Read, vote and comment is recommended.
Feel free to ask questions.
--
FOURTH CHAPTER
ALYANA' s POV!
Anu ng gagawin ko? Ang sekreto ko nabunyag na😭 ang malala pa, inamin ko mismo kay Patrick na siya ang crush ko huhuhuhu.
Bakit ba kasi siya palang ang nakachat ko sa NearChat eh kaya pala parang ang saya ko na kinikilig ako sa bawat reply kasi siya pala talaga yung kachat ko huhuhuhu. Siguradong aasarin na naman ako nun bukas, anu ang gagawin ko huhuhuhu.
(KINABUKASAN) (7am)
Nanood ako sa youtube kung paano magbangs dahil kailangan ko magdisguise para hindi makilala ni Patrick dahil sigurado akong aasarin ako nun huhu.
(8:20am)
Nagmamadali akong lumabas ng pinto dahil malelate na ako,mali,late na pala ako.
"Apo!" Tawag sakin ni lola kaya napahinto ak at tumingin sakanya ng bubuksan ko na sana ang gate.
"Bakit po lola? Nagmamadali na po kasi ako eh." Sabi ko kay lola abang inaayos ko ang bangs ko.
"Abay loko kang bata ka, papasok ka ng walang baon, naiwan mo itong wallet mo sa lamesa at nakita ko anjan pa din yung picture niyo nila Patrick at bakit may picture ka ni Patrick jan ah, crush mo ba yun apo?" Tanung ni lola sakin.
"Lola, diba nga po matagal ko ng crush si Patrick mula bata palang kami hanggang ngayon, inaasar mo pa nga kami dati eh, lola talaga oh." Sabi ko at kinuha ko yung wallet.
"Oo nga nuh, abay pasensya apo dahil may pagkamalimutin na ang lola, sige pumasok ka na tapos tignan mo na din si Patrick sa bahay nila para sabay na kayo pumasok." Pang aasar na naman ni lola.
"Nang aasar na naman si lola, mamaya na lang po, papasok na po ako lola." Sabi ko kay lola at niyakap siya.
"Mag ingat ka apo ah." Sabi niya.
"Kayo din lola, ilock niyo itong gate ah at isara mo yang pinto at lola wag magswiswiming sa pool ah, hindi ka penguin o dolphin para marunong lumangoy mag isa." Sabi ko kay lola at lumoob na siya bahay.
Oo, tama ang dinig niyo, may pool kami, lahat kasi ng taga dito sa Heights sub. Ay second floor ang mga bahay at may mga pools.SKL haha.
Tumakbo na ako para lumabas sa gate.
"Bulaga!!!" Gulat sakin ng isang tao.
"PATRICK?!!!" sigaw ko sa sobrang gulat.
SAN ITO NANGGALING? BAKIT SIYA ANDITO?
OMYGOSH!
HINDI NAMAN SIGURO NIYA NARINIG YUNG SINABI NI LOLA KANINA DIBA? OMG.
"Bakit ka andito aber? Eh doon ang bahay niyo oh!" Maldita kong sabi sakanya sabay turo ng bahay nila na tatlong bahay muna bago samin.
"Susunduin ko yung friend ko na si Alyana Bautista aka Lucy Hartifilia." Sabi niya at kumindat.
"Tsk. Binabawi ko na nga diba? Hindi tayo magkaibigan nuh." Sabi ko sakanya pero ang totoo magkakaibigan kami DATI.
Naglalaro kami nung mga bata pa kami. Tinatawag nga nila akong Alyaya eh tapos si Nelle ay Nellelelele, si Rence naman ay si Renceyyy, si Kim si Kimmot at si Patrick ay Patpatin hanggang ngayon naman hahahaha. Doon pa kami dati naglalaro sa bahay nila Patrick nung hindi pa umaalis mga magulang namin.
Ang magulang naming lahat ay magkakapitbaay dati pa at magkakaibigan din pero yung parents ko at parents ni Patrick lang ang naging magkatrabaho sa ibang bansa kaya parehas na lola ang nag aalaga samin. Si papa ko at papa niya at magbestfriend pati si mama ko at mama niya kaya nga bagay kami eh wahahahaha charpt na totoo hahahahahahaha.
"Talaga ba alyaya?" Sabi niya sakin.
WAIT....NAALALA NIYA?
