Today is Randy's dayoff, kaya sama-sama kaming tatlo ni Jay-r sa bahay. Si ate Roda ay maagang pumasok. Si kuya Robert naman na landlord namin ay pumasok na din sa Westin hotel and resort. Nanuod kaming tatlo ng dvd. Pinakialamanan namin ang computer ni kuya Robert at biglang nasagi ni Randy ang c.p.u at lumagapak ito sa sahig. Nirestart n'ya ulit ngunit hindi ito nabuhay, mukha pa yatang nasira ang kawawang computer ni kuya Robert kaya, naisipan n'ya na lang maglaba ng kanyang mga kasuotan.
Bago magtanghalian, nagsaing na'ku ng bigas. Naghanap kami ng mauulam sa kusina ni kuya Robert. Sa cabinet ang daming mga de lata, ang iba mga expired na at kinakalawang na ang mga lata nito. Ewan ko ba kay kuya Robert, kung bakit 'di n'ya ginagalaw ang mga de lata n'ya. Mas gugustuhin pa n'ya yatang maexpired kesa ipamigay ang mga ito.
Binuksan ni Randy ang refrigerator, andun pa din ang taba-tabang karne ng baboy. Isang buwan na yata 'yun nakastuck o higit pa, 'di na lang namin 'yon ginalaw. Biro ni Randyboy sa'min, "Bago pa man lutuin at kainin ni kuya Robert ito ay matagal ng nasa langit ang kaluluwa ng baboy." Bigla kaming naghagalpakan sa pagtawa. Tumingin kami sa napakaraming mga de lata, ang iba dito kinakalawang na. Dalawang malaking lata ng sardinas ang napagtripan naming buksan at lutuin. Kinakalawang na ang mga ito, talagang maraming kalawang, pero pwede na din pagtiyagaan. Ginisa namin ang mga ito! Nakita rin ni Randy ang mga nakatambak na campbell's mushroom soup, mukha yatang mga expired na ang mga ito, ngunit talo-talo na 'yan. Walang expired-expired sa kumakalam na sikmura, kaya sinama na rin namin ito sa pananghalian.
Natapos na naming lutuin ang lahat, si Randy nga pala ang nagluto ng expired na campbell's mushroom soup. Sabay-sabay kaming kumaing tatlo, solve na solve kami sa aming inulam. Ayos din, ang sarap! At wala itong naging side effect sa'min. Pagkatapos namin kumain, nagpahinga at nagsiligo na.
Nag-aya si Randy na tumambay kami sa San Malo, pagkatapos n'yang maghanap ng second hand na scooter. Balak n'ya kasing bumili para may service s'ya sa trabaho. Pagkatapos naming tumingin-tingin ng mga scooter, dumeretsto na kaming San Malo. Wala s'yang napili sa higit isang daang nakadisplay sa mga pinuntahan namin.
Pumunta kaming putol, tumambay kami sa park para magpalipas ng oras. Nagpabili si Randy ng beer in can. Napakaraming tao talaga dito, mga samu't saring lahi ng tao ang pumapasyal at tumatambay dito sa San Malo. Naghanap kami ng mapupwestuhan, maya-maya pa'y dumating na si Jay-r dala ang beer na pinabili. Nag-umpisa na kaming uminom, sarap ng buhay, patambay-tambay lang, painom-inom lang.
After few hours, nakita ko si Garcia na may kasamang chick. Tinawag ko s'ya at lumapit sa'min. Nahiyang lumapit ang kasama n'yang babae sa'min. Pinakilala ko s'ya kay Randy at Jay-r! "Dati kong kasama 'yan sa paggagwardya." Wika ko sa kanila. Binigyan ko s'ya ng beer, tinanong ko s'ya kung saan sila galing ng kasama n'yang babae. Bigla kong naalala na ang babaeng kasama n'ya ay iyong nakilala namin sa pilahan ng Wynn. Medyo may edad na si ate at kapayatan. Sabi sa'kin ni Garcia na katatapos lang daw nila. "Ang tibay mo 'pre!" Tawa ako ng tawa 'non. 🤣 Talagang wala kang pili ha. Ayos ka rin! Maiba tayo ng usapan, "naggagwardya ka pa ba?" (Tanong ko sa kanya) "Hindi na 'pre, bumaba na ako, pinadalhan na nga ako ng misis ko ng plane ticket." (Sagot sa'kin ni Garcia) "Mga ilang araw na lang ako dito." Dagdag pa n'ya.
Nagpaalam na ang chick ni Garcia sa kanya, uuwi na daw s'ya... "Eh 'san ka ngayon?" Tanong ni Garcia sa'kin... "Wala nga 'pre, eto floating pa din." "Minsan nakakasideline sa awa ng Diyos." Patuloy pa rin ang inuman namin at kwentuhan. Mayamaya pa'y may naalala si Randy na may nagpapahanap sa kanya ng helper. Tinanong n'ya ako kung gusto ko daw pumasok, "oo naman 'pre gusto ko!" "Alam mo naman 'yan diba na kailangan ko ng trabaho." Tinawagan n'ya ang taong nagpapahanap ng helper at sakto nakausap n'ya ito. Ipinakilala n'ya ako sa telepono at nakausap ko ang tao. Isipin mo 'yon, instantly may service daw ngayong gabi ang tropa at kailangan daw ng helper, kaya start agad ako sa trabaho. Hiningi ni sir Nilo ang number ko at ibibigay daw n'ya ito sa taong makakasama ko. Hintayin ko na lang daw mamayang gabi ang tawag nila. Nagpasalamat ako ng marami kay sir Nilo. Tuwang-tuwa ako 'non at sa wakas may trabaho na ulit ako. Nagpasalamat din ako ng marami kay Randyboy dahil sa tulong n'ya sa'kin... "Wala 'yon pre!" "Galingan mo na lang ha para 'di naman ako mapahiya sa kanila." "Oo pre, makakaasa ka!" Halos magtatatalon ako sa tuwa 'non at sa wakas after ng ilang linggo may trabaho na ako. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Patuloy pa din kaming umiinom, kasama pa din si Garcia. Mayamaya pa'y nag ring ang cellphone ko, eto na yata sila sa isip ko. At 'yun na nga, tinawagan na nga ako. Tinanong ako kung ako daw si Axel, "Opo! Ako nga po!" May lakad daw kami ngayong gabi, alas onse daw nila ako susunduin. Tinanong ni Sir Noel kung 'san daw malapit ang bahay ko at 'don daw nila ako susunduin. Sinabi ko na 'don n'yo nalang po ako sunduin sa tapat ng catholic church sa likod ng putol. (Para madali nila akong matunton at makita agad.)
Nang matapos ang inuman, nagpaalam na sa'min si Garcia at umuwi na din kaming tatlo. Masayang-masaya ako 'non. Tinanong ko kay Randy kung anung klaseng trabaho ang nag-aantay sa'kin. Sinabi n'ya sa'kin na dirty works 'yon. Magpa-pump kami sa mga posonegro ng mga dumi ng tao at mga sebo-sebo at tira-tirang pagkain o kaing baboy sa mga restaurant at hotel. Naisip ko na parang malabanan style pala ang magiging trabaho ko. Hindi ko na rin inisip na madumi nga ang ganong trabaho mas importante sa'kin ang kumita ng pera.
Naligo na ako para sa trabaho, alas nuebe na din kasi ng gabi 'non. Pagkatapos kong maligo naghanda na'ku at umalis na. Sinabi sa'kin ni Randy na "Goodluck Pare!" Excited ako 'nung time na 'yon. Dumating ako ng mas maaga sa alas onse, sindi muna ng sigarilyo para 'di mainip at tumawag na din sa'kin si sir Noel. Sinabi ko na dito na po ako! "Medyo maaga pa ah, bulalas n'ya." Okey lang po sir! "Hintayin mo nalang kami d'yan, and'yan na kami maya-maya." Okey po, areglado!
After few minutes, dumating sila sakay ng susuki vitara. Sumakay na ako at bumati ng magandang gabi sa kanil at nagpakilalang muli. Pinakilala ako ni sir Noel kay kuya Talyo at kay kuya Rommel. Excited na'ku 'non habang tumakbo ang sasakyan. Mababait sila at mga joker din. Habang tumatakbo ang sasakyan, tinanong nila ako kung bakit daw ako nandito at nagkwento din sila tungkol sa trabaho. Marami na daw silang naging helper at pangilan na din ako. Karamihan kasi ng nagiging helper nila ay mga tourist din, kaya ubos visa lang din. Nakarating kami sa garahihan nila ng truck na ginagamit sa service, medyo malayo 'yon at first time kong makarating 'don.
Maganda ang gabi! Maraming bituin sa langit kahit may kalamigan ang klima 'don. Inayos na nila ang mga hose na gagamitin, nirolyo at pinaikot na sa truck. Handa na ang lahat at nagsuot na din sila ng uniform. Kinuha ni kuya Rommel ang kanyang sapatos na ginagamit sa service. Tinanong n'ya ako kung meron daw akong sapatos na gagamitin, meron daw isa pa na nakatambak 'don at kung gusto ko daw gamitin. Sinukat ko ang sapatos at sakto naman ang sukat nito sa paa ko kaya ginamit ko na din. Sumakay na din si sir Noel ng truck para ilabas ito! Matapos ilabas, sumakay na din kaming tatlo.
Binigyan ako ni sir Noel ng uniform, long sleeve na kulay orange. (Binigay ko 'yon kay pareng Alex 'nung umuwi na'ku ng 'Pinas.) Umalis na kami tungo sa pagseserbisan na lugar. Natanong ko kung saan kami magseservice, sa Grand Lisboa daw. Andoon na din ang pananabik ko.