Télécharger l’application
46.77% Thieves of Harmony / Chapter 29: We meet again

Chapitre 29: We meet again

Dinala ako ni Autolycus sa balcony, at ngayon ay sinindihan niya ang kaniyang cigar.

Hindi niya ako kinausap, at nanatiling nanigarilyo sa balcony. I see, may mga bisyo siya.

"Thank you for saving me from Dionysus. Although, pakiramdam ko naman ay kaya kong mag-isa na umalis sa sitwasyon na iyon," sabi ko at kumuha ng sigarilyo mula sa kaniya. I tried lighting it pero inagaw namn ito ni Lycus mula sa'kin. He raised a brow, "You smoke?"

Tumango ako, "Paminsan-minsan lang, depende sa sitwasyon."

He chuckled, "Hindi ka naman pala talaga inosente. You're opening up your true self to me. That's new."

I smiled a little. True, this party showed a part of who I truly am. I am not the good girl. Pala-inom ako, at naninigarilyo rin. Pero sa totoo lang ay ginagawa ko lamang iyon para sa trabaho.

"Sige na, Lycus. Mauuna na ako sa'yo," pagpapaalam ko. Natigil naman ako sa sagot niya, "Stop thanking me. I only did that to piss Dionysus off, and not to save you."

Ouch. "Okay then, mauuna ba ako," sabi ko at ngumiti kahit na napipilitan. I can't believe na ginamit niya ako! Sana pala ay pinahiya ko siya sa harap ni Dionysus kanina. Pinaka-ayaw ko talaga sa lahat mga users.

Natagpuan ko si Castor at Pollux, at mukhang wasted na wasted na si Castor. Mas mahina ang tolerance ng mortals sa alcohol, kaysa sa mga demigods kaya ganoon. Lalapit na sana ako sa kanila nang bigla akong napatigil nang may maramdaman akong pamilyar na energy.

Napatingin ako sa floor, at napansin ang shadow of death. Hudyat na mayroong namatay dito. I am familair with this shadow dahil lagi ko itong nakikita kapag may pinapatay akong tao.

Sinundan ko ito dahil sa kuryosidad. It lead to a room at pumasok ang shadow sa kwarto na iyon. Akmang bubuksan ko ang pinto ngunit nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko.

I turned, and my heart raced when I saw the man with stormy eyes, Thanatos. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakita, and it was five years ago. Kapag nasundo siya ng patay, shadow of death lang ang nakikita ko.

It is shocking to see him here. Is the dead an important person? Wala namang iba pang dahilan para mapagawi siya rito, kung pwede namang shadow of death nalang ang sumundo sa namatay na kaluluwa.

"Thanatos," bati ko sa kaniya nang hindi ngumingiti. "You are always curious, Melizabeth. Ang namatay diyan ay isang demigod kaya't hindi ka maaaring pumasok, at kaya rin ako narito. She committed suicide."

"Bumalik ka na roon, at hayaan mo na akong gawin ang trabaho ko, Melizabeth," sabi niya at tinulak ako palayo.

Gusto ko sanang makipag-usap sa kaniya, pero heto at tinutulak niya ako palayo. "I have seen deaths, and even caused some. Bakit hindi ko iyan maaaring makita?" Tanong ko naman sa kaniya.

Nilingon niya ako at matalim akong tiningnan. He scanned me from head to toe, at napansin ko ang pagdidilim pang muli ng kaniyang hitsura, "You are distracting me, Melizabeth."

I frowned. Distraction lang pa ako! Napairap ako nagpaalam na, "Okay then, see you when I kill a demigod."

Hinawakan niya ang kamay ko, at napaharap naman ako sa kaniya. Ano ba 'to? Akala ko ba distraction lang ako?

Bumuntong hininga siya at ginulo ang aking buhok, "Mag-usap nalang tayo mamaya, Melizabeth."