"Tsk. Anung alyaya ka jan, Alyana pangalan ko." Mataray ko pa ding sabi sakanya.
"Alam ko pero diba nung bata tayo, ang tawga namin sayo nila Nelle ay Alyaya haha tapos ako si Patpatin, si Rencey nga si Rence, si Nelle ay Nellelelele at si Kim ay Kimmot, diba, remember?" Tanung niya.
WOW.
Akala ko nakalimutam na niya ako pero hindi pala, naalala niya ang lahat.
"Tsk anu bang pinagsasabi mo? Hindi ko na yun inaalala." Sabi ko sakanya.
"Sure ka alyaya? Lahat ng masasaya nating memories dati, hindi muna naaalala?" Tanung niya sakin na may medyo pagka disappointment na boses.
Nang marinig ko ang sinabi niyang yun, putik, naawa ako, promise! Parang nadisappoint ko siya.
"Akala ko naalala mo ang lahat, akala ko walang kalimutan." Sabi niya ng may mapang akit na tinig.
May tricycle na dumaan kaya naman pumara ako.
"Halika na, sabay na tayo pumasok." Sabi ko sakanya habang timitignan siya na nakatingin lang sakin.
Pumasok siya sa loob at syempre pati ako kaya magkatabi kami pero walang imikan hanggang sa makarating kami sa school.
"Ito po bayad naming dalawa, salamat po." Sabi niya habang ako kukuha palang sana sa wallet ng pamasahe.
"Salamat." Sabi ko sakanya.
"Walang anuman." Sabi niya na ganun pa din ang boses na tila malungkot na nanghihinayang.
ANU BANG GINAWA KO!!!
BAKIT KO SBA KASI YUN SINABI EH! NAGI-GUILTY TULOY AKO!! HINDI KO NAMAN TALAGA NAKALIMUTAN LAHAT EH, BAKIT KO YUN KAKALIMUTAN?
KUNG YUN ANG MGA PINAKAMASAYANG ALAALA NG NAKARAAN.
KAILANGAN KO MAKAGAWA NG PARAAN PARA HINDI NA SIYA MAGING MALUNGKOT AT MAGTAMPO, BUSIT, HINDI KO MATIIS ANG LALAKING ITO.
Gumawa ako ng gc at inadd ko si Nelle,Rence at Kim at chinat sila na magkikita at magsasabay sabay kaming kumain mamayang lunch dahil matagal na din naming hindi ito nagagawa.
* CONVO*
Alyana : Nelle, Rence at Kim sabay sabay tayo mag lunch mamaya.
Nelle : sige pero panu si Patrick? Hindi ko ba siya yayayain?
Alyana : pag gusto niya kasi baka tumanggi siya eh dahil may nagawa akong hindi maganda.
Rence : anu naman yun?
Alyana : sinabi kong hindi ko na naalala yung mga tayo dati, yung naglalaro tayo, yung mga tawagan natin sa isa't isa pero ang totoo naman talaga hinding hindi ko yun makakalimutan eh, yung childhood picture nga natin nung magkakasama tayo sa pool nila Patrick nandito sa wallet ko eh.
Nelle : haha same, andito din yun sa wallet.
Kim : naka frame yung akin haha, andito sa may kwarto, may naalala ako doon haha.
Rence : pati sakin nandito sa wallet ko at sa kwarto haha, nay muntik malunod doon wahahahha, sinu kaya iyon? Ahemm...
Alyana : tsaka na tayo magkwentuhan pag kumpleto na tayong lima haha.
Nelle : ahys kayo kasing mag jowa eh, wag mag away dapat haha.
Rence : magjowa? Sinu?
Kim : ahemmm....Alyana mayroon ka atang hindi sinasabi sakin?
Alyana : baliw ka talaga Nelle haha, walang kami haha. Sige guys basta mamaya ah sa jollibee.
Nelle : okay.
Rence : owryt haha.
Kim : noted.
Nelle added Patrick Nikolas Ocampo
Patrick : ? (Seen by 4 persons)
*END OF CONVO*
Ahyss sana naman magbati kami ni Patrick oh, pag talaga kami nagbati, aamin na ako sakanya bahala na kung madeny basta naamin ko.
(CLASSROOM)
"Bessy anu bang meron at nagpatawag ka ng emergency meeting haha." Sabi ni Kim habang inaayusan ng buhok si Rio.
"Anu na naman yan?!" Tanung ni Rio samin.
"Wala po." Sabi ko.
"Tungkol na naman sa Patrick na yan." Sabi ni Rio.
"Hindi po." Sinabi ko na lang.
(FASTFORWARD) ( 11AM)
Nagkita kita kaming apat sa may hall na hindi kumpleto kasi wala si Patrick.
"Asan si Patrick?" Tanung ko kay Nelle.
"Ah mamaya pa kasing 2pm klase namin kaya naman umuwi siya." Sabi ni Nelle.
"Bess anu oras ang klase natin mamaya?" Tanung ko kay Kim.
"2pm din bess." Sabi niya.
"Kung bili na lang tayo sa jollibee ng barkada bundle tapos doon tayo kanila Patpatin kakain katulad ng dati, diba?" Sabi ko sakanila.
"Great idea Alyaya!" Sabi ni Nelle.
"Anu pang hinihintay niyo? Gutom na ako,tara na." Sabi naman ni Rence.
"Palagi namang gutom eh." Sabi ni Kim at pumunta na kami agad sa Jollibee na tawiran lang naman hahahaha.
(PAGKATAPOS BUMILI SA JOLLIBEE)
Sumakay kami sa gray na van nila Nella na hightech haha, SKL ah, itong van nila Nelle hindi ito regular na van dahil may tablet ito na nakakabit sa mga passenger seats at may pa-table pa ito na nakafold para in case na magutom, makakakain ng maayos haha, diba kwalitaks? Si Nelle kasi pinakamayan eh haha.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa bahay nila Patrick.
Sa ngayon may dala-dala akong limang sundae at mcfloat, si Kim naman may dalang sampung fries sponsor ni Nelle na isang fries lover, si Rence naman ang may dala ng limang chicken spag. Na breast part lahat haha, favorite namaing lima yun eh haha at with sampung kanin haha at si Nelle naman na duman kanina sa Greenwich ang nanlibre na naman ng tatlong barkada size hawaiian overload pizza, yaman diba? Si Nelle ata yan.
Nagdoorbell na si Nelle at si lola ni Patrick ang nagbukas ng gate.
"Oh anung meron at may mga dala kayong pagkain?" Tanung ni Lola Patty.
"Napag isipan po kasi namin na mag picnic lola." Sabi ni Nelle.
"Pasok kayo, si patrick nasa kwarto niya, ewan ko ba mukhang matamlay pero wala namang sakit." Sabi ni lola Patty.
"Sige po lola, pupuntahan na lang po namin siya." Sabi ni Rence at pumasok na kaming apat.
Dumiretso kami sa second floor at kumatok si Nelle sa pinto ni Patrick.
"Lola, hindi po ako gutom." Sabi ni Patrick mula sa loob.
"Kami ito Patrick." Sabi ni Nelle.
Binuksan ni Patrick yung pinto at halatang nagulat ng makita kaming apat.
"Bakit niyo kasama yung taong nakalimutan na tayo?" Sabi niya at tumingin sakin.
"Sorry patrick." Sabi ko sakanya.
"Pwede mamaya na kayo mag usap? Gutom at masakit na kamay ko e." Sabi ni Rence kaya pumasok na kami sa kwarto ni Patrick.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Patrick, namangha ako sa mga poster ng December Avenue, IV Of Spades at iba pang mga banda, mayroon sin siyang cabinet na punong puno ng mga albums at pick ng mga gitara ng mga banda na collection niya, nakita ko din na may isa pang pinto na may nakalagay na "CLOSET AND GUITARS" pero bawal pumasok doon dahil may nakalagay na "DO NOT OPEN, OK? JUST ME."
"Huwaw! Ganito ka kaadik sa mga banda?" Napatanung ako ng hindi oras.
"Hindi pa ba halata? Baka gusto mo pang tignan ang Closet and guitars ko?" Maldito niyang tanung sakin.
"Pwede ba?" Masaya kong tanung sakanya.
"HINDI." Sabi niya ng may masungit na boses.
"OPM Bands fangirl din kasi si Alyana." Sabi ni Kim at may tila binulong si Patrick pero hindi ko maintindihan.
