Sino ako?
Sino ako?
Sino ako?
Sino ako upang iyong makapiling?
Sino ako upang iyong kaawaan?
Sino ako upang iyong mapatawad?
Sino Ako upang iyong iligtas?
Isa lamang akong hamak...
Taong makasalanan,
Basura ang tingin ng iba,
Walang silbi... wala! wala! wala!
Ahahahaha!
Liko-likong daan aking tinatahak,
Pangyayari sa buhay ko tila isang gulong,
Paulit-ulit, paikot-ikot,
Isa lang kinahahantungan, kundi kasalanan.
Ngunit salamat, Oh PANGINOON nakilaa kita,
Dahil sa'yo buhay ko'y nabagong tunay,
Unti-unting natuwid liko-likong buhay ko,
Salamat sa pag-asang aking natamo sa'yo.
Oh aking Diyos!
Oh aking Panginoon!