Nawala ang mabining ngiti sa labi Arnie , unti unti siyang humakbang, nilagpasan ang bayaw at mga kabinataang bagong kakilala at deretsong bumaba sa hagdan.
YEL : oh Arnie.... saan ka pupunta? pagtawag at tanong ng bayaw sa kanya
ARNIE : dito lang sa labas kuya, sagot ni Arnie bago tuloy tuloy na bumaba at pumunta sa labas kung saan naroon ang lalaking pamilyar na umiinom ng de bote sa harap ng tindahan..
Nilapitan ni Arnie ang lalake nag aatubiling kausapin ito at tanungin, ngunit sa huli'y hindi siya nakatiis at pasimpleng lumapit sa tindahan upang bumili. habang hinihintay na ibigay ng tindera ang sachet ng shampoo at conditioner na binili, pasimpleng tinanong ni Arnie ang lalake na noo'y umiinom ng muli sa de boteng hawak.
ARNIE : Mama..... ikaw ba si prinsipe Borjo? deretsong tanong ni Arnie dito,
humarap sa kanya ang lalaking tinanong at matamis na ngumiti, tila natuklaw ng ahas si Arnie sa kinatatayuan ng masilayan ang matamis na ngiti ng gwapong lalake
PRINSIPE BORJO : Kung sasabihin ko bang ako nga? maniniwala ka ba? o magagalit? balik tanong nito sa kanya.
ARNIE : aaaahhhh hmmm medyo nauutal na usal ni Arnie na tila namaligno at ninakaw ng pusa ang dila na di makapagsalita
Ng bumalik ang wisyo ni Arnie sa sarili, tinitigan nya ng deretso ang lalake saka sinabing...
Magagalit ako dahil sa ginawa mong tangkang pagkuha sa akin nuong una,pero salamat din sa ginawa mong pagliligtas sa akin sa kamay ni Prinsipe Matuling sagot ni Arnie dito habang ang mga pisngi ay namumulang parang hinog na mansanas.
PRINSIPE BORJO : Paano mo nasabing iniligtas kita? muling tanong nito kay Arnie
maaaring panaginip lang ang lahat pero alam ko..... totoong nangyari lahat ng yon, patunay ang marka ng kamay sa braso ko sagot ni Arnie
Maya maya pa, tinawag ang pansin ni Arnie ng tindera upang ibigay ang binili nya at sukli.
TINDERA ELMA : ineng.... heto na ang binili mong shampoo at conditioner pati na ang sukli, abot nito kay Arnie habang ang mga mata ay nakatutok kay Borjo.
ARNIE : maraming salamat po.... pasasalamat ni Arnie sa tindera..
bago umuwi si Arnie muli nyang tinanong si Prisipe Borjo.
Isang tanong na lang ang gusto kong sagutin mo, KALABAN KA BA O KAAWAY? tanong ni Arnie dito, habang nakatitig sa kulay abong mga mata ni prinsipe Borjo