Napangisi naman ako at umalis na sa harap niya. I felt my breathing go heavy, and my heart hammered like crazy. Thanatos, the one who I have always look forward on meeting again.

Na-excite ako dahil muli na naman kaming mag-uusap. I was still a child when we last talked, pero ngayon ay nineteen na ako. Matagal ko ring hinintay ang panahong ito. Good thing I am dressed like this!

Muli ko na namang nakasalubong si Lycus. Nagtaka naman siya nang makitang napakalawak ng ngiti ko, "Mukhang masayang masaya ka?"

Muntik na akong umirap pero napatango naman ako, "Yes. I met my favorite person, at mag-uusap kami mamaya!" Hindi nakatakas ang excitement sa boses ko.

He scoffed, "Try not to get harrassed again, Melizabeth. Hindi na kita sasagipin dahil hindi ko naman kilala ang favorite person mo na 'yan."

Binelatan ko siya at lumagpas na mula sa kaniya, "My favorite person is my savior. Huwag kang mag-alala!"

True. I considered Thanatos as my savior, and probably my guardian. For the first year na nawalan ako ng magulang, he was there to help me and guide me. Kahit na alam niyang mali ang mga ginagawa ko. I remember one time when he scolded me after killing someone innocent.

"Hindi kita tinuruang pumatay ng inosenteng tao, Melizabeth," galit na galit ang kaniyang boses. The thirteen year old me got frightened, but I was still a reckless one.

"I don't have to learn it from you!" sagot ko at humalukipkip.

Hinawakan naman niya ang sintido niya habang nakatingin sa patay na katawan sa harap namin. "You are slowly becoming heartless, Meli."

I pouted at nanatiling nakatingin sa kaniya, "Do not kill innocent people, Meli. Nasisikmura ko pang pumatay ka ng makakasalanang tao, o kaya mga taong may masamang balak sa'yo. Pero huwag na huwag kang papatay ng inosente. I might not see you again kapag naulit pa 'to."

Bumagsak ang balikat ko. I was used to having Thanatos by my side when I was thirteen. He was a brotherly figure, but for me, he is my savior. Kung hindi dahil sa kaniya, baka matagal na akong naging halimaw at demonyo. Baka mas lalo akong nilamon ng aking galit.

I turned fourteen, and it was the last time I saw him.

Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Everyone seems to be leaving me.

"Don't leave," I pleaded habang hindi makatingin sa kaniya. I feel like my tears would nonstop fall if I looked at my guardian.

Hinawakan niya ang ulo ko at hinila ako para sa isang yakap, "I need to do my duties, Melizabeth. I will still be guarding you from afar, kaya huwag kang matakot. Kapag naging isa kang Semideus, magkikita tayong muli. Just train yourself, and enter the Olympian World, Meli."

Pinigilan ko ang paghinga ko, dahil pakiramdam ko ay iiyak ako when I should not. Matapang ako at hindi ako dapat iiyak! It's not as if Thanatos is going to die.

"You are going to live and survive by yourself from now on. Naniniwala akong you won't turn into a devil, Melizabeth," sabi niya at hinalikan ang aking noo. "Until we meet again, my little angel."

I did not turn into a devil. I did not kill innocent lives, but there was still darkness in my heart. Totoong nawala na nga si Thanatos sa paningin ko, pero naramdaman ko parin ang presensya niya.

He always called me little angel, even if he knew the darkness within me. Siya ang favorite person ko dahil siya lang naman talaga ang tao sa buhay ko. He is almost my family, pero hindi ko alam kung ganoon din ang tingin niya sa'kin.

Napalingon naman ako nang may bumulong mula sa likod ko. Awtomatiko akong napangiti at napaharap, "We meet again, little angel."

He welcomed me in his arms, and once again, I felt alive in the death's arms.

Thieves of Harmony

By lostmortals

Plagiarism is a crime.

Thanatos or Autolycus?

Thank you for reading!


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C29
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous