Télécharger l’application
23.33% Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 7: Chapter 7

Chapitre 7: Chapter 7

"ANG sarap talaga ng sawsawan niyo Aling Ising!" Kumuha pa ako ng isang fishball mula sa hawak kong plastic cup.

"Naku! syempre naman, minsan ko lang kayo makita eh. Magmula noong grumaduate kayo ay bihira na lamang kayong mapadaan dito."

Napangiti naman ako rito. "Alam kong busy na kayo sa mga trabaho niyo kaya naman sinusulit ko ang pagkakataon na ito. Wag niyo ng bayaran 'yan. Malaki rin ang naitulong n'yo sa'kin lalo na ng nagsisimula palang ang karinderya ko."

"Hindi po puwede Aling Ising, negosyo niyo po ito. Dapat lang na magbayad kami."

Pagkatapos namin sa Arcade ay naisipan namin na dito na lang kumain.

Ising Eatery ang pangalan ng karinderya ni Aling Ising. Dito kami madalas tumambay ni Lorenzo noong nasa kolehiyo pa kami. Hindi kasi namin gusto ang nilulutong ulam sa university. Kaya nang matuklasan namin ang nag-uumpisa pa lang na karinderyang ito ay sinubukan agad namin, at hindi naman kami nagkamali dahil masarap talaga magluto si Aling Ising. Nasa mid-60's na si Aling Ising pero makikita pa rin na malakas pa ito at kayang kaya makipagsabayan sa mga kagaya namin.

Matapos namin kumain noon ay naging suki na kami dito. Sinasama na rin namin minsan ang mga kaklase namin. Kaya naman unti-unti na rin itong nakilala.

Ngayon na lang ulit kami nakabalik dito and I'm happy to see na unti-unti ng lumalaki ang dating kubo-kubo lang na kainan.

Naging malapit na rin sa'min si Aling Ising. Kaya madalas ay hindi na ito nagpapabayad sa mga kinakain namin ni Lorenzo. Pero syempre mariin naman namin itong tinatanggihan. Nagbabayad pa rin kami.

"Sabi ko na nga ba at kayo rin dalawa ang magkakatuluyan bandang huli." Pareho naman kami natigilan dito.

"Ho?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi ba't magkasintahan kayong dalawa? bagay na bagay kayo sa isa't isa."

Napatingin naman ako kay Lorenzo na tumingin din pala sa akin.

"Naku! hindi po." Agad kong pagtanggi dito. Baka mamaya makahalata si Lorenzo.

"Kung makatanggi ka parang luging lugi ka.." Humarap sa'kin si Lorenzo at tinitigan akong maigi.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Lugi naman talaga ako!"

"Wow choosy pa siya!" Sabi nito pagkatapos ay kumuha ng isang fishball.

Napahalakhak ako ng magkamali itong isawsaw sa maanghang na sauce ang fishball na kinakain nito.

"Oh! Shit! Aling Ising pahingi po ng tubig ang anghang po." Hindi magkandaugaga sa paghahanap ng tubig si Lorenzo.

"Ay! teka.. oh eto na." Kumuha ng tubig si Aling Ising at inabot ito kay Lorenzo.

"Ano ba 'yan Lorenzo! Hanggang ngayon ayaw mo pa rin sa maanghang." Hindi ko mapigilang tumawa pero pinipigil ko pa rin dahil alam kong malapit na maasar si Lorenzo. May pagkapikunin pa naman ito kung minsan.

"Diba usually paglalaki mas gusto nila ang maanghang pero bakit ikaw hindi?"

Matapos makainom ng tubig ay inilayo na nito ang maanghang na sawsawan. Lihim naman akong natawa dito. Takot na baka doon niya ulit ito maisawsaw.

"I just don't like spicy. At Kara, iba-iba ang klase ng tao. Some like spicy and others may not. So quit comparing."

Napalingon naman ako sa bagong dating na kausap ni Aling Ising. Namilog ang mata ko nang makilala kung sino ito.

"Lorenzo, si Dustin oh.." Turo ko pa sa pwesto nila ni Aling Ising.

Lumingon saglit si Lorenzo pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa kinakain.

Napansin ko na kumuha si Dustin ng spicy sauce. "Bakit si Dustin nakain siya ng maanghang? ikaw hindi."

Lumingon naman si Lorenzo kay Dustin. "I told you, quit comparing."

Napansin kami ni Dustin kaya kumaway ako dito. Nagsalubong naman ang kilay ni Lorenzo nang makitang papalapit sa amin si Dustin.

"Kara, Dustin.. Longtime no see, 'musta?" Nakangiti itong bumati sa amin. Hindi man lang tumingin si Lorenzo sa lalaki. Kaya ako na ang sumagot dito.

"Ayos naman kami Dustin..ikaw kumusta?"

