Ang pag-ibig ng Diyos ay sadyang makapangyarihan.
Ang pag-ibig ng Diyos ay sadyang tunay at wagas.
Kung sya ay umibig ay wala nang wakas.
Noon, ngayon, bukas at magpakailan man.
Di maikakaila ang kagandahang loob nya sa atin
Mga biyaya nya ay liglig, siksik at umaapaw
Dugo ni Cristo inialay para sa ating mga makasalanan
Ibinuwis nya kahit masakit
Ginawa nya lahat ayon sa kalooban ng ama
At di ayon sa sariling kagustuhan