Ang isang presedente ay dapat ginagawa ang tungkulin, di lang sa isip at sa salita dapat rin sa gawa.
Ang pagboto ay di laro, panindang basta na lang mailako; o tulad ng bagay, pagkain o inuming ipinagbebenta. Dapat po honest tayo.
Kung may magagawa po tayo sa ating bayan na pagbabago, gawin po ninyo ito miske di kayo tumatakbo ng kandidasiya sa pagtakbo bilang isang pulitiko dahil ninanais nating tumulong, dahil mayroong kakayanan tayong tumulong, at higit sa lahat dahil ito ang nasapuso natin. Sa maliit o malaki mang paraan.
Kung ika'y tatakbo sa pulitika siguruhin mo ihanda mo na bago ka pa tumakbo ang mga batas na nais mong isabatas para sa karapatan at para sa mamamayan ng bayang ito.
Kung ika'y napili o naatasan ng tungkulin hinggil sa tinakbuhan mong posisyon sa pulitika, gawin mo naman ng maayos ang tungkulin mo. Huwag kang tatamad-tamad ni mangurakot man pagkat isa ka rin sa makikinabang nito di man ngayon, ay maaaring balang araw.