabihin. "Bring me the souvenir na kasing ganda ko, arasho~!" 

End of Flash Back 

Imbes na wala akong pwedeng gastusin, gagastos pa ako! Ipambibili ko pa ng bala ng PS VITA 'to, eh! 

Tumingin tingin na lang muna ako ng souvenir na kasing GANDA kamo ng kapatid kong mukhang engot lang. Pero dahil sa hindi ko naman alam ang mga taste ng mga babae ay lumapit na lang ako kay Mirriam. Medyo alanganin ako dahil baka mamaya, sigawan nanaman niya ako pero nagawa ko pa rin naman siyang kalabitin. 

Lumingon siya sa akin at pumaharap sa akin na suot ang walang gana niyang tingin. "What do you want?" 

Umarte na lang ako ng normal. Noon, sa totoo lang kahit galit siya sa akin ay nagagawa ko pa rin siyang biruin. Pero bakit ngayon? Ang hirap? Nahihirapan akong magbiro-biro dahil baka mamaya, mas lalo pa siyang magalit sa 'kin?

"Ah, ano... Magtatanong kasi ako" panimula ko at humawak sa aking batok. "Kung bibigyan kayo ng mga lalaki ng souvenir as a gift, ano ang pipiliin mo sa mga 'to?" Turo ko sa mga souvenirs na nandito. 

Kumpara kanina, mas tumamlay na ang kanyang mukha na para bang hindi siya interesado sa sinasabi ko. "Why don't you ask the girly one?" Turo niya kina Haley at Kei na magkasamang namimili ng souvenirs. "Hindi naman ako babae katulad ng sinasabi mo kaya hindi kita matutulungan diyan" Huling sabi nito bago umalis sa harapan ko. 

Nakatulala lang ako sa pwesto niya kanina nang mapatungo ako nang kaunti. I see, I offended her. 


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C24
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous