KINABUKASAN
Nagtungo sa bahay nila Arnie si Kabatao at kabayuhan dala ang mga batong hiyas upang ibigay sa magulang ni Arnie.
KABATAO : magandang araw ho sa inyo magulang ng itinakda,
Ako po ang Mataas na pinuno ng mga kawal sa kaharian nang Mundo ng Tikbalang, naparito ako upang ibigay sa inyo ang munting regalo mula sa aming hari....
pahayag ni Kabatao na yumukod bilang paggalang bago iniabot kay Peter ang katantamang laki ng gold chest na naglalaman ng ibat ibang uri ng mga hiyas na bato.
Nanlaki ang mga mata ni Peter at ng kanyang asawa ng mamasdan ang mga hiyas na bato na halos umapaw sa dami sa loob ng golden chest.
PETER : napakaraming kayamanan naman niyan? Iyan ba ang kaukulang dote na ibibigay ninyo para sa aking anak?
Nasaan na ang aking anak? bakit hindi ninyo siya isinama ? tanong ni Peter kay Kabatao
JR : Itay, nag chat po si ate Arnie doon daw muna siya sa palasyo ni Prinsipe Borjo,
ibinilin niya na ipadala natin ang charger ng kanyan cellphone at ang power bank niya, i charge daw muna bago ipadala sa pinuno ng mga kawal ng tikbalang .
PETER : Siyanga ba anak? wala na ba siyang ibang sinabi? baling na tanong ni Peter kay Rj
ang sabi ni ate Arnie, tulungan daw po natin humanap ng maliit na automatic generator set sa bayan si Kabatao?
ibili din daw po natin ng maraming prepaid card at pocket wifi si ate, saka ilang bagong cellphone na may camera.
gamitin daw natin ang mga gintong hiyas upang makabili nang mga ipinabibili niya,
at kung maaari ay ibili din siya nang tinapay palaman rice cooker at bigas pati na mga instant noodles at ready to eat na pagkain.
hindi daw po kasi niya alam kung pwede niyang kainin ang mga pagkain sa palasyo, maliban sa mga prutas.
muling pahayag ni Jr habang binabasa ang chat ni Arnie sa messenger .
JR : Eto pa, sabi din ni ate Arnie pagkatapos natin mabili lahat ng mga ipinabibili niya wag daw natin kalimutan magpadala ng ilang galon ng gas na magagamit sa generator at mahabang extension at mga kable ng kuryente para sa paglilinya ng kuryente papunta sa kanyang silid.
mag video call daw siya sa atin mamayang gabi kapag may load na ang cellphone niya.
PETER : Paano nila ikakabit ang linya ng kuryente? muling tanong ni Peter habang tahimik at kuryosong nakikinig si Kabatao at Kabayuhan.
laking pagkamangha nila sa maliit at magandang bagay na ginagamit ni Jr upang makausap ang kapatid na nasa mundo ng tikbalang.....
JR : Sandali lang po itay at itatanong ko kay ate, sagot ni Jr.
At muling nagpadala ng mensahe sa messenger si Jr kay Arnie.
Si Arnie naman ay tuwang tuwa na binabasa ang bawat chat sa kanya ng kapatid at mga kaibigan, pati na ang chat ni Morgana at Arriane, laking tuwa niya ng makitang malakas ang signal sa kanyang cellphone,
sa kabila ng katotohanang naroroon siya sa ibang dimension ng mundo.....
SA MUNDO NG MGA TIKBALANG :
dali dali niyang sinagot ang pumasok na mensahe galing kay Jr.
ARNIE : Sandali lang Jr itatanong ko muna sa hari kung maari kayong pumunta at mamalagi dito pansamantala upang magkabit ng linya ng ilaw pati na ang pag assemble ng generator set.....
at nagmamadali na itong lumabas ng silid at pumunta sa bulwagan, kung saan naroroon ang hari at reyna.
Agad na ipinaliwanag ni Arnie sa hari at reyna ang kanyang pakay, saka nagmamadaling bumalik sa kanyang silid matapos makuha ang pag sang ayon ng hari.
Jr pwede daw kayo pumunta dito ni tatay at manatili dito pansamantala upang maikabit ang linya ng ilaw at generator,....
ang agad na sabi ni Arnie sa kapatid matapos isarado ang pinto ng kanyang silid.
pag nabili ninyo ang lahat ng kailangan, isasama kayo dito ni Kabatao at kabayuhan.
madaling nabili ni Peter ang lahat ng ipinabibili ni Arnie sa tulong ni Kabatao at Kabayuhan,
nagdala sila ng ilang piraso ng ginto at diyamante sa bayan at ibinenta sa isang malaking bahay sanglaan ng bayan upang may maipambili sila ng lahat ng kailangang bilhin, nag grocery na rin sila at namili ng ilang sakong bigas
halos manginig ang kamay ni Peter ng mahawakan ang malaking halaga na pinag bentahan ng diyamante at ginto....
Matapos nilang mamili, nagpaalam si Peter kay Betty at sa mga anak upang tumungo sa kaharian ng mga tikbalang
Binuksan ni Kabatao ang portal na lagusan papasok sa Mundo ng mga Tikbalang.
pansamantalang naiwan si Kabayuhan kasama ang ilang kawal na naroroon upang siguraduhing ligtas ang ina mga kaibigan at kapatid ni Arnie.
Sa kaharian ng mga tikbalang, abalang nakikipag video call si Arnie sa mga magulang at kapatid ng gabing iyon....
ipinakita niya sa ina at mga kapatid ang ibat ibang bahagi ng kaharian, pati na rin ang silid na kinaroroonan ng ama at kapatid na si Jr