Sadya nga bang kay pait ng buhay sa mundong ito?
Sadya nga bang kay lupit ng tadhana?
Sadya nga bang parang bagyo ang kapalaran?
Anong kay pait nito?
Oo ang aking sagot...
Ang buhay sa mundong ito ay sadyang walang kabuluhan.
Tila manok na panabong,
Laging kailangang makipaglaban,
Tila isang digmaang di natatapos hanggat di nahihimlay sa hukay,
Ang mga nabuo sa alabok na babalik rin sa alabok.
Ngunit...
Tandaan po natin na ang Diyos ay nariyan,
Magtiwala ka lang sa kanya,
Sapagkat...
Siya ang kaisa-isang Diyos, Panginoon at tagapagligtas natin,
Siya lang ang tanging makakaahon sa iyong kinatutubugan at kinasasadlakan,
Siya lang ang kayang magtuwid ng iyong gusot,
Magbigay ng solusyon sa yong problema,
Basta at magtiwala at manampalataya ka lang sa kanya.
Babala...
Ngunit ang sinumang sa kanya'y tumalikod,
kalunos-lunos ang yong kasasapitin.