Sa wakas narating na nila Arnie ang mahiwagang batis, ang lahat ay nag-hanap
ng magandang pwesto upang hintayin ang pag-sapit ng hating - gabi at saksihan
ang ritwal ng pag sasanib.
ARNIE : mahal na hari... Kailangan po ba talagang hintayin pang mag hating -
gabi, bago isagawa ang ritwal? Ang tila nag aatubiling tanong ni Arnie kay haring
Boras, habang hawak ang laylayan ng mahabang gown na ipina sadya pang ipagawa
ng reyna sa mga mananahi ng palasyo.
HARING BORAS : Oo Arnie, kina - kailangang eksaktong hating - gabi isagawa ang ritwal
kasabay ng pag - ikot ng buwan sa mismong pagitan ng mundo at araw. Mayroon bang
problema Arnie???
ARNIE : wala naman ho ... Ayos lang ang lahat, kaya lang..... Ang sagot ni Arnie
na ibinitin pa ang sinasabi, na naging sanhi upang ang lahat ay naka - nga ngang
nag - hintay sa kanyang susunod na sasabihin.
HARING BORAS : mabilis na isinara ni haring Boras ang bibig na naka - nga nga bago
nito muling tinanong si Arnie.
Kaya lang????? ay ano ??? may dinarandam ka bang kakaiba??? Ang nag - aalalang
tanong muli ni haring Boras
ARNIE : aaaaaaahhhhh wala naman ho........ Pakiramdam ko lang ay para akong
isang manananggal sa gitna ng batis na naghihintay ng hating gabi bago tubuan ng pakpak
HARING BORAS : 😬😬😬😬😬
REYNA MAREANA : 😬😬😬😬😬
PRINSIPE BORJO : 😬😬😬😬😬
HARING USARIN : 😬😬😬😬😬
PRINSESA USANA : 😬😬😬😬😬
LAHAT NG TIKBALANG AT ENKANTADONG USA : 😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂
nakangiting sinulyapan ni Arnie ang lahat na ibat iba ang reaksyon ng mukha dahil
sa kanyang sinabi, wala sa hinagap ng lahat na umiiral na naman ang pagiging pilya
ng dalagita,o sa mas tamang salita. Umiiral na naman ang pagka praning nito epekto
ng bilog na naman ang buwan....
ARNIE : Mahal na hari........ Diyan na muna kayo sa pampang ng batis, ingat po
kayo at baka kayo ay madupilas, mas mahirap po yatang sagipin sa ilalim ng tubig
ang medyo maitim na beybing kabayo..... Ang nakangisi pang sambit ni
Arnie bago tuluyang nag-lakad sa ibabaw ng tubig ng mahiwagang batis sa
pamamangha ng lahat.