Nangingiting binasa ni Lia sa kanyang ina ang mga mensahe na galing kay Arnie.
kumunot ang noo ni Betty, iniisip kung sino sa kambal ang iniibig ng anak na si Jr.
Muling inutusan ni Betty na magpadala ng message si Lia kay Arnie, ngunit muling nakatanggap ng chat mula kay Arnie si Lia na nagsabing ito ay mag lo log out muna upang puntahan ang ama at kapatid na si Jr.
Sinabi rin nito na tapos ng isulat ng kanyang ama ang lahat ng kailangang bilhin at papunta na sa kanila ang dalawang tikbalang na si Kabatao at Kabayuhan.
pinakiusapan niya si Lia na tulungan nila ng kaniyang asawang si Yel ang dalawa sa pamimili sa bayan.
Sinabi rin niya kay Lia na may dalang isang sako na puno ng ibat ibang uri ng batong hiyas si Kabatao upang ibigay sa kanyang ina.
Nabili lahat ng kailangang Materyales upang gamitin sa pagkakabit ng linya ng tubig.
Masusing ininspeksyon ni Peter ang mga materyales kung walang depektibo upang masigurong walang magiging problema sa sandaling ikinabit na nila.
Kinabukasan maagang gumising si Arnie, nag almusal siya ng instant noodles kasabay ng hari at reyna.
Pagkatapos mag almusal, pinuntahan ni Arnie ang kanyang ama at kapatid na ginagawa ang mga tubo na linya ng tubig sa tulong ng mga tikbalang.
dalawang araw ang inabot bago natapos ang paglilinya ng mga tubo sa loob at labas ng palasyo, naikabit na rin ang mga gripo at shower sa paliguan ganon na rin ang gripo sa kusina ng palasyo.
Sa loob ng silid ni Arnie ay maayos na rin ang mga gripo at shower na ikinabit sa dingding ng specialise magic bathroom con comfort room.... ang cr bathroom na ginawa sa pamamagitan ng magic.
Bago maghapunan, tumanggap ng bisita ang hari mula sa kaharian ng mga usa.
Dala ng panauhin na tagapag hatid ng balita ang paanyaya ng hari ng mga enkantadong usa sa hari at reyna ng tikbalang ,kay Prinsipe Borjo ,kay Arnie at sa kanyang ama at kapatid.
Ang paanyaya ay para sa isang pagtitipon na gaganapin sa ikatlong araw mula sa araw na iyon bilang pasasalamat sa pagdating ng itinakda sa Mundo ng mga engkanto...
masayang masaya si Jr nang marinig mula sa kapatid ang balita tungkol sa paanyaya, hindi pa man ay excited na ito....
JR : ate Arnie... ano ang isusuot kong damit sa pagpunta natin sa kaharian ng mga Enkantadong Usa?
Nangiti si Arnie bago bahagyang ikinumpas ang kamay sa harapan ng kapatid.
sukat noon ay biglang nagbago ang damit na suot ni Jr. ....naging isang napaka garang slacks at tuxedo na may bow tie ang kanyang damit na suot.
ARNIE : oh ayan!!! anong masasabi mo sa damit na yan?
JR : wow!!! ate!!!! ang galing mo!!! paano mo natutuhan ang magic na yan? ang buong paghangang tanong ni Jr sa kapatid.
ARNIE : Noong nagpaturo ako sa taga pag lingkod ng palasyo kung paano maglaba ng damit sa pamamagitan ng magic....
aksidenteng natutunan kong gawin ang magic na iyan, paliwanag ni Arnie.
Sa talon kinabukasan kumpleto na ang lahat ng linya ng tubo maliban sa huling pinaka malalaking tubo na dadaan paikot sa gilid ng ilog papunta sa talon,.
kailangan nilang lagyan ng suportang clamp ang bawat dugtungan ng tubo na ibabaon sa sahig ng gilid ng ilog at sa dingding ng talon upang masiguradong matibay at di magagalaw ang dugtungan.
Dahil ginto ang dingding ng talon, hindi madaling ibaon ang mga clamp, lalo na ang tubong nakasahod mismo sa agos ng talon.
Tumulong si Arnie sa pagbabaon ng mga clamp sa dingding ng talon gamit ang kanyang kapangyarihan.....
Itinapat niya ang kanyang mga kamay sa tubo at mga clamp, kinontrol niya ang mga clamp at unti unting ibinaon sa dingding ng talon sa pamamagitan ng pagtulak ng kanyang mga palad na kumokontrol sa mga clamp at malalaking tubo