Télécharger l’application
85.96% NOVEL BY AYRADEL / Chapter 49: Not Again

Chapitre 49: Not Again

Sumandal ako sa likuran ng pintuan namin upang ngumiti ng parang baliw. Ang kulang na lang kanina ay i love you. Ayoko namang maunang magsabi n'on dahil pakiramdam ko mabibilisan siya sa aming dalawa...

Para sa kanya ay saglit pa lang simula noong nagkakilala kami.

Lumipas ang araw at na-busy na ako sa trabaho. Gan'on rin si Nico na palaging nasa iba't ibang lugar dahil sa pagbisita sa iba't ibang site ng projects nila. Hindi kami madalas mag-text at doon ako nalulungkot...

Bakit kaya hindi niya ako kino-contact?

Panaginip lang ba 'yong araw na iyon?

Hindi ba iyon nangyari?

Nagaalala tuloy ako.

Nakatitig lang ako sa phone ko nang mag-pop ang tawag sa phone ko... ngunit mula iyon kay Topher.

Sinagot ko iyon.

"Hi..." mahinang sambit niya sa akin.

Ilang araw niya rin akong hindi kinausap mula n'ong birthday ni JM.

"Can we talk?" Aniya. Gumaan ang loob ko dahil doon. Ilang beses na rin akong iniiwasan ni Topher at palagay ko ito na ang tamang panahon para ipaliwanag sa kanya ang lahat...

"Of course, Topher..." sagot ko.

"Later, after your shift. Are you free? Kahit dyan na lang sa coffee shop malapit sa JCG."

"Okay, I'll see you."

I ended the call. Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa kuya niya but that would be rude.

Mas lalo tuloy akong nag-alala. Hindi mabuti ang pagtatalo nila Nico at Topher doon sa birthday ni JM. I wonder kamusta ang pakikitungo nila sa isa't isa. I hope I didn't cause any crack on their relationship as a family.

Iyon ang pinakaiingatan ko, kaya nga gusto kong makausap ng masinsinan si Topher.

6:00 PM nang hinihintay ko na si Topher dito sa coffee shop na palagi naming tinatambayan dati.

Nalulungkot rin ako tuwing iniisip ang ginawa ko kay Topher... he doesn't deserved this. I know maling mali ako, hanggang ngayon ay nagi-guilty pa rin ako. Kung magalit man siya sa akin ay tatanggapin ko, huwag lang sa kanila ni Nico ang magkaroon ng problema.

7:00 PM na at halos isang oras na ang lumipas at hindi pa rin dumarating si Topher. Nandito pa rin ako sa coffee shop.

I'm thinking na he's ditching me to get even... para makaganti dahil sa ginawa ko sa kanya.

I sighed... habang nakatingin sa phone ko dahil wala man lang text o tawag na magcoconfirm kung pupunta pa ba siya.

Tumayo na ako upang umalis na sana nang mag-ring ang phone ko. It was Topher, so I answered it.

"I'm sorry Via, I can't go..." aniya na may halong pagmamadali sa boses. Parang naalarma rin tuloy ako.

"It's okay. Why? What happened?"

"Si Kuya Nico..."  agad na tumalon ang puso ko sa kaba noong marinig ang pangalan ni Nico. Hindi agad ako nakapagsalita dahil agad akong tumakbo palabas ng coffee shop.

"W-Why? W-what happened?" Halata na ang pagpapanic sa boses ko. Nanginginig ang kamay na sinusian ko ang sasakyan ko. Napamura pa ako ng mahina dahil hindi ko agad maipasok ng tama ang susi dahil sa panginginig ng kamay ko.

"Naaksidente si Kuya."

Mas lalong nanghina ang tuhod ko dahil doon. Parang saglit akong nawalan ng ulirat. Napakapit ako sa bubong ng sasakyan ko saka nagflash sa alaala ko ang duguang katawan ni Nico noong niyakap ko siya noon naaksidente ang bus na sinasakyan namin noon. Agad na naghabulan sa pagbagsak ang luha ko.

"N-nasaang hospital s-siya?" Tanong ko saka mabilisang pumasok sa sasakyan ko. Nanginginig ang kamay ko noong hinawakan ko ang manibela.

"It's okay Via, you don't have to come---"

"I said where the fucking hospital is he?!" Napasigaw na ako. Tingin ko ay nagulat rin si Topher dahil sa biglaan kong pagsigaw.

"Sa St. Agustin Hospital." Sagot niya. As soon as I heard it ay tinapos ko ang tawag upang magfocus sa pagdadrive.

Napamura ako dahil traffic. I'm crying out of frustrations at pagaalala. I just can't afford if it happens again... If I lose him again.

I closed my for a second at may luhang nalaglag dahil doon.

"No... no..." I said to myself, upang pagaanin ang nararamdaman ko.

I promised to myself...

I'll make sure he won't forget about me again.

Not again, please...


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C49
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous