In a 123
In a 123 Go!
Tayo nang ipalakpak ang mga kamay
Tayo nang itaas ang kamay
Ikaway, iwagayway
Purihin ang Diyos, magpakailan man.
Tayo nang umawit ng papuri
Tayo nang umindak, sa saliw ng tugtugin
Tugtuging makaDiyos
At para sa Diyos.
Tayo nang maglingkod sa Diyos
Kabutihan nyang taglay
Tiyak na maaasahan
Biyaya nya ay sagana, walang humpay
Sapat na at higit pa sa lahat kong pangangailangan.
Salamat, Panginoon
Buhay na walang halaga, binigyang halaga.
Buhay na walang kulay, binigyang kulay.
Buhay na walang direksyon, bigyan mo ng direksyon.
Tunay nga ang kasabihang...
Ang buhay na malayo sa Panginoon ay walang kabuluhan,
Ngunit ang buhay na nasaPanginoon ay puno ng biyaya.
Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas at kumukupas
Lahat ng gamit ay naluluma at nasisisira
Lahat ng pangako at tiwala ay nababali
Lahat ng may buhay ay namamatay
Ngunit ang nagiisang hindi lumilipas at kumukupas, nasisira, nababali o mamamatay ay ang Pag-ibig ng Panginoong Diyos.
Kaya ang sinuman sa inyong pinanghihinaan ng loob
Ay magtiwalang tunay at totoo lamang sa Panginoon
Magsisi sa kasalanan
At tanggapin ang Panginoon bilang sariling...
Panginoon at tagapagligtas
Ay bibigyan ng buhay na walang hanggan
Hindu na hahatulan, inilipat na mula sa kamatayan patungong buhay
Ituturing nang anak ng Diyos.