Para iyong sibat na tumusok sa puso ko. Napaatras ako ng isang hakbang dahil doon... parang nanghina ang tuhod. Paulit-ulit na nagplay sa utak ko ang sinabi niya.
It was a mistake?
Dahil nagkaaway sila ng pamilya niya dahil sa akin?
It was a mistake? Na naaalala na niya ako?
"H-ha?" Iyon lang ang nailabas ko sa dami ng gusto kong sabihin. Ngunit hindi siya sumagot. Panay buntong hininga ang naririnig ko.
Muli akong napaatras nang humarap na siya sa akin suot ang seryoso na mukha.
"I'm sorry..." aniya pa.
Palagay ko ay mababaliw na ako kaya naman tumawa ako kahit na ramdam ko na ang luha na nagbabadyang tumulo.
"M-mistake..." paguulit ko. Isang luha ang tumulo na agad kong pinunasan. "It was a mistake? Yung paghalik mo sa akin? Yung pagkaalaala mo sa akin? Kasi dahil sa akin, nagaway kayo ni Topher?"
"It was a mistake," aniya ulit. "Na ngayon ko lang inamin 'to..." he took a step closer to me. Hindi ako makagalaw at parang natuod ako sa kinatatayuan ko. "It was a mistake, na ngayon lang kita pinaglaban ng ganito."
The moment I realized it, hawak na niya ang magkabilang braso ko. I look up to him habang nakapako lang rin ang mata niya sa mata ko.
"That's the mistake I'm saying. I won't do that again." Aniya.
Hindi ako nakasagot at nanatili lang nakatitig sa kanya. He wiped those tears na dumampi sa pisngi ko.
"Simula ngayon, pupuntahan na kita kapag gusto ko. Hahawakan kapag gusto ko. Yayakapin kapag gusto ko... hahalikan kapag gusto ko," he leans closer para bigyan ako ng saglit na halik sa labi. Sandali ring tumigil ang tibok ng puso ko na para bang sasabog iyon. "Hindi ko na pipigilan 'tong nararamdaman ko."
"N-naaalala mo na a-ako?" Iyon pa rin ang tanong ko dahil hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko nananaginip ako.
Marahan siyang tumango.
Para bang isang kalabit iyon upang mas lalong bumuhos ang luha ko. He hugs me tighter habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko...
"K-kailan pa..." tanong ko noong kinaya ko na.
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin upang tignan ako sa mata.
"Matagal na, Via..." aniya. "Simula pa n'ong... nagkita tayo sa bus station."
Nalaglag ang panga ko.
Matagal na nagproseso sa utak ko 'yomg sinabi niya. Naaalala niya na ako dati pa? N'ong nagkita kami sa bus na unang pagkikita namin after 6 years? "All this time..."
He sighed again and closed his eyes na para bang nahihirapan siyang ipaliwanag ang lahat. Sinubukan kong hulihin ang kanyang mata.
"I'm sorry... I'm... just..." Matagal siyang hindi nakahugot ng salita, didn't know kung paano niya ipapaliwanag ang lahat. "I'm sorry... for doing that. Please... I'll explain, someday. Please?"
May takot na dumaan sa mata niya habang hinahawakan ako sa magkabilang balikat at tinititigan ako sa mata. I smiled sweetly saka hinaplos ang kanyang mukha.
Dahil doon ay sandaling gumaan ang mukha niya.
"Okay..." sambit ko. "I know you have your own reasons, and I trust you for that."
He smiled and kissed my forehead.
"Thank you, Via." Aniya. "I'll tell you everything soon."
Nagulat lang ako and at the same time, maraming tanong ang dumaan sa isip ko... pero wala na 'yong kwenta para sa akin. The moment na I thought mawawala ulit si Nico, I promised myself to not let him go again. I promised my self na tatanggapin lahat, kahit pa hindi na niya ako maalala.
But God is so good na bumalik na kay Nico ang mga alaala namin noon. Nagsinungaling man siya ng ilang araw, hindi na iyon mahalaga.
Matapos n'on ay nagpasya na siyang ihatid na ako pauwi. Siya na ang nagdrive ng kotse ko pauwi, aniya'y magbo-book na lang ulit siya ng sasakyan.
"Ano nga palang nangyari sa 'yo?" Tanong ko, habang hawak niya muli ang kamay ko habang nagmamaneho. "Tumawag kasi sa akin si Topher at sinabing naaksidente ka raw,"
"Nagkaroon ng problem sa construction site ng isang project namin sa Makati. Isa sa construction workers namin ang naaksidente,"
"Bakit? What happened?"
"Naging mabilis ang pangyayari kaya hanggang ngayon iniimbistegahan pa rin ang site kung paano nalaglag 'yong hollow blocks mula sa itaas naming dalawa."
"What? Hollow blocks?"
"Yeah, maybe may nakasanggi or such. Hindi pa namin alam. Ang alam ko lang, mas maraming blocks and bumagsak kay Kuya Lando kaya kahit naka-hard hat siya ay hindi na niya kinaya."
Napasinghap ako dahil sa sinabi niya.
"Is he the--"
"Yes, siya 'yong inakala mong ako kanina." Aniya. "I'm lucky to be alive dahil daplis lang ang nangyari sa akin, pero I felt sorry for his family as well. Ang anak niyang lalaki na college pa lang ay nagtatrabaho rin minsan sa JCG."
Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin sa Buenavista. Pinasok na muna niya ang sasakyan papasok ng garahe namin kaya naman nakita pa siya ni Mommy dahil si Mommy ang nagbukas ng gate para sa amin.
Binigyan kami ng mapagtanong na ngiti ni Mommy.
"Oh, hijo, buti nakabalik ka?" Humalik lang ako sa pisngi ni Mommy. Si Mommy naman ay bineso si Nico. "Thank you sa paghatid, ha? Okay lang kahit dito ka muna matulog ulit."
"Uh, hindi po, I... need to go home." Napatingin si Nico sa akin.
"Yes, Mom, may emergency kasi sa kanila e, sa bahay nila sa Maynila." Agap ko.
"Ah, gan'on ba? O sige, ingat ka na lang hijo?" Sabi ni Mommy.
Hinila ko naman agad sa braso si Nico upang makalabas na agad kami. Kilala ko si Mommy, magaling mamilit 'yan lalo na kapag nagbago pa ang isip.
"Do you really need to go?" Tanong ko noong nasa tapat na kami ng gate. Tumango siya.
"Kailangan ko pa rin silang harapin, and I need to talk to Kuya Lando's family."
He promised to text me for update kapag nakaharap na niya sina Topher at Mrs. Garcia, as well doon sa pamilya ni Kuya Lando bago na siya sumakay sa sasakyan ni binook niya.
Pumasok ako sa bahay at as expected sinalubong ako ng tanong ni Mommy. Pero hindi muna ako umamin, hindi ko muna kinwento sa kanya ang nangyari, at hindi ko muna sinabi kung sino ba si Nico. Saka na lang siguro kapag handa na ako.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. I still can't summarize it. Pakiramdam ko pa rin anytime ay gigising ako sa isang panaginip.
Sumalampak ako sa kama pagkatapos kong gawin ang night routine ko. Halos 12 MN na and I still can't sleep. Inaalala ko si Nico at kung kamusta siya ngayong sinubukan niyang kausapin ulit sina Topher at Mrs. Garcia.
Habang iniisip ko iyon ay biglang nagring ang cellphone ko. Nico's calling kaya naman sinagot ko iyon.
"Hey," bungad ko.
"Hey," aniya rin, bakas sa boses ang lungkot kaya naman agad akong napaupo mula sa pagkakahiga. "Did I wake you up?"
"No, uhm, hindi ako talaga ako makatulog." Sagot ko. "Kamusta? 'Yong pamilya ni Kuya Lando?"
"They are grieving noong iniwan ko sila sa ospital, pero hindi naman nila ako sinisi. The company promised to pay for everything and to investigate the site further... para malaman kung accident lang ba ang nangyari o mayroong dapat sisihin."
I felt sorry to the extent na hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
"H-how about... Topher and Mrs. Garcia? N-nakausap mo sila?"
I heard his deep sigh.
"Hindi." Aniya. "Ayaw nila akong pakinggan and... they kicked me out of their house."
"What?" Mas lalong nagising ang diwa ko. "Why would they do that? Pamilya ka pa rin nila!"
Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty... dahil sa akin kaya niya 'to nararanasan.
"Hey, don't worry..." aniya kahit ramdam kong hindi naman talaga. Napakagat ako sa labi ko dahil sa gusto kong saktan si Topher o si Hazmin o si Mrs. Garcia... He doesn't deserve this. "I... just need to see you. I don't care if it is 5 minutes or whole night. I just want to see you."
"Where are you?" I asked.
"Dito... sa tapat ng bahay niyo." Kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Agad akong tumayo upang kuhanin ang susi ng sasakyan ko just in case may gusto siyang puntahan.
Sando at pajama lang ang suot ko kaya naman naisip kong magpatong na lang ng jacket para mabilis. Habang naghahanap ako sa closet ay nahagip ng mata ko ang jacket na matagal nang hindi nasasaoli sa may-ari.
I smiled a little saka iyon kinuha. Mabuti na lang mabango pa rin iyon at amoy fabcon. Kinuha ko rin 'yong panyo na ibinigay niya noon sa akin.
Tulog na si Mommy sa kabilang kwarto kaya naman malaya akong nakalabas ng bahay. Ni-lock ko na lang iyon ng maayos. Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko agad si Nico.
Naglakad ako palapit sa kanya at halos matunaw ang puso ko nang yakapin niya ako agad. I can feel his sadness at hindi ko alam kung paano iyon aalisin.
Niyakap ko na lang siya pabalik at mas mahigpit.
"I'm sorry..." iyan lang ang nabanggit ko. Pakiramdam ko talaga ang lahat ng ito ay kasalanan ko.
Humiwalay siya sa akin upang titigan ako sa mata. Ang mga kamay niya ay nanatili lang na nakayakap sa bewang ko.
"Don't be," aniya saka hinaplos ang mga buhok na kumakawala sa tenga ko. "Kung alam mo lang, within those years that've passed, ngayon ako pinakamasaya. Dahil sa 'yo."
I smiled a little kasabay ng masayang tibok rin ng puso ko.
"I thought you're happy without me," I pouted my lips and act sad, kahit halos mapunit na ang mukha namin kakangiti.
"Kung alam mo lang," aniya ulit. "Pwede pa ba kita hiramin ngayong gabi? I want to show you something."
Napaisip ako dahil may pasok ako bukas.
"Saan tayo pupunta?" I asked, kunot ang noo.
"You'll see."
Naramdaman kong binitawan niya ang bewang ko at tinignan niya na ang suot ko. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit, pero narealize ko na suot ko nga pala ang jacket niya from six years ago...
I smiled widely. Nakita ko rin ang pagkislap ng mata niya.
"Why?" I asked innocently. Napuno ng paru-paro ang tiyan ko dahil totoo nga... totoong naaalala niya ang nangyari noon.
"Wala pa ring nagbago... bagay pa rin sa 'yo." Aniya.
"Itong jacket mo?" I bit my lower lip while waiting for his answer.
He leaned in and give me a soft kiss.
"'Yong apelyido ko."