Nakangiting ibinaling nito kay Kara ang atensyon. "Eto.. Hinihintay pa rin kita." Kinindatan ako nito.

Nagulat naman ako ng marahas na ibinagsak ni Lorenzo ang basong iniinom nito.

"Same Dustin, hindi ka pa rin nagbabago."

She bit her lower lip because of the growing tension of this two boys. College pa lang sila ay hindi na magkasundo ang mga ito. Ayaw na ayaw ni Lorenzo kay Dustin, dahil na rin sa imahe ni Dustin. Kilala kasi si Dustin as a Campus Playboy, kaya hindi nito gusto na lumalapit si Dustin sa akin. Idadagdag lang daw ako nito sa mga koleksyon nitong babae.

Kaibigan ko lang naman si Dustin at ang isa pang dahilan kung bakit iniinis nito sa Lorenzo ay dahil alam nitong may gusto ako kay Lorenzo. Palagi kasing sinasabi sa akin ni Dustin na may gusto din daw sa akin ang matalik kong kaibigan. Kaya to prove those suspicion, he keeps on making Lorenzo annoyed.

Nagpapanggap siyang may gusto sa akin kaya naman madalas ay nag-aaway si Lorenzo at Dustin. Wala namang gusto sa akin si Dustin dahil matagal na itong engaged sa longtime girlfriend nito. Inililihim nga lang nito ito sa ngayon dahil medyo complicated pa daw. Siya lang sinabihan nito sa bagay na 'yun.

"Bakit? may boyfriend na ba si Kara?" Ngising ngisi ito habang pinagmamasdan si Lorenzo who closed his fist because of anger.

"Kara?"

Sinisenyasan ko ng palihim si Dustin na itigil na ang pang-iinis nito dahil malapit ng magalit si Lorenzo.

"Wala pero-"

"Yun naman pala so may pag-asa ba ako Kara? Alam mo naman na college pa lang tayo gusto na kita." Gusto ko nang batukan ito dahil pinipigilan nitong matawa sa mga pinagsasabi. Hindi pa ito nakuntento, hinawakan pa nito ang kamay ko.

"May pag-asa ba ako kung liligawan kita-" Naputol ang anumang sasabihin nito ng hilahin siya ni Lorenzo at kwelyohan.

"I told you to stay away from her. You'll just hurt her!" Hindi agad ako nakakilos sa gulat pero ng matauhan ako ay agad akong pumagitna dito para pigilan ang dalawa.

"Stop it! Lorenzo let him go."

Pero hindi ako pinansin nito.

"Why? your just a friend of her. Wala kang karapatan panghimasukan ang buhay pagibig ni Kara." Dagdag pa ni Dustin.

Bahagyang natigilan si Lorenzo kaya nagkaroon ako ng tsansang pumagitna dito upang paglayuin silang dalawa. Nakakahiya pinagtitinginan na sila.

"Pare, kaibigan ka lang naman niya pero kung makaasta ka. Daig mo pa ang Boyfriend niya!"

"That's enough! Dustin, umalis ka na." Hindi ako galit kay Dustin. Totoo naman talaga ang sinabi nito. Kaya minsan hindi ko mapigilang umasa na sana mahal nga ako ni Lorenzo higit pa sa pagiging magkaibigan. Pero kailangan na nitong umalis dahil baka kung saan pa umabot ang init ng ulo nila.

"Kara, I'm sorry for the trouble pero if ever na saktan ka nito. You can always call me. Okay?" Ngumiti na lang ako dito para umalis na ito.

Binalingan ko ng tingin si Lorenzo. Nakasunod pa rin ang tingin nito sa umalis na lalaki.

"Loren-"

"Do you still have connection to him?" Hindi ko mapigilang matakot kay Lorenzo. Ibang-iba ang Lorenzo na kasama ko kanina sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Wala. Ngayon ko lang siya ulit nakita."

"So what do you mean by 'You can always call me' ng ungas na 'yun?" Padabog na nitong kinuha ang gamit. Lumapit ito kay Aling Ising.

"Aling Ising ito po yung bayad namin. Pasensya na po hindi na po ako magtatagal. Alis na po ako." Inabot nito ang bayad sa matanda.

Dali-dali ko naman kinuha ang aking bag upang habulin ang nauna nang lalaki.

Napadaan pa ako kay Aling Ising na sinundan ng tingin si Lorenzo.

"Una na rin po ako Aling Ising. Salamat po sa pagkain. Daan po ulit kami dito next time."

"O sige, mag-iingat kayo."

Agad akong lumabas at lumingon sa kaliwa't kanan kung saan dumaan ang lalaki. Nang makita ko ito ay tumakbo ako upang mapantayan ito.

"Hey! wait for me.." Tinakbo ko ang distansya namin.