"Kung ayaw mong andito ako, sabihin mo dahil aalis naman ako at sorry kung nasabi ko na hindi ko na naalala ang mga kaibigan ko nung bata pa ako, sorry kung nagsinungaling ako, panu ko kakalimutan ang mga alaalang masasaya kasama ang mga kaibigan ko? Paanu ko makakalimutan yun, hinding hindi ko kakalimutan yun Patrick dahil yun ang masasayang alaala ko kasama ang mga kaibigan ko, kung nakalimutan ko kayo bakit ako may picture natin sa wallet ko? Bakit ako may photo album na lahat ng andun ay tayo? Bakit mayroon akong framed picture natin sa kwarto ko? Sa salas namin? Hindi ko kayo nakalimutan, kaya ko yun nasabi dahil aasarin mo na naman ako Patrick kaya sorry kung nasabi ko yun, nagsisisi ako sa nasabi ko Patrick kaya ako nagplano na maging buo ulit tayong squad." Sabi ko sakanya na umiiyak dahil hindi ko na kaya talaga na hindi umiyak.
"Guys sorry sa inyo, aalis na lang ako." Sabi ko sakanila at lumabas ng kwarto, narinig ko pang tinawag ako ni Kim pero hindi ko siya pinansin.
Nang makalabas na ako ng bahay nila Patrick, lumabas din si Kim.
"Bessy." Sabi niya sakin at nilapitan ako.Niyakap ko si Kim habang umiiyak.
"Bakit ka lumabas?" Tanung ko sakanya.
"Alangan naman hayaan kong magdrama mag isa ang bessy ko, uuwi na din ako dahil tinext ako ni mommy." Sabi niya kaya naglakad na lang kami para umuwi.
(1PM)
Nakaupo ako sa kama ko habang ginagamit ang phone ko. Nagleft ako sa gc na ginawa ko kanina at natulog.
(1:50PM)
Nag alarm ang cellphone ko kaya naman nag ayos na ako at nasa labas na palang nag aabang si Kim kasama si Nelle,Rence at..
PATRICK?
Lumabas na ako ng gate at umiiwas akong tumingin kay Patrick kahit na nakatingin siya sakin.
"Tara na, eight minutes na lang, klase na natng lahat." Sabi ni Nelle at ngumiti.
Sumakay ulit kami sa van nila Nelle at nagpahatid sa school.
(PAGKADATING SA SCHOOL)
Hinatak ko na agad si Kim palabas ng van.
"Alyana." Tawag sakin ni Patrick.
Napahinto ako at lumapit sakanya.
"Bakit ba?!!" Tanung ko sakanya.
"Sorry, sorry kung palagi kitang inaasar, gusto ko lang naman maibalik yung dating tayo, yung dati nating pagkakaibigan dahil ngayon parang hindi na tayo nagkakasama, hindi na tayo nag uusap nila Nelle kaya sorry, please?" Pagmamakaawa niya habang napapansin kong may mga tumitingin samin.
"Ayos lang yun, tsk patpatin pa din talaga." Sabi ko sakanya na tumatawa.
"Alyaya pa din kita." Sabi niya at nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin.
"Uy! Bitaw, daming mga masasamang nakatingin sakin na mga babae, baka anu pa isipin nila." Sabi ko sakanya at binitawan niya ang pagkakayakap sakin.
"Hayaan mo silang mainggit, bestfriend kaya kita, tayo nila Nelle magbe-bestfriends tayo, diba squad nga tayo haha." Sabi niya at tumawa.
"Oo na, sige, mauna na kami ni Kim dahil late na tayong lima." Sabi ko sakanya.
"Ay oo nga pala, sige kita na lang tayo mamayang uwian." Sabi niya at nilapitan niya si Nelle at Rence.
"Tara na!" Sabi niya at tumakbo.
"Babye Kim at Alyana." Sabi ni Nelle.
"Babye Alyana at Kim!" Sigaw ni Rence.
"Babye my Nelle." sabi naman ni Kim.
"Anu? Anu? Anu? My Nelle?" Sabi ko kay Kim.
"Ahyss halika na nga, kung anu anu naririnig mo, late na tayo!" Sabi niya at tunakbo din kaya hinabol ko siya.
Ayieee kinikilig ako sa yakapan scene namin ah at masaya ako dahil bumalik na kami sa dati na magkakasama ulit, magkakabati na at for sure, ito na ang simula ng kalokohan naming lima haha.
--
PLAGIARISM IS A CRIME!!
--
Add or follow niyo sa facebook ko :
Abigail Parayno😊 thank you!!!