Nagulat si Borjo sa sigaw ni Kabatao, bago niya naisip na muling sulyapan ang sarili
Prinsipe Borjo : aaaaah anong nangyari sakin??? bakit ako naging sea horse???
Kabayuhan : bossing kami din naging sea horse!!! ang singit naman ni Kabayuhan kay Borjo na kasalukuyang nagpa panic.
dagling napatingin si Borjo kay kabayuhan at kabatao pagkatapos ay... sabay sabay silang napasigaw
Borjo : aaaaaaahhhhh
Kabatao : aaaaaaahhhh
Kabayuhan : aaaaaaahhhh
ang malakas na sigaw ng tatlo bago sabay sabay ding nagbaling ng tingin sa salarin. mm siya nga... si Arnie ang salarin kung bakit sila naging sea horse.
Prinsipe Borjo : Arnie!!! anong ginawa mo??? bakit mo kami ginawang seahorse???
Arnie : ah.... eh..... ..... kailangan yan para makalangoy at makahinga kayo sa ilalim ng tubig..... oh... diba ang cool naman!!!!
Prinsipe Borjo : grrrrrrrrr anong cool sinasabi nito??? hindi niya ba nakikita ang itsura naming tatlo??? mga mukha kaming alien!!! ang asar na bulong ni Borjo sa sarili .
Arnie : may..... sinasabi ka ba Borjo, ang biglang tanong ni Arnie na naulinigan pala ang kanyang sentimyento.
Prinsipe Borjo : ha??? eh.... wala..... wala ang dagling sagot ni Borjo, bago nagsimulang lumangoy palayo kay Arnie.
Arnie : ah.... kala ko kasi, nagagalit ka..... ang sabi naman ni Arnie.
alam nyo kasi, hindi kayo maka hihinga at maari ninyong ikalunod kung hindi ko kayo ginawang seahorse. Ang agad na paliwanag ni Arnie sa tatlo na sabay pang tumango habang kuryosong pinag aaralan ang sarili.
Tatlong seahorse : ( borjo, kabatao at kabayuhan) ah ganon ba??? salamat....
maraning salamat, ang bait mo naman ang nakangiting sagot ng mga ito.
Arnie : dapat sana isa lang ang kailangan ko, ngunit mas maganda rin kung may reserbang seahorse na magagamit diba???
Borjo : extra sea horse??? para saan naman???
Arnie : baka kasi magutom aq sa pag lalakbay kaya dapat talaga may extra.
Borjo : ah????
Kabayuhan : 😬😬😬 (anong kaugnayan ng gutom niya sa amin?)