Magkasalubong pa rin ang kilay nito nang maabutan ko.

"Ano ka ba! wala lang 'yun. Iniinis ka lang no'n, napikon ka naman agad." Sabi ko.

Tumigil ito at matalim akong tinitigan. Oh no. Wrong choice of words Kara!

"I mean.. Ganu'n naman talaga 'yun simula pa nung college. Hindi ka pa nasanay." Pagdadahilan ko.

Masama pa rin ang tingin nito sa akin. "Saka hindi naman ako padadala sa mga flowery words niya 'no! kaya don't worry. I can manage." Pagmamalaki ko dito na sinamahan ko pa ng pagsuntok suntok sa dibdib para with conviction.

Nakatingin lang ito 'nung una, maya-maya ay nagsimula itong humakbang palapit sakin. Napahakbang ako paatras.

Napayuko ako dahil akala ko ay sisigawan ako nito pero hindi iyon ang nangyari. Hinawakan nito ang aking kamay at kinuha ang panyo mula sa bulsa.

Pinunasan nito ang kamay ko na siyang hinawakan ni Dustin kanina.

"This will be the last time that you'll allow him to touch you." Mariin pa rin nitong hawak ang aking kamay at patuloy pa ring pinupunasan.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Pakiramdam ko nagseselos ito kay Dustin. Gusto ko tuloy maniwala kay Dustin, na may gusto nga sa'kin si Lorenzo. Pero biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Cristine.

Binura ko sa'king isipan na nagseselos si Lorenzo kay Dustin.

"Hoy! Kara. Tulala ka?"

Tumingin ako kay Lorenzo.

Bakit kasi hindi ko magawang umamin sa'yo Lorenzo. Gusto kong ipaalam sa'yo na mahal kita pero natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Baka layuan mo ako.

Ikinurap ko ang aking mga mata na natulala kay Lorenzo. "Wala. Ang kinis kasi ng mukha mo. Anong gamit mong products? ponds men? nivea?" Hinaplos ko pa ang mukha nito.

Napahalakhak naman ito sa kanya. "Seriously?"

"Bakit? masama bang magtanong? malay mo naman effective sakin. So ano nga?"

"Your silly."

Ginulo nito ang buhok ko at nagsimula nang maglakad.

Humabol ako dito, "oy! ano nga? Share mo naman sa'kin skin care routine mo.."

Nakangiti na ito. Mukhang nakalimutan na nito ang alitan nila ni Dustin kanina.

"I don't have skin care routine. It's all natural."

Nanliliit ang matang tiningnan ko ito. "Wow ah! saan nakatago ang nag-uumapaw mong confidence?"

Bigla itong tumigil kaya nabunggo ako sa matigas nitong likod. Humarap ito sa akin at bahagyang yumuko.

itinuro nito ang mukha. "Here. It's all in here."

Itulak ako ang mukha nito gamit ang aking palad. "Tinatangay na ako ng bagyong Lorenzo kaya umalis na tayo."

His smile turns to laughter because of what I said. Pero natigilan ito ng marinig ng pagring ng phone ko.

"Your phone is ringing Kara."

"Oh." Kinuha ko ang phone at sinagot ito ng hindi tinitignan ang caller.

"Hello..."

"Kara.. I'm home sweetie!" Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ng nasa kabilang linya.

"Pa!"

Umuwi na pala si Papa. I really missed him. Ilang buwan ko din itong hindi nakita because of our business abroad.

"Sweetie.. Papa needs your help."

Napakunot ang aking noo. "What is it Pa?"

"I will tell you when you get home."

"O-kay po."

"Bye Sweetie. Take care." In-end call niya na ito.

Nakakatitig pa rin ako sa aking phone kahit pinutol na ni papa ang tawag. Iniisip ko kung ano kaya ang maaring hinging tulong sa'kin ni papa.

May problema ba sa kumpanya?

--

Author's Note: I'm back. Naging busy ako this past few days. Hope you like this chapter. Don't forget to vote. Thank you 😘😘


Load failed, please RETRY

État de l’alimentation hebdomadaire

Rank -- Classement Power Stone
Stone -- Power stone

Chapitres de déverrouillage par lots

Table des matières

Options d'affichage

Arrière-plan

Police

Taille

Commentaires sur les chapitres

Écrire un avis État de lecture: C7
Échec de la publication. Veuillez réessayer
  • Qualité de l’écriture
  • Stabilité des mises à jour
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte du monde

Le score total 0.0

Avis posté avec succès ! Lire plus d’avis
Votez avec Power Stone
Rank NO.-- Classement de puissance
Stone -- Pierre de Pouvoir
signaler du contenu inapproprié
Astuce d’erreur

Signaler un abus

Commentaires de paragraphe

Connectez-vous