Télécharger l’application
24.24% Lunaire Academy: Wizards and Witches Saga / Chapter 8: The Lady in my Dream

Chapitre 8: The Lady in my Dream

"Wait. Where am I?" pinagmasdan ko ang buong paligid. Hawig ito ng unang panaginip ko, at malamang, ay nananaginip muli ako. Pumalatak ako ng ma-realize ko na isa na naman itong panaginip, "Ah. Not again." Sa pag-palatak ko ay biglang naituon ko ang aking pansin sa aking mga paa.

Hindi ko ine-expect na ako naman ngayon ang nakalutang, nakalutang mismo sa gitna ng lawa, but I was not surprise. I knew that I have magic inside me. I'm now a part of Lunaire Academy and magic is not a stranger sa mga katulad nila, sa katulad ko na anak ng founder ng academy. Natalimuanan ako ng may tumawag sa akin, isang pamilyar na boses.

"Mira" sambit ng babae na unti-unti ay lumalapit sa akin. She seems familiar to me.

"I knew you." sagot ko sa misteryosong babae. Habang papalapit siya sa akin ay biglang nag-flashback sa isip ko ang unang beses na nanaginip ako. Tama. Siya nga. Nagpakita muli sa panaginip ko ang misteryosong babae na ito. Hindi na siya nakasuot ng itim na manto, ngunit siya ay tila nababalutan ng liwanag. She is shining even brighter like a pearl underneath the sea wearing an all-white long sleeve gown. Dahil sa liwanag na bumabalot sa kaniyang pagkatao ay nakita ko lamang ng bahagya ang kalahati ng kaniyang mukha, ang kaniyang matangos na ilong at manipis na labi. Nanunuot sa aking tainga ang kaniyang malamig ngunit malumanay na boses. Muli niya akong tinawag sa pangalan ko.

"Mira"

Sa pangalawang beses niyang pagtawag sa akin ay naglakas-loob ako na tanungin muli ang kaniyang pangalan, kahit hindi ko maaninag ang buo niyang mukha.

"Sino ka ba talaga? Ba-bakit ka ba nagpapakita sa panaginip ko?" I asked her.

The lady stood at the middle of the lake once again, and she gazed upon me, grinning. Sa klase ng pagtitig at pagngiti niya sa akin ay may bagay siya na gustong sabihin. Ngunit dala ng aking pagkayamot dahil sa hindi niya pagsagot sa tanong ko ay napasigaw ako.

"Sino ka ba? Tinatanong ko ang pangalan mo, tapos tinititigan mo lamang ako at ngumingiti ka. Ano 'to, JOKE?!?"

"Hindi pa sa ngayon, munting prinsesa. Hindi pa." Lumapit ng marahan ang babaeng nababalutan ng matinding liwanag. Yinakap niya ako at may binulong sa akin.

"Mag-iingat ka. Hindi lahat ng kasama mo sa academy ay kaibigan o kakampi. Ito ang bago mong tadhana. Maging matatag ka. Malalaman mo rin ang lahat ng sagot sa iyong katanungan. Sa ngayon ay hindi pa. Matuto kang maghintay."

Bigla-bigla na naman nawala ng parang bula ang imahe ng misteryosong babae.

"Teka lang!"

Biglang nag-ring ang alarm clock na nakapatong sa drawer, katabi ng hinihigaan kong kama sa academy's clinic dahilan upang magising ako. Napamulat akong bigla.

"Hindi ko maintindihan. Sino ba siya? Bakit siya nagbigay ng "warning" sa akin?"

Napabuga na lamang ako ng hininga at bumangon na ako. Ngayong araw ko nga pala pupuntahan sa faculty of Ministry and Magic si Prof. Beatrix para ihatid na rin niya ako sa girls' dormitory at isa pa, ngayong araw na rin magsisimula ang offer na inalok nila sa akin. Ang special class and intensive training exclusively for me.

Mga bandang alas-sais na ng umaga ako nagising matapos kong makita muli sa aking panaginip ang misteryosong babae. Kasabay nito ay naligo ako. Then, I groomed myself and organized my personal things upang mapaghandaan ang paglipat ko sa girls' dormitory ng Lunaire. Agad akong pumunta sa faculty ng mga professors dala-dala ang mga gamit na inilagay ko sa purple backpack and luggage ko at hinintay si Prof. Beatrix.

Nang makalabas si Prof. Beatrix ay binati ako nito ng isang magaan na ngiti. She wore a pair of black high-waist slacks and magenta three-fourth blouse. Her outfit matches her lips and fair skin dahil red wine ang shade ng lipstick niya.

"This way Mira. Before that I will tour you around Lunaire and of course, I'll be your tour guide for today, then I will show you your assigned room, okay?"

Tumango ako at ngumiti bilang tugon kay Prof. Beatrix. Inilibot niya ako sa buong academy. Nagpapanhik-panaog kami sa mga building na mayroon mga staircases. Hindi na lamang ako makadaing sa kaniya ngunit sa totoo lang, nahihilo na ako sa paikut-ikot namin at hirap akong ihakbang ang aking mga paa lalo na kapag umaakyat ako sa napakaraming baitang ng mga hagdan dito sa academy. Dumaan muna kami sa Lunaireian café bago pa man ako ihatid ni Prof. Beatrix sa magiging kuwarto ko. Umorder ako ng lasagna with garlic bread, crispy chicken wings at isang 12 ounce na cookies and cream frappe at ganoon din ang inorder niya. Umupo kami ni Prof. Beatrix sa bakanteng table sa labas ng café. Presko ang puwesto na in-occupy namin because of the trees na nakapalibot sa café. Ang nakakatuwa pa nito, libre lang ang pagkain ko dahil siguro first time at orientation ko na rin.

"How was the food, Mira?" tanong ni Prof. Beatrix. Ninguya at nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko bago ako sumagot sa kaniya.

"Masarap po." I gave her a smile.

"That's Good. And Oh! I forgot to tell you, may mga kitchen ang bawat kuwarto ng mga dormitories ng Lunaire kung gusto nila na sila ang magprepare ng food nila. Since orientation mo ngayon, kaya dito muna tayo kumain." ani Prof. Beatrix

Pasubo pa lang ako ng garlic bread ay muling nagsalita si Prof. Beatrix. Medyo may kadaldalan din siya.

"Ahm... Actually, libre lahat dito sa Lunaire café from breakfast to dinner, even merienda, and the service of this café is good para sa satisfaction na din ng mga Lunaireians. At syempre sa katulad mo, lalo pa at ikaw ang..."

Nanlaki ang mga mata ko sa gusto niyang sabihin. I felt nervous dahil baka madulas si Prof. Beatrix at baka may makarinig ng lihim ko na ako ang nawawalang anak ni Lady Minerva at Willow.

"Joke! Alam ko naman na that's a secret. Una ko pa lang nakita ang mark sa kamay mo, Ikaw ang taong hinihintay namin. But, be careful. I think you should hid that mark of yours. Masyadong catchy ang mark sa kanang kamay mo. Aside from that, nagkalat sa mga history books iyang marka na nasa kamay mo dahil pinag-aaralan din dito sa academy ang Lunaire history, particularly, LNR101 subject. Baka isipin ng ibang geniuses dito na may 'something special' sayo."

"Opo." Iyon na lamang ang inilabas na salita ng bibig ko. Napansin ko rin na may kinukuha si Prof. Beatrix mula sa bulsa ng kaniyang black high-waist slacks.

"Since girl scout ako, you need to wear this one." Inabot niya sa akin ang isang plain black glove.

"Para saan po ito?" I get the plain black glove from her.

"It's for your safety, actually, inihabilin lang sa akin ni Mrs. Clementine na isuot mo yan para walang makapansin sa marka mo at hindi ma-reveal ang identity mo. Iyon lang ang bilin niya sa akin."

Iba ang nase-sense ko kung bakit ipinabigay ito sa akin ni Mrs. Clementine. Pero, kinuha ko pa rin ang black glove mula sa kaniya at isinuot ito sa aking kanang kamay. I felt comfortable as I wore the glove. I flexed my right hand and fingers then I clenched my fist as I look at it. I heard Prof. Beatrix chuckled.

"So you're ready for the next level of your journey here, Mira Luna?"

I gave Prof. Beatrix a firm response. "Yes, Prof. Beatrix. I'm ready."

She just gave me a grin and stood from her seat. "Well, let's get going again?"

I nodded at her as my response, sabay tumayo na rin ako sa kinauupuan ko.


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C8
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous