Télécharger l’application
4.91% Young Hearts [Filipino] / Chapter 2: Two Less Lonely People in the World, KZ Tandingan

Chapitre 2: Two Less Lonely People in the World, KZ Tandingan

Two less lonely people in the world and it's gonna be fine.

Out of all the people in the world, I just can't believe you're mine.

In my life where everything was wrong, something finally went right.

Now there's two less lonely people in the world tonight.

- Two less lonely people, KZ

***

MAY LIWANAG na dumadampi sa makinis na balikat ng isang dalaga.

Makikita sa maamong mukha nito ang isang taong animo'y hindi marunong gumawa ng kasalanan ni magsinungaling. An angel reincarnate here in land.

Napahawak ito sa ulo nang maramdaman ang sakit nito.

Ano bang nangyari sakin? Tanong nito sa sarili.

Inangat nita ang sarile sa pagkakahiga. Kinipkip ang puting kumot na siya lamang nagsisilbing takip sa kanyang kahubadan.

Hubad?

Mas lalong nag-panic ang dalaga na wala nga siyang suot sa ilalim ng kumot. Nilibot niya ang paningin sa paligid.

Nasa isa siyang kwarto. Kwarto ng isang lalaki base sa mga kagamitang nandoon.

Sa gilid ng kama ay nakita niya ang kanyang damit kagabi.

Kagabi?

Ano ba kasi talaga ang nangyari sa kanya kagabi? Bakit siya nandito? Sinong nagdala sa kanya dito?

~~

"Ano ba 'yan April? Puro ka naman trabaho. Hindi ka ba marunong magpahinga? Kahit mag-enjoy man lang kahit sandali. Aral, trabaho, bahay ka lang naman lagi. Ngayon lang naman ako nagpapa sama sayo. Sige na naman." Paglalambing sa kanya ng katrabaho slash kaibigang si Kim.

Patapos na kasi ang duty nila sa Spotz. Ang restaurant na pinagta-trabahuhan niya after school kaya naghahaya na itong mag-bar kahit na weekdays. May pasok pa siya sa university bukas. Hindi niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral. Baka mawala ang scholarship niya.

"Wala naman kasi akong pera." Sabi niya dito habang pinupunasan ang isang lamesa. Nakasunod naman ito sa kanya. "Saka wala akong susuotin sa ganyang mga gimik. At may pasok pa ako bukas." Pagtanggi niya dito.

Agad naman itong tumigil sa paglalampaso ng sahig at tinignan ang paligid kung nakatingin ang manager nilang si Sir Leon. Masyado kasing strikto ang manager nilang iyon. Bawal mag-usap habang duty. Baka mapagalitan silang dalawa.

"Wag mong problemahin ang pera at gastos kasi sagot ko naman. Malaki ang naging bonus ko nitong katapusan kaya malaki-laki ang extra budget ko. Saka sa damit, marami akong mapapahiram sayo." Lumingon ulit ito sa paligid at nakitang may kausap na costumer si Sir Leon.

"Sige na kasi April. Samahan mo na ako. Matagal ko nang pangarap iyong makapasok sa mamahaling club. Malay mo doon ako makahanap ng mayaman na mag-aahon sakin sa kahirapan. Hindi bagay sa'tin ang maglampaso at maglinis lang ng mga lamesa. Masyado tayong maganda para dito." Reklamo nito na kinan tawa naman niya.

Umalis ang magkasintahan sa isang lamesa. Agad silang bumati dito ng pasasalamat at agad na nilinis ang lamesang inalisan ng mga ito.

"Kim, hindi ka makakahanap ng taong seseryoso sayo sa mga mamahaling club. Tanging mga kasing edad lang natin na walang alam sa responsibilidad ang nandoon."

Ngumuso naman ang kaibigan.

"At least mga mayayaman!" Hirit pa nito.

Siya naman ang napa-irap. "Pero iresponsable." Sabi niya dito habang naglalakad papuntang dishwashing section. Sinundan pa rin siya nito.

"Sige na kasi, April. Sandali lang tayo. Promise." Nagmamakaawang sabi nito.

She exhaled a huge amount of air. Hindi talaga siya tatantanan ng kaibigan niyang ito.

"S-Sige! Pero sandali lang tayo huh."

Agad naman siyang niyakap nito.

"Oo naman! Basta mamaya huh!" Masaya itong nagpaalam sa kanya at magsimula ulit mag lampaso sa ibang bahagi ng restaurant.

Pagkatapos ng shift nila ay agad silang pumunta sa bahay ng mga ito.

Lasing nanaman ang tatay nito sa kanto habang ang nanay naman ng kaibigan ay nasa kapitbahay at naglalaro ng bingo. Kalong-kalong pa nito ang anim na buwang gulang na pamangkin ni Kim sa kuya nito.

Si Kim ang nagpapa gatas sa bata. Iniwan ng kinakasama ng kuya ni Kim ang bata sa kanila, pati na rin ang kuya nito, dahil hindi na daw nito matagalan ang kapatid. Literal kasi na wala itong ginagawa. Wala din ang kuya nito ngayon doon. Sabi ay maghahanap daw ito ng trabaho, pero ang tingin ni Kim ay para na naman itong asong susunod sunod sa dating kinakasama.

Buhay nga naman, parang life. Ito ang madalas na sabihin ng kaibigan sa kanya.

Agad siyang hinila nito sa kwarto sa second floor ng bahay. Bawat tapak nila ay lumalangitngit. Yari kasi ito sa kahoy.

"Ito! Bagay na bagay sayo! Bigay sa akin ito ni Carla, iyong kapitbahay naming nagja-Japan. Eh hindi naman kasya sa'kin dahil masyadong malaki ang dibdib ko." Sinabayan pa nito nang tawa.

Totoong medyo pinagpala nga ang kaibigan sa dibdib. Pero hindi naman masyadong pinagkaitan ang kanya. Sakto lang ang laki nito.

"A-Ayoko niyan, Kim. Parang wala na akong tinago."

Isa itong bistidang kulay itim na napapalibutan ng sequins kaya kumikinang ito kapag tinatamaan ng ilaw. Pero ang disenyo nito ang hindi niya gusto. Tube kasi ito, hindi pa man din niya ito nasusukat pero mukhang alam niyang hahapit ito sa kanyang katawan. Isa pa ay ang haba nito. Dalawang dangkal lang ang haba nito mula sa bewang. Nasisigurado niyang natakpan lang nito ng kaunti ang hita niya.

"May nag-club bang naka-saya? Ano ka? Magsasaka? Ang manang mo talaga, April! Show some skin, ang puti at ang kinis mo kaya. Sayang lang iyan kung itatago mo." Itunulak nito ang damit sa kanya. "Hala sige. Magbihis ka na doon at baka masyado na tayong gabihin."

Wala na siyang nagawa Kung hindi sundin ang kaibigan. Tuwang tuwa ito ng makita siya sa damit na pinili. Pero siya ay hindi masyadong gusto ang nakikita. Hindi siya ito, hindi siya nagsusuot ng mga ganitong damit.

Nilagyan siya nito nang make up. Pero hindi siya pumayag na sobrahan ng kaibigan. Ngunit hindi naman siya nanalo dito nang ipasuot sa kanya ang 4 inches heels na nabili daw nito sa ukay at ang pulang-pulang lipstick. Noong una ay ayaw pa niya talaga pero nang makita niya ang repleksyon sa salamin, nagustuhan niya rin ito.

"Diba? Sabi ko sa'yo mas aangat ang ganda mo sa red lipstick na 'yan." Sabi pa nito.

Black hugging dress din ang suot nito. Napapalibutan rin ng sequins pero imbes na tube ay may spaghetti strap ito. Hubog na hubog ang katawan ng kaibigan, ganoon din ang mayamang dibdib nito.

Punong-puno na ang club nang dumating sila. Akala mong hindi weekdays. Karamihan sa mga nandito ay kasing edad lang din naman nila. Kaso ay mayaman ang mga ito. Mga de-sasakyan at ingles ng ingles. Hindi alam ang salitang hirap.

Agad siyang hinila ng kaibigan sa bar. May mga bartender dito na agad naman silang inasikaso ng ngitian ng kaibigan. Pinalibot niya ang tingin sa buong club. Sa bandang gilid nito ay medyo may kadiliman, kada pagtama ng laser lights doon ay mapapansin ang mga taong may special business. Mga kamay ng lalaki na kung saan-saan na napupunta sa katawan ng babaeng naka-kandong sa mga ito.

"What's your order beautiful ladies?" Tanong ng bartender. Ang mga mata nito ay nasa dibdib ng kaibigan. Tumikhim siya kaya nakuha niya ang atensyon nito.

"Ah… Ano…" Lumingon ang kaibigan sa paligid. "Kagaya noon." Turo nito sa katabi nila. Agad namang tumalima ang lalaki.

Kinalabit niya ito kaya nakuha niya ang atensyon ng kaibigan. Pinan lakihan niya ito ng mata.

"Hindi mo ba napapansin sa dibdib mo siya nakatingin? Wala ka man lang ginawa?" Sabi niya dito na tila ba pinapagalitan niya ito.

"Kung ganun naman ka-gwapo mag papa bastos talaga ako." Malandi nitong tugon na naging sanhi ng pagkurot niya sa singit nito.

"Ay ano ba 'yan April!" Mahina pa siya nitong tinulak. Inirapan na lang niya ito at tingnan kung paaano paghalo haluhin ng bartender ang order nila. Minutes later ay binaba na nito ang order nila, may pahabol pa itong kindat sa kaibigan.

"Mag-enjoy ka nalang kasi manang April." Pang-aasar nito sa kanya pagkatapos ay inisang lagok nito ang order na alak. "Hi! Dalawang order pa noong kagaya ng kanina." Akmang kukurutin niya ito ulit nang tawanan siya nito.

"Relax and enjoy April."

Eons later. Hindi na niya mabilang kung naka-ilang baso sila nang alak. Kim ordered a bottle of tequila na siyang nagpahilo agad sa kanya kahit nakaka-apat na shot palang siya.

The party become wilder. Hindi na siya nakapalag ng hatakin ng kaibigan sa dance floor. Because of the alcohol she gladly lose all her inhibitions. Ngayon lang naman, bukas ay balik na siya sa pagiging si April.

Para silang mga taong bundok na ngayon lang nakarating sa patag. They dance not minding others. Ganoon rin naman ang iba, karaniwan pa nga sa mga ito ay may mga 'kababalaghang' ginagawa habang nasa dance floor.

The music changes from party to slow music. Tanging couples nalang ang naiwan sa dance floor. Naunang maglakad pabalik sa bar si Kim. Susunod na dapat siya nang may humila sa kanyang siko, na agad pinalibot sa kanyang bewang ang matipunong braso nito.

The man is tall and lean that she's just in his chest. Amoy na amoy niya ang pinaghalong alak, sigarilyo at natural scent nito.

If she's in the right mind hindi niya hahayaang hawakan siya nito ng basta-basta. But because of the alcohol she lost all the strength to fight.

Pinaikot niya ang tingin sa buong bar, she saw Kim already slow dancing with someone.

Dahil sa alak at sa pagiging sobrang kumportable niya sa kasayaw, she can't help but close her eyelids and feel their own grove.

"Hey kitty, party like a wild animal huh? Hindi ko alam na may ganyang side ka pala." He chuckle at her ears, medyo nakiliti siya sa ginawa nito. The way he talks to her she has a feeling na kilala siya ng kasayaw.

"So? Ano naman kung wild ako? Minsan kailangan ding magbago ng life style." Wala sa sariling sagot niya. Blame the alcohol.

"I like the other side of you-"

Hindi na niya narinig ang sumunod na sinabi nito dahil unti-unti na siyang nilamon ng kalasingan. Her vision went black.


L’AVIS DES CRÉATEURS
RomanceNovelist RomanceNovelist

Please play the song included on each chapter for "more" feels! ❤️

Please wash your hands regularly, humans!

Thank you so much for giving time on my story! Really appreciated! Will work hard more for your reads :)

Comments? Reactions? Feel free to comment them down below :) You can use the #YoungHearts

Follow me on my social media platforms!

Twitter: @RomanceNovelist

Instagram: @romancenovelist_wp

e-mail: romancenovelist@yahoo.com

Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C2
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous